Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

What If The Love Counselor Fell in Love?

🇵🇭ColdIce
--
chs / week
--
NOT RATINGS
36.2k
Views
Synopsis
Ang kwento ay umiikot sa panahong kung saan ulila ang mga estudyante sa pagmamaghal at mga nanghihingi ng tulong sa dinideklarang 'legendary love counselor' kung pa'no ba ang tamang paraan at mga malupitang payo sa panliligaw at maayos na relasyon. Pero paano kung ang eksperto sa pagbibigay ng mga malupitang payo ay hindi alam ang gagawin nung mainlove sa babaeng transferee sa kanilang eskwelahan?
VIEW MORE

Chapter 1 - Unang Kabanata

-Roger's POV-

Sumasama ang aming buhok sa presko at malamig na hanging binubuga ng makulimlim na umaga at habang kami ay mapayapang nag aalmusal dito, bigla kaming napalingon ni Pedro nang narinig namin ang tunog ng pintuan na biglang bumukas, mabilis kami na nagsi tago sabay kinuha ang aming almusal inaakalang pumasok dito ang guard sa rooftop. Bawal kasi tumambay dito hehe.

Dahan-dahan kami sumilip kung sino ang pumasok, kapwa estudyante lang pala. Langya naman, natapon pa tuloy ang paborito ko na hipon.

"Uy si Loisa ba iyon? Teka, may mangyayari yata na 'ritwal dito ah', pare ko" Pabulong na sinabi ni Pedro nung nakita namin ang mga rosas dala-dala ni kuya at ang nakatakip na mata ni Loisa.

"Nasan ba tayo Dave bat ang hangin dito?"

"Secret, Loisa"

Dito niya pa napili mag confess ni kuya ah... magaling kang kupal ka.

Inalis na ni kuya ang panyo na ginawang pantakip sa mga mata ni Loisa at siya'y lumuhod.

"Mag sisimula na ang ritwal..", pabulong ko sinabi kay Pedro na may tono habang siya'y sarap na sarap sa kanyang kinakain.

"Matagal ko nang gusto sabihin sayo..", nilabas na ni kuya ang rosas at natawa nalang kami sa reaksyon ni Loisa

"Uhm, Dave... pasensya na. Hindi pa ako handa sa ganyan, pwede huwag muna tayo lumagpas sa pagkaibigan?". Sinubukan namin ni Pedro pigilan ang tumawa pero hindi namin nakayanan.

Dahan-dahan umalis si Loisa, kinuha niya ang rosas at sinabi "Salamat pala dito hehehe" sinabay niya na rin ang kanyang pilit na ngiti.

"Ang ritwal ay nagtatapos.." Pabulong na sinabi ni Pedro habang sinusubukan namin pigilin ang tumawa. Binaba muna ni Pedro ang kanyang kinakain sabay ang pagpikit at hinugis tatsulok ang aming kamay simbolo ng dalamhati kay kuya sabay ang pagsabi ng "Sumaiyo ang kapayapaan".

Pasensya na kuya, ang ganito pagka sawi ay hindi dapat tinatawanan pero hindi namin kinaya, sana mapatawad niyo po kami.

Halata sa kanyang mukha na nadurog ang kanyang mundo , unang araw pa naman ng school year at nasira na kaagad ito. Nakakamangha ang tapang niya at ang pag-ipon niya ng lakas para masabi ang nararamdaman kay Loisa. Kung sana napagisipan niya muna na lumapit siya saamin baka mag jowa na sila.

Tumayo siya ng dahan dahan at umalis ng paika-ika na lakad dala ang kati ng pighati.

"Ano Pedro? May balak kapa ba ligawan si Loisa?" Sabi ko sakanya habang humahalo ang lungkot nararamdaman ko para kay kuya.

" Oo, Roger.. may balak ako"

" 'di kapa natuto sa pagkaka mali ng iba"

"Hehe, hindi mo pa kasi naramdaman ang matamaan ng pana ni Kupido. Ano nga ba ang matututunan ko sa pagkakamali ng ibang tao na patuloy pinipilit inaabot ang pangarap ko na hindi naman para sakanila?"

ang sabi niya sa'kin at napangiti ako sa sinabi niya na iyon. Oo nga naman, kelan

ko nga ba naranasan ang ma in-love sa isang babae?

"Tara Roger, punta na tayo room"

Hinagkat niya na ako na bumalik sa room at ako'y tumayo na. Linigpit namin ang aming pinagkainan, pinulot ang kanin at hipong nalaglag at tinapon ito sa basurahan dinaanan namin, mabait kaming mag-aaral noh? Mga katulad namin ni Pedro ay endangered na.

Kaagad lumuhod si Pedro sa harap ko nung kami ay pumasok na sa silid aralan at inulit namin ang mga sinabi nila kuya at Loisa kanina

" 'Matagal ko nang gusto sabihin ito sayo..' " inilabas ni Pedro ang mala rosas na naka crumple na papel sa kanyang likuran at sinabi ko naman

" 'Uhm, Dave... sorry. * Galawang Loisa kapag may manliligaw* Hindi pa ako handa sa ganyan, pwede.. *pa kyut* huwag muna tayo..*pa kyut* lumagpas sa pagkaibi--' "

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang biglang sinapak na kami ni Loisa sa ulo.

"Aray!" Sigaw ni Pedro.

