Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Ang Propesiya Ng Asul Na Bulalakaw

🇵🇭Singledog
1
Completed
--
NOT RATINGS
17.5k
Views
Synopsis
Sa isang mapalad na araw ay may biyayang ibinigay ang mundo sa kalupaan ng mga Diyos at mahiwagang nilalang. Isang pagkapanganak ng isang Diyosa na ang pangalan ay magtatak sa mga puso ng mga immortal. Ang pagkapanganak ng nasabing DIyosa ay hindi pa masasabing biyaya. Biyaya ba ito sa kalupaan ng Agartha? O trahedya at kapahamakan sa sanggol na isinilang?
VIEW MORE

Chapter 1 - Ang Propesiya ng Asul na Bulalakaw

Sa isang mapalad na araw ay may biyayang ibinigay ang mundo sa kalupaan ng mga Diyos at mahiwagang nilalang. Isang pagkapanganak ng isang Diyosa na ang pangalan ay magtatak sa mga puso ng mga immortal.

Ang pagkapanganak ng nasabing DIyosa ay hindi pa masasabing biyaya. Biyaya ba ito sa kalupaan ng Agartha? O trahedya at kapahamakan sa sanggol na isinilang?

- Taon 1, 230,000 -

Sa araw na ito ay nakamangha-manghang pangyayari na magtatak sa puso ng mga immortal na naninirahan sa mundo. Isa itong pangyayari na hindi makakalimutan ng mundo.

Sa mapalad na araw na ito, sumibol ng magagandang kislap ng liwanag. Namukadkad ang bulaklak sa kalupaan at lahat ng mga dahon ay kuminang at tumingala. Pati ang hangin at alon ay nagagalak sa araw na ito. Ang lahat ng mga hayop naman ay huminto at yumuko sa direksyon ng mahiwagang mansion ng Supremong Diyos.

Sa mansion na iyon makikitang mayroong mga magagandang ibon na umiikot sa itaas. Sa loob ng mansion ay maririnig ang iyak ng bagong silang na sanggol na sa kanyang panganganak ay pinarangalang – Diyosa ng Kalikasan at Reyna ng Kagubatan. Pinangalanang siyang Asa Creia ng kanyang ina na Diyosa ng Liwanag na kinikilala ding Reyna ng Agartha at ang kanyang ama na Supremo ng lahat at Hari sa kalupaan ng Agartha.

Isang sanggol na ang buhok ay hawig sa ilaw ng mundo na pinaghalo sa magandang kulay pilak na buhok ng kanyang ama at may likas na masagang mahika na kung tawagin nila sa Agartha ay mana. May mata itong napakaganda at kaiba-iba. Kulay ginto and mata nito na kung talagang masdan ay parang makikita mo ang mga bituin sa kalangitan.

(nota: Ang 'Asa' sa kaniyang pangalan ay sumisimbolo ng mataas na parangal sa kalupaan ng Agartha.)

Ang pangalan niyang Creia ay nangangahulugang "Mapayapang naghahanap ng katotohanan at tagagawa ng kahimalaan" sa wika ng Agarth. Masaya ang lahat at nagdiriwang lahat sa anak ng kanilang mga pinuno at sa bagong panganak na prinsesa. Nang lahat ay umalis na sa silid, ang ngiti ng Supremo ay napalitan ng kalungkutan at pag-aalala. Tumingin ang asawa niyang Diyosa ng Ilaw sa kaniya at nagtanong bakit siya nadidismaya.

At doon nalaman ng diyosa ang nakitang propesiya ng Supremong Diyos tungkol sa kanilang anak. "Sa paglipas ng asul na bulalakaw sasapit ang isang trahedya sa nakatakdang may matang kayang makita ang lahat ng katotohanan sa mundo at mayroong boses na nagsisimbolo ng tunog ng kampana. Tanging ang itim na salamin at hindi tumutunog na kampana ang makakaligtas sa kaniya."

