Chereads / No Strings Attached / Chapter 86 - Coequally Dress

Chapter 86 - Coequally Dress

ELLE

"Dito naman tayo magtingin-tingin mga bakla. Kanina pa kayo doon sa mga pambata. Para saatin naman!" Dabog ni Patty.

"Para kang bata, bakla. Oo na! Huwag ka ng magdabog diyan." Natatawang sabi ni Vanessa. Andito pa rin kami ngayon sa mall.. Napagdesisyunan naming magshopping na para kay Baby. Yes, I know it's too early but there's nothing wrong with being prepared naman hindi ba?

Pumasok na kami sa isang boutique. Agad-agad nagtingin-tingin ng mga kasuotan sila Patty habang ako ay napako ang atensyon sa isang dress.

Isa itong Red na may blossoms of roses na kulay beige or white-ish na kulay.. Isa itong above the knee dress. Maya-maya lang ay tumunog ang cellphone ko.

"Yes babe?" Sagot ko pagkakitang si Kyle ang tumatawag.. "Where are you?" He asked.

"Nasa mall pa kami nila Patty. Ikaw?" Simpleng sagot ko. "Dinner tonight?" Napangiti ako sa sinabi niya.. "Sure! Saan?" Excited kong tanong sa kanya. I heard him giggled.. "I'll text you once nakapagreserved na ako for us okay? Ingat ka dyan." Hindi pa man din ako nakakasagot ay binabaan niya na ako. Pero dinner? Almost 5pm na ah!

"Sakto lang pala na nakita kita!" Nakangiti kong sabi at kinuha ang dress na nasa harap ko. Humanap ako ng pwedeng ipangpares na heels para dito. Nakita ko ang isang black na boots. Around 5 inches lang to siya kaya kinuha ko na. Hindi pa man daw gaano kadilikado ang magsuot ng matataas na heels for as long as maingat ka..

"Ang nice naman ng dress na yan babae! May panggagamitan ka ba niyan?" Tanong ni Vanessa.

"Oo nga bakla tsaka bet ko din ang boots na pinili mo. Pak na pak kang buntis dyan!" Patty added.

"May dinner kasi kami ngayong gabi ni Kyle eh. Kaya sakto lang na nakita ko to.." Nakangiting tugon ko sa kanila. "Awww.. Ang sweet pa rin ni Kyle noh? Sana makahanap na tayo ng kagaya ni Kyle bakla.." Madramang sabi ni Patty kay Vanessa.

Hindi ko na sila pinansin pa at binayaran na namin ang mga damit na pinili namin. Pagkatapos ay umuwi na agad kami.

Pagkarating ko sa bahay ay naligo agad ako at nagsimula nang mag-ayos. Light make up lang ang nilagay ko sa mukha.. I made my hair a lower bun na rin para comfortable ako.. Sinuot ko rin ang necklace na bigay ni Kyle saakin at syempre, with terno to ng earrings..

Sinuot ko na ang dress na binili ko at napangiti ako sa reflection ko sa salamin. Plus ang suot ko ring boots...

"Wala pa ring pagbabago sa sense mo sa fashion, Elle.." Bulong ko sa sarili ko.. Maya-maya pa'y nakatanggap na ako ng text galing kay Kyle. Napangiti ako at agad-agad na lumabas papuntang kotse ko at nagdrive na patungo sa venue kung saan kami magdidinner ni Kyle..

Bumaba na ako sa kotse ko pagkarating ko sa restaurant na kung saan nagpareserved ni Kyle.

I immediately head to the information disk upon entering their restaurant.. "Any reservations Ma'am?" The woman in counter told me.. "Yes, Kyle Villafuente?" I asked her.. "Wait a minute Ma'am." And then she scanned her computer.

"There's a reservation from Kyle Villafuente Ma'am. But there's a woman who's the same dress you're wearing entered the restaurant and looking also for Mr. Villafuente.. All I thought, that woman is Mr. Kyle's Wife." Literal na naguluhan ako sa sinabi niya. Same dress like itong suot ko? At ano daw? Akala niya yung babaeng yun ang asawa ni Kyle?!

"Well, you're wrong miss. I'm Mrs. Elle Villafuente. The one and only wife of Kyle Villafuente. I think there's a mistake on your side miss. Well then, thank you." Sabi ko tsaka naglakad patungo sa mesang pinareserved ni Kyle..

Pagpasok ko sa dining area, agad na hinanap ng aking mata ang asawa ko..

I smiled when I saw him.. I mean, them...

And that lady wears exactly the same as what I'm wearing right now..

Related Books

Popular novel hashtag