Chereads / Madeline Iris / Chapter 4 - Kabanata tatlo

Chapter 4 - Kabanata tatlo

Nagising ako na mayroong mainit na bagay ang humahalik sa leeg ko, kasabay nun ay ang nakakakiliting pakiramdam sa pagitan nang mga hita ko. Napaungol ako nang isagad ito sa loob ko dahilan para mapadilat ako, nabungaran ko ang lalaking umaangkin saakin na parang sarap na sarap sa pag-angkin sa katawan ko.

"Ahhh!...Ohhh!..." Ungol kong muli napahawak ako sa balikat niya at lalong sumagad ito sa loob ko, pabiling-biling din ang ulo ko, isang halik na napakasarap ang isinalubong niya saakin dahilan para lalo akong masarapan sa ginagawa niya, ganito pala talaga kasarap sa pakiramdam ang maangkin nang lalaking mahal mo.

"Baby, I love you so much!" Nagulat ako sa ibinulong niya at napapikit namalayan ko na lang na tumulo na ang mga luha sa mga mata ko.

"Hey, bakit ka umiiyak?" Alala niyang tanong bahagya siyang natigil sa paggalaw dahilan para iangat ko ang balakang ko para hindi siya makawala sa lagusan ko.

"Wag kang titigil Theo." Pakiusap ko sa kanya imbis na sagutin ang tanong niya.

Ang mga sumunod na sandali ay sadyang napakasarap sa pakiramdam, kung hindi pa ako umungot na tumigil na siya ay hindi talaga siya titigil. Kaya ang resulta ay hindi ko maigalaw ang katawan ko dahil pakiramdan ko ay konting galaw ko lang ay mapupunit ang bawat himaymay nang katawan ko.

Napabalikwas ako nang magising ako mula sa panaginip kaya muli akong nahiga sabay tingin sa orasan five thirty pa lang ng umaga, napapikit ako pero naramdaman ko ang ibabang bahagi ng katawan ng salatin ko ito sa ibabaw ng panty ko ay doon ko napagtanto na basang-basa pala ako, another wet dreams. At si Theo lagi ang laman ng panaginip ko.

Mababaliw na yata ako at nandidiri din dahil sa sunod-sunod kong panaginip na puro kalaswaan lang.

Dalawang linggo narin ang lumipas mula nang makita ko si Theo sa mall, at simula non ay may mga kumalat nang mga larawan nila sa social media na rumord girlfriend daw nito ang babae, pero hindi naman siya nagpapaunlak ng mga interview dahil pribado siyang tao at ngayon ko lang napagtanto na sikat nga pala si Theo sa buong bansa lalo na sa pangalan ng negosyo dahil tulad ni Uncle Trey ay magaling din siya sa negosyo at bukod doon ay isang bilyonaryo pa ito. Timothy Pierre Jacinto De Savvare is a epitome of perpection of a man, gwapo, mayaman, matalino, magaling sa negosyo, sikat at habulin ng mga babae. Bukod pa doon ay isa din siyang abogado kaya sino ang hindi magkakagusto sa kanya.

Nanliliit tuloy ako sa sarili ko dahil hindi birong tao si Theo.

At hanggang ngayon hindi parin siya nagpaparamdam pero lagi naman iyon ang nangyayari, sa tuwing kailangan lang naman niya ng parausan saka niya ako naaalala kaya napakabigat ng loob ko ngayon.

Napatigin ako sa sarili ko sa salamin isang babaing walang kabuhay-buhay ang mga mata, nanlalalim ito dahil sa puyat, at kakaiyak ko gabi-gabi sa tuwing nasa tabloid at social media ang mga larawan nila ng babaing iyon pero kailangan kong magpakatatag dahil konting panahon na lang ang titiisin ko at makakalayo na ako dito, sa lugar na ito malayo sa buhay ng lalaking iyon.

Nagsimula na akong ayusin ang mga gamit ko na nakakalat sa kama ko, gumagawa ako ng thesis kaya nagkalat ang mga papel pati ang damit ko ay nakalagay lang sa sofa dahil di ako nakakapagligpit dahil sunod-sunod ang mga gawain ko sa school.

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa gate ng university.

"Wow! Ang lalim nun ah" napatingin ako sa lalaking sumabay sa paglalakad ko hindi ko siya pinansin atsaka ako nagpatuloy sa paglalakad.

"Hey! Sandali!" Napatigil ako sa paglalalad at hinarap ko siya tiningnan ko ang relo ko may limang minuto pa ako bago magsimula ang unang klase ko.

"May kailangan ka ba?" Tanong ko sa kanya nakita ko ang bahagya niyang pagtigil at napakamot sa ulo niya.