Natakot ang Reyna kaya nilagyan niya ng Lapella ( isang mahiwagang tela na gawa mula sa mahikang ilaw at kislap ng bituin) ang prinsesa.

Mula sa araw na iyon, ang mga nakatira sa kalupan ng Agartha ay nawalan na ng pagkakataon na makasaglip sa magagandang mata na naangkin ng bagong parangal na Diyosa. Hindi na rin sila napagkataonan na marinig ulit ang boses kampana ng kanilang prinsesa. Walang may nakaalam kung saan itinago ng Reyna at Hari ang prinsesa. Simula noon naging mitolohiya na lang ang nakatagong mata at mahiwagang boses ng prinsesa.

- Taon 1, 470, 000 -

Sa kasalukuyan, sa mahiwagang gubat ng walong yaman ay may makikita kang Diyosa na nakahiga sa malalaking sanga ng puno ng kaalaman. Siya ay tumutulog sa sanga habang nagpapabilad sa maligamgam na araw. Kapag minasdan mo mabuti ang mga katangian ng dalaga sa mukha, mag-aakala kang napakaganda niya kung hindi lamang sa telang tumatakip ng kaniyang mata. Nakasuot sa puting damit na may burdang mga magagarang magkakaibang bulaklak sa ilalim, nagmukha siya talagang diyosa na hindi maabot ng isang mortal. Ang kaniyang posisyon ngayon ay nagsisigaw ng kagandahan at kabanalan.

Siya na ngayon ang Diyosa ang kapanganakan noon na sumiklab ng kagalakan sa mundo. Siya ang kaisa-isang prinsesa ng Hari at Reyna ng Agartha. Siya din ang kinikilalang Diyosa ng kalikasan at Reyna ng kagubatan. Siya si Asa Creia.

Makalipas ang ilang segundo ay dumating ang dalawang makukulay na ibon at pumalibot sa itaas ng ulo ng diyosa. Ang tunog ng ng mga ibon ay parang nagsasabi sa diyosa na gumising na siya.

'Hmm… ang ingay.'

Napukaw sa kaniyang mahimbing na tulog ng diyosa kung kaya't ito ay nainis ng konti.

(note: telepatiya ang kaniyang ginagawa kapag ' ' ang nakalagay)

'Reyna, reyna kailangan mong gumising!'

Sagot ng isang ibon sa diyosa habang ito ay papalipad-lipad sa tabi niya.

'Bakit ka parang nagmamadali?'

Tanong nag diyosa habang inaayos ang mga tiklop at tupi sa kaniyang damit.

Pagkatapos nitong matapos ang kaniyang pangungusap ay tumalong siya mula sa sanga ng punong napakataas. Parang wala lang ito sa kaniya sapagkat kinikilala siyang isa sa mga pinakamalakas na diyos sa Agartha.

Sa isang beses nga ay pumunta sa kaniya ang anak ng Diyos ng Digmaan upang makipagpalitan ng suntok. Pero sa huli ay umuwi itong namumutla ang mukha at punong puno ng sugat.

'Nandito ang Reyna at Supremo!'

Dali-daling pasabi ng isang ibon sa diyosa.

'Nandito si ama at ina. Nakakapagtaka hindi naman sila nagbibisita sa walong yamang gubat. Ano kaya ang kanilang pasya?'

Ang taka ng diyosa sa kaniyang isipan. Sa pagkalipas ng ilang taon na walang ina at ama sa kaniyang tabi ay nasanay na si Creia at naging matatag sa kaniyang puso at damdamin. Alam naman niyang para lamang ito sa kaniyang kapakanan at ni isang araw o taon ay hindi siya nagtanim ng poot o galit sa kaniyang puso dahil sa ginawa ng kaniyang mga magulang.

Nandito lang siya palagi sa walong yamang gubat at paminsan minsan ding pumupunta sa labas ng gubat, pero hindi siya naging malungkot sapagkat nandito naman ang kaniyang mga alagad at mga nilalang sa gubat na kumakausap sa kaniya palagi.

