The names, events and places in this story are all fictions. Some of the scenes are not applicable to young readers. Read at your own risk. Thanks everyone.
Former, Who is She under Bella, same author.
"Mamimili ako sa kabisera, dito ka lang at huwag na huwag kang lalabas," marahang pagtango lamang ang naging tugon ko sa kanya.
Kumalansing na ang kadena sa labas.
"Yehey!" Isa lang ang ibig-sabihin ng tunog na iyon, wala nang tao sa paligid. "Umalis na siya!, ang saya saya"
Tumayo na ako sa aking higaan, dahan-dahang inihahakbang ang aking mga paa papalapit sa pintuan. Kailangan kong maging maingat, dahil sabi niya ay mapanganib sa labas. Naka-paa lamang akong naglalakbay pakusina. Nandoon kasi ang pinto na hindi inaabalang kandaduhan.
Hindi ko masupil ang matagumpay kong ngisi. "Walang nakahuli sa akin, nakalabas ako. Ang galing-galing" sabay hagikhik at pagtalon-talon at pag-palakpak. Hindi ito ang una kong pagtakas na nagawa ko pag wala siya, ang bantay ko.
Ang bango ng hangin, ang liwanag ng paligid, magaspang ang pakiramdam ng mga dahon at lupa na aking inaapakan. Sumasabay sa galaw ng hangin ang mga dahon, huni ng ibon at lagaslas ng di kalayuang batis, at lumilikha iyon ng musika sa aking pandinig.
Napamaywang ako. "Mali siya" Hindi panganib ang nasa labas, kundi ang hindi matatawarang kagandahan.
Nagsimula akong maglakad sa kakahuyan. Mayroon akong mahaba-habang oras para maglaro bago pa siya makabalik. Nagandahan ako sa makinis na batong kulay puti. Idadagdag ko sa koleksyon. Napangiti ako sa naisip, namitas rin ako ng makukulay na bulaklak. Magandang palamuti ito sa aking munting lungga.
Malayo-layo na rin ang aking nababagtas. May mga boses akong naririnig sa di kalayuan. Kailangan kung makapagtago. Naalala ko pa ang paalala niya "Hindi mauunawaan ng iba ang pagiging espesyal mo kaya pag may tao sa paligid magtago ka agad" Sobra sobra ang kaba ko. Palinga-linga ako. "Saan? Saan? Saan ako pwedeng magtago?" Patikdi akong nagtatakbo hanggang makarating ako sa masukal na parte ng kakahuyan.
"Hindi nila ako mahuhuli" Pagmamagaling ko ng maglaho na ang mga boses sa aking pandinig. Humakbang ako paurong habang nakangiti at napahinto din. May dumikit na kung ano sa aking likuran.
Ahas? Patay, nasa masukal nga pala ako.
Dahan-dahan kong iginalaw ang aking katawan paharap at ipinikit ang aking mata. Nakarinig ako ng mahinang pag-ungol. Anong klaseng hayop ang may ganung ungol, di ko maalala.
Nilakasan ko ang aking loob na imulat ang aking mata at ang unang nasilayan ko ay ang malarosas na hugis labi. "Anong klase ng hayop ang may ganitong hugis na labi?" naisabulong ko.
Napakiling ako, humakbang paurong at doon ko lang napagtanto ang maliit na distansya ko.
Hindi isang uri ng hayop, kundi isang kalaro.
Nakasabit sa malaking sanga ng puno ang dalawang binti niya samantalang nakabitin naman ang kalahating parte ng katawan. Napangisi ako pero napawi din agad, may bahid ng kulay pula ang puting kasuotan niya at may mga galos sa mukha. Umungol uli siyang parang nahihirapan.
Pinagmasdan ko siyang maigi, dahan-dahang iminumulat ang namamagang mata. "G..get me down".
Bago sa pandinig ko ang winika niya. "Hindi ka tagarito!" Napatalon ako sa pagkasabik, pwede ko siyang maging kalaro.
Mukhang mahirap ang sitwasyon ni kalaro sa kanyang nakabiting pwesto. Sinubukan kong hilahin siya pababa "Ang bigat mo naman e" sabay kamot sa aking batok habang ungol ulit ang naging tugon niya.
Sinubukan ko ulit, ulit, ulit.
"Yehey!"
"OUCH!!!" ops nabigla ko yata ang pagkakahigit. Napahagikhik ulit ako.
Nakabaluktot na siya kasabay ng pag-ungol. Naku lagot, baka saktan niya ako, kasi nasaktan ko siya. Natataranta ako sa aking pwesto. Lalapit o hindi. Ilang beses kung sinubok na daluhan siya sa kanyang pagkakahiga pero baka saktan niya ako.
Sa huli ay lamapit rin ako. "A..ano—" utal kong sabi. Hahawakan ko dapat ang braso niya para yugyugin kasi kanina pa siya sa ganung pwesto pero biglang kumilos ang kabilang kamay niya. Nahigit niya ang bewang ko. Napapatong ako sa matibay niyang dibdib. Napamulagat ako sa ginawa niya. Nakakulong ang katawan ko sa bisig niya. Nakapikit pa rin ang mga mata niya at napagmasdan ko ang mala-adonis niyang mukha, kagaya ng mga larawan sa kabilang silid ng bantay ko.
Naaaliw ako sa pagmamasid sa anyo niya, makinis kung hindi lamang sa ilang galos. Marahan siyang humihinga. Ang bango niya, amoy dahon na sariwa. Nang mamemorya ko na ang bawat anggulo ng mukha niya ay idinantay ko na ang aking ulo sa kanyang matigas na dibdib.
Basa? Bakit ako mababasa? May butas na ba ang bubung ng lungga ko?
Iminulat ko ang aking mata. Wala ako sa aking lungga. Ikinurap-kurap ko ulit ang aking mga mata. Umuulan na pala. Ulan? Patay! hindi ako pwedeng mabasa ng ulan, malalaman niya na lumabas ako. Babangon sana ako pero may nakabalot na kung ano sa bewang ko. Anu yun? "Aaaaaaahhhhhhh"
Nagpumiglas ako, kaylangan ko ng bumalik sa lungga ko. "S..stop moving" Napahinto ako sa pagkawag ng marinig ko ang isang boses. Anla, sino to? bakit niya ako niyayakap? Ikinawag ko ang aking kamay at hindi sinasadyang matamaan ko ang baba niya, at dahil doon ay nakawala ako sa pagkakayap. Narinig ko pa ang mabagsik niyang ungol pero hindi ko na nilingon at nagpatuloy ako sa matuling pagtakbo.
Ang lamig na. Malapit na ako. Kaunting distansya na lang. "Ay! Huli ako" Nag-aaalalang mukha niya ang bumungad sa akin.
"Diba sinabi kong mapanganib sa labas" Napatungo na lang ako dahil siguradong hindi na ako makakalabas pero sumagi sa isipan ko iyong tao kanina sa gubat.
"Saan tayo pupunta?" Hindi ko pinansin ang tanung niya. Hinigit ko siya pabalik sa masukal na kakahuyan. "Nababasa na tayo ng ulan"
Napilitan akong lumingon sa kanya. "Shh.. naiwan doon iyong tao"