"Sira ulo talaga kayong dalawa.." Sabay talikod samin ni Loisa,

" ikaw kasi tol ano-ano pa nalalaman mo gawin natin" bulong sakin ni Pedro. "Kapal ng mukha mo ah, ikaw nga ung nagisip dyan" Bulong ko pabalik sakanya at tumawa na lang siya "ay ganun ba, hahaha".

" 'Wag kana magalit beshie, 'di ka paba masaya magkakaklase nanaman tayo?"

Sinubukan ko palamigin ang ulo ni Loisa.

"Paano niyo nalaman na nangligaw sakin si Dave at ang eksaktong mga sinabi namin?" ang tanong niya samin at bigla dinugtungan ni Pedro ang sagot niya, "pati na din ba ang mga eksaktong kilos mo at mukha mo?" Sinapak siya ulit ni Loisa at napasigaw nalang si Pedro sa sakit na nararanasan.

"Nandoon kami sa rooftop tumatambay palagi kapag umaga. Sayang naman ung lalaki tinanggihan mo lang, magka close nga kayo last school year pero.. saan nga ba siya nag kulang para sayo? May itsura naman siya pero 'di man siya nangalahati s'akin huehueh--"

Tanong ko sakanya at sapak nanaman ang aking inabot. Puro siya sapak at dahil doon binigyan siya ng nickname, 'The Nanapak' dati. Sa kabila na mahilig siya manapak, ang kanyang kagandahan ay nanatili sa mga kalalakihan tumitingin lang sa panglabas na anyo at hindi sa ganda ng kalooban. Tsk, tsk, tsk... nakikita ko na ang kinabukasan kung saan ang babae na ang umaabuso... at ang mga lalaki na ang inaapi.

Sinagot niya ang tanong ko nung kumalma na siya habang siya'y naka talikod,

"Tinanggihan ko? 'Di niyo yata pinakinggan ng mabuti ang sinabi ko sakaniya kanina. Alam mo Roger, kung ganoon lang sana kadali ang mag move on kapag iniiwan, binigay ko na sakaniya ang aking 'oo'".

Napaka play-safe naman pala ang babaeng ito. Wala naman siguro masama kapag pinag bigyan mo ang isang tao at subukan ito mahalin? Wala naman makakapag sabi kung iiwan ka niyan o hindi atsaka 'di ba pwede

alalahanin nalang ang mga masasayang alaala na pinagsamahan imbis na umiyak dahil hindi tanggap ang nangyari kapag nag break para naman bumawas ang sakit? Ang iba naman gusto ibalik ang relasyon kahit sobrang mali na. Napakasarili naman yata ang ipilit ibalik ang mga bagay 'di na kaya i-buo muli.

"Ano ba naman kayong dalawa, umagang-umaga pinapaiyak niyo ako"

sabi niya saamin habang pinupunasan ang konting patak ng luha sa kanyang kanang mata at ang sabi niya pa

" Namiss ko kayong dalawang sira ulo at si Keisha.."

sabay ang kanyang matamis na ngiti. Ngayon alam ko na bakit naakit si Pedro sakanya, nakakatagos naman pala sa puso ang mga ngiti ni Loisa.

Agad kami umupo nang paparating na ang aming magiging adviser

"Good Morning, sir"

sabay ang pagbati namin sakaniya.

Isang babae ang dumating ng pawisan at..

[ 🎶Wala nang dating pagtingin 🎶 ]

... hinihingal ng konti

[ 🎶Sawa na ba saking lambing 🎶 ]

" Magandang Umaga, sir"

[ 🎶 Wala ka namang dahilan🎶]

Sabay ang pagbati niya sakaniya.

[ 🎶Bakit bigla nalang nangiwan? 🎶 ]

Pumasok siya at malumanay niyang pinunasan ang pawis niya sa kanyang panyo. Biglang bumagal ang daloy ng paningin ko nung siya'y palapit ng palapit sa upuang bakante sa tabi ko.

[ 🎶Hindi magbabago 🎶]

Ano ito? Bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko?

[ 🎶 Pagmamahal saiyo 🎶]

Ang kanyang nakakabighaning ngiti,.. at ang amoy ng kanyang pabango kaamoy ng mga wisteria na tamang timpla na nakakaakit sa ilong ko ay patuloy na nagpapa bilis ng tibok ng puso ko.

[🎶 Sanay pakinggan mo 🎶]

Ako'y napatulala... sa kanyang mga labi na malumanay na naka ngiti.

[ 🎶 Ang Awit ng Pusong ito..!🎶]

Parang ako'y nasa takipsilim sa tabi ng dagat habang siya'y naglalakad; tahimik, kalmado at preskong simoy ng hangin.

[ 🎶 Tulad ng mundong hindi tumitigil 🎶]

Ang mga katangian na iyon ang aking naramdaman sa unang pagkita ko sakanya. Sino siya? Bakit parang ngayon ko lang siya nakita sa eskwelahan na ito?

[🎶 sa pag-ikot, Pag-ibig 'di mapapagod🎶]

"Ohhhhhh? At sa wakas, gumagana na ang kademoniyohan ng mga mata mo ah, Roger", mahinang bulong sa'kin ni Pedro na may kasamang mapangasar na mukha.

[🎶 Tulad ng ilog na hindi tumitigil🎶]

"Puwede po ba maki upo?", ang mahinahon niyang boses ay bumalot sa'kin ng matinding pakiramdam na 'di ko mapaliwanag.

[🎶 Sa pag agos, pag ibig di matatapos🎶]

~~ Unang Kabanata: Pagtibok Muli ng Puso Ni Roger~~