CM1
--
Mark Euan
Nakatutok ako sa pinapanood ko. Actually, this is a scandal video na patuloy na kumakalat sa social media sites ngayon. But, ginagawa ko ang lahat upang mapabura ito sa lahat ng 'yon. I am currently watching it right now.
I'm just firmly watching the video. This video is about two years ago? She has ang beautiful body tho. And I really hope na ako nalang ang kasama niya sa kama. The girl in the video is my personal assistant.
Larissa Lalaine 'Lala' Yzaguirre.
She's so damn hot. Kaso napakasungit sa 'kin at ilang kung minsan. Stay in siya dito sa condo unit ko sa Royale Towers at kada weekend ay day off niya kaya umuuwi siya sa kanila. To take care her sister. She's doing her job so well. Kaya, nung kumalat ang scandal video niya with her Ex boyfriend ay tila wala lang sa kanya. Siguro daw kaya kumalat ay nalimutan niyang ipa-reformat ang cellphone niya na binenta niya sa Divisoria.
Dahil nga nangangailangan talaga siya ng money that time. She's still the mysterious one. Minsan ko lang siya makitang umimik. Minsan na nga lang siya makausap, masungit pa. Kaya ginagawa ko ang lahat upang di na kumalat pa ang video na 'to. Tila ba wala na siyang pake sa dignidad na mayroon siya. Palibhasa ako ay kailangan laging malinis ang pangalan ko dahil nasa modelling industry ako. I'm a ramp model too. Every weekdays and mga projects ko and she's the one who is preparing all the clothes that I need to be wear. She's also good in fashion. Kaso napaka pribado niyang tao. I don't even know her whole life. Napakailap niya kasi kapag nandito na kami sa unit ay diretso tulog na siya tapos maagang magiging upang mag jogging sa labas. Ako naman ay kada weekend lamang nasa gym.
And that is consistent. Tatlong buwan ko na siyang personal assistant pero hindi ko pa siya ganoon kalubusang kilala pwera ngayon na may kumakalat na video scandal niya. At talagang tila wala siyang pakialam. Sabi pa nga niya ay lahat ng babae at lalaki ay ginagawa 'yon. Abnormal daw ang mga taong hindi nakakaramdam ng lust.
She's weird, but she's so attractive and does have a strong sex appeal.
Malapit na matapos ang pinapanood ko nang biglang may tumawag sa phone ko. Isinara ko ang laptop at sinagot ang phone.
"Hey Kim? What's up?" I said. It's my co-model and also a friend Rheanna Kimberly.
"Buti naman at natawagan ka na, kanina ka pa kaya kino-contact ni Niniana." She frowned. Bakit ba, busy ako sa panonood. Yes, I have a three girl bestfriends and also my co-models. Mas feel ko na makipagkaibigan sa babae. Siguro dahil may dalawa akong big brothers pero ayaw ko muna silang pag-usapan. Mga hinayupak na 'yon.
"Bakit ba? Aayain niyo ba ako uminom?" I asked.
"Sira, nanganak na si Nicole. Wala ka bang balak dumalaw? Ikaw nalang hinihintay namin." Oh, nanganak na pala si Niks. Nakakatuwa naman.
"Sige, mauna na kayo. Susunod ako mamaya may kailangan lang akong asikasuhin."
"Hayan tayo eh! Ano'ng klaseng kaibigan ka?" I chuckled. Napaka dali talagang ma high blood ng babaeng 'to palibhasa walang love life at oo nga pala, never pa pala siyang nagka love life.
"Gago, mabuti akong kaibigan. Pupunta nga mamaya diba? Kung ikaw ang nanganak baka lumipad pa ako." tumawa ako. I just teased her.
"Pakyu ka. Sapak ka sa'kin mamaya." Lalo akong tumawa. Halos magkandahulog ako sa swivel chair ko.
"H'wag ang handsome face ko ah!" I said.
"Tse! Bye na!" Nailing lang ako. Tumayo ako at lumabas ng kwarto ko. Naabutan ko si Lala na abala sa pag steam iron ng mga susuotin kong damit bukas.
"Oo Yvhonne, ipadadala ko bukas. Hindi puro boyfriend ha? Mag-aral kang mabuti kundi kakalbuhin kita." Napahinto ako dahil may kausap pala siya habang naka earphones.
