Sa lungsod ng Iloilo ay may isang bata na punong-puno ng pangarap. Siya si Jessa, masayahin, mapagmahal at palakaibigan. Panganay siya sa limang magkakapatid. Lumaki na masipag at matulungin sa magulang. Tinululungan niya ang kanyang ama na magsasaka tuwing nag haharvest ito ng kanilang pananim at ang kanyang ina naman tuwing nagtitinda ito ng gulay sa palengke tuwing linggo. Minsan kapag kinakapos sila sa pera ay nagtitinda nalang sa mga bahay-bahay si Jessa kasama ang kanyang kapatid na si Angely para may pang baon sila sa tuwing papasok sa eskol. Kadalasan ay kaylangan muna nilang mag tinda para may pang baon. Si Angely ang pangalawa sa kanilang magkakapatid. Sya ang madalas kasama ni Jessa sa tuwing may pinapagawa ang kanilang mga magulang. Madalas man silang mag-away ay nagbabati naman agad. Hindi lang magkapatid ang turingan ng dalawa. Para silang magbest friend dahil dahil may sarili din silang tawagan katulad ng mga magkaibigan. Madalas hindi sila mapagkakamalan na magkapatid dahil sa magkaiba ang anyo ng mga ito. Si Jessa ay medyo maputi at tuwid ang kanyang buhok. Si Angely naman ay maitim at kulot ang kanyang buhok. Palaging tinutukso si Angely dahil sa kanyang anyo ngunit hindi naman ito pinapabayaan ni Jessa dahil palagi niya din itong pinagtatanggol. MAhal na mahal nila ang isat-isa. Kung saan si Jessa ay nandun din si Angely.
Dumaan ang ilang taon hanggang sa mag high school na si Jessa. Doon niya nakilala ang kanyang mga barkada na hindi niya akalain na ito ang magdadala sa kanya sa maling dereksyon. Natuto siyang uminom ng alak at manigarilyo dahil ito ang ginagawa ng kanyang mga barkada. Natuto din siyang magsinungaling sa kanyang mga magulang. Nagla nobyo din siya hanggang sa ayaw na niyang mag-aral dahil gusto na niyang magsama sila ng kanyang kasintahan. Dahil sa murang edad ni Jessa ay hindi niya pa talaga alam ang kanyahng ginagawa. Dahil sa pagkabahala ng kanyang mga magulang ay pinalayo nila ito sa kanyang kasintahan at pinapunta siya ng Maynila. Labing limang taon lamang si Jessa noon ng magtrabaho siya sa isang klinika kung saan nagtatrabaho ang kanyang tiyahin. Nangulila ito sa kanyang mga magulang at mga kapatid lalo na sa kanyang minamahal. Makalipas ang ilang buwan ay umuwi na ito ng Iloilo. Ngunit nadismaya ang kanyang mga magulang dahil ang buong akala nila ay makakalimutan na ng kanilang anak ang kanyang nobyo. Pag-uwi niya ay patuloy paring nakipag kita ito sa kanyang nobyo. Kaya hinayaan nalang siya ng kanyang mga magulang. Pinabalik din siya sa pag-aaral kaya naging magkaklase sila ng kanyang kapatid na si Angely dahil isang taon lang naman ang agwat nila.
Sa araw-araw na magkasama ang magkapatid ay hindi rin naiwasan ni Angely na sundin ang mga ginagawa ng kanyang ate. Natuto din itong maglasing at manigarilyo. Sa tuwing may inuman ang magkakabarkada ay palaging magkasama sina Jessa at Angely. Nakasanayan na nila ito hanggang sa nagsipag-asawa na silang dalawa. Sa ngayon ay may mga sarili na silang pamilya at hindi na sila magkasama.