Chereads / No Strings Attached / Chapter 12 - Returning A Favour

Chapter 12 - Returning A Favour

ELLE

"Sige na babae! Sumama ka na!" Pangungulit saakin ni Vanessa. "How many times do I have to tell you, Vanessa? I'm not going okay? Ang dami ko pang gagawin dahil medyo maraming clients ang naghihintay saakin kaya, go na kayo kahit wala ako." Sabi ko at tinuon ulit ang atensyon ko sa laptop ko.

"But bakla! Hindi kami mageenjoy knowing na wala ka kaya go ka na kasi! Sumama ka na! At tsaka work can wait naman bakla and super stress na kaya tayo sa work!" Dagdag pa ni Patty.

"I'm working so go away. Stop talking to me." Sagot ko sa kanila. Inirapan naman nila akong dalawa at bumalik na sa kanilang mga ginagawa.

Nagplano kasi si Patty na magnight out daw kami since super stress na kami ngayon sa work at deserve rin daw namin na magenjoy kahit konti, kaya ayun pinapasama nila ako sa Night out nila bukas ng gabi after work since saturday naman na daw kinabukasan..

Ayoko munang sumama sa kanila kasi super dami pa ng gagawin ko. Lately kasi ang aarte ng mga clients ko, super demanding kaya kailangan kong gawin yun. Napapikit ako at tumigil muna sa paggamit ng laptop.

"Exhausted?" Sabi ng pamilyar na boses. Binuksan ko yung mata ko at tama nga ako. "Sort of." Sabi ko at nagstretch..

"Gusto mong magmeryenda muna?" Alok ni Kyle saakin. Umiling ako. "Hayaan mo na yan si Bakla, Kyle. Ang daming kadramahan niyan sa buhay. Ayaw sumama sa nightout, tapos ayaw kumain. Gusto niya lang magwork, work, work. Ganoon bakla?" Sarkastikong saad ni Patty. I just shrugged my shoulders.

"Fine. Kung ayaw mong magmeryenda, eat this when you're hungry okay?" Sabi niya at inilapag ang isang sandwich sa table ko. "Thanks." Sabi ko sa kanya. Ngumiti muna siya bago umalis.

"Ang taray ni bakla! May ganoon!" Rinig kong sabi ni Patty.

"Ingit ka lang bakla, wala kasing nagyayaya sayo na magmeryenda. Kaya ka bitter." Natawa naman ako sa sinabi ni Vanessa. Ang ending nito, magbabangayan na naman sila.

Hindi ko na lang sila pinansin at pinagpatuloy na yung pagtatrabaho ko. Bandang 3:30pm nang makaramdam ako ng gutom. Napatingin ako sa sandwich na nasa table ko tsaka kinuha ito. In-unwrap ko ito tsaka kinagat.

Masarap. Mukhang homemade pa ito.

'Ginawa ba to ni Kyle?' Tanong ko sa isipan ko. Habang kinakain ko to, napansin kong parang may matang nakatingin saakin at hindi nga ako nagkakamali. Nakatingin saakin si Kyle at ngumiti siya saakin. Ngumiti ako tsaka tinaas ang sandwich na hawak ko. Tumango lang siya at ipinagpatuloy yung ginagawa niya sa kanyang laptop.

Nung naubos ko na yung sandwich, tumayo ako at nagpunta sa soda machine. Naghulog ako ng coins doon at sinelect ang cola can. Paalis na ako nang maalala ko na binigyan pala ako ng sandwich ni Kyle so I should offer him a drink? Naghulog ulit ako ng coins doon at same lang din nung akin.

"Here.." I said at nilagay ang cola can sa kanyang table.

"What's this for?" He asked. "Returning you a favour?" I said to him. We both laughed.

"Thanks." He said and smiled at me. Bago ako umalis, may pahabol pa siya.

"Ano, may gagawin ka ba after work?" Tanong niya saakin. Napaisip naman ako. May dalawa pa akong drawing na gagawin na nandoon sa table ko kaya, hindi ako pwede mamaya?

"Ahm. Ano kasi, may dalawa pa akong ido-drawing sa table ko kaya gagawin ko yun mamaya pagdating sa unit ko. Bakit pala?" Tumango naman siya sa sinabi ko.

