All rights reserved ©2019
No part of this book may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without the prior written permission of the author, except as provided by U.S.A. copyright law.
Anu mang pagka ha-halintulad sa tunay na TAO, BAGAY, LUGAR AT PANGYAYARI sa istoryang ito ay nagkataon lamang, purong sariling imahinasyon at konsepto ng inyong lingkod ang laman ng istoryang ito,
WARNING: Some scenes may not be suitable for very young readers,
READ AT YOUR OWN RISK,
CHAPTER 1
" PAGING Dr. A, Paging Dr. A please proceed to the emergency room,
Paging Dr. A, Paging Dr. A please proceed to the emergency room. " – Sally on the Intercom said repeatedly. Mabilis akong lumabas ng opisina ko at dali daling nagtungo sa Ground floor ng building, sa bandang right side ang emergency room at medyo malayo layo pa ako dahil nasa VIP building naka assign ang opisina ko, Pagkatapos ng humigit kumulang dalawampu't limang minuto nakarating na din ako sa E.R at tama nga ang hinala ko may aksidente at tatlo sa mga pasyenteng dinala ay ka-kailanganing ng surgery, may malalaki kasing sugat ang mga ito na kailangan munang linisin bago tahiin. Nilapitan ko ang mga pasyente at sinuri tinanong ko kung anu ang nangyare, saka ko sila niresetahan ng mga gamot na iinumin pati na ang ipang lilinis sa mga sugat nila, bumalik ako sa sanitize area upang maghugas ng kamay saka nagsuot na din ako ng bagong bukas na gloves, bumalik ako sa doctors desk at sinimulan ang pag bibigay ng instruksyon sa mga on duty na nurse para pahigain na ang mga pasyente, nilinis nila ang mga sugat gamit ang mga nireseta kong anti bacterial na panlinis, at tinurukan na din ng anesthesia, naghintay pa ako ng ilang minuto bago nilapitan ang unang pasyente at sinimulang tahiin."What happened Tay?" tanong ko kay Leonardo Vicente, 47 years old, may sugat sa kaliwang bahagi ng binti na may sukat na limang pulgada ang haba at kalahating pulgada naman ang lalim. "Ay mabilis ho yung motor na nakasalubong namin Doktora, madilim din ho ang daan at walang ilaw doon kaya hindi na ho namalayan ng jeepney driver na may kasalubong kami kaya na tumbok ho ang sinasakyan naming jeep, buti nga ho sa awa ng Diyos walang nasawi saaming mag-anak maliban sa mismong driver ng jeep." – malungkot na sagot ni Tatay, mabilis ngunit pulido kong tinahi ang kanyang sugat ganun din sa mga kasama pa nito, malalalim man at nakakatakot pagmasdan pero sanay nako, mahal ko ang pagiging Doktor as much as I love "Her". Tatlong taon na akong Surgeologist dito sa Han Medical Hospital nasanay na ko na tawaging Dr. Anastasia Aniel o Dr. A. Nang matapos ako sa pag monitor ng mga pasyente sa emergency room inayos kona ang mga gamit ko upang umuwe off duty nako ngayon at last day ko muna dahil nag file ako ng three days leave, since mag ho-holiday na kailangan ko na silang dalawin last year kopa sila huling binisita, every holiday hindi pwedeng hindi ako umuwe kailangan makasama ko sila kahit sa ilang araw lang ng holiday, nakangiti kong binitbit ang bag ko palabas ng ospital na tatlong taon ko ng pinagtatrabahuhan, Dumeretcho nako pauwe sa condo kung san ako naninirahang mag-isa bawat ding ding ay may mga nakasabit at nakadikit na puro litrato ko at iba't ibang paintings at pictures ng kalangitan, napangiti ako at napatingala ang ganda ng langit ang gaan gaan sa pakiramdam ang saya saya siguro nila kasi alam nilang magkita kita kami ngayon. Excited kong niready ang lahat ng gamit na dadalhin ko kasama na ang mga pasalubong, ng tumawag na ang driver ng taxi na maghahatid sakin sa airport agad akong bumaba sa lobby at inabangan ang driver na inarkila ko, iniwan ko nalang ang kotse ko dahil hindi ko din naman ito magagamit.
