Chereads / 99.9% Not Into You / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

Patuloy sa pagta-type sa kaniyang laptop si Elly. She is now having a mental breakdown as of the moment when her friend Cleo entered the room.

"Ellysa Dean Samañiego! Let's go na!" Halata ang boredom sa mukha nito ng harapin niya Ito.

"Cleo, wait lang. Just need to revise this scripts for today's episode." Walang kalingun-lingon niyang sagot sa litanya nito.

Well, kung ibang tao lang Ito ay kanina pa niya Ito sinungitan. Ginagambala kase nito ang peace of mind na kailangan niya ng mga oras na iyon.

Cleo Therese Romualdo one of the finest and most amazing teen actress. Ang bansag nga ng showbiz dito ay "The ultimate crush ng bayan" pero para sa kaniya Ito si "Kleng" ang best friend niya simula elementary.

Kung ang imahe nito sa iba ay maganda, mabait, mahiyain, at mahinhin. Sa kaniya? Ito ay sira-ulo, malakas ang topak, maingay person with sense, masakit magsalita, at higit sa lahat mapagkakatiwalaan niya sa lahat.

"Patingin nga ako, friend!" Inagaw nito sa kaniya ang laptop at binasa ang bawat monologues sa eksena kung saan pagaawayan siya ng dalawang leading man.

"Ayyyy! Taray."

"Patakbong papalayo si Andrea kay Renz ng biglang umulan ng malakas. Iiyak ng malakasang dalaga sa nalaman na pagtataksil ng kasintahan. Nang biglang bumaba sa loob ng kotse si Alexander ang best friend nitong matagal nang may pagtingin dito."

"AYYYYYYYYY!" Tili nito muntik na niyang pasakan ng mga scratch papers niya ang bibig nito.

"Wag ka tumili, Cleo!" Halos mag-agawan sila sa laptop ng kaibigan.

"Wait, tapos lagay mo ito."

"Then she realize then and there that Alexander is the one for him. Patakbong lalapit sa kaniya ang binata magtatapat ito ng feelings. Hahalikan siya nito sa gitna ng ulan at walang pagtutol na makikita sa nararamdaman ni Andr...."

"Bakla kaaaaaa! I told you Hindi si Rushmore ang makakatuluyan mo sa telenovela na Ito. Si Peter iyon. Mapapagalitan ako ni Direk kapag nilagyan ko ng ganiyang scene ang istorya." Diin niya dito. Jowa kase nito ang second lead.

Rushmore and Cleo are secretly in a relationship for almost 2 years now. At ang kaibigan niya ay masaya dito kaya wala siyang masasabing reklamo sa relasyon ng dalawa. Ang masakit nga lang hindi ang jowa nito ang makakatuluyan sa istorya na Ito.

"Whatevah!" Pagtataray nito sa kaniya.

Sorry nalang friend. Minsan hindi ang scriptwriter ang laging nasusunod. Gustuhin man niya. Wala siyang magagawa.

"Yeah, yeah!" Paggaya niya sa pagtataray nito. At isang malakas na pitik sa tainga ang binigay nito sa kaniya bago tawang-tawang umalis.