It's almost 1 A.M in the US, subalit gising pa din si Shantal Rodriguez. She received an urgent call from her nanny who's in the Philippines asking her to return back to their home. "Shantal, Your dad, you must come home soon, your dad's condition is not really good." Mangiyak-ngiyak na sambit ng yaya nito. Huminga ng malalim ang dalaga, " Let his doctor's treat his illness, Yaya Santina. You see, I am not the right person to make him feel better at pagalingin ang karamdaman niya. I have a series of fashion shows with the most popular clothing line for this whole month. I cannot cancel all of my commitments just because of Dad. Well, anyway nandyan naman si Brent for him, diba? Iyon dapat ang papel ng ampon ni dad na yan diba? dahil siya lang naman ang nakikinabang sa lahat ng meron ang Rodriguez Group of companies ."
Her Yaya had seemed out of words to say. " Basta umuwi ka dito if you still wanted to see your father alive. Shantal , anak, matagal na yung mga nangyari noon, bakit ayaw mo pa rin magpatawad? Isa pa, ni minsan ay walang sinabing masama tungkol sayo si Brent." Malungkot na tugon ng Yaya nito, subalit, ayaw na niyang pahabain pa ang pag-uusap na iyon at pinutol na din niya ito. It's been 10 years since she left home and chose to stay in the US. She even established her career as a ramp model and got featured in a different magazine in the US, and became one of the top product's endorsers. She finished business Administration but change her path into modeling after her manager accidentally met her in a coffee shop in Colorado. In just two years Shantal has become successful despite living in that solitude which is sad and painful.
Poot at galit ang nasa puso ng dalaga, Subalit bumalik ang diwa nito at naalala ang mga salitang sinambit ng kaniyang Yaya Santina. Matagal na nitong nais na muling makita ang kanyang Daddy Edward, halos sampung taon nadin silang hindi nagkikita dahil iniiwasan niyang magkrus ang landas nilang mag ama. Sa tuwing nagpapahiwatig ang kanyang ama na dadalawin siya nito, dinadahilan nya kaagad ang kanyang hectic work schedules at travel commitment para sa pansariling career progression. Tinatanong nya ang kanyang sarili 'till when she will avoid her father? She is already at the peak of her age, 33 years old to be exact, same age of Brent dahil magkababata sila nito dangan nga lamang mas matanda ng ilang buwan ito sa kanya. And talking about Brent, bumabalik na naman ang galit na matagal na niyang kinikimkim sa puso niya. She left home at the age of 23, ten years to be exact, at kanina lang tinawagan siya ng Yaya niya upang kumbinsihin itong pauwiin. Walang itong idea kung ano ang totoong dahilan, ang alam lang niya'y malubha ang kalagayan ng kanyang ama. She got puzzled, why Brent didn't informed her in the first place?, gayong magkaibigan naman sila nito sa facebook.
Madali nitong binuksan ang kanyang messenger upang tignan kung may nga mensahe ba ito patungkol sa kalagayan ng kanyang ama, subalit, wala man lamang mensahe ang binata sa kanya. Ang huling palitan nila ng mga mensahe ay tatlong taon na ang nakalilipas. Galit ang naramdam ng dalaga sa mga sandaling iyon. Para bang gusto nyang magsulat ng libro tungkol sa binata at paulit ulit na patayin ito. Lalo pang nagtanim ng sama ng loob ang dalaga ng malaman niyang ito na ang chairman ng kanilang companya. Dali dali itong nagmensahe sa binata. Puno ng puot at galit ang kanyang napakahabang mensahe. Gustong gusto na nitong sugurin ang binata. Maya maya pa ay sumagot ng matipid ang binata sa napakahaba nitong mensahe.
"It's for our future."
Nauwi lamang sila sa matinding salitaan, ngunit tila siya lamang ang tanging galit na galit noong mga sandaling iyon, dahil bawat salita niyang masasakit kalmadong sagot lamang ni Brent ang nababasa niya. Niyaya siya nitong sa skype sila mag usap ngunit tumanggi siya dahil ayaw na ayaw niyang makita ang pagmumukha nito. She got flattered kapag nakikita niya ang gwapong mukha ng binata na parating nakangiti. Nagagalit siya dito dahil paborito ito ng kanyang mga magulang. Even her late mother loves Brent and treat him like he is part of their family. Speaking of her Mom, her tears fell down faster as she remembered the tragic car accident that took her mother's life.
