Chereads / "Love Overtime: Mr. Right get Lost" / Chapter 1 - "PROLOGUE : Past Happy Time"

"Love Overtime: Mr. Right get Lost"

🇵🇭Missa
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 3.7k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - "PROLOGUE : Past Happy Time"

"Wally & Jose's Time"

Sino bang hindi nakakakilala kay Wally at Jose ng "Eat Bulaga" slash "Juan for all, all for Juan". Sila yung tandem na mangangalay ang panga mo sa kakatawa. Pero ibang Wally at Jose ang tinutukoy ko dito. Wally & Jose is what I named for my two favorite professors. Wag niyo kong isusumbong, ha.

Laging nauuna ang oras ni Wally kaysa kay Jose. Ito yung dalwa kong prof na masasabi kong napakasaya. Do I need to describe there appearances? Mamaya na lang....

I can say that this is one of the most happiest moments of my college life, even though Im not yet done.

Ang subject ni Jose at Wally ay may kinalaman sa usaping sosyal- as in social. Ang kay Wally ay pilosopiyang dimensyonal at ang kay Jose ay pilosopiyang utakan.

Alam mo bang marami akong natutunan sa dalawang propesor na ito. Tulad ng kay Wally, the word - "SIP- SIP" means socially inclined person sicking for instant promotion. hahaha... naalala ko buong klase talaga nagtatawanan, hagalpakan. At ang pinakamalupet ay ang kay Jose- "MILO", masarap inumin lasang ovaltine.

Isa sa mga sine-mo-to ni Jose ay yung pusa, na nag poise pa sya na nakataas ang isang kamay animoy tiger, rarrrrr'. Dito nya sinabi na kung masama ang beliefs, baligtarin... Tulad ng pag- aalis ng bahay. Paglalabas sya ng pinto, may salamin. Tapos ngingiti sya sa reflection nya at sasabihin ang pinakamahalagang kataga para maisakatuparan ang ritwal- "Pogi na ako! Pogi na ako!" hahaha...

He once said, Mind over Body. Then pag lalabas na daw sya ng gate yung aso nya nakahanda na din daw, tila handa ng makipagpatintero. Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa, at pagtingin ni Sir sa likod, patikar na ang aso nya palabas. Yun naisahan na sya.

Masasabi kong si Sir Jose ay isang magaling na komedyante, nagtataka nga ako eh. Pero masasabi kong isa din sya sa magagaling na guro na nakadaupang palad ko sa aking buhay estudyante. Sya yung komedyante na by the time na mag start syang mag kwento,

yung the moves',

hand gestures,

facial expression,

talagang panalong panalo, tatawa ka to the max.

Si Wally naman ay may pagkasilahis din pero may asawa yan. In- fairness. Nakakaantok ang himig ng kanyang boses na matatawa ka na lang sa pupuntahan nito. Tulad na lang nung kwento nya about sa prof nya na babae noong college pa sya. Nakapostura, may dalang libro, mahinhin, inglisyera... At ganito magtanong: Who's ballpen is this? Taas kilay, pasosyal na hawak sa ballpen na nakataas... Tapos pag nagbubura ng chalkboard, bubura tapos titingin sa likod... anu ga't tingin ito ng tingin sa likod? sabi ni Wally. Kay Wally din namin natutunan na dapat M.A-t ka- MALAKAS AKO at M. A. GRADUATE AKO. Dapat daw ganun ka. Siguro kung tatakbo si Sir na kongresista, mapapagod syang tumakbo. Natatawang kwento ni Maui. Pero, di nga! may sarili syang studies nang nangyayari sa Pilipinas.

Pero alam mo ba? Kaya WALLY at JOSE? Kase si Sir W- ay kalbo din na ma'y konting buhok sa dalawang gilid ng ulo nya. Si Sir J- naman ay katulad din ni Jose ang mukha. Sori for the term baku-baku o butas butas ang mukha. Pero alam mo., isa sila sa mga guro na hindi ko malilimutan. Isa sila sa madaming rason kung bakit ako'y palatawa at mapagbiro. Sabi nga ni Sir J- nasa environment yun. Basta! Ang "Wally at Jose's Time" ay hindi ko palalampasin. Kaso si Sir Jose ay every other meeting naattend, may pagakatamad din eh'...

Ganunpaman... Salamat Sir W at Sir J. Hahahaha.

Maui'

09-20-16

_ _ _

Nakakatuwa.

I remember the day when I just bought this book, Im thinking of what will I do and write.

I remember how I wrote this, Wally and Jose's Time., the smile I can't suppress. The giggles of Caring and I. How I manage to write this during there time in the classroom the demonstration, teaching and laughing.

Naalala kung gaano ako ka kengkoy at kakulet.

Ako nga pala si Maui Viceral. Just call me Maui, isang service crew. Sori pero hindi pa ko nakaka graduate ng college. Syempre may regrets but I need to accept and move on for what I chose. Medyo chubby pero sakto lang, vital statistical 36-28-38. Sexy pa din. Hahaha... I love foods. Im the eldest in the four sibblings. 22. At naniniwala sa kasabihang, Live your life to the fullest because I am a master- master of my life... what ever happens to me depends on me. It maybe either good or bad, and I need to accept it. If it is good then better, if its the opposite then I just learn from it. I move on and try again until I succeed. Thank you. I hope for a blissful life for everyone...

Ps. Please bear with my attitude.