"THANK you for your time! Tatawagan ka na lang namin sa mga susunod na araw."
Tumango at ngumiti na lang si Lucas sa sinabi ng babaeng interviewer, pagkatapos ay lumabas na agad siya sa loob ng opisina.
Naisipan niyang magpunta sa mall para magpalamig. Tamang libot lang siya habang binabalot ng pagkadismaya ang buong anyo. Alam na kasi niya ang istilo ng ibang interviewer na kunwaring magsasabi na tatawag na lang sa mga susunod na araw pero ang totoo ay hindi siya qualified sa mga ito. Ilang beses na niya itong naranasan noon.
Kung saan-saan siya nakarating ngunit wala siyang napala nang araw na iyon. Inabot na lang siya ng gabi ay wala man ni isa ang tumanggap sa kanya sa mga inaplayan. Naalala tuloy niya ang sinabi sa kanya ni Aling Susan na magtrabaho na lang bilang dancer sa club o magpatira sa bakla para magkapera. Pero naisip niyang wala siyang pinagkaiba kay Kamatayan kung gagawin niya iyon. Ayaw niyang mawala ang respeto sa kanyang sarili kaya wala siyang balak na gawin ang bagay na iyon.
Pasadong alas-nuebe na ng makarating sa Antonio del Pilar si Lucas. Pagkababa sa tricycle, nilakad na lang niya ang madilim na daan pauwi sa kanila. Wala nang masyadong mga bata sa labas at karamihan ay mga lalaking tambay na lang na nagtatawanan.
Nang makarating siya sa madamong bahagi ng daan ay biglang sumulpot sa harap niya ang isang berdeng ahas! Nanigas siya sa kinatatayuan at pinagmasdan iyon nang mabuti. Pamilyar sa kanya ang ahas na iyon. Nakita na niya ito noong bata pa siya. Ito ang tumulong sa kanya para makawala sa tatlong lalaki na dumukot sa kanya.
"Ikaw na naman?" pabulong na wika niya rito. Naalala niyang may kakayahan ang ahas na makipag-usap sa kanya. At naiintindihan din niya iyon kahit humuhuni lang ito.
Biglang may boses siyang narinig sa kanyang isip. At ang sabi nito, nalalapit na raw ang kaarawan niya. Pagdating niya sa edad na beinte-uno, matutuklasan na raw niya ang tunay niyang pagkatao.
Mabilis na umalis ang ahas nang maramdamang may ibang tao na paparating. Paglingon niya sa likuran, isang matandang ale ang marahil ay pauwi na rin at doon naisipan dumaan. Nagpatuloy siya sa paglalakad at bahagyang binilisan para agad makauwi sa bahay.
Naalimpungatan si Lucas sa liwanag ng araw na pumasok sa bintana. Pagmulat niya, wala na sa kanyang tabi ang mga magulang. Marahil ay nauna nang bumaba ang mga ito. Paglingon naman niya sa tabi, bumulaga sa kanya ang berdeng ahas na nakapalupot sa sahig.
"A-ano'ng ginagawa mo rito?" pabulong na tanong niya rito. Napabalikwas siya nang bangon at sumandal sa tablang dingding.
Nagsalita ang ahas. Puro huni lang ang maririnig sa bibig nito. Pero sa isip niya ay doon dumadaan ang tunay na boses nito.
Nagulat siya sa kanyang narinig at natuklasan. "Ano? H-hindi ako pangkaraniwang tao? A-ano'ng ibig mong sabihin? P-paano mo nasabi 'yan?" sunod-sunod na tanong niya rito. Gumuhit ang pagtataka sa kanyang anyo.
Muling nagsalita ang ahas sa kanyang isip habang nakatitig ito sa kanya. Nagulat naman siyang muli sa narinig.
"Sa susunod na linggo na ang birthday ko. Ibig sabihin, malapit ko nang malaman ang totoo kong anyo? Teka nga lang! Hindi ko maintindihan! Hindi kita talaga maitindihan! Puwede bang ipaliwanag mo nang maayos? Ano ba kasing klaseng anyo ang sinasabi mo na mangyayari sa akin pagdating ng 21th birthday ko?"
Bigla na lang gumapang ang ahas paakyat sa bintana hanggang sa hindi na niya ito nakita. Sakto namang nakaakyat ang kanyang ina at tinawag siya.
"Anak, sino ang kausap mo d'yan?" tanong ni Lydia. Nakahawak ito sa hawakan ng hagdan habang seryosong nakatingin sa kanya.
Ngumiti si Lucas. "W-wala po, Inay. Ginagaya ko lang po 'yong palabas sa TV," palusot niya.
"Bumaba ka na d'yan at nakahanda na ang almusal." Mabilis na bumaba si Lydia habang patuloy na kumakapit sa hawakan ng hagdan.
Agad niyang niligpit ang higaan at pagkatapos ay sumunod na rin sa baba.