Bumalik siya sa panahong iyon. Her parents were too busy doing different businesses. Lahat ng school activities niya si tanging ang kanyang Yaya Santina ang nandoon at umattend para sa kanya. She's a consistent honor student in her class at magkaklase sila ni Brent dahil paborito ito ng mga magulang niya. Wala itong nanay at tanging si Mang Cardo lamang ang magulang nito na family driver nila. Sa tuwing kaarawan ni Brent, ay lagi din itong pinaghahandaan at binibigyan ng magarbong ng kanyang mga magulang. Animoy para talaga nila itong anak kung ituring. Madalas ay nararamdaman ng dalaga na mas mahal ng kanyang mga magulang ang binata. Samakatuwid second choice lamang siya para sa kanyang mga magulang. Tinatarayan niya ito parati pero ni minsan ay hindi siya pinapatulan ni Brent. Laging ngiti lamang ang sukli nito sa kanya. She even wonder why Brent just give her the most sweet smile every time she acted that way. Kahit araw araw niya itong sinusungitan di man lang niya ito napansing nagalit o sumagot ng pabalang sa kanya, na lalong nagpapairita ng kanyang pakiramdam noon.
Bumalik siya sa panahon ng kanilang kabataan, nung nga panahong iyon ay kapwa sila nasa high school at parehong pumapasok sa La Salle University. Si Brent, bukod sa gwapo na matalino rin ito at consistent honor student sa klase nila. Higit sa ikinagagalit niya dito ay, sikat na sikat ito lalo na sa mga kababaihan, na tipong lahat ng atensyon ng mga babaeng estudyante sa buong campus ay nasa binata at halos gawin na lahat mapansin lamang sila nito, minsan pa ay may mga ipinapaabot ang mga ito sa kanya upang ibigay kay Brent. Subalit kahit gaano karami ang mga babaeng nagkakandarapa sa binata, di niya nakitang may nililigawan ito sapagkat parati itong seryoso sa pag-aaral, sa kadahilanang mga magulang niya ang tumustos at sa ibang pangangailangan nito. Samakatuwid, pamilya ang turing ng mga magulang niya kay Brent. Flashes of old memories back, the time she still at the age of twelve. " Will you please do not seat here at the back with me? Doon ka sa harapan katabi ng driver, bakit kaba dito sa tabi ko umupo? Allergic ako sa presensya mo. " sabay irap niya dito. Brent give his smile towards her. " Okay, no problem my princess, it seems your morning wasn't good today. Sorry, nakalimutan ko ayaw mo po ng may katabi. Lipat na ako sa harapan". Napangisi nalang ang kanilang driver habang nakatingin sa front mirror. " Mukhang bad mood ang senyorita ngayong umagang ito." ika, ni Mang Danny. Di na siya sumagot at patuloy na siyang nakasimangot. " Tara na po baka matraffic tayo sa daan at malate po kami sa klase." sabi ni Brent. Nakita niyang umirap na naman si Shantal kaya iniwas nalang nito ang kanyang tingin.
Nagmumunimuni si Shantal, habang naglalakad, narinig niya ang magandang tinig ni Brent. Noon lang niya narinig ang boses nito ng maganda at buo. Napagtanto niya na, Gwapo din pala itong kanyang kababata, dahil malinis ito parating tingnan. Lahat ng mga students sa campus humahanga dito dahil matalino at mabait. Magaling itong makisama, kaya naman, dahil na din sa inggit inggit, para kay shantal, si Brent ang kanyang mortal na kaaway. Madalas mas ramdam niyang mahal ito ng kanyang magulang dahil ito ang laging bukambibig ng kanyang mga magulang, kesyo magaling, masipag at madaling makisama daw ito. All birthday celebrations of Brent had been very fabulous because her parents spent money for that, like the way they did during her birthday too. Lihim siyang nagagalit dito kaya parati niyang dinadaan sa pagtataray at pagpaparamdam dito na hindi siya sang ayon sa mga nangyayari. She should be her parents favorite dahil siya ang anak. Lahat ng meron siya meron din si Brent, kaya pakiramdam niya hindi equal ang ganoong sitwasyon. Brent became a part of her family without an effort to be exact, because her parents love him the way she is.