'Tara na'

Lumingon si Creia sa kaniyang dalawang kaibigang ibon na sa Ri at La. Ang makapangyarihang ibon na dalawa kung sa anyo pero iisa lang lamang sila. Si Rila na tagabantay ng walong yamang gubat.

Mabilisan lamang sila dumating sa kinaroroonan ng Supremo at Reyna.

'Ama at Ina nandidito po kayo.'

Sabi ni Creia sabay mano sa kamay ng kaniyang magulang.

Tumingin ang Supremo sa dalawang ibon.

Nakuha naman ng dalawang ibon ang ibig sabihin ng titig ng Supremo.

'Prinsesa may gagawin pa pala kami.'

Magkasabay silang yumuko at umalis sa silid ng mansyon.

"Creia, anak"

Pagkaalis ng dalawa ay agad na iniyakap ng sabik na nanay ni Creia.

Matagal niya ng hindi nakita ang anak niya simulang mawalay sila noong bata pa lamang si Creia.

Hindi naman naputol ang komunikasyon ng magpamilya sapagkat mayroon namang mahiwagang bola na nagdudugtong sa magkahiwalay na pamilya.

"Creia, nandito kami ng ina mo para balaan ka tungkol sa asul na bulalakaw. Huwag ka munang lumabas sa gubat na ito kapag hindi pa lumipas ang limang daang libong taon."

Babala ng Supremo sa kaniyang anak sabay alala at takot sa knaiyang mga mata. Kahit kinikilala siya Supremo ng lahat at kinatatakutan ng mga masasamang mortal, isa rin siyang ama sa kaniyang pamilya.

Nagulat si Creia sa sinabi ng itay, alam niya ang kaniyang propesiya pero akala niya na nakalipas na ang maraming siglo pero hindi dumating ang asul na bulalakaw kaya binalewale na niya ito.

'Opo, ina at ama'

Sabi ni Creia sa kaniyang magulang.

Alala ang nakasulat sa mukha ng Reyna sapagkat ayaw niyang may masamang mangyayari sa kaniyang mahal na anak.

Pagkatapos noon ay hindi na nagtagal ang Reyna at Supremo sapagkat para hindi malaman ng kunsinumang magdudulot ng kasamaan sa kanilang mahal na anak ang lugar kung saan nila itinago si Creia.

Alam ng Reyna at ng Supremo na masakit ito ramdamin para sa kanilang anak at masakit din sa kanila na mawalay sa kaniya. Pero kailangan nila itong gawin para protektahan ang kanilang mahal na prinsesa. Walang magulang sa mundo ang kayang mawalay sa kanilang anak ng mahabang panahon ano pa sa mga diyos na magkaiba ang daloy ng panahon.

Tulalang nakatingin si Creia sa direksyon kung saan nawala na ang anino ng kaniyang mga magulang.

'Creia, wag ka nang malungkot.'

Nag aalalang pasabi ng dalawang ibon.

'Wag na kayong mag alala sa akin. Sanay na ako. At teka bakit hindi ninyo ako tinatawag na Prinsesa?'

Sabi ng diyosa sa dalawang ibon sabay pa taas ng kilay.

'EEK! May gagawin pa pala kami!'

Sabay patakbong papalipad ng dalawa.

'Kanina pa kayo may gagawin!'

Pasigaw ng prinsesa sapagkat malayo na ang liniparan ng dalawa.

Pero kahit papaano ngumiti na rin ang prinsesa sa wakas. Tumingala siya sa mga bituin sa langit at natanong sa sarili.

"Totoo kay ang propesiya?"

Kapag mag-isa lamang ang diyosa ay doon maririnig ang boses kampana niya.

At kung may makakarinig man sa kaniya, nako mahuhulog talaga sila sa ganda ng boses ng diyosa.

