"Uy, Felix! Pakopya nung assignment sa History, ah? Send mo na lang sa'kin 'yung link sa fb," ani Ken habang abala sa paglalagay ng mga gamit niya sa bag niya.
"'Yan kasi, puro ka DOTA! 'Di unahin ang assignment. Tss," naiiling na sabi ko saka tinanguan siya. "'Ge, mag-oonline ako mamaya."
"'Yon! Thanks, bro!" ngiti niya saka ako tinapik sa balikat at nauna nang lumabas ng classroom. Uwian na kasi namin at may lakad pa daw siya. Ewan ko ba kung matino 'yung lakad niya na 'yon. Napapailing nalang ako.
"Felix, eto nga pala 'yung part na ita-type mo do'n sa project natin. Send mo nalang sa'kin sa fb para maisama ko mamaya." Sabi ng isa sa mga kaklase kong babae na si Mina. Groupmate ko sa isang project.
"Ah, sige. Send ko nalang mamaya," nakangiting sabi ko saka nagpaalam sa kanya at lumabas na.
Di man halata pero busy din naman akong tao. Estudyante din naman ako at kasalukuyang Grade 11 na. Ang corny lang pakinggan e, 'no? Kala mo grade school pa din. Haha!
Sa paglalakad ko sa hallway pabababa ng hagdan, nakasalubong ko 'yung iba pa naming tropa. Sina Ben, Jin, Kevin, Kid, at Ray. Kasama din nila 'yung mga babaeng kasama namin sa tropa. Sina Maiko, Riz, Eliza at syempre, si MJ. Nagtatawanan sila nang makasalubong ko at agad naman nila akong binati nang makita ako.
"Uy! Uwi ka agad? Nag-aaya ng inom 'tong si Ray, e. Dun daw sa kanila. Binyag daw kasi nung pamangkin niya." Ani Ben habang nakaakbay sa akin at kasabay kong bumababa ng hagdan.
Umiling ako at napakamot ng ulo. "Nako, pre. Sorry pero pass muna. May gagawin pa kasi ako dun sa project namin, e. Madadami dami pa akong ita-type," paghingi ko ng pasensya. Tumango naman si Ray at tinapik ako sa balikat. "Ok lang, pre. Unahin mo na 'yan." Aniya.
Napalingon naman ako sa gawi ni MJ. Kausap niya sina Maiko at nagtatawanan sila.
Kung ikukumpara siya kina Maiko, masasabi mo talaga kung ano ang pagkakaiba niya sa mga 'to. Si Maiko halimbawa, naka-semi fitted shirt na bahagyang nagpapakita ng kurba ng kanilang katawan, naka-skater skirt na abot sa ibabaw ng tuhod, naka-converse shoes na medyo high cut. Mapapansin din na may bahid ng lip gloss o lip tint ang labi niya dahil pinkish ito at makintab. In short, pormang babae talaga
Well, hindi ko naman sinasabing porket naka-skater skirt o kung anuman e, babae na. Siguro, masasabi mo naman kasi 'yung pagkakaiba sa girly kung manumit o hindi, di ba? Mahirap ipaliwanag pero alam ko namang gets niyo.
Si MJ kasi, iisa lang ang pormahan niyan tuwing wash day. Naka-t shirt na maluwag na parang hindi kanya, pantalon na hindi fit sa binti niya, at rubber shoes. 'Yun lagi. Ay, may kulang pa pala, cap na laging nakabaligtad. Tulad ngayon, gano'n ang porma niya.
Hindi rin niya hilig ang mag-ipit ng buhok. Simpleng pony tail lang, ok na. Hindi rin siya mahilig sa kolorete sa mukha. Ganun lang. Plain. Kahit lip gloss, lip balm, pressed powder o anuman. Buti nga polbo minsan nakikita ko gumagamit siya. Suklay? Madalang din.
