KYLE
"Matagal ko nang gustong sabihin sayo, kaso naghahanap lang ako ng tiyempo, nak.." My Mom uttered.
"Hindi ko gustong i-sekreto sayo nang matagal, Kyle.." I sighed.
"Kung hindi pa kami nag-away ni Dad, hindi ko pa malalaman. Kung hindi pa ako naglayas, hindi ko pa malalaman. Kung hindi pa ako nagpunta doon sa lodge, hindi ko pa malalaman. Kung hindi ko pa makikilala si Sir Joseph, hindi ko pa malalaman. At kung hindi mo ako maaabutan kasama si Sir Joseph, hindi ko pa malalaman. Now tell me, kailan yung sinasabi niyong TAMANG TIYEMPO, ah Mom?" Sarkastikong tanong ko kay Mom.
Bumaba na ako sa kotse ko at pumasok na sa loob ng condo..
"Anak, hindi sa ganoon, makinig ka muna please.." Sabi niya sabay pasok sa Elevator.
"Ano pa bang hindi maliwanag, Mom? Maliwanag na saakin ang lahat!" Madiing sagot ko. Saktong bumukas naman ang Elevator atsaka ako lumabas at naglakad patungong unit ko.
"Let me explain first anak! Hindi naming intensyon na itago sayo ang lahat. It's just that, hindi pa yun ang tamang tiyempo para sabihin namin sayo.." Tinapon ko ang gamit ko sa sofa at nagtungo sa kitchen para uminom ng tubig.
"Anong nangyayari dito?!" Biglang sulpot ni Dad. Tumingin naman siya saakin
"Oh? Nandito ka na pala?! Ano kumusta ang VACATION mo?! Nagenjoy ka ba?!" Sarkastikong tanong niya saakin.
Tumingin naman ako sa kanya.
"YES" Sarkastik rin na sabi ko. Saka ako naglakad papuntang room ko pero may nakalimutan akong sabihin sa kanya.
"And oh guess what? Nakilala ko na yung TUNAY kong TATAY and nagBONDING kaming dalawa. He let me paint and experience the FREEWILL na IPINAGKAIT niyo saakin.." Then I grinned at him. Tsaka ako pumasok sa kwarto ko pero nakasunod lang pala siya saakin
"Kaya pala nagmamagaling ka na dito?! Oh anong nakuha mo doon sa MAGALING mong TATAY?! Diba wala?! Huwag na huwag mo siyang ipagmamayabang dito kasi ni isang sentimo, HINDI KA NIYA BINIGYAN!" Galit niyang sigaw saakin. Napaharap naman ako sa kanya
"But still, HE'S MY REAL FATHER. Get that?! HE'S MY FATHER, BY BLOOD, BY GENES, even MY CHROMOSOMES, HE'S MY REAL FATHER! UNLIKE Y--" Napasalampak ako sa sahig dahil sa lakas ng suntok ni Dad saakin. Pagpunas ko sa aking bibig, dugo.
"ISA KANG WALANG UTANG NA LOOB NA ANAK! WALA KANG KONSENSYA! WALA KANG RESPETO!" Galit na galit na sumigaw saakin si Dad. Tumayo naman ako mula sa sahig at ngumisi sa kanya
"Yeah, disrespectful, disgraceful, walang konsensya, or call me anything you want. Pero minsan ba inisip niyo kung bakit ako nagkakaganito Dad? Natanong mo na ba sa sarili mo kung anong klaseng pagpapalaki ang ginawa mo saakin? Di ba hindi, Dad?" Umupo ako sa edge ng kama ko saka tinignan siya.
