Chereads / No Strings Attached / Chapter 67 - 4 + 1 + 4 = 8 Roses and A Heart

Chapter 67 - 4 + 1 + 4 = 8 Roses and A Heart

ELLE

Kinagabihan, kumakain na kami. Pero pansin pa rin ang awkwardness saamin dalawa ni Paulo.. Kung dati kasi, isa siya sa mga maiingay pag oras ng pagkain namin, ngayon naman ay sobrang tahimik niya.

"Nangyari sayo, Paulo? Ang tahimik mo ata ngayon? May masakit ba sayo?" Takang tanong ni Claire sa kanya.

"Wala.. Wala lang ako sa mood ngayon ang mag-ingay. Nahihiya na ako sa inyo eh." Sabi niya na parang natatawa. Pero alam kong pilit yun.

"Nga pala, Elle. Kumusta na sina Ma'am at Sir ngayon? Okay na ba sila?" Tanong ni Claire saakin. Uminom muna ako ng tubig bago siya sagutin.

"Katatawag lang ni Mama saakin kanina, okay na raw si Papa. So far nakarecover na mula sa aksidente." Sabi ko.

2 weeks kasi after kong umalis sa unit ko ay tinawagan ako ni Mama para sabihing naaksidente si Papa. Nadulas kasi siya sa hagdaanan at may kaunting fructure sa may tuhod niya.. Akala namin hindi na siya makakalakad pa, pero salamat sa diyos, ay gumagaling na siya. Konting galaw-galaw na lang daw ang gagawin para sa mga tuhod ay makakalakad na ulit siya.

At first gusto kong ipaalam kay Kyle para sana kahit papaano'y may kaagapay si Mama sa pag-aalaga kay Papa pero naisip ko na masyadong makapal ang mukha ko para istorbohin siya lalo pa't bagong kasal sila noon.

"Mabuti naman kung ganoon.. Kinabahan tuloy ako na baka hindi na makakalakad si Sir. Gustong-gusto pa naman nun na maglakad-lakad dito sa rest house lalo na sa garden." Saad ni Kuya Arnold.

"Yun nga po kuya eh, mabuti na lang talaga" Dagdag pa ni Kuya Arnold.

Pagkatapos naming kumain ay biglang tumunog ang phone ko. Pagtingin ko kung sino, si Mama.

"Excuse me." Paalam ko sa kanila habang busy sila pag-uusap..

"Hello, ma?" Sagot ko sa tawag niya.

"Anak, kumakain ka ba ngayon?" Tanong ni Mama.

"Katatapos ko lang po kumain.. Bakit po ma?" Saad ko.

"Alam mo na ba kung saan yung garden natin diyan, nak?" Biglang tanong ni Mama.

"Opo, ma. Bakit po?" Naguguluhan na ako kung bakit biglang naitanong ni Mama ang tungkol sa garden.

"Ano, pwede bang pumitas ka ngayon ng mga red roses, nak? Mga 8 rosas nak tapos ipadeliver mo dito kay Kuya Arnold ngayon na mismo? Nagrerequest kasi ang Papa mo eh.. Ayaw ipagpabukas." Si Papa talaga. Akala ko kung ano na.

"Sige po, ma. Tatawagan ko na lang po ulit kayo kung naipadeliver ko na po. " Sabi ko at binabaan na ang tawag ni Mama.

"Sa garden lang ako ah. Nagpapapitas ng mga rosas si Papa eh." Paalam ko sa kanila. Nagtinginan sina Kuya Arnold, Claire at Clay sa isa't-isa at ngumiti. Anong meron?

"Sasamahan na kita." Sabi ni Paulo at tumayo pero pinigilan siya ni Claire.

"Huwag na, kailangan ka namin dito, diba Arnold?" Madiing sabi ni Claire kay Kuya Arnold at ngumiti na naman. Okay? Anong meron? Bakit may kakaiba sa kanilang mga ngiti ngayon? Magproprotesta pa sana si Paulo pero wala na siyang nagawa kundi umupo na lang ulit.

Umiling ako at nagtungo na sa garden. Ang weird nila ah.

Habang papasok ako sa garden, napansin kong walang ilaw dito kaya kinuha ko ang phone ko at binuksan ang flashlight.

"Nakalimutan na naman ni Kuya Arnold na buksan ang ilaw dito." Bulong ko.

Pumitas ako ng isang pulang rosas nang mapansin kong biglang umilaw sa bandang kaliwa ko.

"Huh?" Nagtataka kong sabi.

Hindi ko ito pinansin at muling pumitas ng pangalawang rosas. Pero umilaw ulit pero this time sa kanang gawi ko naman.

"Ano ba to?!" Naiinis na tanong ko. Pinagtuunan ko na lang nang pansin ang pagpitas ng mga rosas. I was about to pick the 5th rose nang mapansin ko ang isang hugis puso sa harap ko.. Umiilaw siya na kulay pula.

