Minsan lang talaga dumating sa point ng isang tao ang love. Akala mo siya na, pero hindi pa. Hindi mo aakalain na makakatukuyan mo 'yung isang tao na parang napakaimposible namang maging kayo.
Sa ngayon, ayan yung thinking ko palagi sa kakabasa ng mga istoryang parang napakaimposible namang mangyari sa hinaharap. Mga tipong Badboy yung mahuhulog sa Good girl, mga kunwari masungit na lalaki pero in the end ay babaluktot rin ang attitude nila dahil magmamahal sila ng tunay.
May mga naghahanap ng other love nila para makamove on, meron din naman na nagpapaganda para mapansin sila pero mas gugustuhin pa ng dream partner nila na maging simple at ibalik ang dating sila.
Merong mga childhood sweethearts, arranged marriage at kung ano-ano pa. Hindi ko na mabilang sa kamay ko ang mga story na nabasa ko pero ni isa, hindi ko naranasang magkaroon ng katulad sa mga iyon.
Ang hirap pala talaga gumawa ng sarili mong kwento. Tipong gusto mo kontrolado ang lahat at dapat masaya ka lamang pero hindi...
Narealize ko na the more you pushed something, the more na masasaktan ka.
It's always been like this. I don't have any exes, I don't have any boyfriends, but I had so many KALANDIANS. Walang label tapos puro ghosting. Dun naman lagi nagtatapos eh.
Since the day I started to root it to run after the guys I loved, sabi ko sa sarili ko tama lang 'yung ginawa ko kasi chance ko na 'to para makagawa ng sarili kong love story.
Ang tanong... will I be succesful? Makakabingwit ba akong muli?
The answer is still pending. I hope this won't last.
-Carrion Mandrel