Pero alam niyo ba kung anong nakakatuwa sa kanya? 'Yun e 'yung kahit ganun na ganun lang siya, di pa rin maikukubli 'yung ganda niya. May maamo siyang mukha na madalas matabunan ng mga kilos at asta niya. Makikita mo lang payapa ang mukha niya 'pag tulog. Kaya nga 'pag napapatingin ako sa gawi niya at makikitang tulog siya, hindi ko na maialis ang tingin ko kasi ang amo ng mukha niya.
"'Wag mong pakatitigan. Baka malusaw naman si MJ n'yan." Napatingin ako sa gilid ko kung saan nanggaling 'yun bumulong. Si Kid pala at gaya ng karaniwan ay may nakakalokong ngiti na naman sa mukha. "Grabeng pag-ibig 'yan. Nakakatulala?" aniya saka humalakhak. Kaming dalawa lang ang nagkakarinigan kaya naman napatingin silang lahat samin nang tumawa si Kid at binatukan ko siya.
"Sira! May iniisip lang ako," nangingiting palusot ko saka bahagyang yumuko. Lumingon kasi si MJ sa gawi ko.
"Hulaan ko. Si MJ na naman, 'no?"
Napailing nalang ulit ako. "Sino pa ba?" natatawang pag amin ko.
Humalakhak siya at inakbayan ako. Halos magpantay lang kasi ang height namin. "So ano nang plano mo?" tanong niya.
Saglit akong natigilan at napa-isip. "Siguro magpapahiwatig muna ako."
Nangunot ang noo niya sa sinabi ko. "Magpapahiwatig? Paano?"
Ngumisi ako sa kanya bago ibinaling ang tingin ko kay MJ. "Sa paraang nabasa ko sa wattpad."
~ ~ ~ ~ ~
Pasado alas onse na at kakatapos ko lang i-type 'yung parte ko do'n sa project namin. Na-send ko na rin kay Mina, siya na daw ang bahala sa iba. Na-send ko na rin kay Ken 'yung link na kailangan para dun sa assignment namin sa History. At ngayon, abala ako sa pag-stalk sa profile ni MJ.
Oo, gawain ko 'to. Pasimpleng sinusubaybayan ang mga activities sa profile niya, status na karaniwan puro tungkol sa LOL, DOTA, at syempre, Wattpad. Napangiti nalang ako dahil kahit paano, medyo naiintidihan ko na 'yung nararamdaman niya sa mga kwentong nababasa niya.
Maya maya, napansin kong nag-online siya at ini-status ang isang linya mula sa kwentong inaantay daw 'yung update ngayong gabi. Napangiti ako kasi binabasa ko din 'yung kwentong 'yon. Minarathon ko 'yon hanggang sa maabot ko 'yung pinakahuling update.
Napangiti akong muli nang maisip kong isagawa na ang plano ko. Sakto at pinalitan ko na rin kagabi pa ang pangalan ko sa account kong 'to. Hindi na Kurt Felix Vinzon ang pangalan kundi 'Rico'.
Pinindot ko ang pangalan niya sa friends on chat ko at nagtipa ng mensahe sa kanya.
11:01 pm
Rico: Hi! :)
Nag-antay ako ng ilang sandali bago makitang nagta-type siya.
11:02 pm
MJ: Kilala ba kita?
Natawa ako sa sagot niya. Hindi niya nga ako makikilala. Haha!
11:03 pm
Rico: Yup! Classmates nga tayo, e.
MJ: Talaga?
MJ is typing....
11:04 pm
MJ: Pero wala akong kaklaseng Rico.
Rico: Ganyan ka ba, MJ? Kanina lang sabay tayong lumabas ng gate ng school.
MJ: Huh? Ang kasabay kong lumabas kanina, mga kaibigan ko.
MJ is typing....
11:05 pm
MJ: Tangina! 'Wag mo nga akong ginagago! Sino ka ba kasi?!