"Yes, we have wealth, and yes you support me financially pero ni minsan ba, Dad, sinuportahan mo ko sa kung anong gusto ko? Like eversince when I was a Kid, I wanted to be a painter, pero hindi niyo ko pinayagan. Anong rason? Kasi hindi yun ang ineexpect niyo para saakin. Nalaman ko kay Mom, na you wanted me to become either an architect or a businessman, pero I chose to become an architect kasi kahit papaano, I can use my forte, pero hanggang ngayon, hindi ko nararamdaman yung support niyo saakin." I was shocked nang maramdaman ko yung pagtulo ng mga luha ko.. Masakit yung bandang bibig ko dahil dumudugo pa rin ito hanggang ngayon, pero mas nangingibabaw yung sakit na dulot ng matagal na pagkimkim nang matinding saloobin.
"And now you're telling me to marry that woman?! Again, it's beyond of my desires, Dad. Gusto niyo yun, pero kabaligtaran yung akin.. Pero what did I do to deserve all of these?!" Napasabunot ako sa buhok ko. At pinigilan ang pagpatak ng mga luha ko at humarap kay Dad.
"You want me to marry that woman? You want me to help save the company na minsan niyo nang niligtas? And you also want me to live like you? Then.." I wiped my tears at ngumiti kay Dad.
"I'll do it.. I'll marry that woman." Sabi ko sa kanya at nilagpasan siya.
Hinawakan ako ni Mom sa braso ko, humarap naman ako sa kanya. Umiiyak si Mom, pero nasasaktan ako ngayon. Sobra akong nasaktan.. Tinanggal ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko at saka umalis sa unit ko..
I need a drink..
Gusto ko yung maingay na paligid...
Kasi mababaliw ako sa sakit pag sa tahimik na lugar ako pupunta..
Sumakay ako sa kotse ko at tsaka ito pinaandar. Nagdrive lang ako nang nagdrive..
Hanggang sa mapadpad ako sa isang lugar or tinatawag nilang open area/space. Dito malaya kang gawin ang gusto mo, pwede kang sumigaw, magwala, magtapon ng mga plato or any babasaging gamit as long as bayaran mo lang yung casualties nun.
Naglakad ako papuntang center-aisle.
Huminga ako ng malalim tsaka pumikit.
Dinamdam ko lahat ng sakit, magmula nang bata ako hanggang ngayon sa pagtanda..
At muling minulat ang aking mga mata.
"AAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!!" I screamed at the top of my lungs
"P*T*NGI*N*NG BUHAY TO!!! ANO BANG GINAWA KONG KASALANAN PARA PAGDAANAN KO ANG BAGAY NA ITO??!!" Umiiyak ako..I cried as I release all my frustrations in life.
"ALL I WANT IS TO LIVE MY LIFE, LIVE A SIMPLIER LIFE! PERO BAKIT GANITO?!!!! BAKIT GANITO?!! BAKIT ANG SAKIT! BAKIT ANG HIRAP MAGING ANAK MO DAD! BAKIT HINDI NA LANG SIYA ANG NAKASAMA KO HANGGANG SA LUMAKI AKO?!!!" Napaluhod ako dahil sa panghihina
"BAKIT KAILANGAN KONG PAKASALAN ANG BABAENG YUN?!! BAKIT HINDI PWEDE SI ELLE?!! BAKIT HINDI NA LANG SIYA?!!! BAKIT KAILANGAN SA IBA PA?!!! BAKIT???!!!!!" Napasandal ako gamit ang mga kamay ko sa sahig dahil sa sobrang galit, lungkot at sakit
Galit dahil kailangan kong pagdaanan ang lahat nang ito.
Lungkot dahil kung sana ay si Sir Joseph na lang yung nakasama ko hanggang sa paglaki ko.
at.
Sakit dahil kahit gusto kong si Elle ang pakakasalan ko, hindi pwede. May utang na loob ako kay Dad na kailangan kong bayaran..
Dahil sa oras na pakasalan ko ang babaeng yun at hindi si Elle, mabubuhay lang ako na puno ng kalungkutan at poot..
Napatulala ako habang patuloy sa pagpatak ang mga luha ko.
"Sana....
sana hindi na lang ako pinanganak sa mundong to.."
Bulong ko sa hangin at kasunod nito ay ang pagpatak ng malakas na ulan.