Chereads / To Get Her / Chapter 10 - "You killed Spongebob!"

Chapter 10 - "You killed Spongebob!"

Chapter 10. "You killed Spongebob!"

Ethina's POV

"Sanjun, hanggang kailan ba tayo dito?" Tanong ko sa kanya habang nakaupo siya sa sofa habang naharap sa loptop niya. Kahit nandito siya sa honeymoon namin, na wala namang honey kundi moon lang eh trabaho pa rin ang inaatupag niya.

"Three days, bukas uuwi na rin tayo." Sagot niya pero hindi man lang ako nilingon.

"Ah, mabuti naman, kasi umpisa na ng shooting namin eh." Sabi ko rito, ngayon naman niya ako tinignan habang may nakakunot na noo at puno ng pagtataka sa mukha.

"Shooting? What the hell, may kumuha sayo maging artista?" May pang-aasar niyang sabi habang nagpipigil pa ng tawa. Naningkit naman ang mata ko sa kalokohan niya.

"Hindi po Sir Sanjun, nag-apply ako bilang assistant director, ang galing nga eh, ang pogi pa ng director ko, oh di ba? May trabaho na ako bonus pa ang poging boss ko." Narinig ko naman siyang bumuntong hininga habang iiling-iling ang ulo niya.

"Baka silipan mo rin ang boss mo ah, ma-fired ka pa." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi nga sabi silip 'yon, hello sino kayang pumasok sa shower room habang may tao." Singhal ko rito.

"Will you please stop arguing with me? You didn't see? I'm busy, pwede bang lumabas ka nga muna ng bahay para naman tumahimik ang buhay ko for a sec!" Sigaw niya.

"Alam mo di ko alam kung may dalaw ka lang o may mental disorder ka na, try mong magpa-check up, din a normal 'yan." Sabi ko rito't inirapan siya tsaka tumayo at kinuha ang maliit kong bag. "Lalabas na ako, mamayang gabi na ako uuwi, magliliwaliw muna ako. Magpakasaya ka diyan! Sir Sanjun!"

Lumabas na ako ng villa, naka-shorts at shirt lang habang may jacket na kulay pink. Kahit pala hapon malamig pa rin sa Tagaytay. Nakapasok sa dalawang bulsa ng jacket ko ang dalawa kong kamay habang naglalakad lang dito sa labas. Ang ganda talaga dito, ang tataas ng mga fine tree tapos ang lamig ng hangin. Ang dami 'ring tanim na mga pinya sa paligid.

Bigla namang tumunog ang phone ko kaya tinignan ko kung sino, baka si Sanjun at namiss na ako. Pero nabigla ako ng pangalan ni Direk Shawn ang nasa screen ng phone ko. Mabilis kong sinagot ang tawag.

"Hello Direk?" Bati ko rito.

"Hello Ethina, I have heard na kinasal ka pala? Pasensya hindi kita nabati ng best wishes, anyways, congratulations." Masayang bati niya sa akin. Jusme, kahit talaga boses niya halatang gwapo siya pati sa mukha. Lalaking lalaki ang boses. Ang lamig pa kasi ang saya-saya niya.

"Salamat po Direk, ah, matanong ko lang po, so umpisa na po bukas ng shooting natin?" Tanong ko kay Direk, nagpatuloy naman ako sa paglalakad habang kausap si Direk Shawn.

"Ah, Oo kung pwede ka na." Natatawa niyang sabi.

"Ay, opo pwede na ako, excited na nga po ako sa shooting eh." Masigla kong sabi. Tumawa naman siya sa kabilang linya.

"Nakakatuwa ka talaga Ethina, so? See you tomorrow?"

"Sige po Direk, pa-inform na lang po kung saan yung place."

"Sige. Bye!"

"Bye po." Hinintay ko pang siya ang maunang magbaba. Pagbaba niya ng tawag. Hindi ko namalayan na ang layo na pala ng nalakad ko. Nandito ako sa isang simbahan. May misa 'yata. Pumasok ako sa loob ng simbahan. Pagpasok ko, nawindang ako dahil may kasalan pala. Nakasilip ako sa pinto ng simbahan habang nanonood sa kasal.

Pansin ko halatang halata sa dalawa na ang saya-saya nila. Siguro dahil mahal nila ang isa't-isa, dahil sila pa rin ang magkasama sa harap ng altar. Kita sa mga mukha nila ang pagmamahalan sa isa't-isa. Naisip ko lang ulit si Jazzsher, nakakapanghinayang, pero siguro nga hindi siya ang lalaking para sa akin. Nakakalungkot naman.