A I R P O R T
Naghihintay nalang ako na mag open ang gate kung san naka assign ang flight ko ng tumunog ang phone ko, napangiti ako." Hello po? nasa airport napo ako, tatawag po ako agad kapag nasa Cebu napo ako, " Sabi ko agad sa tumawag, " magiingat ka hah susunduin ka nalang namin mamaya ingat iha miss na miss kana namin anak " – sabi ni Mama, lalong lumawak ang ngiti ko," Opo Ma see you po, at miss ko na din po kayong lahat " Nakangiti kong tugon, bago ko binaba ang tawag, saktong alas syete ng gabi nagbukas ang gate ng flight ko pumasok nako at umupo sa seat ko sa bussiness Class area ng eroplano. Habang lumilipad ang eroplano tahimik at nakangiti kong pinagmasdan ang ulap at kalangitan,
" now I can clearly saw you this near again, I miss you " - bulong ko habang nakapikit. nilabas ko ang isang kapiraso ng papel at marahang hinaplos iyon.
March 2008 ( 3rd Year High School )
" Hoy maricris! yung bag ko "
" Pare! yung teacher natin sa math ang sungit! "
" Good morning maam! "
" Goodmorning sir! "
" Penge ako!!!! "
" Chee!! huwag moko bwisitin Jr! "
" Taya! HAHAHAHAHAHA "
" Wiwwwiiitttt hi sexy! "
" Uyy bili moko pagkain! "
" Tara sa canteen "
" Hoy late ka nanaman! " - mga ingay sa paligid ko.
NANDITO ako sa loob ng girls CR sa loob ng campus ng school namin, ita-try ko yung nabili kong lipgloss sa labas, ang ganda ang kinang ng labi ko hihihi.
" Uyyy A ha may crush kana noh? " Tanong ni niks sabay sundot sa tagiliran ko, umiling lang ako at ngumiti.
A ang tawag nila sakin short for Anastasia Aniel, 17 years old nako ngayon, 3rd year High School dito sa Fidel Chua National High School at sila ang mga kaibigan ko si nikka "niks" Asuncion at si mikaela "mika" Ramos.
" Ikaw talaga niks, puro ka nalang crush crush jan, hayaan mo nga si A wag mo siyang i-pressure sa crush crush na yan noh. " Sabat ni mika
" Kaya pala! ikaw kaya ang pinaka adik sating tatlo pagdating sa love love na yan. " Panunukso ni niks kay Mika ngumiti nalang si Mika at umiling
" Ikaw A, wala kaba talagang love or crush dito sa school? " Tanong ni niks sakin
"Ayoko niyan, ayoko ng love-love na yan, ayokong mainlove " Nakangiti kong sagot
" Ee boring niyo haha, yiiieeeeeeee basta ako inlove na ata hihihi " nakangiti at kinikilig niyang sabi samin natawa nalang kaming dalawa ni mika,
" Sinong malas nanaman yan hahaha " Sabay naming sabi ni mika at nagtawanan
" Si seth " tila may puso sa matang sagot ni niks napailing kami
" Yung nasa section last? yung may hikaw sa labi at tenga? yung laging nakikipag-away? yung laging nagcucutting? yung maraming babaeng nag-aaway dahil sa kanya? " nabibiglang tanong ni mika, hanep kilalang kilala ni mika, tango lang naisagot ni niks
" Oh god sira na ulo ng kaibigan natin A " – pahabol niya saka tumingin sakin, nangunot ang noo ko at hindi ko mapigilan ang sarili ko na magtanong,
" Bakit naman mika? " pagtatanong ko, wala na umiral nanaman ang kadaldalan ko,
" Gangster yun eh, malapit na din yun ma expel " Sagot niya mika, now I know, napailing nalang ako.
