Chereads / Revenge Or Love? / Chapter 3 - TEASER

Chapter 3 - TEASER

BAKAS sa magandang mukha ni Samantha Mae ang tuwa, dahil magkikita sila ng kanyang nobyo na si Russel Hernandez. Hindi na din siya makapaghintay na sabihin dito ang isang napakagandang balita.

Kasalukuyan na nasa isang coffee shop ang kambal, hinihintay nila ang pagdating ng kanilang kuya Javier.

"Just a moment, lalabas lang ako." Paalam ni Samantha Mae sa kakambal. "Sisilip lang ako sa labas, baka padating na si Russel."

"Sino si Russel?" tanong ni Samantha Nicole dito.

"Secret." Nakangiting sagot ni Samantha Mae. Tumayo ito at inayos ang nagusot na semi-dress. "Ipapakilala ko siya sa inyo ni kuya mamaya."

"Sige. Dito na lang ako sa table natin, baka dumating na din si Kuya Javier."

Lumapit sa kanya ang kambal. Nagulat siya sa ginawa nito, pinupog siya nito ng halik sa pisngi at yumakap pa ito sa kanya ng mahigpit. Natatawang sinaway naman niya ito.

"Diyan ka lang naman sa labas. Kung makahalik ka at makayakap, parang pupunta ka nang ibang bansa." Ani Samantha Nicole. Sumimsim siya ng mainit na kape sa hawak na tasa.

"Nag lalambing lang." Sagot naman nito. "Malay mo iyon na ang last na yakap at halik ko sayo."

"Huwag ka nga mag salita ng ganyan." Sita niya dito.

"Joke lang!" sagot naman ni Samantha Mae.

Pakiramdam ni Samantha Nicole ay bigla siyang kinilabutan sa tinuran ng kakambal. Kumabog kasi bigla ang kanyang dibdib sa hindi niya malaman na dahilan. Muli siyang niyakap nito bago tuluyan umalis sa kanyang harapan.

MULA SA KINAPAPARADAHAN nang kotse ni Russel ay natanaw niya ang lumabas na nobya sa isang coffee shop. Kanina pa siya roon, hindi niya lang pinaalam sa nobya dahil may gusto siyang malaman. Ayon kasi sa mga kaibigan niya, nakita daw ng mga ito ang kanyang nobya na may kasamang lalaki. Hindi lang minsan, kundi madalas. Kung minsan ang lalaki pa daw ang nag hahatid sundo sa opisina na pinag tatrabahuan ng dalaga.

Napahigpit ang hawak ni Russel sa manibela. Huwag lang niyang malalaman na pinagtataksilan siya ng kanyang nobya, dahil hindi nito magugustuhan ang maaari niyang gawin dito. Mula sa loob ng kanyang sasakyan, nakita niya ang isang bagong dating na kulay pulang kotse. Huminto iyon sa tapat ng kanyang nobya.

Napatiim-bagang si Russel sa kanyang nakita.

Ang taksil niyang nobya ay mahigpit na yumakap sa isang lalaki at humalik pa ito sa pisngi nito. Totoo nga ang sinabi sa kanya ng mga kaibigan niya, pinagtataksilan siya ng kanyang nobya!

Pakiramdam ni Russel ay pinag pira-piraso ang puso niya hanggang sa wala ng matira. Nasaktan siya sa nalaman, pero mas masakit pala nang siya na mismo ang nakakita sa ginagawang panloloko at pagtataksil sa kanya ng babaeng minahal niya. First love niya ito, katunayan nga nag pa plano na silang pakasal. Minahal niya ito kahit na nga parang andami nitong inililihim sa pagkatao nito sa kanya. Naging mabuting kasintahan naman siya dito, pero nagawa pa din siya nitong ipagpalit sa iba.

Marahas na pinaandar ni Russel ang makina ng kotse. Natutukso siyang sagasaan ang dalawa, para man lang sana makapaghiganti siya sa mga ito. Pinausad niya ang kotseng minamaneho palapit sa dalawa, nang bigla siyang makatanggap ng tawag mula sa isang kaibigan.

"Ralph, napatawag ka?" bahagyang binagalan ni Russel ang pagmamaneho ng kotse.

"May dapat ka na malaman tungkol sa girlfriend mo." Sagot naman ni Ralph sa kabilang linya.

"Alam ko na ang totoo." Tiim-bagang sagot ni Russel. " Nakita mismo ng dalawang mata ko ang ginawa niyang panloloko saakin!"

"Pare, nagkamali kami ng akala."

Napakunot-noo si Russel. "What do you mean?"

"They are siblings. Your girlfriend didn't betray you!"