Sanjun's POV

"Yeah, okay. We'll be back tomorrow, ayusin mo na ang lahat ng meetings ko na namiss. Set all my meetings tomorrow." Binaba ko na ang phone ko matapos kong tawagan ang secretary ko. Hindi ko pwedeng iwan basta ang kumpanya. I don't want to disappointer Dad, like what Shawn did.

Sinara ko na ang loptop ko at sumandal sa sofa. Nakakapagod may ayos ng mga sales requirement, proposal and investment agreement.

Pagsandal ko, napalingon naman ako sa katabing table kung saan nakalagay 'yung fishball ni Ethina na may isda, ano bang pangalan nito? Spongebob? Ang weird talaga ng babaeng 'yon, at nakakahawa ang kaweirduhan niya. Bakit ko naman kinausap ang isdang 'to?

Napatingin naman ako sa labas ng villa at nakita kong madilim na, nasaan naman kaya nagpunta ang isang 'yon? Kanina pa siya umalis ah? Hindi naman kaya kinuha ng mga masasamang loob 'yon? O baka naman nag-eemote na naman dahil sa pagtataksil ng boyfriend niya? Ugh, she's so hopeless.

Kinuha ko ang fishball at tinignan ang isdang lumalangoy sa loob, tahimik lang siyang lumalangoy.

"Anong oras ba uuwi si Ethina? Hoy Spongebob sagutin mo ako!" Sandali, ano ba 'tong ginagawa ko? "Shit, bakit ko kinakausap ang isda?"

"Nandito na ako!" Narinig ko naman ang boses ni Ethina na papasok na sa loob ng villa. Nanglaki ang mata ko sa gulat habang hawak pa rin ang fishbowl ni Spongebob, kapag nakita niya na hawak ko ito, baka isipin niyang baliw na ako.

Mabilis akong kumilos para ibalik ang hawak kong fishbowl, pero napatid ako sa center table kaya naman nabitawan ang fishbowl ni Spongebob at nabasag.

"Ano 'yon?" Napatingin ako sa pagbukas ng pinto. Nagkatinginan kaming dalawa. At dahan-dahan niyang pinaling ang mata niya sa nabasag na fishbowl. "Spongebob!" Nag-aalalang sigaw niya at dali-daling pumunta sa nabasag na fishbowl.

"Hoy wag mo nang hawakan, baka ka mabubog—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng lingunin niya ng may nalilisik na mata habang may namumuong butyl ng luha sa gilid.

"You killed Spongebob!" Sigaw niya sa akin. Natahimik naman ako sa ginawa niya at nagtataka, why is she acting like that? Sa isang isda? Akala mo namatayan na siya ng kamag-anak?

"Stop the drama idiot, isda lang 'yan!" Singhal ko rito.

"Anong sabi mo?" Dahan-dahan siyang tumayo habang dala sa palad niya ang isdang walang buhay. "Isda lang si Spongbob? Alam mo bang mas matagal ko ng nakasama kesa sayo 'tong isdang 'to? Tapos sasabihin mong isda lang siya? Sino ka para sabihin 'yon!" Sigaw niya habang humihikbi.

Para naman akong nakaramdam ng guilty sa sinabi niya. Kasalanan ko ba? Eh bigla siyang dumating eh. Umiiyak na siya ngayon sa harap ko hawak ang isda.

"Wag kang mag-alala Spongebob, bibigyan kita ng magandang libing. At hahanapin ko ang hustisya sa pagkamatay mo." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. I was like, 'what the fuck'? Isda lang 'yan? Ang OA naman ng isang 'to.

Nakatingin lang ako sa kanya ng bigla niya akong lingonin at titigan ng masama.

"Ipapakulong kita!" Napaurong ako ng kaunti sa sigaw niya. Hindi ko na siya pinansin at umakyat na siya sa taas.

"Baliw ba ang babaeng 'yon?"

Ethina's POV

Leche talaga si Sanjun sa buhay ko. Pinatay niya ang alaga kong si Spongebob, tapos kung ituring niya akala niya hayop si Spongebob, eh mas hayop pa ang ugali niya sa isda ko. Pagakyat ko sa taas, naghanap ako ng kahon para paglagyan ni Spongebob para sa libing niya. Sa kakahalungkat ko, nakita ko sa bag ko 'yung box na puno ng love letter namin ni Jazzsher.

