Chereads / My Clumsy Girl / Chapter 51 - Blessy's Thoughts

Chapter 51 - Blessy's Thoughts

Blessy's Pov

Nagising ako na namumugto ang mga mata ko. Gawa ng kakaiyak ko kagabi. Nung tumawag sakin si Leo, ramdam ko ang pagsisisi nya. Sa totoo lang namimiss ko na sya pero, ayaw ko pa muna syang makita. Gusto ko munang mag isip isip. Patatawarin ko naman sya eh lalo na nung marinig ko kagabi ang paghingi nya ng tawad.

"Hello love, pakinggan mo muna ako. Kahit wag ka na lang magsalita basta wag mo akong babaan. Miss na miss na kita. Sorry sa nagawa kong paglilihim sayo. Alam kong mali, kaso naduwag ako. Isa pa hindi ko matanggap na ako ang dahilan kung bakit ganyan ang sitwasyon mo. Hanggang ngayon sinisisi ko ang sarili ko." sabi nya. Hindi ko mapigilan ang umiyak.

"Patawarin mo ako love, kung gusto mo munang makapag isip pagbibigyan kita. Gusto ko lang marinig ang boses mo kahit bago ka matulog. Kapag nagbago na ang isip mo at gusto mo nang umuwi sa akin, sabihin mo lang agad at susunduin kita. Mahal na mahal kita." sabi nya.

Yung mga salitang iyon ay sobrang nakapagpaiyak sakin. Ayoko ding makita sya na nagkakaganun. Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko.

"Hindi ka pa ba babangon dyan? Magmumukmok ka na lang ba talaga dyan. Alam mo naiintindihan kita sa sinabi mong pinagmukha ka nyang tanga. Pero ang hindi ko maintindihan sayo kung bakit kailangan mo pangmagmukmok dyan at palakihin pa ang problema nyo. Naalala mo ba yung kwento mo sakin na pag uusap nyo ng tito ni Leo? Sige nga, anong point mo ng paglalayas?" tanong ni Brandie na kakapasok lang ng kwarto namin. Dito na rin kasi sya nakatira sa bahay ko.

Naalala ko nga ang pag uusap namin ni tito V. Hindi ko alam na marunong pala itong magseryoso. Kasi sabi nila parang alien daw ito kung makipag usap.

"Blessy anak, ano bang problema nyo ni Leo? Huwag kang mag alala sa atin lang ang pag uusap na ito." sabi nya.

"Kasi po pinaasa nya po ako na magkakaanak pa ako, yun pala may diperensya na pala ako." sabi ko.

"So naglihim sayo ang anak anakan ko, ganun ba?" tanong nya at tumango ako.

"Pinakinggan mo ba ang paliwanag nya kung bakit nya yun ginawa?" tanong nito. Umiling naman ako.

"Hindi ba kaya ka nagkaganyan ay dahil sa pagkakabaril mo at dahil sa pagsagip mo kay Leo?" tanong pa nya.

"Opo." sagot ko.

"Nagpapasalamat ako kasi sinagip mo si Leo nuon. Matanong ko lang, nagsisisi ka ba na sinagip mo sya?" tanong pa ni tito V.

"Hindi po. Kahit maulit pa iyon ay parehas pa rin po ang gagawin ko." sagot ko.

"Ganun naman pala eh. Naisip mo ba na dahil sa ginawa mo ay maaaring maapektuhan ang katawan mo?" tanong nya. Umiling ako. Hindi ko din naisip iyon.

"Alam mo kaming mga lalaki, ang gusto namin ay naibibigay namin ang lahat sa mahal naming babae. Kahit pa ang buhay namin. Sa aming magbabarkada ganyan kami. Lalo pa si daddy Jk nyo at namana ito ni Leo. Nung ibinuwis mo ang buhay mo para kay Leo, malamang sinisisi nya ang sarili nya. Lalo siguro ng malaman nya na dahil sa kanya ay hindi na kayo magkakaanak. Panigurado ang sisi nun sa sarili nya. Tatanungin kita ulit, ngayong nalaman mo na hindi na kayo magkakaanak, nasagi ba sa isipan mo na sinisisi mo sya sa nangyari?" tanong pa nya.