V A C A N T
NANDITO kami sa pintuan ng room nila seth ata yun, basta yung crush daw ni niks, pilit niyang tinitignan kung nasan yung unggoy haha,
" Nako tara na niks wala siya jan baka hindi na pumasok alam mo na " Napipikon na sabi ni mika, malungkot nalang na yumuko at naglakad si niks ganun niya ba talaga kagusto yun hayyyy, nakakailang hakbang na kami at medyo malayo na din sa pintuan ng mga 3-D ng mapatingin kami sa mga grupo ng kalalakihan at iilang seksing babae na palakad pasalubong saamin na parang hindi alintana ang mga tao sa paligid, may kanya kanyang kaakbay na seksing babae ang bawat isa pwera sa nakayukong kasama nila, binitawan ng isa iyong ka-akbay niya saka niya ako nilapitan
" Hi baby I'm seth sang langit ka galing ? mukha ka kasing anghel sa paningin ko " Nakangiti at pakindat-kindat at pacute na sabi nito so ito pala iyong seth yuck!! nakakatakot siyang kausapin! umiiling na naglakad ako ng nakatalikod habang nakatingin sa kanya na parang nabibigla at takot na takot para kasi siyang kakain ng buhay na tao, dahil sa pagmamadali ko ay hindi ko naalalang may kasalubong nga pala ako pero huli na dahil nagkabanggaan na kami, yumuko nalang ako at humingi ng tawad saka nagmamadaling tumakbo dama kopa ang nakakalusaw na titig ng nakabanggaan ko sa likod ko, lumiko ako para makapagtago sa isang pader, sumandal ako doon habang sapo ang dibdib na todo ang kaba napapikit ako habang kinikilabutan, ayoko talaga sa mga bulakbol na mga lalakeng ganyan walang ibang gusto at alam gawin kundi makipag basagan ng ulo!, Malungkot ang mukha ni niks ng sundan nila ako sa pinagtataguan ko napakunot ang noo ko
" Oh? Anong itsura yan? " Tanong ko, lalo lang siyang sumimangot
" Nakuha ko nga ang number niya pero ikaw iyong gusto niya " May pagtatampong sabi ni niks sakin, napairap ako
" As if naman gusto ko siya noh! " Lumiwanag ang mukha ni niks ng marinig ang sinabi ko
" Talaga! Promise me hindi mo siya papatulan " nakangiting ungot niya, napailing ako at inabot ang hinliliit niya
" Pangako sayong sayo lang iyon " nakangiti kong sabi, napapalakpak si niks saka ako inakbayan para bumalik sa room namin, ilang minuto nalang din naman kasi time na ng klase, sa loob ng room parang nasa palengke ang gugulo parang hindi mga 3rd year, kinuha ko nalang ang notebook ko at nag drawing ng stick na tao haha iyon lang kasi ang kaya kong idrawing, ng mabagot itinigil ko na lang ito at tumingin nalang sa labas, kita pa ang mga estudyanteng nagmamadaling makahabol sa oras ng klase, medyo mahigpit kasi ang school na ito,
Once you got an 5 mins late on attendance! consider it absent? ganun sila kalala which is pabor naman talaga para sa tulad ko para na rin maaga ang bukas ng school, dahil isa ako sa mga istudyante na mga early babies kung tawagin ng ibang istudyante, meaning madilim palang ang langit lumalabas na kami ng bahay para pumasok, iniiwan ko kasi sa school ang mga libro ko, kaya obligado talaga akong pumasok ng maaga dahil may kalayuan ang bahay mula sa school, napatuwid ako ng upo saka tumingin sa harap kung san kakarating lang ni ma'am rizal, ang aming adviser siya din kasi ang first subject namin sa umaga.
" Okey class listen My name is Josefina Rizal at ako ang magiging adviser niyo this school year at since ito ang unang klase natin this year mind to Introduce yourselves in front since may mga
transferees at galing kayo sa iba't ibang section last school year, lets start sa girls, we will start alphabetical order of your surname, abad! you first stand up here infront " – sabi ni ma'am, tumayo naman si janine at nagpakilala
" Janine Abad, 17 yrs old sa San Nicolas ako nakatira yun lang " masiglang pakilala ni janine habang todo ang ngiti
" Christine Acosta, 17, San Javier " magiliw na sabi ni tinrin, ang susunod na magpapakilala ay ako kaya hindi kona hinintay na sensyasan pa ako ni ma'am, agad na akong tumayo sa upuan at naglakad papunta sa harapan,
" Anastasia Aniel, 17 po, sa San Sebastian ako nakatira " nahihiya kong pakilala,
Hapon na at sa wakas natapos na din ang klase namin para sa araw na ito, na supposedly dapat ay lessons hindi introduce yourself achuchu hayyyy walang pinagkaiba sa mga dati kong pinasukan.