Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Vechevoral

🇵🇭Alba_Leonis
--
chs / week
--
NOT RATINGS
14.9k
Views
Synopsis
Isang ordinaryong bagot na binata ang napunta sa ibang mundo ng hindi niya inaasahan. kaya niya kayang manatiling mabait? o mag papalamon siya sa kniyang galit at hirap na mararanasan?
VIEW MORE

Chapter 1 - Episode 1 - Sa ibang mundo

Si King ay isang normal na binata na sobrang nababagot na sa paulit ulit na routine sa buhay, Gising sa umaga, hilamos, kain, ligo, pasok at uwi.

Isang araw, habang sya ay nag lalakad pauwi ay may nakita syang isang aso na sugatan at ito ang naging sanhi ng tuluyang pag babago ng kanyang buhay.

Isang aso? Sambit ni King. Napano kaya ang asong iyon at sobrang sugatan? Sinundan ni King ang aso hanggang makalabas sya ng iskinita at nakita nya ang isang malaking matandang puno at doon nakahiga ang asong sugatan.

Pinuntahan ni King ang aso at tiningnan ang lagay nito ngunit napailing nalamang at nalaman nya na wala na itong buhay. Napatingn si King sa puno at napansin nya na may kakaibang mga letrang nakaguhit dito na parang sing tanda na rin ng puno.

Parang pamilyar ang sulat na ito ngunit hindi ko lang matandaan. Panaginip? Sa laro? Sa libro? Parang nakita ko na talaga ang mga simbolong ito. Hinawakan ni King ang mga simbolo at biglang sumakit ang kanyang ulo. Pambihira, napakasakit ng ulo ko at bigla syang napaupo.

Matapos mag pahinga ng ilang sandali ay nilibing ni King ang aso at muling napatingin sa mga simbolo subalit laking gulat nya ng makita nyang ang mga simbolo ay nag niningning at nababasa niya na ito. Teka muna, bakit biglang nababasa ko na ang mga ito? Nilapitan niya ito at binasa ang nakasulat "Vechevoral". Vechevoral?Anong klaseng sulat iyon? Makaalis na nga at gumagabi na. Hindi lubos maisip ni King kung paano nya biglang naintindihan ang mga nakasulat at pauliulit niyang iniisp ang aso.

Pag kauwi ni King sa kanyang bahay, dumiretso lang siya sa kanyang kwarto at humiga. Tapos nanaman ang araw, kinabukasan parang robot nanaman akong papasok. Hanggang sa mapikit na ang mga mata ni King. Biglang nagising si King dahil may kumakaluskos sa kanyang pinto. Pambihira, disoras ng gabi ah, sino ba yan? Tumigil ang pag kaluskos ng pinto at napakamot sya sa ulo. Pag talikod nya sa pinto ay laking gulat nya at nakatingn ng masama sa kanya ang asong kanya inilibing. Takot na sambit ni King, t-teka muna, ikaw ung aso sa puno ah, nilibing na kita ah, at pano mo alam na dito ako nakatira?. Lalong natakot at kinilabutan si King dahil biglang humalkhak at ang salita ang aso. Isa kang hangal! Dapat ay hindi mo hinawakan ang mga kataga at pinabayaan mo nalang ako. Ngayon mapapasa sayo ang sumpa. Anong sumpa? Sambit ni King. Tignan mo ang katawan mo! Unti unting binabalot ng maitim na kulay si King at unti unting lumulubog ang katawan ni king sa sahig, ng malapit ng lumubog ng tuluyan si King, naulinigan nya ang aso na "kailangan ka namin, iligtas mo ang kaharian ng Farore."

hoy, hoy, hoy gumising ka!

Nagising si King dahil sa pag gising sakanya ng isang lalaki na hindi niya kilala at humawak sya sakanyang ulo. Ng imulat niya ang kanyang mata ay nakita nya ang tatlo pang lalaki at may mga nakapalibot na para bang mga sakristan sa kanilang paligid. Sino kayo? Nasaan ako? Hindi ko rin alam kung nasaan tayo pero ako si Anthony, ang mga kasama naten ay sina Jules at Ron. Mas maganda siguro ay kausapin muna natin tong mga nakaputi na ito at tanungin natin kung nasaan tayo sabi ni Anthony.

Pambihira, nag lalaro ako ng ps4 ko! Matatapos ko na ung laro! Ano bayan! Sambit ni Jules. Tumahimik ka nga, d nga natin alam kung nasan tayo mas pinoproblema mo pa ung laro mo! Sabi ni Ron. Napa buntong hininga nalamang si Jules sa sobrang pag ka dismaya. So, ano ang armas mo? Sabi ni Anthony kay King, Armas? Oo, kaming tatlo ay may armas noong nagising kami, ang akin ay espada, kay Jules ay palaso at kay Ron ay sibat. Nasaan ang armas mo? Kinapa ni King ang kanyang mga bulsa at katawan ngunit isang pulseras lamang na may hugis letrang V na palawit ang nakita niya. Wala akong makitang armas pero hindi ko matandaan mayroon akong pulseras sa kamay.

Natawa sina Jules at Ron. Ang malas mo naman sabi ni Ron, mga panginoon, ipag maumanhin niyo ang aming pag abala, gusto po sana namin ay makita nyo na ang aming hari.

May magagawa ba kami pag hindi kami pumayag? Sabi ni King. Takot na pag papahayag ng muka at sinabi ng nakaputing lalaki, pasensya na ho pero kailangan niyo tlga mkita ang aming hari para maipaliwanag sainyong mabuti ang mga nangyayari. Mukang wala na tayong magagawa sabi ni Anthony, mukang kailangan natin sumunod sa kanila para malaman natin kung nasan tayo at kkung pano tayo makakabalik. Sinundan nilang apat ang mg nakaputing lalaki hanggang sa makarating sila presensya ng hari.

