Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Venova Curse

Mark_Ivan_Balmes
--
chs / week
--
NOT RATINGS
2.9k
Views
Synopsis
Naninirahan ang magkapatid na sina Venova at Sona sa bayan ng San del Ignacio na pinamamahalaan ito ng pamilya Martinus.

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - Venova Revenge

Ang Alamat ng Aswang:

VENOVA REVENGE

by Mark Ivan Balmes

Sa malayong bayan ng San del Ignacio pinamamahalaan ito ng mayamang pamilya,ang pamilya Martinus.Ang pamilyang ito ang nagsilbing Alkalde ng bayan.Tinitingala ng taga-San del Ignacio ang pamilya Martinus.Ang pangalan ng mag-asawa ay sina Don Sebastian Martinus at Donya Rosita Martinus.May tatlo silang mga anak.Isang babae,si Senyora Luisita Martinus.Dalawang lalake,sina Senyor Efren at Dinor Martinus.Mga may hitsura naman ang mga anak ng mag-asawa.

Sa katunayan,maraming manliligaw si Senyora Luisitia galing sa mayayamang angkan at mga kalalakihan ng San del Ignacio.Sina Senyor Efren at Senyor Dinor naman ay napakababaero,kung sino-sinong babae ang nililigawan tapos kapag nagsawa sila ay iniiwan ang mga ito.

Tumutulong din ang mag-asawang Martinus sa mga nasasakupan nilang mga mahihirap.Binibigyan nila ng pera at bigas.Minsan binibigyan pa nila ng trabaho.Napakabuti nilang mag-asawa.

Dito rin sa bayan naninirahan ang magkapatid na sina Venova at Sona.

Magagandang dilag ng bayang San del Ignacio.Tunay na maganda sila.Maputi at makinis ang kanilang balat.Kaya maraming nanliligaw sa kanila kabilang na dito ang magkapatid na Martinus.

Limang buwan na nilang nililigawan ang magkapatid ngunit hindi sila gusto ng magkapatid dahil alam nila kung gaano sila kababaero.

Ulila na sina Venova at Sona.

Silang dalawa nalang nagtutulungan at nagdadamayan.Ang pangarap nila na sana balang-araw dumating ang lalaking magmamahal sa kanila ng tapat at totoo.

Kahit mahirap basta mahal sila.Sapat na sa kanila yun.

Kilala rin sila bilang isang napakabuting mamamayan ng San del Ignacio. Tumu-

tulong sila sa kapwa nila mahihirap kaya maraming nagmamahal sa kanilang dalawa.

Habang nag-iigip ng tubig si Venova may

isang nakaputing matanda ang lumapit sa kaniya.Humingi ito ng pagkain dahil ilang araw na itong nagugutom sa paglalakbay.Dinala ni Venova ang matanda sa bahay nila at pinakain.

"Kumin po kayo ng marami,"wika ni Venova. "Ito po lola",inabot ni Sona ang ulam."Lola tagasaan ba kayo?",tanong ni Venova. "Bakit po kayo napunta dito?",tanong ni Sona. "Pupuntahan ko ang anak ko sa kasunod na bayang 'to"

,sagot ng matanda."Gusto nyo po bang samahan namin kayo?",sabi ni Sona. "Opo lola",sabi ni Venova. "Wag na mga apo.Kaya ko na sarili ko.Bumabalik na ang lakas ko dahil sa pagkaing binigay niyo sa akin.Maraming salamat.

Napakamabuti niyo",wika ng matanda.

Bago umalis ang matanda binigyan ang dalawang magkapatid ng maliit na bola.

"Ano mang hihiling niyo dito ay matutupad",sabi ng matanda sabay alis.

"Ate Venova, totoo kaya yung sinabi ni lola",tanong ni Sona. "Siguro",sagot ni Venova.

Kaya binigyan ng matanda ang dalawang magkapatid ng dalawang maliit na bolang kahilingan dahil nasa panganib sila.Tinago nina Venova at Sona ang bolang kahilingan.

Umaga ng pumunta ang dalawang senyor sa bahay nila Venova at Sona. Nadatnan nila itong magdidilig ng mga halaman.

"Napaka-ganda mo talaga Venova ",wika ni Efren.

"Ikaw rin Sona",sabat ni Dinor.

Nagulat ang magkapatid kaya humarap

sila sa nagsasalita.

"Venova,kailan mo ba ako sasagutin",tanong ni Efren.

"Efren,paulit-ulit ko itong sasabihin sayo hindi kita mahal at wala akong balak na mahalin ka",sagot ni Venova.

"Ganun din ba isasagot mo sakin Sona",tanong ni Dinor."Oo,tsaka maraming babae dyan bakit niyo ba pinagsisiksikan ang sarili niyo sa amin.Hindi namin kayo gusto",wika ni Sona."Hindi kami papayag na ipapahiya niyo kami.Di niyo ba kilala kung sino ang kaharap niyo?",inis na sabi ni Efren.