All the memories of her lonely young age has returned, and she could do nothing, but to cry. She always been a shadow to Brent. She exerted much effort to excel in so many things mostly in academic just to earn her parents appreciation. Kahit anong pilit na gawin niya si Brent pa rin ang matalino at magaling. Tahimik lang ito, at pakiramdam niya lahat ng tao sa paligid mahal si Brent. Bata pa lamang ay wala na itong nanay, lumaking tanging ang ama lamang nito na family driver nila ang nagpalaki dito. Ni hindi niya nakitang nag aral ito ng husto pero sa buong klase nila parati itong nangunguna. Minsan tinatanong niya sa Diyos, kung bakit ito ang biniyayaan ng sobrang talino, gising ba ito ng magsabog ng katalinuhan ang Diyos at sinalo na ata nito lahat. Valedictorian mula elementary until high school, nag iisang kakompetensya niya sa campus. She's always been just the number two. Kaya sa tuwing nakikita niya ito nagagalit siya, nagseselos at nakakaramdam ng insecurities. Walang araw na hindi niya ito sinusungitan pero parang balewala lang kay Brent, tanging matamis na ngiti lamang ang ibinabalik sa kanya tuwing inaaway niya ito. Some of her classmates admired Brent so much. Minsan pa nga madalas sinasabi ng mga barkada niya maswerte siya at parati silang magkasama at madalas tinutukso siyang girlfriend nito dahil wala itong nililigawang iba. Doon siya lalong nagagalit at prangkang sinasabi that he hated Brent all of her life.
After how many years of the high school days, graduation had came. As usual Brent is the valedictorian and they celebrated it at home na andon lahat ang business partners ng parents niya. She cannot forget that moment when her Dad, proudly announce that the future CEO of their company will be him, her very owns rival, Brent. Isang sampal sa kanya ang katotohanang iyon dahil siya ang legal na anak, at itong inanunsyo ng kanyang ama na magmamana ng companya ay ibang tao. "Bakit ganon?" Tanong niya sa sarili niya? Parang pakiramdam niya noon, siya ang inagawan. Siya ang ampon. She went upstairs and cried so much. She thrown hatred look to Brent, dahil nakita niyang nakatingin ito sa kanya na para bang nakisimpatya. Nakita niya ang pag-aalala sa mukha nito pero galit siya ng mga oras na yun. Nagkulong siya sa kwarto, ni hindi man lang namalayan ng parents niya na umalis siya sa garden nila kung saan naganap ang enggrandeng graduation party nila. Wala nga siyang papel sa bahay nila kaya di pansin ng mga magulang niya ang pag-alis niya doon. Maya maya pa ay narinig niya ang mga mahinang katok sa pintuan ng kwarto niya. " Shantal, si yaya ito. Anak papasok ako huh?" boses ng yaya niya sa labas ng pinto at bago pa siya nakasagot pumasok na ito. Nakadapa siya sa kama, hilam ng luha ang mga mata. " Bakit nandito ka? Di pa tapos sa baba ay umakyat kana kaagad. Napagod kana ba?" Ani ng kanyang Yaya. Hindi ito makapagsalita, bagkus ay patuloy lang sa pagpatak ang kanyang mga luha. " Bakit ka umiiyak? Anong nangyari sa baby ko?" tanong ulit nito sabay yakap sa kanya. Doon ay lalong bumuhos ang kanyang mga luha. Bumangon ito mula sa pagkakahiga at niyakap pabalik ang matanda. " Yaya, Am I not good enough?" she asked. "Bakit mo naman nasabi iyan ija? Naku, anong nangyari huh?, may umaway ba sayo o sinong nanakit sayo?" Patuloy siya sa pag-iyak at lalong bumuhos ang kanyang mga luha niya. " Ka--si pakiramdam ko hindi ako importante sa kanila. Ako ang nawalan ng papel sa buhay ng mga magulang ko. Graduation celebration ko today pero bakit si Brent ang bida at siya ang pinagmalaki ng parents ko?" pautal utal na sambit ng dalaga. Tiningnan siya nito ng nag- aalala. " Anak pantay ang tingin sa inyo, kaya nga lang si Brent kasi lalake at alam mo naman noon pa pangarap ng daddy mo magkaroon siya ng taga pagmana na lalake kaya lang di kana nasundan ulit. Saka diba, ayaw mo noon prinsesa ka nila at di ka mahihirapan na gawin lahat ng bagay na mabigat sa hinaharap?" sagot nito sa kanya. Huminto siya sa kaiiyak ngunit mabigat pa rin ang kanyang loob . οΏ½οΏ½οΏ½ Subalit, hindi ko naiintindihan. Ako ang legal na anak kaya dapat ako ang taga pagmana nila, bakit si Brent ang lumalabas na paborito nila? Asan naman ang hustisya para saakin niyan, Yaya? Diba dapat ako yung pinagmamalaki nila kasi nag effort din naman ako para makuha lahat ng ito. Nagkataon lang na mas matalino siya sa akin eh, pero nakita mo naman nagsipag ako sa pag-aaral ko para maramdaman nilang sincere ako at prepare para sa future." Napabuntong hininga ang matanda, hinimas himas nito ang likod ng dalaga, " Anak, Di ka naman inagawan ni Brent ng kung anumang para sa iyo. Hindi mo ba napapansin, siya din ay sunud-sunuran lang sa mga nangyari dahil wala naman siyang magawa sapagkat desisyon ng iyong mga magulang ang mga ito. Marahil nga hindi mo alam, pero parating sinasabi ng batang iyon sa akin na balang araw maintindihan mo rin lahat ng ito."