- Taon 1,500,000 -

Sa ika-limang hangganan ng walong yamang gubat ay makikita si Creia naglalakad sa daanan ng mga bulaklak. Habang siya ay naglalakad ay mayroong siya naramdamang konting gambala sa proteksyon ng walong yamang gubat.

'Imposible, napakatibay ng proteksyon ng kagubatan.'

Napaisip siya ng sandali bago lumipad patungo sa sanhi ng pagkagambala sa daloy ng mana sa nakapalibot na proteksyon ng gubat.

Mabilis niyang naramdaman ang gambala sapagkat nasa ika-limang hangganan siya kung saan mas mabilis mong mararamdaman ang daloy ng mana.

Pagdating ni Creia doon ay may nakita siyang ibon na hindi na nakikita sa ngayong panahon. Ang ibon ng hari ng kadiliman kung saan nakatira ang mga demonyo at iba pang masasamang espirito sa mundo.

'Bakit nandit-'

Hindi niya pa natapos ang kaniyang pangungusap at agad na siyang sinubok ng ibon.

Tinatawag na Gethen ang ibon, ang alagnag hayop ng namatay na hari ng diliman.

Natakot si Creia sapagkat namana ng ibon ang natitirang kapangyarihan na meron ang hari ng kadiliman mas lalo pang ang kaniyang kapangyarihan ay may konting mahika ng ilaw.

Matatalo talaga siya kapag walang may dadating upang iligtas siya.

Bumuga ng apoy na itim ang ibon sa direksyon ni Creia. Ang apoy na itim na ito ay punong-puno ng iba't-ibang kasakiman sa mundo at talagang manghihina dito si Creia sapagkat ang mahika niya ay mayroong mahika ng ilaw.

Umitim na ang paningin ni Creia.

-----

Sa madilim na gubat isang himala ang nangyari.

Isang asul na bulalakaw ang lumiwanag sa madilim na lupain na kung saan ang mga demonyo ay nakatira.

-----

Pagmulat niya ng kaniyang mga mata ay naroroon siya sa isang madilim na gubat. Punong-puno ito ng madilim na mahika, kahit ang mga bulaklak ay maitim at nagbibigay ng hangin ng kaskaiman.

Mahinang tumayo si Creia sapagkat konting mana na lang ang natira sa kaniya at may mga sugat pa siya.

Tiningnan niya ang kaniyang paligid at puno ito ng maiitim na kahoy na parang gumagalaw.

'Mukhang ihinulog ako dito ng Gethen.'

Lumawag ng konti ang kaniyang loob sapagkat hindi ito pinatay ng ibon.

Hinawakan niya ang kaniyang mata at sinuri kapag nandiyan pa ang Lapelle na ibinagay ng kaniyang nanay. Doon niya nalaman, na nawala na ang tela. Baka nasunog sa apoy ng ibon.

Kapag may buhay na immortal sa gubat na iyon, doon nila makikita ang napakagandang mata niya na parang hindi nabibilang sa mundong ito.

Matang kulay ginto na sa kadiliman ng gubat ay parang lumiliwanag.

Lumakad siya papalayo sa lugar kung saan siya iniwan ng ibon kasi napakadelikado kung babalik ang ibon mas lalo siyang mapahamak.

Habang naglalakad siya, mas napapalalim ang kaniyang pinupuntahan. Lakad lang ito na lakad hangga't may nakita itong parang ilaw. Nagmula ang ilaw na ito sa isang bulaklak.

Ito ay nagbibigay ng purong mahika katulad ng mahika ni Creia.

Nilapitan ito ng diyosa sapagkat siya ay kilala bilang Reyna ng kagubatan at alam niya lahat ng mga bulaklak sa mundo pero hindi niya pa ito kahit kalian nakita.

Namangha siya sa bulaklak. Tiningnan niya ito ng maigi at napansin niyang maraming purong mahika ang ibinubuga niya.

Napahinala din si Creia bakit mayroong bulaklak ng liwanag dito sapagkat ang gubat ay nabibilang sa lupain ng kadiliman.

