Nagising ako ng wala akong kasama, andito parin pala ako sa hospital, hindi ako nakauwi dahil wala akong natawagan kagabi dahil hindi ko kabisado ang mga numero ng cellphone nila. Paniguradong nag aalala na sila saakin ngayon.
Dali dali na akong umalis dun at nag hanap ng masasakyan, medyo masakit parin ang binti ko pero nakakalakad na ako.
Nakarating na ako sa bahay namin, wala ni isang tao ang nandun. Baka may pinuntahan sila Mommy at Daddy, siguro hindi nila alam ang nangyari saakin kaya hindi nila napansin na hindi ako umuwi kagabi. Lagi naman eh, dumiretso na ako sa kwarto ko at chinarge ang phone ko. Pagkabukas ko ay siyang biglang tawag naman ni Berry.
"Hello! Eunice, nasaan kana? nakauwi kana ba?" pag aalalang tanong ni Ryry
Si Berryson Castañeda lang naman talaga ang nag aalala saakin, wala ng iba. Matagal na kameng magkaibigan, para ko na siyang kapatid, tatay at bestfriend. All on one, kaya pag hindi ako nakakapag sabi sakanya kung nasaan ako ay sobra sobra ang pag aalala niya saakin. Ewan ko ba kung bakit siya ganyan pag saakin. Dahil siguro hanggang ngayon may gusto parin siya saakin? Kapal ko haha!
Dati nag confess siya saakin na gusto niya daw ako pero hanggang kaibigan lang talaga siya saakin at nung mga panahon na iyon ay inlove ako kay Ashton. Pero hindi naman nag bago ang pagkakaibigan namin mas tumibay nga eh.
"Oo Ry, nasa bahay na ako" bumuntong hininga nalamang siya.
"Okay, that's good. Pinag alala mo ako ng sobra" aniya
"Sorry, nalowbatt kasi ang cellphone ko"
"Okay, papunta ako jan ngayon" sabay pag baba niya ng telepono
Hindi ko alam kung bakit kailanman hindi ako nag karoon ng feelings sakanya. Siguro dahil sobrang close kame, simula pagka bata palang ay kilala ko na siya. Alam ko na ang lahat lahat sakanya at ganun din siya saakin pero wala talaga akong maramdaman sakanya kundi ang pagiging magkaibigan lang namin.
Lagi siyang pumupunta dito saamin pag may problema o may kung ano mang nangyari saakin, pati kadramahan ko nandito siya sa tabi ko.
Nagbihis na ako at ilang sandali pa lang ay narinig ko na ang sasakyan niya sa labas ng bahay namin. Pinagbuksan ko siya ng pintuan at pinapasok, kita kong nagulat siya dahil sa mga bandage ko sa binti at braso. Kita ko ring may dala siyang mga pagkain, swerte ko nga naman.
"Ano bang nangyari sayo Ice?" malumanay niyang tanong saakin.
Dati dalawang tao lang ang tunatawag saakin ng Ice, si Ashton at si Berryson pero ngayon si Berry nalang dahil wala naman na kame ni Ash.
"Nabangga ako ng isang sasakyan kahapon habang pauwi ako, hindi niya din ako tinulungan. Na hit and run ako bwisit, kakauwi ko lang galing ospital." inis ko sa driver ng sasakyan na naka bangga saakin.
"Ang tanga mo naman para mabangga. Saan ka ba lumalakad? Sa side walk o sa daanan ng mga sasakyan?" Sarcastiko niyang tanong.
Okay na sana eh, maniniwala na sana akong nag aalala siya saakin pero nawala lahat ng iyon.
"Malamang sa side walk, saan pa ba?. Kasalanan ko bang tatanga tanga yung driver ng kotse at nabangga niya ako" pag dipensa ko sa sarili ko.
"Nakuha mo ba ang plaka ng sasakyan niya?" tanong niya
Oo nga pala, hindi ko iyon naisip dahil sa sobrang sakit ng pagkakabangga ko. Katangahan nga naman, naku Eunice nasobrahan kana nga talaga sa katangahan.
"Wala" nakita kong nagbago ang itsura niya, kung kanina ay medyo may pag aalala ngayon wala na, kita ko sa mga mukha niya ang iritasyon at pagpipigil ng tawa.
"Oh bakit ganyan itsura mo ha!" iritado na ako dahil sa mga pinapakita niya. Nakakainis naman kasi eh.
"Wala... nakakatawa kasi ang itsura mo. Tapos ang tanga mo pa" at ayun hindi na niya napigilan ang tawa niya. Inikutan ko nalang siya ng mata at nag tungo na sa kusina.
"Bahala ka nga jan" sabi ko nalang
"By the way, sino nag dala sayo sa ospital?"
At ngayo'y nabanggit niya, anong oras kaya siya umalis kagabi. Ano nga ulit ang pangalan niya.
"TJ ata yun." tumango nalang si Berry.
Kumain kame at nanood ng movie. Pag pumupunta siya dito saamin ay ganun lang lagi ang ginagawa namin. Konting kwentuhan lang tungkol sa mga babae na nag kakandarapa sakanya at umuwi na siya.
Di ko maikakaila na gwapo ang bestfriend ko,ang daming nagkakagusto sakanya pero pinaglalaruan niya lang ang mga iyon. Sinabihan ko na siya na wag niyang paglaruan ang mga feelings ng babae, kung hindi niya type eh wag niya paasahin pero wala na akong magagawa nakahiligan niya na ata yun.
May pasok nanaman bukas kaya nag ayos na ako ng gamit. Habang nag aayos ay biglang nasagi sa isipan ko si TJ. Saan kaya siya nag aaral o nag aaral pa ba yun? saan kaya siya nakatira. Bigla akong naging curious sakanya. Pero winalang bahala ko nalang iyon, pagtapos kong mag ayos ay natulog na ako.