"Oo nga, uuwi ako next week. Pakisabi d'yan sa land lady na 'yan ipapakain ko sa kanya ang kulang natin sa upa pagkauwi ko. Isusungalngal ko sa lalamunan niya." Patuloy lang siya sa steam iron ng mga damit. Gusto kong matawa dahil pati siya ay mainit ang ulo. Naiiling iling siya.
"Sige na Yvhonne, may ginagawa pa ako. I-lock mo lagi ang pinto at may mga kutsilyo d'yan basta kapag may pumasok na di mo kilala saksakin mo kaagad." Kumuha ako ng tubig. Mukhang kailangan niya nito upang bumaba ang init ng ulo niya.
"Water?" Napatingin lang siya sa'kin.
"Kaya kong kumuha ng tubig ko Sir." She said. Kinuha niya ang pin-lantsa niya at isinabit sa rack.
"I'm just offering, ang sungit mo talaga." Tumingin siya sa'kin and she half smile.
"Mukhang mas kailangan mo 'yan Sir, bakit? Kasi baka nauhaw ka kapapanood ng scandal ko. Maganda ba?" Napatingin ako sa kanya at pinili ko nalang na matawa kaysa mapahiya.
"What did you say?" I said.
She rolled her eyes.
"Kayong mga lalaki talaga no? Mahilig ma-deny. Sa susunod po kasi, mag-lock po kayo ng pinto ng kwarto niyo o kaya hinaan niyo ang volume." Hindi ko alam ang sasabihin ko. Na-corner ako ng di oras.
"I'm so sorry, that's not intentional." Nagkibit balikat siya.
"Sabihin mo lang sa 'kin Sir if papa-autograph ka ha?" Sabi niya saka nagtungo sa kusina at kumuha ng sariling tubig. Nailing na lamang ako napapatanong sa sarili ko kung paano ko siya nakilala.
Three months ago, nagpahanap ako kay manager Lio ng personal assitant at ito ngang si Lala ang ni-hire niya for me. Pumayag naman siya sa kondisyon nito na dito ko sa unit ko mag-stay every weekdays. Kaso, nakaka-intimidate talaga ang kasungitan.
Napaka anti-social din niyang tao. Kapag sinasama ko siya sa mga events at parties kung saan invited ako ay mas gusto niya lang na mag-stay sa loob ng sasakyan. Pero for me ay hindi naman siya mukhang PA. Napagkakamalan pa nga siyang isa sa mga models minsan o kaya naman ay kinukuha siyang model pero siya ng unang tumatanggi. Lagi lang siyang naka earphones at nakikinig ng music.
Ang alam ko lang ay may bunso siyang kapatid na babae. After that ay wala na akong alam about her ayokong usisain ang patungkol sa family background niya o kung ano pa man. Basta ang mahalaga ay mapagkakatiwalaan siya.
"Lala, sorry na." Hinging tawad ko. Alam kong nakaka-offend 'yon na pinapanood ko ang napaka sensitive na video niyang 'yon. Pero, ginagawa ko ang lahat upang hindi na 'yon tuluyang kumalat saan pa man.
Tuloy lang siya sa pag-inom ng tubig niya. Muli siyang nagtungo sa gawi ko. Naupo siya sa katabi kong couch. Kinuha ang remote at binuksan ang T.V.
"That was my ex-boyfriend." Napatingin ako sa kanya. Aba, himala? Nago-open yata siya ngayon?
"So, what happened to the both of you?" Nililipat-lipat niya lang kung saan-saan ang chanel. Minsan napapansin ko na mannerism niya ang paglipat-lipat ng palabas.
Hindi siya kaagad nakasagot.
"Two years ago, at graduating student ako. Actually 'yon ang huli naming pagkikita. Nakarinig ka na ba ng break up sex?" Itinaas ko ang kilay ko.
"May ganun pala?" She just smirked.
"Talaga bang Manila boy ka?" Tanong niya.
"Of course, I'm a Manila boy with class."
"So, walang class porke alam ang break up sex?"
"Wala akong sinabing ganyan. Hindi ba pwedeng college ako nung last akong nagka girlfriend?"