TAPOS na ang klase ngunit nasa loob pa rin ng classroom sina Juliet kasama ang matalik nitong kaibigan na si Maica. Kinokopya niya ang mahabang lecture sa white board habang kaharap naman ng kanyang kaibigan ang salamin nito at nagpapaganda. May ilan ding mga estudyante ang naiwan sa loob at nagkukuwentuhan ngunit malayo ang puwesto ng mga ito sa kanila.
"Malakas na yata ang tama mo sa kanya, ah!" sabi sa kanya ni Maica habang naglalagay ito ng pulbo sa mukha. Nabanggit kasi niya ang tungkol kay Lucas pati ang mga ginagawa nila kapag magkasama sila ng lalaki.
"Hindi naman sa gano'n! Hindi ko lang kasi maiwasang humanga sa kanya. Kasi alam mo 'yon, parang hindi siya marunong mahiya. Based on my observation kasi, kung ano ang nararamdaman niya, iyon talaga ang lalabas sa bibig niya! Hindi nga siya nahiyang magpasama sa akin noong una kaming nagkita. In short, medyo may pagkamadaldal siya and I really like it!" Halata sa mukha ni Juliet ang hindi maipaliwanag na saya. Nababasa naman iyon ng kaibigan niya sa kanyang mukha.
"Confirmed!" bulalas ni Maica. "It means crush mo nga siya! Paghanga and crush are just the same thing, gurl!"
Hindi mapigilan ni Juliet ang matawa. Sa huli ay dumulas din ang dila niya. "Oo na! Crush ko na siya! Pero at least, nakakausap at nakakasama ko palagi ang crush ko. Hindi tulad ng ibang babae na hanggang pantasya na lang sila sa mga crush nila."
"You're very lucky, gurl! Bihira lang ang mga babaeng nabibigyan ng chance na maging friends ang mga crush nila. Ako nga, ang tagal ko nang crush dito si Mike pero hanggang ngayon hindi pa rin kami close o nagkakausap man lang," dismayado ang tinig na sabi ni Maica, tinutukoy nito ang varsity player sa kanilang campus.
"Yeah! Sinabi mo pa! One more thing, ang sarap din niyang kasama! Tipong kahit puro paglilibot lang ang ginagawa namin, hindi ako nagsasawa basta siya ang kasama ko!" Isinara na ni Juliet ang kanyang notebook at ipinasok sa bag. "Let's go na!" Nauna itong tumayo sa kaibigan at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. Pagkatapos naman maglagay ng lipstick ng kaibigan ay tumayo na rin ito at sabay silang lumabas ng classroom.
TODO buga ng usok si Kamatayan habang naglalakad sa gilid ng madilim na daan. Napahinto siya nang madaanan ang isang puting sasakyan. May ilaw pa ang mga iyon sa harap na nagbigay ng pakiramdam sa kanya na may tao sa loob. Ibinulsa niya ang hawak na vape at kinatok ang bintana ng sasakyan. Pagbukas ng bintana, tumambad sa kanya ang isang babaeng makapal ang lipstick, kulot ang buhok, at sumasabog ang kagandahan.
"Ano'ng ginagawa mo rito sa ganitong oras ng gabi?" tanong ni Kamatayan sa babaeng nasa driver's seat. Isinandal niya ang siko sa bukas na bintana ng sasakyan.
"Hinihintay ko lang po 'yong kasama ko. Sinubukan lang po niya maghanap ng tulong. Nasiraan kasi kami ng sasakyan habang nagmamaneho. Kailangan pa naman naming makauwi agad. Puwede n'yo po ba kaming tulungan?" bakas sa tinig ng babae ang busilak na loob, tila hindi ito natatakot sa lalaking kaharap. Ang tanging hinahanap nito ay tulong para makaalis agad sa lugar na iyon.
"Matutulungan kita," sagot ni Kamatayan. Kinuha nito ang loob ng babae. "Bumaba ka muna d'yan para masamahan kita sa bayan. Doon tayo manghihingi ng tulong para agad kayong makauwi."
"Baka po kasi biglang dumating 'yong kasama ko at hindi niya ako maabutan dito."
"Malapit lang naman ang bayan dito. Mas mapapabilis ang paghingi natin ng tulong kung pupunta na tayo ngayon doon. Dalhin mo na lang ang cellphone mo para matawagan mo 'yong kasama mo kung nasaan ka."
Sa huli, pumayag din ang babae. Bumaba nga ito sa sasakyan at binitbit ang shoulder bag.
Hindi pa man sila nakakalakad ay mabilis na ginawa ni Kamatayan ang kanyang balak. Niyakap at hinalik-halikan nito ang babae sa iba't ibang parte ng katawan. Nang magtangka itong maglaban, pinaulanan niya ito ng suntok sa tiyan hanggang sa ito'y nanghina at hindi na nakapalag.
Akmang bubuhatin na niya ito nang makarinig siya ng boses na sumisigaw sa di kalayuan.
"Hoy! Sino ka! Bitiwan mo ang girlfriend ko! Hayop ka! Humanda ka!" Tumatakbo ang isang lalaking nakasalamin papunta sa kanya.
