Chereads / No Strings Attached / Chapter 49 - Invitation

Chapter 49 - Invitation

ELLE

"Are you sure about your decision, Elle? Hindi na ba magbabago yung decision mo?" Muling tanong ni Mr. Albert saakin.

I took a deep sigh tsaka ulit nagsalita.

"Yes po, Mr. Albert. Very sure.." Determinadong sagot ko sa kanya. Narinig kong nagbuntong hininga rin si Mr. Albert dahil sa sinabi ko.

"Then, if that's what you want, wala na akong magagawa. Pero kung sakaling gusto mo nang bumalik, remember always na pwede kang bumalik anytime mo gusto.." He said. "Thank you, Mr. Albert." At binabaan niya na ako.

Itinapon ko kung saan ang cellphone ko at napasabunot sa buhok ko. Saka ako ulit nag-impake.

Saan ako pupunta?

Gusto ko munang umalis dito, sa trabaho at magpakalayo-layo. Kahit sandali lang, call me a coward, I don't care anymore.

Gusto kong gawin yung bagay na lagi kong ginagawa.

Lalo na sa oras ng problema at sa oras ng kalituhan.

Gusto kong tumakas sa problema, sa lugar to, lalo na kay Kyle..

Maya-maya pa'y biglang pumasok si Mama sa kwarto ko.

"Anak, sigurado ka na ba dito? Baka pwede pa natin tong pag-usapan. " malungkot na sabi niya saakin.

"Ma, napag-usapan na po natin to, diba? Nakapag-desisyon na po ako at hindi na po yun magbabago." Sabi ko at isinara ang zipper ng maleta ko.

"Hayy, sige nak. Kung yan na talaga ang decision mo, susuportahan ka namin ng papa mo.." Sabi niya. Niyakap niya naman ako. Ginantihan ko naman siya ng isang mahigpit na yakap.

"Anong kadramahan na naman to at hindi niyo ako sinasali diyan ah?" Biglang sabi ni Papa at niyakap rin kaming dalawa ni Mama.

"May taxi na sa baba, Elle. Ready na ba yung mga gamit mo?" Tanong ni Papa saakin. "Opo, Pa. Ready na po." Sabi ko at tumayo na.

"Mag-iingat ka doon, Elle ah? Tawagan mo agad kami pagkarating doon. " Paalala ni Mama saakin.

"Opo, ma." Bago ako umalis sa unit ko, binigyan muna nila ako nang isang mahigpit na yakap.

Tumingin ako sa pinto ng unit ni Kyle at nagsimula nang maglakad papalayo sa kanyang pintuan.

Sumakay na ako sa taxi at umandar na ito.

After hours of driving, nakarating rin ako..

I missed this place so much!

"Dito na po, manong." Sabi ko at iniabot ang bayad ko sa kanya..

Nagtingin-tingin muna ako sa paligid kasi sobra ko itong namiss!

"Ms. Elle!" Lumingon naman ako sa pinanggalingan ng boses na yun.

"Claire!" At niyakap niya ako nang mahigpit.

"Namiss po namin kayo! Mabuti po at nakabalik agad kayo rito.." Sabi niya saka tinulungan ako sa pagbitbit ng mga gamit ko.

"Naku, mukhang mapapadalas na ako dito eh, nga pala may dala akong pasalubong sa inyo galing manila.." Sabi ko sa kanya.

"Ms. Elle!" Lumingon naman ako nang marinig ko ang boses ni Kuya Arnold. Niyakap ko naman siya

"Masyado niyo po atang namiss ang rest house niyo rito at bumalik agad kayo rito, Ms. Elle!" Sabi naman ni Kuya Arnold saakin.

"Totoo nga po, Kuya. Naparito po ako ulit dahil namiss ko masyado ang rest house na ito." Nakangiti kong sabi sa kanila..

"Welcome back, Ms. Elle!" Napatingin ako sa harap at si Clay naman ang nandito.

"Bat paisa-isa kayo kung sumulpot ah?! Nakakaloka kayo!" Natatawang sabi ko sa kanila..

"Oh nasaan si Paulo?" Takang tanong ko sa kanila. Maya-maya pa'y biglang may nagtakip ng mga mata ko at mukhang kilala ko na kung sino to..

"Paulo." Simpleng sabi ko sa kanya.

"Tadaa! Ang bilis mo namang bumalik, Ms. Elle!" Sabi niya habang ngumingisi saakin.

"Ano ba yan, nagpunta ako dito dahil una, namiss ko ang rest house, pangalawa dahil namimiss ko kayo at syempre ang pangatlo ay para magbakasyon.." Sabi ko sa kanila habang tumitingin sa paligid.

"May pang-apat pa, para makalimot. Hahaha" Sabi ni Paulo habang tumatawa. Napairap naman ako sa sinabi niya at pumasok na sa loob ng rest house..

--

After a week..

So far naging maayos naman ang stay ko sa rest house to think na umabot na nang one week ang stay ko dito..

Madalas pa rin akong tumanggap ng tawag at message galing kay Kyle pero nitong mga nakaraang araw, hindi na siya tumatawag saakin neither magtext. Masaya naman ako kahit papaano dahil sa wakas, hindi na niya ako masyadong iniisip o ginagambala pa.

Madalas ko ring kausap sila Patty at ang mga bruha, balak pang puntahan ako rito para makapag-unwind rin daw.

Sa pagkakaalam ko, mga dalawang oras bago sila darating rito kaya inayos ko na yung beddings ng mga bruha dito sa kwarto ko para sama-sama na rin kami.

Lumabas ako at tumambay sa may terrace nang biglang may nagsalita.