"Okay. Salamat sa drink!" Sabi niya sabay kuha ng drink na binigay ko. Bumalik na ako sa table ko at pinagpatuloy yung ginagawa ko. After ilang oras, oras na para umuwi. Nauna nang umuwi sina Vanessa at Patty pero nagpaiwan ako dito sa office. Tinatapos ko na lang ang isang drawing para pagdating sa bahay, isang drawing na lang ang gagawin ko. Minutes passed and finally I'm done!

Ini-stretch ko muna yung mga kamay ko bago ligpitin yung mga gamit ko tsaka nilagay ito sa bag. Tumayo na ako at umalis na.

"Bye po Ma'am." Sabi saakin ng guard. "Bye din po kuya." Tugon ko sa kanya at ngumiti. Kinuha ko yung susi ng kotse ko tsaka pumasok sa loob at nagdrive na pauwi.

Dumaan muna ako ng grocery para bumili ng stocks sa bahay since nauubusan na ako ng stocks doon. Kumuha ako ng push cart at nilagay doon ang bag ko. Una kong pinuntahan ang Sanitary section. Kumuha ako ng maraming tissues since ito ang importante, cotton at wet wipes. Sunod ay ang, meat section.

"3 kilong manok po kuya" Sabi ko. "Ito na po maam." Sabi ko at nagbayad na doon..Nilagay ko muna sa push cart yung plastic na may lamang manok.

"2 kilong grounded beef,. at 2 kilong karneng baka naman po kuya." Sabi niya. Iniabot naman saakin ni kuya ang ordee ko at nagbayad na. Ang mahal na ng everything ngayon, tsk..

"3 kilong po nito kuya." Sabay turo ko doon sa isda. "Salamat po." Sabi ko at kinuha ito. Dumiretso ako sa processed food section at kumuha ng 3 packs of bacon, 3 packs of tocino, 2 tray ng itlog at 3 packs of hotdog

"Hindi talaga pwedeng mawala ang hotdog at bacon sa push cart mo ano?" Bigla akong lumingon sa nagsalita.

"Kyle?" Tawag ko sa kanya. Ngumiti siya saakin.

"Sabi ko na nga ba, dadaan ka talaga ng grocery." Sabi niya na natutuwa. "Huh? Paano mo naman nasabi yan?" Takang tanong ko.

"Hindi ko kasi sinasadya na marinig kayong naguusap nila Vanessa kanina na nauubusan ka na ng stocks sa bahay mo kaya baka dadaan ka muna ng grocery ngayon. Kaya nandito ako ngayon at nag-grocery na rin." At tinignan ko nga yung push cart na hila-hila niya. Marami-rami na rin ang nabibili niya.

"Oo eh." Sabi ko na lang at naglakad na papunta doon sa vegetable section. Kumuha ako ng mga gulay na pwedeng igisa sa mga karneng binili ko.

"So, pwedeng dumaan ako mamaya sa unit mo?" Sabi niya.

"Ano namang gagawin mo doon? Sabi ko nga sayo na may gagawin pa akong drawing diba?" Sabi ko sabay kuha ng de lata.

"May gagawin rin naman ako ah, kaya sabay na lang natin yun gawin." Suggestion niya habang nakangiti saakin. Kumuha ako ng 3 packs of yakult at energy drink na rin kasi minsan inaantok ako sa trabaho.

"Energy drink? Hmmmm.." May malisyang sabi niya. Napairap naman ako dahil sa inaakto niya.

"Stop what you're thinking. Inaantok ako minsan sa trabaho at parang matamlay ako kaya I need this drink." Pagkaklaro ko sa kanya. Sabay kuha ng diswashing soap, powder para sa paglaba ng damit, detergent soap, toothpaste, toothbrush, soap at iba pa.

"Oh? May sinabi ba akong iba? Wala naman ah!" Sabi niya. Nasa snacks section na kami. Kumuha ako ng curls, biscuits, chocolates and pancit canton.

"Kahit hindi mo sabihin, I know what you're thinking. And that's very ewww.." Nandidiring sagot ko. Nang masigurado kong okay na ang lahat, pumila na ako sa cashier para magbayad. May nauna saakin na dalawang customer.