Muli niyang sinuntok sa tiyan ang babae, mas malakas, para makasiguradong hindi ito makakatakas, pagkatapos ay inihiga muna niya ito sa lupa. Inabangan niya ang paglapit ng lalaki, kapagkuwa'y palihim niyang inilabas ang patalim sa kanyang bulsa sa likuran.
Akmang magpapakawala ng suntok ang lalaking nakasalamin nang surpresahin niya ito ng saksak sa tiyan. Napaigik ito at mabilis na tumumba sa lupa. Hiniwa rin niya pati ang leeg nito at pinaulanan pa ng saksak sa tiyan.
Dilat ang mga matang binawian ng buhay ang lalaki. Nagsisigaw naman ang babae at nagsimulang gumapang. Nilingon nito ang mga bahay sa paligid at humingi ng saklolo. Hindi na ito hinabol pa ni Kamatayan. Sumandal lamang siya sa harap ng sasakyan at muling nag-vape. Tila kalmado lang ito na parang alam na sa sariling walang kawala ang babae.
Hindi pa man nakalalayo sa paggapang ang babae, nakakita na ito ng mga lalaking paparating mula sa di kalayuan. Nawalan ng pag-asa ang babae, lalo na nang makita nito sa anyo ng mga lalaking iyon ang nakaabang na panganib.
Binitbit ng mga lalaki ang babae at dinala sa kinaroroonan ni Kamatayan. Tumatawa pa ang mga ito habang hinihipuan ang babae.
Naligaw ang dalawang dayo sa parteng iyon ng Antonio del Pilar. Nang masiraan ng sasakyan, bumaba ang lalaki para maghanap ng tao na mahihingian ng tulong. Hanggang sa madaanan nito ang isang bahay na may ilaw sa labas, kung saan makikitang nag-iinuman sina Kamatayan.
Nang sabihin ng lalaki ang problema, pabulong na nag-usap ang grupo sa kanilang plano. Unang lumabas ng bahay ang mga tauhan para samahan ang lalaki. Hinintay naman ni Kamatayan na makalayo ang mga ito at pagkatapos, nagtungo siya sa ibang daan para tuntunin ang sasakyan kung saan sinasabing naiwan ang isa pang kasama ng lalaki.
Akala naman ng lalaki ay nakahanap na ito ng tulong. Di nagtagal, nahalata nitong may masamang balak ang mga lalaking iyon. Bago pa man sila makagawa ng kahit ano, kumaripas na ng takbo ang lalaki para balikan ang nobya nito sa sasakyan, hanggang sa doon na lumala ang sitwasyon.
Ipinasok ng mga tauhan ni Kamatayan ang bangkay ng lalaki sa isang sako at itinapon sa ilog. Dinala naman nila ang babae sa kanilang hideout house at doon isinagawa ang kaligayahan.
Halos maubos na ang boses ng babae sa kasisigaw. Nadungisan na ng labis na pawis ang mukha at katawan nito. Punit-punit na rin ang damit nito at gulo-gulo ang buhok. Halos masira ang buong kaluluwa nito sa ginawang panghahalay ni Kamatayan.
Tuwang-tuwa naman si Kamatayan habang nakapatong sa babae. Todo buga ito ng usok habang nilalasap ang bawat matatamis na segundo. Nang maputukan na niya ito ng katas na dulot ng labis na kaligayahan, mabilis siyang tumayo at nagsuot ng pantalon.
Pagkalabas niya sa kuwarto, tinawag naman niya ang mga tauhan na nag-iinuman sa labas at sinabing puwede na nilang galawin ang babae. Parang mga hayop na nakawala sa kulungan ang mga lalaki sa sobrang tuwa. Nag-unahan pa silang pumasok sa kuwarto at nanggigigil.
Nagpahangin si Kamatayan sa harap ng bahay habang todo ang paghithit-buga sa kanyang vape. Dinig pa niya ang nagmamakaawang sigaw ng babae mula sa loob ng kuwarto.
Samantala, lihim namang nakikiramdam ang dalawang binatilyo sa kanilang silid. Halos magkadikit lang ang bahay nila sa hideout nina Kamatayan kaya dinig na dinig nila ang mga nangyayari doon.
"Hindi na 'to kakayanin ng kunsensya ko, 'tol. Magsumbong na kaya tayo? Tulungan natin 'yong babaeng sumisigaw!" pabulong na wika ng matabang binatilyo.
"Gago ka ba?" tugon naman ng payat na binatilyo. "Baka madamay pa tayo d'yan! Mabuti nga at hindi tayo ginagalaw nina Kamatayan dahil nananahimik lang tayo rito. Basta hayaan na natin sila! Ang mahalaga hindi nila tayo napeperwisyo!" bakas sa tinig nito ang takot.
Dahan-dahang isinara ng matabang binatilyo ang bintana at pagkatapos, bumalik na sila ng kasama sa higaan. Lingid sa kaalaman nila, nakita sila ni Kamatayan na nakasilip sa bintanang iyon. Mababakas ang masamang balak sa mga mata ni Kamatayan.
To Be Continued…