"BILISAN mo! Kailangang mahanap natin iyon," utos ni Madison sa cameraman na si Janz habang umaakyat siya ng trail na palayo sa Eagle's Point.
"Sigurado ka ba sa gagawin natin, Madison? Sigurado ka ba na totoo ang tip sa iyo ng informer mo na may marijuana plantation sa area na ito?"
"Oo naman. Malaking balita ito. Kapag naka-scoop tayo dito, pwede na tayong ipadala sa main station sa Manila. Makakapag-cover na tayo ng mas malalaking balita. Baka nga ipadala pa tayo sa abroad. Nai-imagine mo ba iyon?"
"At malaki din ang mawawala sa atin kapag pumalpak tayo at nabuko tayo. B aka mawalan tayo ng trabaho."
"Huwag iyon ang isipin mo. Isipin mo na pwedeng umangat ang estado natin sa network kapag napatunayan natin na may marijuana plantation nga dito. Isama mo pa ang reward na pwede nating makuha."
Biglang nagningning ang mga mata nito. "Reward? Gusto ko iyan. Payaman tayo diyan. Mayayaya ko na rin tiyak ng date si Moira. Di na niya ako pwedeng irap-irapan kapag magkasama kami."
Baguhang cameraman lang si Janz. Di naman daw ganoon kabigat ang iko-cover nila kaya ito ang pinasama sa kanya. Di gaya ng batikan nang cameraman, mas wala pang ambisyon at vision sa mabibigat na balita si Janz. Magaling lang ito sa mga magagandang shots na babagay sa mga travel feature, festivities at pageants pero wala pa itong vision pagdating sa malulupit na balita. Wala naman siyang choice. Kailangan niyang pagtiyagaan kung ano ang meron siya.Konting encouragement lang at tamang motivation ang kailangan nito.
Si Moira ang isa sa reporters na kasabayan niya at ang balita ay malakas ang kapit dahil apo ng isa sa mga executive ng network. Maganda din ito at dito napupunta ang magagandang projects. Habang siya ay puro "pabebe" lang at wala pang napapatunayan. It was really frustrating. She could actually do better. Kailangan lang niya ng pagkakataon. At ito na ang pagkakataon na iyon.
"Gaano pa ba kalayo?"
She checked her GPS. "We are almost there."
Madawag ang lugar na dinadaanan nila at halos kainin na ng damo ang lumang trail. Pero alam niyang nasa tamang landas sila.
"Huwag na kaya tayong tumuloy. Baka may ahas dito."
"Walang ahas dito," sabi niya at tuwid lang ang tingin. Kumabog ang dibdib niya nang matanaw na niya ang hilera ng pine trees na tinatalunton ng trail. May ilog sa baba at may farm sa kabilang pampang. "Ito na iyon. Bilisan natin."
"Baka hinahanap na nila tayo..."
"Bilisan mo para makabalik agad tayo."
Sa wakas ay nakatawid na sila at nakarating sa kabilang pampang. Pero naharang naman sila ng barbed wire na nagsisilbing harang at boundary ng property.
"May harang. Tutuloy ba tayo? Baka may ba ntay. Baka mahuli tayo. Baka..."
"Just shut up!" angil niya dito at saka kumabila ng bakod. "Kung ayaw mo ng reward at promotion, ako na lang. Maiwan ka diyan."
"Hindi naman sa ganoon. Nag-aalala lang talaga ako..."
"Pakakainin kita ng damo kapag di ka tumahimik," angil niya at binigyan ito ng matalim na tingin. Saka lang nanahimik ang lalaki at napilitang sumunod.
Wala naman tao sa paligid. Kung may makahuli man sa kanila, siya na lang ang didiskarte. Sana pala ay kumuha na lang siya ng busal sa bibig ni Janz para mas makapag-focus sila sa trabaho nang walang angal.
"Saan ba dito banda? Parang puro naman tanim..."
"Manahimik ka muna," sabi niya at dahan-dahang gumapang sa gitna ng mga tanim na citrus saka iniligid ang mga mata.
Ang sabi sa kanya ng informer niya ay nakatanim ang marijuana sa gitna ng mga pananim. At ito na iyon. Ito na ang sinasabi ng informer niya. Ang kailangan na lang niya ay makuhanan ng video ang mga nakatanim na marijuana bilang ebidensiya. Pero kailangan pa rin nilang maging maingat dahil kung may tanim ngang marijuana doon, tiyak na may mga armadong taong nagbabantay.
"Let's move. Mukhang walang tao. Dito muna tayo," sabi niya at itinuro ang isang direksyon.
Nagningning ang mga mata niya nang makita niya ang ilang mga puno na nakatanim sa di kalayuan. Mukhang iyon na ang hinahanap nila.
"Nakita ko na," aniya at binilisan ang paggapang. Naaamoy na niya ang tagumpay. Naaamoy na niya ang promotion. Here I come, Manila.
"Parang may paparating," anang si Janz.
"Basta sumunod ka lang. Kumalma ka." May nakahanda na siyang alibi. She needed a little time. Kahit isang picture lang na magsisilbing ebidensiya na may marijuana plantation nga sa lugar na iyon. Kahit isa lang.
They had to move fast. They were running out of time. Nasaan na ba iyon?
Kinalabit ni Janz ang likuran niya. "Madison..."
"O!" angil niya.
"Ayan na siya," sabi nito.
Nang lumingon siya ay nakahanda na ang ngiti niya. Ready na din siya sa alibi at drama na pang-teleserye level. Subalit sa halip na bantay ng farm ay isang malaking dobberman ang nakatunghay di kalayuan sa kanila. Kumabog ang dibdib niya. Hindi siya close sa mga aso. Takot siya sa mga ito lalo na sa rabies.
Pero kailangan niyang maging matapang. Para ito sa mga pangarap niya. Di isang aso lang ang makakatalo sa kanya. Di siya palulupig.
Umangil ang aso nang dahan-dahan silang tumayo ni Janz. Halos hindi humihinga si Madison. Isang mali lang ay pwede silang sugurin ng aso. Di niya inaalis ang tingin dito habang may piping panalangin.
"Madison..." anang si Janz na nanginginig ang boses sa takot.
"Huwag kang gagalaw sa kinatatayuan mo," bilin niya sa marahang boses. Dahil isang maling tono lang niya ay maaring makabulabog sa hayop. "Kalma ka lang." Iisip pa ang dalaga ng paraan para malampasan ang aso. Di niya alam paano makipagnegosasyon sa aso. "Inhale," huminga ng malalim si Janz, "Exhale!"
Sa halip na pagbuga ng hininga para kumalma ito ay isang malakas na sigaw ang pumunit sa katahimikan ng paligid at kumaripas si Janz. "Takbo na!"