"Wala ka pala eh." Nag cross arms lang siya at natahimik na muli.
May mga nabubuo na akong conclusion about her, maybe she's from a rich family? And she's a brat?
Pero bakit need niya pa mag-work at mangupahan kasama ng bunso niyang kapatid? Minsan ko ng pina-investigate ang patungkol sa mga Yzaguirre. Walang makalap na impormasyon ang investigator ko even social medial accounts ay wala si Lala. Maski mga SSS numbers wala siya. Gusto ko na ngang isipin kung taga Pilipinas ba talaga siya.
Sabi sa'kin ni Manager Lio ay dapat sundin ang mga requirements. Pero tatlong buwan na ay hindi pa rin siya kumukuha kaya sabi ko kay Lio ay ~
'wag nalang pakuhanin.
Pati ang kilos niya ay ino-obserba ko rin. She's strong and fierce. Isa siyang babae na you should never mess up with.
"By the way, aalis ako. Nanganak ang co-model ko."
"It's that Nicole? Pakisabi congrats." Nakangiting sabi niya. Her words and accents. Not just because nakatapos siya but I surely, she's from a rich family too.
"Makakarating. Baka umagahin ako ha." Tumango lang siya.
Tutal tanghali palang naman ang call time ko bukas sa Modellettes. Kaya kung mag-aya man si Kim bruha ay papayag ako .
Kinuha ko ang jacket ko at lumabas na ako.
HC Medical City
"Sa wakas naman nakarating ka rin!" Bungad agad ni Kim. Halos dinig sa buong pasilyo ang boses niya. Alas onse na ng gabi napakaingay.
"Mahiya ka nga! Ang ingay mo." Hinila niya ng jacket ko papasok sa room ni Nicole. Naabutan ko si Niniana na nasa loob na rin dahil wala pang malay si Nicole.
"C section si Beshy. Tapos kambal na boy and girl ang baby niya." Napatingin ako kay Kim.
"Sarap magkababy no? Try mo na rin kaya?" Pang-aasar ko. Nakipag beso ako kay Niniana.
"Gago ka talaga!" Pinaghahampas niya ako.
"Kaya walang nanliligaw sa 'yo kasi mapanakit ka!" Sabi ko.
"Hey guys? Nagpapahinga pa si Niks. Stop it." Sabi Niniana. Sabay kaming naupo sa sofa.
"Wala pa ba si Min Re?" Tanong ni Kim.
"Call him. Ikaw may alam ng digits niya, right?" Sabi ni Niniana. Kinuha ni Kim ang cellphone niya at tinawagan si Min.
Naging tahimik ang lahat at abala kami sa mga cellphone namin.
Ilang buwan din kaming hindi nakakabonding dahil nga buntis si Nicole tapos mga busy schedule pa kami.
Muling nagsalita si Kim.
"Parating na raw in thirty minutes." Tumango lang kami ni Niniana.
"Ano'ng balak after natin dito?" Tanong ko.
"Alak na alak ka ba Euan?" Tanong ni Kim.
"Hindi naman."
"Sleep over nalang sa unit ko want niyo?" Sabi ni Niniana.
"Wala namang pagkain sa unit mo eh. Sa unit ko nalang." Sabi ko.
"Pwede rin. Masarap magkalat sa unit mo eh."
"Ang sama talaga ng ugali mo Kim no?" Binato ko siya ng throw pillow.
"Letse ka talagang lalaki ka!" Binato niya rin sa'kin ang throw pillow. Natawa nalang ako.
"Napakapikunin mo. Maaga kang mamenpouse niyan sige ka." Inirapan niya lang ako.
"Sige sa unit mo nalang Euan. Malaki unit mo eh, yayamanin ka naman." I chuckled.
"Oy hindi ah."
"Mapagpanggap! Mark Euan Balenciaga." Natatawa lang ako.
"H'wag mong banggitin buong pangalan ko. Lalo akong gumagwapo." Napasapo ng noo si Niniana.
"Ang kapal mo talaga!" sabi naman ni Kim.
Kinuha ko ang isang round chair at itinaas ang paa ko roon.
Sumagi na naman sa isipan ko ang napanood kong video kanina ni Lala.
Damn.
--