"Oy, hindi naman sa ganoon. Ikaw talaga!" Pagdidipensa niya.

"Stop defending yourself, Mr. Villafuente." Sagot ko.

"Nyenye. Stop calling me Mr. Villafuente, that's too formal. Kyle na lang gaya ng pagtawag mo saakin everytime we had se---" I covered his mouth.

"HMMM-PPHH" Sabi niya. Pinandilatan ko siya ng mata tsaka tinanggal ang kamay ko sa bibig niya.

"Bunganga mo talaga kahit kailan walang pinipiling lugar!" Inis na sagot ko.

"Sorry naman! Oh ikaw na ang susunod na magbabayad." I started to empty my pushcart hanggang sa tuluyan na nga itong naubos.

"That's 5,933.75 pesos maam. " Sabi saakin ng cashier. Binayaran ko na ito tsaka kinuha ang risibo.

"Oy, hintayin mo ako! Sabay na tayong umuwi. " Sabi niya saakin. No choice kundi ang hintayin siya.

"Ako nang kakarga ng binili mo. Mabigat yan" Sabi niya..

"Hindi na, may karga ka na oh, ako nang kakarga ng akin. " Sabi ko."Ganito na lang. Ikaw na ang kumarga ng mga magagaang plastic, habang akin yung mabibigat. " Sabi niya. Napaisip naman ako at pumayag na rin. Naglakad na kami papuntang parking lot.

"Nilagay ko na lahat ng mga binili mo dito sa kotse mo, so paano? Kitakits mamaya?" Sabi niya.

"Salamat sa pagkarga, and sige. Kitakits tayo!" Sabi niya. Pumasok na ako sa kotse ko at nagdrive na papuntang unit ko. Pagkapasok ko sa unit ko, agad kong nilagay ang mga plastic bags sa may counter sa kusina ko. Agad akong nagprepare ng quick food para saamin ni Kyle. Pagkatapos ay pumasok ako sa kwarto ko para maghalfbath, after 15 minutes, lumabas na ako sa kwarto ko at nagtungo sa kusina para ayusin yung mga binili ko.

*Ding dong*

Agad akong nagpunta sa pinto at binuksan to..

"Pasok ka." Sabi ko kay Kyle. Pumasok siya at may bitbit siyang isang malaking box ng pizza at may box rin na chicken ata ang laman nito.

"Ahh nga pala, dumaan ako ng greenwich para umorder ng makakain natin. Nakakahiya naman kung wala akong dalang pagkain at aabalahin pa kita na magluto." Sabi niya at inilapag ito sa may mesa sa kusina.

"Naku, ano ka ba. Okay lang yun ano. Tsaka nagprepare rin ako ng makakain natin kaya pagsaluhan na lang natin to. Kain muna tayo bago natin simulang tapusin yung mga trabaho natin." Sabi ko at umupo na kami sa mesa.

"Nga pala, ininvite ako nila Patty sa kanilang nightout. Sasama ka ba?" Tanong niya saakin. Langhiya talaga tong si Patty!

"Hindi eh. Tsaka may importante pa akong gagawin kaysa doon." Sabi ko sabay kagat ng pizza.

"Ha? Alam mo, pansin ko lang parang nakatuon lagi ang atensyon mo sa work. Ano ba naman yung bigyan mo ng konting time yung sarili mo para magenjoy. Work can wait baka hindi mo alam." Sabi niya na natatawa.

"What you said is exactly the same sa sinabi nila Patty saakin kanina." Sabi ko at tumigil sa pagkain. Tinitignan ko siya ngayon habang kumakain siya. Ganadong-ganado parang bata kung kumain.

"Diba?! So ano na?" Excited niyang tanong. Huminga muna ako ng malalim bago siya sagutin.

"Fine. Sige na, sasama na ako sa nightout bukas." Sabi ko. Lalong lumawak ang kanyang ngiti at mas ginanadong kumain lalo..

Overnight daw ang nightout bukas, so ngayon iniisip ko kung ano yung susuotin ko bukas? Should I also wear a swimsuit? Tsss..