Rico: Grabeng mura 'yan. Chill ka lang MJ. Kilala mo ako, pramis! :3
Seen 11:06 pm
Rico: Aww. Seen agad? Hulaan mo manlang kung sino ako!
MJ is typing...
MJ: PAKYU! WALA AKONG PANAHON SAYO!
Rico: Hashtag CapslockParaIntense
Seen 11:07 pm
Rico: 'Kaw naman. Sinamahan mo pa nga ako sa mall nung isang araw. Nilibre pa nga kita ng libro, e.
MJ: Ay, shit! Felix?!
MJ: Tangina mo ka! Kala ko kung sinong walang magawa e! Sorry naman! Haha!
MJ is typing...
11:09 pm
MJ: Bat mo kasi pinalitan pangalan mo? Di tuloy kita nakilala haha
Rico: Lols. Wala lang. Tina-try ko lang kasi kung ano 'yung feeling ni Rico. Haha
Rico: Curious kasi ako (=w=)
MJ: Rico... 23:11?!
MJ: HAHAHA XD Binabasa mo rin? Ganda no?
Rico: Oo nga, e. Galing nung author. Simpleng simple lang 'yung pagkakasulat pero nakakatawa ''yung daloy nung usapan.
MJ: Tomo! Tungunu! Kinikilig nga ako sa kanilang dalawa, e! Tawa ako nang tawa kay Rico! LOLS!
MJ: Tas 'yung mga banat pa niya? HAHAHA XD tangina! Bentang benta!
Nagtuloy tuloy 'yung usapan naming 'yon hanggang umabot kami ng 11:11 pm. Sabay naming binasa 'yung update at ayun, balik kwentuhan kaming dalawa. Nakakatuwa kasi parang naging bonding namin 'yung pagwawattpad. Kaya nga hinding hindi ko pinagsisisihang sinubukang magbasa, e. Kasi nga, nagkakaroon ako ng daan papasok sa mundo niya.
Mga bandang 12: 28 am, magka-usap pa rin kami.
12:29 am
Rico: Nakakatuwa pala talagang magbasa sa Wattpad 'no? Kahit lalaki ako nalilibang ako, e.
MJ: Ay, oo naman! Marami naman kasing genre ng mga kwento e. Meron ngang Gen. Fiction hahaha XD
Rico: Gen. Fic? Ano 'yon?
MJ: 'Yung mga kwentong SPG XD
Rico: LOLS! 'Yun pala 'yun haha
12:30 am
MJ: HAHA XD uy di ako nagbabasa nun ah! Leche baka isipin mo nagbabasa ako nun XD
Rico: Haha defensive much? XD
MJ: HAHA XD Leche ka! Lols!
MJ: Pero baka mamaya nagbabasa ka na? XD
Rico: Uy, hindi ah. Ok na ako sa Romance o kaya Mystery/Thriller
MJ is typing...
Seen 12:31 am
Rico: Pero alam mo, nakaka-relate ako kina Rico at Jhing
MJ is typing...
MJ: Huh? Bakit naman?
MJ: May ganung experience ka din?
Rico: Haha. Hindi, wala. Pero kasi, pakiramdam ko ako si Rico
MJ: Bakit nga?
MJ: Tangina pabitin pa e!
Rico: Kasi parang nararamdam ko din 'yung nararamdaman niya.
12: 37 am
Rico: Tsaka ang cute pala nung ganito 'no? 'Yung parang tayo mismo 'yung mga karakter sa kwento? Ikaw si Jhing, ako si Rico. Nile-leche mo ako na may exclamation point, 'yung sagot ko sayo may ganito :">
MJ: Lols. Tuwa ka na n'yan?
Rico: Weird, pero oo. Pero alam mo ba kung anong pinag kapareho natin sa kanila?
12:38 am
MJ: Huh? Ano?
Rico: Kung si Rico, gusto si Jhing. Ako, gusto kita.
MJ: Tangina mo! Wag mo kong banatan ng ganyan! Humanda ka sa'kin bukas!