Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Ang Pagkakataon na Binigay ng Diyos kay Krystel

MarkiJo
--
chs / week
--
NOT RATINGS
4.6k
Views
Synopsis
Isang araw, nagising si Jose sa isang napakaganda na lugar kasama ang kanyang nobya.
VIEW MORE

Chapter 1 - Ang Pagising ni Jose

Isang araw, sa isang kapatagan na puno ng makukulay na bulaklak, nagising si Jose.

"Humigab si jose"

Pagkatapos ng higab ni Jose, kumupas ang kanyang paningin, ang una niya nakita, ay ang napakagandang ngiti ng kanyang nobya, si Krystel, na naghihintay sa kanyang pagising.

Parehas sila nakahiga, tapat sa isa't isa, sa berde na lupa kasama ang mga makululay na bulaklak sa gilid na naka-baluktot.

Nang na kita ni Jose ang ngiti ni Krystel, sumigla si Jose, naramdaman niya ang tamis at init ng tunay ng pagmamahal na umaagos sa kanyang dugo, at sa loob ng kanyang katawan, na nagresulta sa ramdam na kaya niya gawin lahat, kahit ikutin niya ang mundo para ipa-tuloy ang buhay, kahit siya ay mamatay, gagawin niya, para kay Krystel.

Habang si Jose ay ngumiti balik kay Krystel sinabi niya "Krystel" sa pagmamahal.

"Jose, gising ka na pala, akala ko matutulog ka lang hanggang hapon, mabuti na gising ka na". Sabi ni Krystel

Pagkatapos ng pagsalita ni Krystel, napansin ni Jose ang tono ng pagsasalita niya ay napanatag, napaisip siya na tanungin si Krystel kung bakit siya ay napanatag pero, napaisip din ni Jose na bago siya gumising, nasa iba silang lugar.

"Aray!" sabi ni Jose

Nung nagmuni-muni si Jose, bigla sumakit ang kanyang ulo, parang natamaan siya ng hiringgilya sa utak.

"Jose, ayos ka ba? Dahan-dahan muna, kakagising mo pa lang". Sabi ni Krystel sa pag-aalala habang niyayakap si Jose, para mawala ang sakit.

Sa yakap ni Krystel, naramdaman ni Jose ang kinis ng kanyang balat, parang isang sutla, at nakita niya ang kutis ni Krystel ay puti, parang isang sikat na artista, ang kanyang katawan ay munti, at nakasuot siya ng puting baro, na kasing kulay at kasing-ganda ng sampaguita.

Sa pagkikisama ng kanilang katawan, bumibilis ang tibok ng puso ni Jose. Pinatigil niya ito sa pagbigbigay ng puwang.

Pinalayo kunti ni Jose si Krystel at sinabi niya sa muling pagbigyan ng katiykan.

"Wag ka magalala, may iba akong karanasan na naranasan ko, mas masama pa kaysa nito".

Ngumiti si Krystel bilang tugon sa kanyang sinabi.

Nagtataka si Jose kung bakit si Krystel ay mas-sensitibo kaysa sa kanyang kinaugaliang sarili. Nag-paalala siya na gusto niya ito tanungin.

Natanto rin ni Jose na kanina pa sila nakahiga, kaya sinabi niya

"Krystel, bangon na tayo, para mapasyal natin ang magandang tanawin nito".

"Tara!". Sabi ni Krystel sa masayahin na paraan

Hindi nalang nagtanong si Jose tungkol sa pagiging sensitibo ni Krystel, dahil madamdam niya ito, at masira ang kanyang ngiti, kasi meron siyang tuntunin na bilang isang nobyo, hindi sisirain ang kaligayahan ng kanyang nobya.

At natanto niya na kasi si Krystel ay mas sensitibo ngayon, ayaw niya na ipa-aalala siya na masyado, natanto rin niya na sila lang dalawa nag-iisa dito, kaya gagawin niya ang lahat para maging magandang alala ito.

Pagkabangon nila, sumayaw si Krystel, para makita ni Jose na masaya siya, kasama ang hangin at ang mga talutot ng bulaklak na lumilipad, na nagresulta na mas-maganda at kaaya-aya ang kanyang sayaw, gamit ng puting baro na sinusuot niya, na sumusunod sa ritmo, habang si Jose ay nakangiti, at napaisip siya na si Krystel ay isang princessa, siya ay dalisay at innocente, kaaya-aya at ganda na nagbigay ng sigla na gagawin niya ang lahat para siya ay maprotektahan.

"Krystel, bilang isang nobyo na meron labis na pagmamahal para sa'yo, pro-protektahin kita, papasayahin kita habang buhay, kahit ako pa ay mamatay". Sabi ni Jose sa kanyang isip na puno ng determinasyon habang kinikuyom niya ang kanyang kamao sa kanan.

Nang sila ay bumangon, tumuwid ang mga bulaklak, umaagos ang hangin, gumagalaw ang halaman at langit, umiikot ang araw, at ang segundo sa orasan ay lumilipas, dito sa lugar na nagtagpo ang pagmamahal nila Jose at Krystel, nagumpisa na ang kanilang araw.