"Are you telling the truth?" tanong ni Russel. He looked out the car window, nakita niya ang nobya na mag-isa na lang sa tapat ng coffee shop. Alam niyang siya ang hinihintay nito, panay pa ang sipat nito sa suot na relo'ng pambisig.

"Im positive pare!" Ralph replied. "Anak siya ni Miguel Fuentez sa ibang babae."

Sasagot pa sana si Russel ng biglang may isang humaharurot na kotseng itim ang dumating, napapikit ang binata dahil nasilaw ito sa signal light na nag mumula sa bagong dating na kotse.

MULA SA LOOB nang coffee shop ay may narinig si Samantha Nicole na sigaw ng babae na may nabangga daw. Bigla siyang inalihan ng kaba, para ng tambol ang bawat tibok ng puso niya. Naunang tumayo ang kuya Javier niya, nag mamadaling lumabas ito ng coffee shop.

"Mae....!!!!!!!" Malakas na sigaw ni Javier. Nakita nito ang nakabulagtang kapatid sa semento. Duguan ang ulo at katawan nito.

Lalong nahintakutan naman si Samantha Nicole nang marinig ang sigaw ng kanyang kuya. Patakbong lumabas siya sa coffee shop. Ganoon na lamang ang kanyang paghihinagpis dahil sa kanyang nakita. Umiiyak ang kanyang kuya habang mahigpit na yakap nito ang duguan na katawan ng kanyang kambal. Para siyang pinag takluban ng langit at lupa, hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita. Nanginginig ang kanyang buong katawan na nilapitan ang kanyang kambal na nakalungayngay na ang ulo habang mahigpit na yakap ng kuya nila.

"K-uya, d- dalhin na natin siya sa hospital..." umiiyak niyang sabi. Niyakap niya din ang duguan na katawan ng kambal. Kung pagmamasdan ang katawang ng kambal niya ay parang wala na itong buhay, pero umaasa pa din siya na makaligtas ito sa kamatayan.

NAGULAT din si Russel sa bilis ng pangyayari. Kanina lang ay nakita niya na nakatayo sa labas ng coffee shop ang kanyang nobya, pero ngayon ay hindi na niya ito makita dahil sa mga taong nag uusyuso sa aksidenteng naganap. Bumaba siya ng kanyang kotse para makiusyuso din, nahagip pa niya ang itim na kotse na mabilis ng umalis sa lugar na iyon.

"Anong nangyari dito?" tanong ni Russel sa isang babae na kabilang sa mga taong nakikiusyuso.

"May nabangga po Sir." Sagot naman ng babae. "Babae po ang biktima,"

Kinabahan bigla si Russel. Nakipagsiksikan siya sa mga taong naroon para sana silipin kung sino ang biktima. Pero wala na ang babaeng nabangga doon, dinala na daw sa hospital ng mga kapatid. Nahagip ng paningin ni Russel ang isang maliit na white envelop na nasa semento na hindi naman kalayuan sa kinatatayuan niya. Kinuha niya iyon ay inusisa kung ano ang laman.

Napamulagat ang mga mata ni Russel sa kanyang nakuha mula sa white envelope. Isang pregnancy kit na may dalawang pulang guhit. May nakita din siyang liham na nakasulat sa isang maliit na papel.

"Russel, my love... Natupad na ang ating hiniling sa diyos. Mag kaka-baby na tayo, mahal na mahal kita at ang magiging anak natin." Galing iyon sa kanyang nobya. Lalong nadagdagan ang kabang nadarama niya. Nag tanong siya sa isa sa mga taong naroon pa din sa pinangyarihan nang aksidente.

"Ano daw po ba ang hitsura ng biktima?"

"Maganda daw. Naka semi-dress na bulaklakin," sagot ng babae na napagtanungan niya. "Kawawa nga, mukhang patay na siya."

Sa nilarawan sa kanya ng babae, bigla siyang kinutuban. Nakasuot din kasi ng semi-dress na bulaklakin ang kanyang nobya.

"Alam niyo po ba kung saan na hospital dadalhin ang biktima?" muling tanong ni Russel kahit na nga kinakabahan na siya.

"Hindi po Sir. Pero malamang, sa pinakamalapit lang na hospital dadalhin ang biktima."

Malabo ang sagot sa kanya ng babaeng napagtanungan niya. Mabilis na muling bumalik sa kanyang kotse si Russel, malakas ang kutob niya na ang kanyang nobya ang nabangga.

Hindi pa man tuluyan nakakalayo sa lugar na iyon ang binata, may isang rumaragasang truck na may sakay na mga kahoy ang biglang sumulpot sa gilid ng kotse na minamaneho ni Russel. Huli na para makaiwas pa ang binata, nasapol na nang truck ang kotse nito.