Pinag pawisan ng malamig at namumutla ang kanyang mukha habang hinihintay na sagutin ni Lenard ang telepono.
Si lenard ay matalik na kaibigan ni Anthony at Miguel na nakilala nila sa ALIANCE GAMING. Mahigit pitong taon na silang magkasama. Palagi silang naglalaro sa multi team upang masmapadali ang kanilang pagpapalakas. Ang lahat ng naging achievement nila ay higit pa sa pinaka mayamang player sa game.
Dahil sa tiwala, hindi niya ikinabahala na gamitin ang kanyang account kahit na paminsan minsan ay hindi ito nag papaalam upang hiramin ang kanyang account.
Dahil sa kahihintay nang matagal at puro na lang ring ang maririnig sa kanyang phone dinalhan siya ng kanyang kapatid na si Miguel ng makakain.
Pagka tapos kumain ay na isapan na ni Anthony na matulog upang maka kuha ng lakas para bukas.
At bago pa siya maka tulog ay kina usap niya ang kanyang sarili na sana matapos ni Lenard ang laro dahil kung hindi niya ito na tapos mababawasan ang kanyang points.