Sa sandaling iyon, lumiwanag lalo ang mata ni Creia at nakita niya ang totoong anyo ng bulaklak.

Aatras na sana ang diyosa ng may biglang umungot na ugat ng kahoy sa kaniyang paa at natisod siya bigla at nahawakan niya ang bulaklak.

Biglang sumiklab ng itim na hangin na punong-punong kadiliman ang bulaklak. Dumaloy ang itim na usok mula sa kamay ni Creia patungo sa kaniyang puso at mata.

Ang bulaklak na ito ay isang tagong yaman na ginawa noon ng hari ng kadiliman.

Ang bulaklak na ito ay punong puno ng mga natipong mga kasakiman, sala, kawalan ng katarungan at puot at galit sa mundo.

Ang isang dahilan bakit napalapit na sa puso ng hari ng kadiliman ang bulaklak na ito sapagkat kaya nitong linlangin ang kahit kanino. Isang eksepsyon dito ang diyosa na may matang kayang makita ang lahat ng katotohanan sa mundo. At iyon ay si Creia.

Nang pumasok ang usok sa puso ni Creia napasigaw ito sa sakit hindi sa pisikal na sakit kundi sa mga paglusob ng iba't-ibang emosyon; galit, sakit, poot, inggit, galit, at kasakiman.

Sa ikalawang sandali na maririnig ng mundo muli ang boses ng diyosang itinakda ng trahedya ay sa sandali pang sumigaw ito sa sakit at sindak.

Ang usok ay lalong kumapal noong nakalipas ang isang minuto at biglang nawala sa nang tumigil ang sigaw ng diyosa.

Umiba ang anyo ng diyosa sapagkat sinapian na ito ng mga damdamin ng mga kaluluwang nakulong sa bulaklak na iyon.

Ang buhok niyang sumisimbolo ng liwanag at parang pilak ang kulay ay naging itim. Ang kaniyang mga mata na ginto ay umitim rin.

Ang mata niya ngayon ay parang naging makulimlim at parang nawalan ng ilaw.

-------

Sa kabilang dako ng maitim na gubat ay nakahalumay ang bangkay ng Gethen.

Nakatayo sa gilid ng bangkay ng puno ay isang lalakeng na ang kagwapuhan ay hindi parang nasa mundong ito.

Madilim na asul ang kulay ng kaniyang buhok at mata. Makikita mo sa kaniyang mga mata ang kislap ng kalawakan. Mayroon siyang espadang hinahawakan kung saan mayroon pa itong mantsa ng dugo ng ibon na pinatay niya.

Sa kaniyang gilid ay may nakataling asul na kampana na hindi tumutunog. Kasama na rin ang isang maitim na salamin.

Siya ang Diyos ng Gabi – Heneral Hesulla na nakatulog ng mahabang panahon simula sa digmaan ng Supremo at Hari ng Kadiliman.

Sa Digmaan na iyon, siya ang naging Heneral at nagkaroon siya ng isang sugat. Sanhi ng kaniyang pagkatulog ng mahabang panahon.

Hahanapin na niya sana ang dalagang kaniyang nakita na idinagit ng ibon ng marinig niya ang sigaw nito.

Agad na tumakbo ang diyos ng gabi patungo sa kinaroroonan ng sigaw.

'Ang direksyon na ito ay patungo sa bulaklak ng panlilinlang.'

Isip ng diyos sabay kunot ng kaniyang kilay sa alala.

Hindi man niya kilala ang dalaga pero labis itong nag-alala para sa kaniya.

Pagdating niya doon ay nakita niya ang isang babaeng na nasapian na ng usok mula sa bulaklak.

Narinig niya ang dalaga na nagsasabi ng mga huling pasabi ng mga kaluluwang puno ng puot sa pagkamatay nila.

"Dalaga, making ka sa akin."

Agad na tumingin ang dalaga sa kaniya at biglang pumula ang mata. Agad na inatake siya ng babae.