"Hindi po. Hindi ko naman po sya sinisisi. Ang ikinagalit ko lang po yung nagainungaling sya sa akin at ang paasahin ako sa wala. Lumayo po ako kasi gusto kong makapag isip at magpapalamig lang ako ng ulo ko. Hindi ko rin po kasi maintindihan ang sarili ko ngayon kung bakit ako nagagalit ng ganito. Pero huwag po kayong mag alala, papatawarin ko naman po sya. Gusto ko lang po talagang mag isip isip." sabi ko.

"Andito na tayo. Kapag kailangan mo ng kausap nandito lang ako. Ayokong nakikita kayong ganyan ni Leo. Huwag mong patagalin ang galit mo at baka mabaliw ang asawa mo. Sya sige na, tawag ka na lang." pagpapaalam ni tito V at lumabas na ako ng kotse.

Tama naman lahat ng sabi ni tito V. Magpapalamig muna ako bago ako humarap ulit kay Leo.

"Oh ano, need pa ba kitang dalahan ng food dito? Etchuserang ito, may paemote emote pang nalalaman." sabi ni Brandie.

Lumipas ang isang linggo na ganun ang routine namin ni Brandie. Bago yun umalis papuntang school na pinatatayo ko ay sesermunan muna ako. Gabi gabi ring natawag si Leo at ang nasasabi ko lang sa kanya ay goodnight. Bumangon ako at naligo bago bumaba.

"Hay salamat bumangon na rin ang prinsesa natin. Kain na." sabi ni tita Josie.

"Sina lolo at lola po?" tanong ko.

"Kasama nung nurse at nung tauhan ni Leo. Check up kasi ng mga lolo at lola mo. Mabuti na lang at laging pinapaasikaso ni Leo ang mga ito sa mga tauhan nya simula ng umalis kayo. Ang bait bait ng asawa mo, bakit mo pa sya kailangang pahirapan." sabi ni tita Josie.

Hindi na ako umimik. Balak ko na ngang umuwi ngayon eh. May dadaanan lang ako saglit. Pagtapos kong kumain ay kinuka ko ang bag ko at pumara ng taxi. Bumili muna ako ng bulaklak bago ako nagpunta sa puntod ni mama. Inayos ko muna ang bulaklak at nagsindi ng kandila. Nagdasal muna ako bago ko kinausap si mama.

"Mama i've been a bad girl. Nagalit pa ako sa taong lubos na nagmamahal sakin. Hindi ko alam kung bakit ako nanghingi ng time at space pero araw araw gusto ko syang makausap. Mama, sabi nila hindi na ako mabubuntis. Mama, anong gagawin ko? Isang iyak na lang po titigil na ako." Umiyak ako ng umiyak sa puntod ni mama.

Tatapusin ko na ang pag eemote ko dahil napapahirapan ko na ang taong mahalaga sa akin. Nagpalipas pa ako ng isang oras bago ko tinawagan si Leo. Nagring lang ito ng 2 beses at sinagot nya agad.

"Hello, love." sabi ni Leo.

"Hello love, busy ka ba? Pwede mo ba akong sunduin?" sabi ko.

"Love hindi ako busy. Bill! Cancel all my appointments for today and for tomorrow." sabi nya.

"Pero boss, malaki ang mawawala sa kompanya kapag hindi natuloy ang pirmahan." rinig kong sabi ni Bill.

"Wala akong pakialam. Ang mahalaga sakin ay ang asawa ko. Hello love sorry about that. Saan nga pala kita susunduin?" sabi nya.

"Okay lang ba talaga? Magtataxi na lang ako." sabi ko.

"No! Susunduin kita. Kahit million pa ang mawala sakin ay di kita ipagpapalit. Asan ka ba?" tanong nya.

"Nandito ako sa cemetery. Dumalaw muna ako kay mama bago umuwi sayo." sabi ko.

"Wait! Tama ba ang rinig ko, uuwi ka aakin?" tanong nya.

"Bakit ayaw mo ba?" tanong ko.

"Aba gustong gusto. Sandali lang. Antayin mo ako dyan." sabi nya.

Hindi naman ako nag antay mg matagal at dumating agad si Leo. Nagmamadali itong lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Thank you. Thank you love!" sabi nya.