"Ito na lang Spongebob, bigay din naman 'to ng nagbigay sayo sa akin eh." Oo, binigay sa akin ni Jazzsher si Spongebob noong 4th year anniversary namin. Inalagaan ko si Spongebob ng isang taon, baby pa lang siya noong ibigay sa akin ni Jazzsher, at ito ang laki na niya. Pero ano? Pinaslang lang siya ni Sanjun. Isang talaga siyang mamamatay isda. Dapat sa kanya ipakain sa pating.

Bumaba na ako at lumabas, paglabas ko wala si Sanjun sa sala nakita ko pa ang nagkalat na mga bubog sa sala. Lintek na 'yan, di pa niya nilinis ang pinangyarihan ng krimen na ginawa niya. Wala talaga siyang puso. Ililibing ko muna si Spongebob tsaka ko na lilinisin. May dala rin akong kandila, para sa ikakatahimik ng kaluluwa mo Spongebob.

Paglabas ko naghukay na ako ng paglilibingan niya. Nalulungkot ako, pakiramdam ko nawalan ako kaibigan. Ang OA ko pero wala kayong pake dahil mahal ko si Spongebob.

Sanjun's POV

Pagtingin ko sa labas, nakita ko si Ethina na naghuhukay. Ganun ba kahalaga ang isdang 'yon? Ang OA talaga. Sinilip ko siya sa labas ng villa. Malungkot pa rin ang mukha niya. Naalala ko ang bigla niyang paglingon kanina habang may nanlilisik na mata at may butil ng luha. Nakakatakot siya, parang umurong ang dila ko sa tingin niyang 'yon.

Nakita ko pang may sindi-sindi siyang kandila. What's with this girl? Baliw ba talaga siya o isip bata lang?

Napailing-iling na lang ako ng maaninag ko ang isa pang kandila sa center table. Nakangisi ako at kinuha ko ang kandila.

Sinindihan ko ang kandila at sinilip ulit si Ethina sa labas, mukhang nalibing na niya si Spongebob ah. Lumabas ako ng villa at pinuntahan siya. Nakita niya naman ako at tinignan ng masama.

"Hoy, nakikiramay ako sa pagkamatay ni Spongebob." Sabi ko rito. Sinamaan naman ako ng tingin nito.

"Bakit ka may hawak na kandila?" Maangas niyang tanong.

"Di ba nakikiramay nga ako?"

"Kandilang pula? Tanga ka ba?" Mataray niyang sabi, napatingin naman ako sa hawak kong kandila.

"Bakit? Anong mali sa pulang kandila? Pareho lang namang kandila 'to ah?" Sabi ko sa kanya, pero naningkit lang ang mata niya at inirapan ako tsaka naunang pumasok sa loob ng villa.

Sumunod naman ako, pero ng buksan ko ang pinto. Naka-lock.

"Hoy buksan mo ito Ethina!" Sigaw ko. Hinarap naman niya ako.

"Ang criminal nasa labas lang dapat! Manigas ka diyan!"

"Ano? Hoy! Umayos ka! Baliw! Buksan mo 'to!" Hindi na niya ako pinansin at umakyat na sa taas.

Kinabukasan. Bumalik na kami sa Manila. Habang nasa byahe, tahimik lang siya simula noong umalis kami sa Tagaytay hanggang pagdating sa Manila. Parang biyernes santo ang mukha. Nagmumukmok pa rin siya dahil sa isdang 'yon?

"Saan ka bababa?" Tanong ko rito, pero hindi naman ako pinansin. "Hoy, saan ka bababa? Di ba may shooting kayo?"

"Sa wala kang pake, ibaba mo ako sa train station." Malumanay niyang sabi tsaka bumuntong hininga. "Spongebob." Dugtong pa nito tsaka muling nagmukmok.

"Hay nako." Pinaandar ko na lang ang sasakyan at hinatid siya sa train station. Pagbaba niya malakas niyang sinara ang pinto ng sasakyan. "Tignan mo 'yun? Hinatid na nga eh, Hay nako." Iiling-iling kong sabi tsaka pinaandar ang sasakyan, pero napahinto ako ng makita ko ang nilapitang lalaki ni Ethina. "Shawn?" Mahina kong sabi ko sa sarili ko.