Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

EVEN IF I DIE, IT'S YOU

maskforthedevil
--
chs / week
--
NOT RATINGS
15.9k
Views
Synopsis
Anong gagawin mo kung pinagtaksilan ka ng lalaking mahal na mahal mo? Ang lalaking mahal mo ay may relasyon sa bestfriend mo? Paano kung nalaman mo na ang ang dalawang ito ay ang gusto lamang makamit ng mga ito ay ang yaman mo? masasaktan ka? Magagalit? Maghihiganti? Magpapatawad? eh pano kung pinatay ka ng mga ito? anong gagawin mo, kung mabubuhay ka ulit.
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1: Ang kamatayan

Habang nagmamaniho ng kanyang kotse ang babae ay walang tigil ang agos ng luha nito... ayaw niyang umiyak ngunit hindi niya mapigilan ang sarili...

Parang sa pelikula na patuloy na nagrereplay sa isipan niya ang kanyang nasaksihan.

Excited na binuksan niya ang pintuan ng condo ng boyfriend niya.

She's there to surprise him. Gusto niyang ipaalam rito na may napili na siyang gown na isusuot niya sa kasal nilang dalawa pero siya ang nasorpresa ng makita ang ang isang paris ng sapatos.

Bigay niya ang sapatos na iyon sa matalik niyang kaibigan.

Anong ginagawa nito sa condo ng boyfriend niya...

Maya-maya ay narinig niya ang dalawang boses na nag-uusap mula sa nakabukas na kwarto..

"Ronald, gusto kung iwasan mo na si Anne...ayokong makita na nakadikit ang lintang iyon sayo."

"Honey,alam mong ginagawa ko ang lahat ng ito para sa future nating dalawa...huwag kang magselos dahil ikaw lang mahal ko." Malambing na wika ni Ronald rito.

"Tapusin mo agad ang plano para ma dispatsa mo na ang bruha nayon...alam mo bang gustong gusto ko siyang pagsasampalin...ang landi niya. At sa akin pa lahat ikinikwento ang lahat ng nararamdaman niya sayo."

Kahit na alam niyang masasaktan siya a lumapit pa rin siya sa may pinto upang makasiguro na hindi siya nagkakamali... Na boses talaga ng dalawa ang naririnig niya.

Parang sinaksak ang puso niya sa nasilayan.

Ang kanyang  bestfriend at ang kanyang boyfriend ay magkayakap sa kama. Sigurado siyang maliban sa kumot na nakatakip sa mga ito ay wala ng suot ang mga ito.

Umagos agad ang mga luha sa kanyang mga mata sa kanyang nakita.

"Malapit na kaming ikasal ni Anne... kapag nakasal na kami pwede na natin siyang patayin. Palalabasin natin na aksidente ang pagkamatay niya. Pag wala na siya, sa akin mapupunta ang yaman niya...then, mabubuhay tayong dalawa na masaya."

Hindi niya makaya ang mga naririnig niya. Agad siyang tumakbo palabas ng condo.

"Si anne."narinig niyang wika ni kristal bago siya makalabas.

Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari...

For Ronald, nagmakaawa siya sa mga magulang niya na tanggapin ito. Kahit na ayaw ng mga magulang niya ay napapayag niya ang mga ito nong sabihin niyang magpapakamatay siya kapag hindi pumayag ang mga ito sa kasal na nais niyang mangyari.

For Kristal, sinuportahan niya ito sa mga pangarap nito sa buhay. Naging sikat itong artista dahil ginamit niya ang koneksyon ng pamilya niya. At hindi pa ito nakukuntento sa mga tinatamasa nito.

Galit na galit pa ito sa kanya at nais nitong mamatay siya.

Mayamaya ay may bumangga sa likuran ng kotse niya...paulit-ulit na binabangga ang likuran ng kotse niya.

Tingnan niya kung sino ang may gawa at hindi siya maaaring magkamali si Ronald at kristal ang sakay ng kotse.

"No!!!!!!!!"

Iniwasan niya ang truck pero hindi  niya naiwasan ang pagbangga sa isang malaking puno...

"Mamatay ka na." Nakangiting wika ni kristal sa kanya. Habang si ronald naman ay nakatayo lang sa tabi ni kristal. Nakatunghay lang sa duguang si anne

"H-help.....save me...please...." wika ni anne bago malagutan ng hininga...

Sa oras na iyon hinihiling niya sana may tumulong sa kanya para mabuhay. Ayaw niya pang mamatay. Marami pa siyang gustong mangyari sa buhay niya.

( Sa buhay nating mga tao, may mga pangyayaring hindi natin inaakala na gagawin sa atin iba.)

First time kong magsulat ng story...

Sana may bumasa...hahahaha

Kung may nagbabasa man sa sinulat ko...

Let me know...hehehehe

Comment lang..