Twilight Saga:Chain Into The Darkness

Queen_Chou
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 4.9k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Prologue

Sa madilim na kulungan kinulong ko ang isang bampira.

Hindi lang simpleng bampira.Prinsesa ng mga bampira ang ikinulong ko dahil sa sobrang galit ko sa kaharian niya.

Prinsesa siya ng kahariang kinasusuklaman ko.

"Trakus Mwande Vadlemore!!!

kaagano na ba katayog ang kaharian niyo ngayon?"natatawang sabi ko habang sumisimsim ng wine sa mismong bote.

"O?gaano na ba kababa ang kaharian niyo ngayon?"

Natatawa ako at nasisiyahan sa nangyayari sa kaharian ng Sanctua Vlasisco pabagsak na ng pabagsak.

Simula ng kunin ko ang nag-iisang Prinsesa nila ay halos mabaliw na silang lahat kakahanap rito!Ang Prinsesa ang nagsisilbing swerte sa kaharian nila.

And guess what?

Ako na ang sinuswerte ngayon!wala silang kamalay-malay na hawak ko ang Prinsesa!na ang Prinsesa nila ang dahilan kaya matayog ang kaharian ko.

Bumaba ako sa basement para dalawin ang Prinsesang mahigit isang libong taon ng nakakulong.

Kailanman ay hindi ko nakita ang Prinsesang nagbibigay ng swerte sa akin.Sa buong kaharian ko!nasusuklam ako!

Ang kaharian nila ang higit na mayaman kesa sa ibang kaharian kaya naman may kapangyarihan silang manakop ng ibang kaharian at pasunudin sa mga gusto nila.

Hindi pa man ako tuluyang nakababa sa basement ay nakaamoy ako ng mabango.Habang palapit ako ng palapit sa basement ay lalong tumitindi ang mabangong amoy.Nakakaadik!

"May nagpabango ba sa inyo?"tanong ko sa dalawang kawal na nagbabantay sa Prinsesa.

Sabay na umiling ang dalawa.

"Kaninong amoy iyon?"nagtatakang tanong ko sa kanilang dalawa.

"Sa Prinsesa po.Mahal na Hari!"tinuro pa nila ang pintuan ng basement.

Papaano?E hindi naman siya naliligo.Puro pagkain lamang ang bibnibigay ng mga tagapagsilbi sa kanya.Dahil iyon ang utos ko.

"Buksan niyo ang pinto"utos ko sa kawal agad naman itong tumalima.Agad nitong inalis ang pagkakalock ng pintuan.

"Sasamahan ka ba namin,Mahal na Hari?"

"Hindi na.Kaya ko na ito"tumango naman silang dalawa.

Pumasok ako sa loob at agad nanuot ang napakabangong amoy.Parang ang amoy ay gaya ng nasa hardin ng Le Muevas kung saan matatagpuan ang ibat-ibang klaseng mabangong bulaklak.

Hinanap ng mata ko ang Prinsesa pero hindi ko siya mahanap.

May narinig akong hikab kaya naman napatingin ako sa pinanggalingan.

Nakatingin ako sa babaeng nakataas ang dalawang kamay na para bang nag-uunat.Nakapikit ang mga mata,Nakakagat labi para pigilan pang muli ang paghikab.

Ang kulay asul niyang mahabang buhok na kulot ang dulo.Ang makinis niyang balat na nakakatakam.Ang kanyang labi na mapupula na nakakaakit at nakakapagpapatigas ng pagkalalaki.

Ang kanyang pilikmata na sobrang kapal at haba.Ang kanyang kilay na makapa at kakaiba ang hubog.

Ang kanyang pisnging namumula na masarap pisilin,halikan at kagatin.

Ng bumukas ang kanyang mga mata ay natigilan ako.Talaga bang bampira ang isang ito?

Kakaiba ang kulay ng mga mata niya.Kung ano ang kulay ng buhok niya ay ganoon din ang kulay ng mga mata niya.Mga nag niningning sa ganda.Hindi siya bampira?Imposible!

Bampira siya dahil anak siya ng Hari na pumatay sa aking Ama at Ina!

Tumingin ito sa direksyon ko.May kakaiba itong kislap sa kanyang mga mata.Ngumiti ito sa akin.Kaya naman natulala ako.Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa ngito niya.

Nagulat ako ng bigla itong mawala sa kanyang hinihigaan.

Wala pang limang segundo ay nakaramdam ako ng haplos sa aking batok.Dahilan para mag-init ang buong katawan ko.Idagdag pa ang pagtigas ng pagkalalaki ko.

"Sino ka?"malamig ang boses nito gaya ng pag lamig ng haplos nito sa batok ko.Wala na ang init sa mga palad nito gaya ng nauna.

"Ako si Adam Vrenzo Kazearvon ang Hari ng kahariang ito!"pormal na sabi ko kahit na nag-iinit pa rin ang katawan ko sa baway haplos niya.Kahit malamig pa ang palad niyang humahaplos.

"Hari?"tumawa ito na para bang hindi alintana kung sino ang kausap niya.

"May problema ba?"naiinis na tanong ko sa kanya dahil hindi pa din siya tumitigil sa pagtawa.

"Kung ganoon ay ikaw ang dahil kung bakit nakakadena ako ngayon at nakakulong sa lugar na ito?"tumigil ito sa paghaplos ng batok ko.Tiningnan ko siya sa aking likuran.Ngunit hindi ko na siya nakita doon.Nakaupo ito ngayon sa higaan niya.Nakade-kwatro ang upo kaya naman lantad ang mahaba at makinis niyang hita.

Masyadong maliit na ang damit niya.Kaya naman hapit na hapit ang katawan nito.At kitang-kita ang magandang hubog ng katawan niya.Ang manipin na bewang at ang malulusog na dibdib.

"Huwag mo akong tingnan ng ganyan!lapastangan!"sigaw nito sa akin.Kaya naman sa mukha niya na ako nakatingin.Bakas sa mukha nito ang inis at pagka disgusto sa pag tingin ko sa katawan niya.

"Ano pala ang pangalan mo?"kahit pinakidnap ko siya ay hindi ko alam ang pangalan niya.

Saglit na naman itong tumawa saka seryosong tumngin sa akin.Bigla na lamang itong napunta sa aking harapan at nilalaro ng kanyang daliri ang aking baba.Nakakakiliti ang dulot non na bumababa sa puson ko.Sanhi ng muling pagtigas ng pagkalalaki ko.

"Nakakatawa ka,Hari ng Ferlos Crustesias!Hindi mo man