"A-ANO'NG NANGYAYARI?" kinakabahang tanong ni Maricon. Naging maalisangan din. Kasalukuyan silang naguusap ni Mfiel habang nagluluto ang ina sa kusina nang biglang dumilim sa labas ng bahay. Napatayo sila ni Mfiel. Hindi na siya nito nagawang sagutin dahil bigla itong nawala. Hula niya ay lumabas ito para siguruhin ang lahat.
"Alas onse pa lang naman ng umaga pero bakit parang maggagabi na?" takang tanong ni Maita at pinatay ang stove.
"Hintayin lang ho natin si Mfiel. Lumabas siya para siguruhin ang lahat." kinakabahang sagot ni Maricon.
Napatango na lang si Maita at tumahimik. Si Maricon naman ay sumilip sa bintana. Tuluyang nagdilim na. Parang alas otso na ng gabi. Tahimik na tahimik ang paligid. Maalinsangan pa rin. Habang tumatagal, lalong kinakabahan si Maricon.
At lalong tumindi iyon nang makalipas ang isang oras ay hindi bumalik si Mfiel! Hindi na mapakali si Maricon. Lakad na siya nang lakad at dasal nang dasal. Hanggang sa matigilan nang makarinig ng ugong sa labas ng bahay.
"A-Ano'ng..." takang anas ni Maricon ng biglang mayroong langaw na tumama sa salamin ng bintana nila. Napaigtad pa siya sa pagkagulat.
Hanggang sa naging sunud-sunod iyon! Bigla siyang nangilabot ng mapansing inuulan sila ng mga langaw! Agad isinara ni Maricon ang mga bintana. Nagtaka ang ina ni Maricon sa inasta niya at napatayo.
"Ano'ng nangyayari?" takang tanong nito.
"Umuulan ng langaw!" bulalas niya at tuluyang dumagsa ang mga insekto. Mabuti na lang ay naisara na niya ang lahat ng bintana bago pa iyon bumuhos!
"D-Diyos ko..." nahihintakutang anas ng ina ni Maricon at napayakap sa kanya. Lumakas na rin ang mga ugong ng langaw. Nakabibingi na iyon. Nakapangingilabot.
"'Ma..." kinakabahang anas ni Maricon ng umingit ang mga bintana at pinto. Mukhang mayroong nagpipilit na makapasok pero sa tingin ni Maricon ay ang mga langaw lang naman iyon. Gayunman, sa dami nila ay mukhang napupuwersa na ang mga pinto at bintana. Kaunti na lang ay makakapasok na!
"'Ma!" tili ni Maricon nang tuluyang pumasok ang mga langaw at kinuyog sila. Agad silang napatakbo paakyat sa kuwarto at nagkulong sa banyo. Wala silang ibang puwedeng puntahan! Halos maiyak sa takot ang magina at nagkayapan. Together, they prayed. They asked for a salvation. Someone should really save them...
"Maricon!" boses ni Mfiel iyon. Hindi pa sila nakakahuma ay biglang nagiba ang pinto at bumungad ang liwanag na halos bumulag sa kanila. Dahil din doon ay natunaw ang mga langaw at unti-unting nasunog!
"Mfiel!" sigaw ni Maricon at dali-daling dinaluhan ang sugatang anghel. Napaluhod si Mfiel. Mukhang naubos ang lakas sa pinakawalang kapangyarihan.
"I-I'm okay... H-How are you?" hingal na tanong nito.
"Okay lang kami. A-Ano'ng nangyari? Bakit duguan ka?" takang tanong ni Maricon.
Seryoso siya nitong tinitigan. "Demons are on the move. Ikinalulungkot kong sabihin na ang mga tao ngayon dito sa barangay ninyo ay na-possessed na ng mga demons. They are all dead now. Kaninang lumabas ako ay agad kong napansin ang mga tao na parang zombie sa labas ng bakuran ninyo. Magkasama si Beelzebub—lord of flies at si Joaquin. They broke the seal I made. Nakapasok ang mga langaw dito. They were also asking me to stay away. Gusto nilang ibigay kita sa kanila. Hindi ako pumayag at nakipaglaban. Tumakas sila dahil nabigyan ko sila nang matinding pinsala pero nagbanta na babalik."
Napatango si Maricon at napalunok. "K-Kaya alam nila na nandito ako. Si Joaquin. Dati namin siyang kapitbahay..."
"Oh, my God..." nahihintakutang anas ni Maita. Natutop na lang din Maricon ang bibig dahil sa malagim na balita.
Huminga nang malalim si Mfiel bago nagsalita ulit. "This is the reason why heaven didn't want to interfere. Hades will do everything just to get you even he kills the entire human race. But don't worry. Hindi ako basta mananahimik lang. Tutulungan kita." anito at pinagmasdan silang magina. "Nabawasan na ang protection grace na ibinigay ko. Habang ginagamit kasi iyon sa mga masasamang elemento ay humihina rin iyon. Wait."
Itinaas ni Mfiel ang kamay at ipinatong sa ulo ni Maricon. Bahagya lang iyong umilaw at saglit lang hanggang sa hinang napahiga si Mfiel sa semento.
"Mfiel!" alalang tawag nilang magina.
"I... I need to recover. I used up too much power. Isa na lang kasi akong fallen angel. Bawas na ang kapangyarihan ko dahil isinuko ko ang halo ko na pinagmumulan ng lakas." hirap nitong paliwanag.
Pakiramdam ni Maricon ay nabawasan ang pag-asa niya. Ang nilalang na sa tingin niya ay magliligtas sa kanila ay nanghihina na. Naluha siya sa pagkakalugmok nila sa sitwasyon.
"Don't be sad. Have faith in God. He will never let us die." positibong saad ni Mfiel.