Sa kanilang labanan talagang maingat si Hesulla na hindi masugatan ang dalaga. Napansin niya din na ang mahika ng babae ay mayroong mahika ng ilaw at kalikasan. At lumuluha ang dalaga ng gintong luha.

"Makinig ka sa akin, ang bulaklak na ito ay manlilinlang. Ang lahat ng nakikita mo ngayon, hindi iyon ang katotohanan. Isa lamang itong ilusyon."

Totoo ang sinabi ng diyos sapagkat sa mata ni Creia ang kaniyang linalabanan ngayon ay ang Hari ng Kadiliman na pumatay ng kaniyang magulang at lahat ng kaniyang mga kaibigan sa kaniyang panaginip.

"Isa lamang itong panaginip."

Bumababa ang tono ng diyos na parang itong kumakausap sa isang bata.

Mayroong kapangyarihan si Hesulla na patulugin at pagalingin ang mga pighati ng ninuman.

Sa pakikipaglabanan nila maririnig ni Creia ang tunog ng isang kampana.

Sa kaniyang delusyon ay maririnig niya ang malinaw na tunog ng mga kampana.

Iyon ang kampana na nakatali sa gilid ng Diyos.

Huminto si Creia.

Sa pagkakataong iyon ay kinuha ng diyos ang salamin niyang itim.

At doon nakita ni Creia ang kaniyang repleksyon. Nagulat siya sa kaniyang histura sapagkat hindi ito ang kaniyang tunay na anyo.

Sa pagitan ng itim na salamin na pinaniniwalaang hindi mo makikita ang iyong repleksyon ay nakita ni Creia ang kaniyang anyo.

Sapagkat hindi pa nasapian ng buo ang kaniyang mata nakita niya ang totoong anyo niya.

Sa saglip na iyon ay lumiwanag ang paligid. Ang madilim na kagubatan ay nagkaroon ng liwanag. Isang himala ang nangyari at umulan ng kislap ng liwanag ang paligid. Nabulag lahat ng mga demonyo sa lupain at sila ay nawala.

Nasira ni Creia ang nakasapi sa kaniyang kasakiman at panlilinlang ng bulaklak sa tulong ng Diyos ng Gabi.

Nakita ni Hesulla ang totoong anyo ng dalaga at ito'y agad napahanga at tumibok ng mabilis ang kaniyang puso.

Nagulat din si Creia ng malaman niyang ang nagligtas sa kaniya ay isang lalakeng napakgwapo.

Sila ay nahulog sa mga mata ng isa't isa.

"Salamat sa pagliligtas sa akin, o magiting na bayani."

Sinabi ni Creia sa manliligtas niya sabay yuko.

"Walang anuman naman magandang dalaga."

Sabi ni Hesulla sabay ngiti sa dalaga.

Dumating ang Supremo at ang Reyna at napaginhawa ang kanilang loob ng Makita nilang ligtas ang knailang prinsesa. Doon din nalaman ni Hesulla na isang prinsesa at Diyosa ng kalikasan na nagngangalang Creia ang dalagang nasa harap niya. Gayundin sa kay Creia doon niya nalaman ang kaniyang tagapagligtas ay isang Heneral at Diyos ng Gabi na nagngangalang Hesulla.

Umuwi sila pabalik sa kaharian ng Agartha at sabay binate ng mga immortal ang pagbalik ng prinsesa at ang pagising ng Heneral.

Doon nasaksihan ng lahat ang kagandahan ng Diyosa at narinig na muli ng sanlibutan ang boses kampana ng prinsesa nila.

Sa huli ay nagpakasal ang Diyos ng Gabing si Hesulla at ang Diyos ng Kalikasang si Creia.

Sabay naman nagalaka ang buong mundo sa banal na mag-asawa. Pati na rin ang kanilang kuwento, kumalat sa sanlibutan. At ang kuwentong iyon ay hinding-hinding malilimutan ng ninuman.