Hindi na ito umimik at nagpaalam na din ang kanyang yaya na bababa na ito. Inayos nito ang kanyang unan at bumalik sa pagkakahiga, mayamaya pa ay narinig niyang may kumatok ulit. " Coming Yaya" Dali dali itong tumayo at at pinag buksan ang pinto sa pag-aakalang ang kanyang yaya ito. Nagulat siya ng mukha ni Brent ang nabungaran niya. Akma niyang pag sasarhan ang binata ng pinto ng hinarang ito ng kamay nito. " Gusto lang kitang makausap, saglit lang. Kahit sungitan mo ako, okay lang sa akin. Saglit lang, Shantal maaari ba? Pakiusap nito sa kanya. " Bilisan mo, antok na ako. Sige, magsalita kana. Oh, before that, congratulations! You made it this far, that's why my parents are being so proud of you" sarcastic tone she burst out her words. Biglang naging malungkot ang anyo nito. " Alam ko naman na sasabihin mo iyan. Naiitindihan ko yung emotions mo. I, myself can't do anything because I just can't say any words. I came here to apologize to you and give you something." may inilabas ito mula sa bulsa ng suot na polo. Isang relo, isang mamahalin na relo, " Pinag ipunan ko talaga iyan para mabili ko, kasi gusto kong ibigay sayo ito. Congratulations! Kahit hindi mo susuotin ok lang, basta lagi mong tandaan ang relong iyan in the exact time it will remind you of me. One day when you look at it into your wrist as you wear it, you will remember me and those valuable things you have already that definitely you didn't recognize now. I will tell you what is the purpose of that gift that I give you later on. Thanks, for your time. I will leave now. Good night!" sabay talikod nito. Wala siyang nasabing salita, samantalang gusto niyang sumbatan ito sa lahat ng mga nangyari. Isinara niya ang pintuan ng kwarto at bumalik sa kama. Iba yung impact ng sinabi nito sa kanya. Di niya maintindihan kung ano ang ibig nitong sabihin. Itinabi niya ang relo sa jewelry box niya. She really don't have a plan to wear it. Naisip niya ilang buwan na lang naman at magcocollege na siya at sabi ng parents niya sa US siya mag aaral kaya natutuwa rin siya kahit papano dahil magkakaroon na siya ng freedom. Matagal niya ng gustong umalis sa bahay nila dahil feel niya she's not worth to her parents. She might have lots of things in life but the love and care coming from her parents she didn't feel it. Mas naging magulang ang papel ng Yaya Santina niya kasi everytime merong activities sa school ito ang madalas na dumalo on behalf of her parents. Walang panahon pareho ang magulang niya dahil busy ang araw ng mga ito sa negosyo at business travel. Napaisip tuloy siya bakit si Brent ni hindi nila ka anu-ano ito ang nagtatamasa ng pribilehiyo na dapat ay para sa kanya. Ito ang parating bida sa mga magulang niya, dahil ba ito ay mas matalino at lalake. Madalas niyang sinasabi sa sarili na sana siya nalang si Brent para lahat ng atensyon nasa kanya. Ang Mommy Marlina niya neutral naman kahit papano parati itong nagtatanong kung kumusta siya. Parating pag uwi nito dinadalaw siya sa room niya bago ito matulog. Maraming nagsasabi na namana niya ang ganda nito. Busy rin ito araw araw dahil ito ang nagmamanage ng restaurant chain nila, mahilig ito sa pagluluto kaya marahil naging linya nito ang ganong business. Mula sapol ang Mommy niya ang parati nag- eencourage sa kanya na gawin ang mga bagay na gusto niya. Kapag umaalis ito for business travel parating may pasalubong sa kanya at kay Brent. Minsan pa nga natanong niya na ito bakit ganon nalang ang treatment ng mga ito kay Brent. " Brent is special like you because your Dad planning to support him to become a CEO in our business, but do not get jealous because all of this things still belongs to you. Babae ka lang kasi kaya mas pinili ng Daddy mo na protektahan ka." wika ng Mommy niya. She wanted to protest but she didn't utter any words at all. At the back of her mind she plan to make his Dad proud at baguhin ang pananaw na iyon. She wanted to be a part of their business and handle it in the future. She admired her Mom so much and all she wanted was to be like her.