Lalong nanghina ang pakiramdam ni Maricon. "Dasal kami nang dasal. Naririnig niya ba talaga kami?" mapait na anas ni Maricon. Hindi niya mapigilang magdamdam lalo na't patindi na nang patindi ang sitwasyon.
"Maricon, I understand your point. Pero sana ay intindihin mo na rin na noong unang panahon pa ay mayroong nang kasunduan ang langit at impyerno kaya hindi sila kumikilos. Wala tayong ibang dapat gawin kundi ang maghintay na madinig. So keep praying. Be patient. Soon, they will hear your plea."
Tumahimik na si Maricon kahit gusto niyang salungatin iyon. Masisisi ba siya? Sa tingin niya ay hindi. Her dark days wasn't over. Hindi na niya alam kung matatapos pa iyon...
***
"Ano'ng oras na?" kinakabahang tanong ni Maita. Napabuntong hininga si Maricon at bumaba muna mula sa upuan. Katatapos lang niyang takpan ang mga bintana gamit ang pinagtagpi-tagping takip at plywood. Kahit paano ay kailangan nila ng anumang proteksyon mula sa anumang panganib na darating.
Napatingin si Maricon sa wristwatch at bumaling sa ina. "Maga-alas syete na ho ng umaga."
"Ang dilim pa rin. Parang alas diyes pa rin ng gabi." may halong takot ang boses ni Maita.
Hindi na nawala ang dilim. Wala na rin silang mabalitaan sa radyo at TV. Tuluyang naging dead place ang barangay nila Maricon. Ayon kay Mfiel, walang nagtangkang alamin kung ano ang nangyari sa lugar dahil sa takot. Hindi rin naman masisisi ni Maricon ang mga tao. Maski din naman siya ay naduduwag din.
At ang inaasahan niyang nasa tabi ay wala. Ah, bakit ba niya ulit naalala si Baldassare? Tuluyan na nga itong hindi nagparamdam. Baka nga nasa impyerno lang ito ay hinahayaan siyang pagplanuhan ng mga kapwa demon.
The idea broke her heart even more...
"Oo nga ho, 'ma." sangayon ni Maricon na lang at napatingin sa kadarating lang na anghel. Kumabog ang dibdib niya nang makitang seryosong-seryoso ito. Galing ito sa paglilibot para tingnan ang paligid. Nang lumakas ang pakiramdam nito ay binigyan ulit silang magina ng protection grace at lumabas.
"May nararamdaman akong paparating na panganib." imporma nito.
"Ano'ng gagawin natin?" tanong ni Maricon.
"I will make a seal. Whatever you hear, stay inside the circle. Okay?" mahigpit na bilin ni Mfiel.
Sunud-sunod ang naging pagtango ni Maricon. Dali-dali na sila nitong dinala sa kuwarto. Pinaupo sila at pagkatapos ay sinugat nito ang sarili. Pinatakan nito ng sariling dugo ang paligid nila at sa gitna noon ay gumuhit ito ng isang simbulo gamit ang sariling dugo. Bumulong ito ng lengguwaheng hindi naintindihan ni Maricon hanggang sa natapos.
Napalunok si Maricon nang ilabas na ni Mfiel ang pilak na espada at sa isang kisap mata, bigla itong nawala. Panay ang tanong ng ina ni Maricon pero hindi na niya magawang magpaliwanag. Niyakap na lang niya ito nang mahigpit at pinigilan ang sariling huwag mangatog sa takot.
"M-Magdasal tayo, anak." anas ni Maita. Lalong lumalakas ang kaba niya dahil mayroon na siyang naririnig na ugong. Papalakas iyon ng papalakas sa bawat pagdaan ng segundo.
Hanggang sa biglang bumukas ang pinto at pinasok sila ng napakaraming langaw! Gayunman, salamat sa ginawang bilog ni Mfiel. Dahil doon ay hanggang paligid lang sila. Paikot-ikot at halos wala na silang makitang mag-ina!
"'Ma!" tili ni Maricon ng subukang gibain ng nagkukumpulang langaw ang transparent na harang nila paikot. Doon napagtanto ni Maricon na ang bilog na ginawa ni Mfiel ay parang transparent na container at nasa loob sila noon. Isang matibay iyon na container na hindi basta magigiba. Pero nakakatakot pa rin! Sa bawat pagtatangka ng mga nagkukumpulang langaw ay nayayanig sila!
Hanggang sa nagumpukan pang maigi ang mga langaw at nagkorteng malaking tao. Halos sabay natutop nila Maricon at Maita ang bibig dahil sa nakita.
"Beelzebub," tawag ni Mfiel na bigla na lang sumulpot sa likuran nang naguumpukang langaw.
"Arrrrrrrrrrrrrh!" malakas na hiyaw ng higanteng langaw at wala babalang inundayan ito ng espada ni Mfiel.
Pero sinadyang hatiin ng kalaban ang katawan para mailagan ang espada. Hindi rin ito nagpatalo. Sa isang iglap ay hinawi nito si Mfiel at bumalandra ang anghel sa pader. Wasak iyon!
"Mfiel!" worried na sigaw ni Maricon. Biglang-bigla, gusto niyang lumabas sa bilog at tulungan ito!
"No!" sigaw ni Mfiel nang makita nito ang pagtatangka ni Maricon. Natigilan tuloy ang babae at napasigaw dahil sa mga sumunod na nangyari.
Naghiwa-hiwalay ang mga langaw at inatake si Mfiel! Binalot ng napakaraming langaw ang anghel!
"Maricon!" sigaw ni Joaquin na nasa demon form at binalya ang seal. Sigaw na lang nilang magina ang narinig habang inaatake ang lalaki.