"Pinagbabantaan niyo ba kami.Baka gusto niyong malaman to ng San del Ignacio ang pagbabanta niyo sa amin",wika ni Venova."Umalis na kayo at wag na kayong babalik",sabat ni Sona.

"Pagsisisihan niyo to.Tara na Dinor",wika ni Efren.

"Ate Venova natatakot ako baka anong gawin nila sa atin",wika ni Sona.

"Wag kang mag-alala Sona poprotektahan kita",wika ni Venova.

Naghanda ang taga- San del Ignacio dahil pista bukas ng kanilang bayan.

Nagtipon tipon ang bawat lider sa bawat organisasyon para sa mga ihahandang laro at iba pa.

Mabilis natapos ang araw.Sinalubong ng malakas na ingay ang umaga ng taga- San del Ignacio.Lumabas ang magkapatid at sumabay sa prusisyon.

Napakasaya ng araw nato sa bayan ng San del Ignacio. Malakas na hiyawan at nakabibinging ingay.Sumali ang magkapatid sa sayaw at sa ilang laro.

Hapon ng nagtipon tipon ang mga taga- San del Ignacio sa harap ng malaking bahay ng pamilya Martinus.Naroon din ang mga manliligaw ni Senyora Luisita.

Nagtalupati si Don Sebastian at pagkatapos sinabi niya "Ngayon ko lang nakita ang aking dalawang anak na lalake na nababaliw sa pag-ibig.Humingi sila ng tuloing sa akin baka sakali raw magbago ang isip ng dalawang dalagang to.

Maaari bang pumanta rito sa harap sina Venova at Sona Asuncion.

Dahil sa nahihiya ang dalawa ilang segundo rin bago napapayag na pumunta sa harap.

"Totoo nga napakaganda niyo kaya nahuhumaling sila sa inyo.Ako na ang nakikiusap na pagbigyan niyo na ang dalawa kong anak",pakiusap ni Don Sebastian.

Dahil sa kabutihan na ipinapakita ng mag-asawang Don Sebastian at Donya Rosita sa taga- San del Ignacio kaya pinagbigyan nina Venova at Sona ang hiling nito at ayaw din nilang mapahiya ang Don Sebastian.

Masayang lumapit sina Senyor Efren at Senyor Dinor at ipinaalam sa taga- San del Ignacio kung kelan ang kasal.

Doon na pinatira sa malaking bahay sina Sona at Venova .Manghang mangha sila dahil napakaganda nito.

….

….

Ilang araw ang nagdaan lumabas na ang tunay na ugali ng magkapatid kahit ang mag-asawa.Lagi silang sinisigawan minsan sinasaktan pa.

Isang gabi,nasaksihan ng dalawa ang pagpatay sa mag-asawa.

Pinagsabihan at tinakot naman ito ni Don Sebastian kapag hindi sila tatahimik,papatayin sila.

Sinabi pa ni Don Sebastian "Hindi kayo papaniwalaan ng taga- San del Ignacio baka kayo pa ang magmumukhang masama".

Isang gabi nagpasya silang tumakas.

Dahil nasasakal at Hindi na nila kaya ang pinaggagawa ng pamilya Martinus.

Nasa labas na sila ng bahay.Nakita sila ni Senyora Luisita kaya dali-dali itong ipinaalam sa mga magulang at mga kapatid ang pagtakas ng dalawa.

Hindi nakahingi ng tulong sina Venova at Sona dahil walang kapitbahay ang pamilya Martinus.

Sinadya nila ito para sa mga ilegal at masamang gawain.

Dadaan pa sila sa gubat.

Hinabol sila ng magkapatid.

Natumba si Sona at hinang hina na kaya sinabihan si Venova na umalis na.

Pinaalis niya ito ngunit ayaw umalis

Ilang hakbang nalang andyan na ang magkapatid.

"Ate ..pakiuasap umalis ka na.Kailangan may Isang mabuhay sa atin para ibulgar ang mga baho ng pamilya Martinus.Hindi sila mabait ate mga demonyo sila.Pakiusap umalis ka na",nagmamakaawang sabi ni Sona.

Pinagbigyan ni Venova ang hiling ng kapatid.

Umaalis ito at nagtago habang umiiyak.

"Pinahirapan mo pa talaga kami.Asan ang kapatid mo"-Dinor.

"Mga demonyo kayo.Ilalabas ni Ate Venova ang mga baho ninyo",galit na sabi ni Sona.

"Hindi sya papaniwalaan ng taga- San del Ignacio.May pera kami.Gagawin namin lahat",-Efren.

"Sisiguraduhin namin hindii pag-uusapan ang pagkawala niyo.Parang hindi kayo lumitaw sa bayang to"-Dinor.

Kitang kita ni Venova ang ginawa ng magkapatid kay Sona.