"Bakit may ganito dito? Wala to kanina ah." Takang tanong ko.

Muli akong pumitas nang mga natitirang bulaklak. Hanggang sa napitas ko yung ika-walong rosas ay napansin kong tuluyan nang umilaw ang buong paligid.

Pero ang kapansin-pansin ay ang isang upuan na kulay puti.. At may karatula pa dito. Because of curiousity, ay nilapitan ko ito para basahin..

'Sit here, princess..'

"Huh? Sinong princess?" Takang tanong ko. Pero parang may nagudyok saakin para sundin ang nasa karatulang ito.

"Wala naman sigurong mawawala pag umupo ako dito diba?" Bulong ko at umupo na. Napansin ko rin na sa harap ko ay nandoon ang hugis puso na umiilaw.

Maya-maya pa'y biglang may tumugtog na pamilyar na kanta saakin.

"You're my peace of mind, in this crazy world

You're every thing I've tried to find

Your love is a pearl"

"T-this v-voice..." Nauutal kong sabi sa sarili ko. Hindi ako pwedeng magkamali..

"You're my Mona Lisa

You're my rainbow skies

And my only prayer is that you realize

You'll always be beautiful in my eyes..."

Hinanap ko kung saan nanggagaling ang boses na ito. Ang lakas ng tibok ng dibdib ko. Parang hindi ako makahinga.

Napalinga ako sa kaliwa at kanan ko pero wala. Walang tao. Tanging bulaklak lang ang nakikita ko.

"The world will turn

And the seasons will change

And all the lessons we will learn

Will be beautiful and strange

We'll have our fell of tears

Our share of sight

My only prayer is that you realize

You'll always be beautiful in my eyes...

You will always be beautiful in my eyes

And the passing is the show

That you will always grow

Even more beautiful in my eyes"

Lumingon ako,, wala. Humarap ako. wala. Saan? Saan siya? Saan yung taong kumakanta nito?!

"There are lines upon my face

From a life time of smiles

When the time comes to embrace

For one long last wine

We can laugh about how time really flies

We won't say goodbye

'Cause true love never dies

You'll always be beautiful in my eyes..."

Dahil sa parang wala pang planong magpakita itong taong to saakin, pumikit ako at dinamdam ang kanta niya.

"You will always be beautiful in my eyes

And the passing is the show

That you will always grow

Even more beautiful in my eyes"

Pakiramdam ko ay nasa harap ko na siya kaya dumilat na ako at hindi nga ako nagkakamali.. Nasa harapan ko na siya..

"Am I dreaming? Nananaginip ba ako?! Totoo bang nandito siya? Sa harap ko?!" Mangiyak-ngiyak kong bulong. Lumapit siya saakin and he held my hand and kissed it.

"The passing is the show

That you will always grow

Even more beautiful in my eyes..."

"Kyle..." Tawag ko sa kanya. He smiled at me.. A genuine smile..

"I missed you so much, Elle." He said and then hugged me..

"Totoo ba to? Totoo ba tong lahat nang to?! Hindi ba ako nananaginip?!" Tanong ko na parang naiiyak na.

"Elle, we can be together now.." Nakangiting sabi niya saakin dahilan para maguluhan ako.

"H-hindi ba kasal ka na?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti siya nang pagkatamis-tamis saakin.

"Illegal ang kasal namin, Elle. It was a long story, pero ang importante ngayon ay pwede na tayong magsama. May blessings na from my Dad..." Sabi niya saakin..

"At yang mga rosas na yan, hindi mo talaga yan idi-deliver sa Papa mo, ang totoo niyan, kinontsaba ko sila Tita.." Sabi niya. Napapikit naman ako sa pag-amin ni Kyle.

"Si Mama talaga..." Bulong ko..

"Pansin mo kung bakit 8 roses?" Tanong niya saakin.

"Bakit nga ba?" Tanong ko sa kanya.

"Because it's the combination of our names.." Sagot niya saakin.

"Combination of our names? Huh?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

"My name 'Kyle' consists of 4 letters, right? And see that heart there?" Sabay turo niya sa hugis puso doon na hanggang ngayon ay umiilaw pa rin.

"That means, Love..." Sabi niya. "And the last 4 roses stands for 'Elle.' When we combine those words, it will form a sentence." He said while smiling at me. Kita kong mangiyak-ngiyak na rin siya habang nagsasalita.

"Kyle love Elle.." We both whispered in unison.

At unti-unting lumapit ang kanyang mukha sa mukha ko. Pumikit ako at naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang malalambot na labi saakin.

I wrapped my arms in his neck and responsed to his kiss.

A kiss that we missed.

and...

A kiss that symbolizes our love for each other.