Ang bawat isa sa atin ay malayang mangarap at
magmahal. May mga pagkakataong kailangan nating
magsakripisyo para sa ating mga minamahal o di
naman kaya ay palayain sila kung itoy ikaliligaya nila.
May pagkakataon ding kailangan nating itama ang ating mga pagkakamali para sa ikakabuti ng lahat.
Sa isang kuwarto ay palakad-lakad ang isang lalaki na si Benjamin dahil hindi makapili at numumula pa ito kasama niya ang kanyang Ama na si Ginoong Benjo na kumportableng nakaupo at nagkakape.
Sa kabilang kuwarto naman ay naroon si Laurisia na nakahiga at tila pawis na pawis na sapagkat siya'y hirap na hirap sa panganganak kasama niya si Ginang Jasmin na siyang nagpapanganak sa kanya.