"Ako nga pala si Markus, magkaklase tayo sa lahat ng subject" napatango ako at napatingin sa paligid hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko ito kasi ang unang pagkakataon na may lumapit saking lalaki na walang bahid ng kabastusan ang pagpapakilala.

"Madeline" mahina kong turan sa kanya saka ako nagpatuloy sa paglalalad pero nakasunod lang siya.

"Hey! Gusto ko lang makipagkaibigan" marahas akong napatingin sa kanya sabay hinto ko sa paglalakad.

"Sinasayang mo lang yang gusto mo, sorry pero wala akong balak makipagkaibigan kahit na kanino" nakita ko ang pagkatulala niya atsaka bumuntong hininga iniwan ko siya agad at nagmamadaling umalis sa lugar na iyon.

Hindi ako pwedeng makipaglapit kahit kanino dahil hindi ako sanay na may pumapansin sakin dito sa skwelahan, gusto ko nang tahimik na buhay kaya kahit alam ko na mabuti ang motibo ng lalaking iyon ay hindi ko magawang makipagkaibigan sa kanya.

"Markus is talking to yoo before?" Napatingin ako kay Kayla isa sa mga kaklase ko at ang madalas na makipagusap sakin, siya lang kasi sa buong klase ang alam kong pwede kong makausap ng matino, yung iba kong kaklase na babae ay may kanya-kanyang mundo.

Inilapag niya sa harap ko ang trey na may lamang pagkain napatingin ako sa kanya at marahang tumango saka ako nagpatuloy na kumain ng tanghalian ko. Dito sa canteen na ako kumain dahil hindi ako nakapagbaon kanina dahil sa pagmamadali ko.

"Mag-ingat ka ha ex-boyfriend siya ni Bea at kilala mo naman siya diba?" Napatango ako sa sinabi niya iyon ang dahilan kung bakit ko iniiwasan si Markus Serano.

"Isa pa kapag nakarating sa kanya na interesado sayo ang ex niya ay baka maging biktima ka ng pambubully niya" dagdag pa niya hindi ko pinagtuunan ng pansin ang mga sinasabi niya at nagpatuloy sa pagkain.

Kaya nga iniwasan ko na ang lalaking iyon dahil sigurado ako na magugulo ang tahimik kong buhay.

Pagkalabas ko ng building namin ay medyo madilim ang langit kaya inilabas ko mula sa bag ko ang folding payong at hinanda para kung sakaling uulan ay hindi agad ako mabasa atsaka lumakad papuntang gate ng university.

Pagkalabas ko ay may bumusina sakin kaya gulat akong napalingon bigla akong kinabahan kaya hindi agad ako nakakilos.

"Maddie!" Pero nawala iyong kaba ko dahil ibang tao ang inaasahan ko napangiti agad ako ng makalapit siya sakin.

"Tyron. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko ng yakapin niya ako kaya sinuklian ko din ang yakap niya.

"Kahapon lang ako dumating mula Davao at dito agad ako dumiretso kasi na-miss kita" napatawa ako sa sinabi niya atsaka niya ako giniya papasok sa kotse niya.

Hindi ko inaasahan na uuwi agad si Tyron may trabaho siya sa Davao at tatlong buwan na rin mula ng makita ko siya, at nakahinga ako ng maluwag dahil hindi si Theo ang sumundo sakin.

Mabagal lang siyang nagdrive habang patingin tingin sakin saka ngumingiti, na-miss ko din naman siya pati ang mga ngiti niya na nakakadala.

"Saan nga pala tayo pupunta?" Maya-maya kong tanong napatingin siya sakin atsaka ibinalik ang tingin sa unahan.

"Uuwi tayo sinundo kita, utos ni Tita Marion" napaayos ako ng upo at tiningnan siya ng seryoso.

"Hey! Alam kong hindi ka papayag kaya surprise!" Tinampal ko siya sa braso niya dahil naiinis ako, hindi man lang niya sinabi na uuwi kami.

"Hindi ako nakapagdala ng mga gamit ko" mahina kong turan.

"Are you serious? Bahay mo ang uuwian natin kaya natural may mga gamit ka doon." Medyo sumeryoso ang boses niya kaya napalunok ako.

Oo nga pala iyon ang naging bahay ko sa loob ng apat na taon at ang lugar na iyon ang nagbigay sakin ng masasaya at mapapait na alaala.

Inayos ko ang sarili ko sa pagkakasandal sa upuan at medyo binaba ito pumikit ako, matutulog na muna ako bago ako dalawin ng antok ay narinig ko pa na nagsalita si Tyron pero hindi ko na naintindihan kung ano ang sinabi niya...