"Iniisip mo pa rin siya ano?" Napalingon naman ako kay Paulo sa likod ko na nakasandal pa sa poste.

"Pinagsasabi mo?" Patay malisyang tanong ko sa kanya. Sige lang Elle, lokohin mo lang sarili mo. Tsk

"You know what I mean, Elle. Huwag na tayo magmaang-maangan pa. One week ka na rito, pero kitang-kita ko na hindi ka masaya, hindi ka TALAGA masaya dito.. Bakit pinili mong magpakalayo-layo pa ganoon pwede namang harapin siya diba?" Takang tanong niya tsaka ako nilapitan.

"Hindi ko rin alam, basta ang alam ko lang ayaw ko muna siyang makita kasi I might ended up running to him and take me away with him.. Lalo lang magiging komplikado ang lahat pag ganoon." Saka ako bumuntong hininga.

"So okay lang na ikaw ang mahihirapan ganoon? Ang masokista mo rin ano?" Sarkastikong tanong niya saakin.

"Siguro nga tama ka. Tama ka sa lahat nang sinabi mo saakin. Wala eh, ganoon na ata talaga ang buhay. You can't have anything you want.." Huminga ako nang malalim saka humarap sa kanya.

"Ikaw, bat wala kang GF?" Nagulat ata siya sa tanong ko dahil hindi siya agad nakapag-salita.

"Hmm. Kasi hindi ko pa nakikita yung babaeng makakasama ko sa habangbuhay? Gusto ko kasi siya ang first and last GF ko eh.." Sabi niya. Tinitignan ko naman siya habang nakangiti.

"Oh? Bat ngumingiti ka diyan? Crush mo ko noh?" Sabi naman niya at ngumiti nang nakakaloko saakin dahilan para makatanggap siya ng irap mula saakin.

"Alam mo ang feeling mo ah! Hindi kaya, ang totoo niyan, na-aamazed lang ako sa positivity mo bilang tao. .Parang hindi mo sine-seryoso yung buhay, sa halip ay ine-enjoy mo lang ito." Napatitig naman siya sa sinabi ko.

Magsasalita pa sana siya nang biglang bumusina ang isang pamilyar na kotse.

Nagbilang ako ng 1 to 3

"1, 2, 3.." Bilang ko

"BAKLAAAAAA!!!!" See?

"Hoy bakla! Namiss kita ng bonggang-bongga! Ang taray nitong rest house niyo ah! Pwede bang dito na lang ako forevuuhh?!!" Sigaw ni Patty saakin at nakipagbeso sa isa't-isa.

"Tumigil ka nga bakla! Hoy babae! Namiss kita infairness ah! Bagot na bagot na akong kasama si Patty, kaloka!" Reklamo ni Vanessa saakin.

"Wow bakla ah! Talagang nanggaling yan sayo mismo ah!" At ayan na naman po sila.

"Ehem." napatingin ang dalawa kay Paulo na nakalimutan ko na nandito nga pala to.

"Oh Hi pogi, what's your name? I'm Patricia but you can call me Patty." Malanding sabi ni Patty kay Paulo

"Magsi-tigil ka nga sa kalandian mo bakla, nakakadiri ka na swear! Nga pala, I'm Vanessa and you are?" Vanessa introduced herself to Paulo

"Paulo.." he simply said and smiled at them..

Napatulala ang dalawa kong kaibigan dahil sa pagngiti ni Paulo. Naku po!

"Hali na kayo mga bruha, ituturo ko na sa inyo ang kwarto natin!" Tawag ko sa kanila dahil mahirap na baka mamaya mag-away pa ang mga yan.

"Ang gwapo naman nun bakla! Naku, kaya pala gustong-gusto mo dito ah! Malandi ka!" Exag na sabi ni Patty

"Huh? Kung gusto mo sayo na yun noh." sabi ko saka pumasok sa room namin.

"Ay ang bongga naman! Ang yayamanin nitong rest house niyo talaga!" Patty said at humiga sa kama niya.

"Nga pala.." Sabi ni Vanessa at may kinuha sa kanyang bag.

"For you daw.." At iniabot saakin ang isang envelope. Maliit na envelope.

"Ano to?" Curious kong tanong sa kanya.

"Tignan mo na lang babae." Malungkot niyang sabi saakin. Wala akong choice kundi ang buksan ito though nakakaramdam ako ng kaba.

Pag bukas ko sa maliit na envelope, may invitation.

Kinuha ko ito at binasa, pero mukhang sa picture pa lang alam ko na kung para saan ito.

"Ano? Pupunta ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Vanessa saakin. Huminga ako nang malalim tsaka umupo sa kama ko.

"Alam mo bakla, kung mahal mo naman pala talaga, bat hindi mo pinaglaban? Malay mo diba?" Patty asked.

"Alam niyo, kung lalaban ako, at kung papapel ako sa buhay nila, lalo lang magiging kumplikado ang lahat, at yun ang ayokong mangyari. And about this one?" Sabay taas ng maliit na envelope na naglalaman ng invitation sa loob.

"Hindi na siguro.." Bulong ko..

"Hayy, ang hirap babae ano? Don't worry, you still have us pa naman. " At nagyakapan kaming tatlo.

Isang maliit na envelope lang yun

And inside of that mini envelope is an invitation.

It's from Tita Olive. Kyle's Mother..

Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit kailangan niya pa akong pagdalhan ng invitation.

Gusto niya bang makiparty ako doon?

Or..

Gusto niya lang makita na nasasaktan ako?

because this invitation is all about..

Kyle's Engagement Party..