Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

MARRIED TO A CEO

Mary_Rose_Blunt
--
chs / week
--
NOT RATINGS
5.5k
Views

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - CHAPTER 1

Meari POV

"Te Beth may pasok ka ba sa trabaho mo ngayon?" tanong ko kay Ate Beth na siyang pinaka-matanda sa aming apat sa dorm.

"Meron Ri makikiwifi kaba?"

Binigyan ko siya ng pagkaluwang luwang na ngiti. Buti nalang okay lang sa amo niya. Anyways tinutulungan ko din naman kasi siya pag madaming tao na.

"Sabay nako sayo Te,"

Nang makarating kami sa pinagtratrabahuan niya tinulungan ko muna siya mag prepare ng mga order na nandoon na at hindi pa naaasikaso nung first shift.

Maya-maya ay may dumating na grupo ng mga lalaki. Kilala ko na sila. Palagi silang tumatambay dito kasi but this time may bago ata silang kasama. May takip nga lang bibig nito kaya hindi ko makita mukha niya.

"Hi Love", bati sa akin ni Duncan. Love tawag niya sa akin kasi Eros second name ko at Love ang meaning nun.

"Baka iba na yan ha? May magseselos," tukso naman ni Collin sabay aray.

"Yan kasi buti nga sayo," saad naman ni Derek kakambal ni Duncan.

"Tsk." lang ang naisagot ni Collin.

Kinuha ko na order nila. Pero nung sa bagong salta medyo nailang ako lalo na at tinitigan niya ako.

"Uyyyy eyes to eyes sila. Baka naman hinuhubaran niyo...Ouch!!!" sigaw uli ni Collin. " Kuha na kaya ako Phil.Health baka bukas ma ospital na ako. May isa kasi diyan brutal."

Narinig ko tawanan nila .

Maya-maya pa ay dinala ko na sa kanila ang mga order.

"Ayan! Kainan na!!" si Collin ang pinaka-matakaw.

Inabot ko naman yung sa bagong dating. Pero nung magdikit kamay namin kasi inabot niya sa akin ang order niya ay nakaramdam ako ng kuryente. Yung tipong kakaiba pakiramdam ko.

" Ahmm.. excuse me lang ha? Baka naman bitawan niyo na ang plato at nakaharang yang mga kamay niyo sa pagkain ko." si Collin uli.

Nang matapos ay bumalik na ako sa table ko at tinapos na assignments ko. Binuksan ko facebook account ko. Mas gusto ko kasing gamitin ang laptop ko kesa sa cp ko.

Lei Oliver is studying again. Walang nakakalam kung saang school siya mag eenroll.

SANA SA SCHOOL NAMIN!!

MY LOVE LEI TRANSFER KA NALANG SA SCHOOL NAMIN!!!

Ano bang itsura ng Lei Oliver na yan at pinagkakaguluhan ng mga babae???

Tsk!! La din naman akong pakialam. Haha. Dami kong bayarin sa school pati yan daragdag pa.

Binasa ko lang ilang messages at posts  nang biglang nag notify na may friend request sa akin. Sino kaya to??

Lei Oliver???

Wow ha??? Poser kaya to?? Saka paano ako i add nito eh hindi nga kami magkakakilala.  Pero nakita ko itsura niya. Cute... saka nakaka akit mata niya parang inaantok. Hahaha

" Ri kain muna tayo." Saad ni Ate Beth.

Ignore ko sana. Pero nung lingunin ko si Ate Beth nang tinawag niya ako aksidente kong na-accept ito.

Haysss!! Bahala na.

"Te hiring ba kayong part-time dito?" tanong ko kay Ate Beth.

"Tanungin ko si Ate Angela bukas Ri kung naghahanap sila. Sana nga kasi wala akong nakakatulong dito."

"Kailangan ko kasing matulungan din kapatid ko eh."

"Bat mo sila tinutulungan eh hindi naman kapatid at anak ang turing nila sayo?" tanong ni Ate.

"Okay lang yan te pamilya ko pa din naman sila eh."

Ding!!!

Tumunog messenger ko.

Lei Oliver : thank you sa pag accept.

Seen.

Bahala siya. Baka poser pa yan eh. Pero hindi ko muna dinilete sya sa list ko. Wala naman siyang ginagawa masama.

Mag alas 11:30 na at magsasara na kami. Andito pa rin mga kumag. Nagkaayaan na mag-inuman.

"Te Beth tulungan na namin kayo." presenta ni Duncan.

Pansin ko lang ni hindi manlang nila napakilala kasama nila. Not that I care.

"Uyy salamat. Makahanap ka sana ng maraming asawa. Haha".

"Torpe nga yan Te eh." Si Collin.

Kantiyawan nalang narinig ko.

"Ri pasensya na uwi kasi ako sa amin ngayon kaya mo bang umuwi sa dorm?"

"Oo naman te. Ako pa.!!" saad ko.

"Ay tamang tama lang Love kasi itong kaibigan namin papunta din malapit sa inyong dorm isabay ka na daw."si Duncan na medyo mapungay ang mata.

Si Derek lang at yung naka mask ang hindi uminom masyado.

"Nakakahiya naman."

"D....don't w. .worry Ri p. .pabor panga sa kan...Aray ko naman . Huhuhu sumbong ko na kayo kay Bebe ko."

"As if meron ka nun!!" yung naka mask.

Oh my.. sarap pakinggan boses niya.

Nang pauwi na kami ay wala kaming imikan hanggang makarating na kami sa dorm. Paano kaya niya nalaman san dorm ko??

"Thank you nga pala sa paghatid". Nahihiya kong saad.

"Ako dapat mag thank you." siya.

Huh?? Ano daw??

Kinuha niya phone niya at pinakita sa akin. Account nung Lei Oliver na nag add sa akin.

Naguguluhan pa rin ako.

Tiningnan niya muna ang paligid . Nang masiguru na walang tao masyado ay tinanggal niya ang mask niya.

Nagulat ako sa aking nakita.

Lei Oliver??

"Hi! Lei Oliver nga pala." sabay lahad ng kamay niya.

Hindi ko alam ano gagawin ko. Kung aabutin ba kamay niya o hindi. Pero inabot ko pa rin.

Mas lalo akong nagulat nang dumampi ang labi niya sa kamay ko.

"Nice meeting you Miss Meari Eros."

---------------------------------