Maligayang pag dating mga bayani! Tumuloy kayo at huwag mahiya. Pumasok ang apat na mga binata at lumapit sa hari. Unang nag salita si Anthony, mahal na kamahalan, mawalang galang na ho, ngunit maari ba naming malamn kung bakit kami biglang dinala sa lugar na ito ng wala ang aming pahintulot?. Pag pasensyahan nyo na mga bayani, nandito kayo ngayon sa kaharian ko, ang kaharian ng Farore.

"Farore? Parang narinig ko na ang salitang iyon?" isip ni King.

Ipinatawag ko kayo gamit ang aking pinakamahuhusay na salamangkero sa kadahilanang papalapit na ang kinatatakutan naming lahat, ang pag kasira ng buong kaharian at mundo, ang Armageddon. Lumuhod ang hari at sinabing, pakiusap mga bayani, nasa inyong mga kamay at sandata ang kinabukasan ng aming mundo. Nag salita bigla si King, teka lang, una hindi namin ginusto mapunta dito sa mundong ito, tapos ngyon hihilingin nyo sa amin na ilagay namin ang buhay namin sa panganib para iligtas ang mga taong ngayon lang namin nakita? Pasensya na mahal na hari, parang sobra naman ang hinihiling nyo nsa amin.

Malungkot at galit na sagot ng hari, gustuhin nyo man o hindi, hindi rin kayo makakabalik sa inyong mundo hanggat hindi natatapos o napipigilan ang armageddon.

"bat parang iba ang ugali sa akin ng hari pag ako ang kausap?"

Nag salita si Jules, mawalang galang mahal na hari, ngunit hindi ba pwedeng kayo nalang gumamit ng mga armas namin at kayo na ang makipaglaban?

Hindi maari, malambing na sambit ng hari, hindi kayang gamitin ng mga normal na tao ang inyong mga sandata,

Mahal na Hari, bakit ako ay porselas lang ang aking suot?

Isa kang bayani ngunit hindi pa namin alam kung anong klaseng kapangyarihan ang mayron ka, ang alam lang namin ay nagiging brutal na itak ang pulseras na yan na walang alam gawin kung hindi ang pumatay. Malamig at matabang na paliwanag ng hari.

"iba talaga makipag usap ang hari sa akin at sakanilang tatlo, ano ba problema ng taong to?"

Mahal na hari, maari ba namin malaman kung ano talaga itong mga armas namin at bakit hindi ito kayang gamitin ng normal na tao? Tanong ni Ron.

Oo, oo malambing na sambit na hari. Pero bago ang lahat, gusto ko muna kayo makilala. Oo nga pala sambit ni Anthony, hindi pa nga pala kami nakakapag pakilala, ipag paumanhin nyo mahal na hari,

ako si Anthony ang aking armas ay ang espada labing walong anyos.

Ako naman po si Jules, ang aking armas ay palaso, labing pitong anyos.

Ako naman po si Ron, ang aking armas ay sibat, dalawampung anyos.

Ako naman si King, hindi ko alam ang aking armas labing pitong anyos. "hindi tinignan ng hari si king na parang hindi interesado". Ano ba talaga problema ng hari nato?

Ikiniagagalak ko kayong makilala mga bayani, ako si Edward III ang ika pitumput pitong hari ng farore. Ngayon ay sasabhin ko sainyo ang pangalan ng mga armas nyo,

Anthony, ang pangalan ng espada na yan ay Durandal isang napakatalas at matibay na espada na kahit ano ay kayang hatiin.

Jules, ang pangalan ng armas mo ay Mulagir, ang palaso na yan ay may napaka layong saklaw.

Ron ang pangalan naman ng armas mo ay Gradivus, ang sibat na kahit kidlat ay kayang paamuhin. Kayong tatlo ay ang pinakamalakas na madirigma ngayon dito sa Farore.

T-teka muna mahal na hari, paano naman ako? Ano ang silbi ng pulseras ko? Tanong ni King. Hmm, walang pangalan ang iyong pulseras, hindi ko alam kung ano ang ginawa ng nakaraang bayani sa pulseras na yan. A-ano? Napabuntong hininga nalamang si King. Buwan buwan ay bbgyan ko kayo ng budget para sa inyong mga pangangailangan. Sa ngayon kayo ay mag pahinga muna, bukas ay mamimili kayo ng mga makakasama nyo sa inyong pakikipag laban.

Hay salamat, makakapag pahinga na rin! Sambit ni Jules, kaya lang sana nadala ko kahit ang cellphone ko. Mag pasalamat nalang tayo at may matutuluyan tayo ngayon, sambit ni Anthony. Wag mo masyadong dibdibin ang sinabi ng hari King, malay mo may sikreto ang pulseras na yan. Sambit ni Ron. Hay, mukang maggng pangakraniwan lang din ang araw araw ko dito parang sa mundo ko. Matanong ko lang, taga saan ba kayo? Hmmm nakakapag taka, bat hindi ko maalala kung taga saan ako? Pag tataka ni King, oo nga no? Ako din hindi ko din maalala kung taga saan ako, sambit ni Anthony. Bakit nga kaya hindi ko din maalala kung taga saan ako? Sambit ni Ron. Siguro ay hindi na muna mahalaga kung taga saan tayo, mabuti pa ay mag pahinga nalang muna tayo.

"King... King... King..." ha? Sino yan? Tanong ni King. "King... alalahanin mo ang pangalan ko..." gulat na nakita ni King ang kanyang pulseras na umiilaw. "Alalahanin mo ang pangalan ko."

End of Episode 1

Sana po ay nagustuhan niyo <3