Ginahasa ito habang tumatawa.Iyak na iyak si Venova dahil wala syang magawa.Ilang minuto ang nakalipas binawian ito ng bahay.Dinala ng magkapatid ang katawan ni Sona para sunugin.

Humagolgol sa pag-iyak si Venova parang gumuho ang mundo niya.Nagdilim ang nagliliwanag niyang puso.Natapos ang gabi na iyak ng iyak at sinisisi ang sarili.

Sinubukan sabihin ni Venova ang kasamaan ng pamilya ngunit naunahan ito ng pamilya Martinus.Kung ano-anong kasinungalingan at paninira ang sinabi nila sa taong bayan.

Galit ang nanaig sa puso ni Venova. Galit na nakakapaso.

Habang naglalakad ang dalawang Senyor na may kasamang dalawang babae.Nagpakita sa kanila si Venova na itim ang damit at galit na galit.

Hinarang sila nito.

Pinaalis muna ng dalawang magkapatid ang dalawang babae.

"Magpapakita ka lang pala pinahirapan mo pa kami",Dinor.

"Alam mo ba ang ginawa namin sa kapatid mo.Sumigaw sya ng sumigaw",pang iinis ni Efren.Sabay tawa.kaya mas lalong nagalit si Venova.

"Sinunog namin ang katawan niya"-Dinor.Sabay tawa.

"Ikaw naman ang isusunod namin"-Efren.Sabay tawa.

Natigilan sa pagtawa ang magkapatid sa sinabi ni Venova habang nakatingin sa maliit na bola.

"Hindi kamatayan ang nararapat sa inyo kundi paghihirap.Magiging miserable ang buhay ninyo.

Hinihiling ko sayo ..na isumpa ang pamilya Martinus na maging Isang nilalang na tutugisin ng maraming tao.Kung ngayon tinitingala kayo bukas kadidirian, kasusuklaman at isusuka kayo.Pinatay niyo ang kapatid ko sa laman kaya magiging Isang nilalang kayo na uhaw sa laman.Laman lamang ang papawi sa uhaw niyo.Saksi ang buwan sa ginawa ninyo sa kapatid ko kaya magiging saksi rin ang buwan sa pagbabago ng anyo ninyo.Magiging Isang napakapangit na nilalang na kamumuhian hindi lamang sa bayan ng San del Ignacio kundi sa buong mundo.

Tatawagin kayong aswang,ang ibig sabihin SALOT NA MGA NILALANG.

Hahaha...hahaha..

Magdusa kayo..

Magdusa kayo…"-Venova.

Inihagis ni Venova ang bola sa itaas biglang dimilim ang bayan ng San del Ignacio. Lahat ng mga tao rito ay nawalan ng malay at nakatulog maliban sa nagsumpa.

Kinaumagahan nagising ang magkapatid na nakatulog sa daanan.Tumayo sila at naglakad pauwi.Sinabi nila na baka panaginip lang na nakita si Venova at ang sumpa nito.

Habang naglalakad sa maraming tao may batang sugatan ang kamay na nadapa sa harapan nila.

Ang amoy ng sugat ng dugo ay nakakabaliw sa sarap sa kanila.Hindi sila nakapagpigil kaya sinunggaban nila ito.Parang ilang taon sila hindi nakakain.Sarap na sarap sila.

Kumakain sila na parang isang patay gutom.Nagulat ang maraming tao kaya nagtakbuhan paalis at nagsigawan.

Natauhan ang magkapatid  at nagulat sa ginawa nila kaya nagmamadali silang umalis.

Dapit hapon ng pinag-uusapa ng taga- San del Ignacio ang ginawa ng magkapatid sa musmos na bata.

"Ano ba ang nangyayari sa kanila".

"Sinapian ba sila ng demonyo".

"Grabe.Tao pa ba yun?"."Buong pamilya ba nila ganun?".Biglang lumitaw si Venova."Buong pamilaya nila",-Venova.

Nagulat ang tao.

"Hindi sila totoong mabuti.Mga demonyo sila.Alam niyo ba ginawa ng pamilya Martinus sa aming magkapatid lalo na kay Sona.Ginahasa at pinatay nila si Sona",galit na sinabi ni Venova.

"Bakit kami maniniwala sayo"."Sinabi na ni Don Sebastian ang ginawa nyo".

"Mga kasinungalingan ang mga sinabi nila sa inyo.Alam niyo at kayo mismo ang nakakaalam kung gaano kami kabuti",-Venova.

Tumahimik ang mga tao.Nagpatuloy sa pagsasalita si Venova.

"Lahat ng pinakitang kabutihan ng pamilya Martinus ay pakitang tao lang.Hindi totoong mabuti sila.

Nasaksihan namin magkapatid ang pagpatay nila sa mag-asawa.

Tinakot nila kami kaya nagpasya kaming tumakas.Hinabol kaming magkapatid.

Nagsakripisyo ang kapatid ko para mabuhay lang ako at para isiwalat sa inyo ang ka-demonyuhan ng pamilyang yun pero naunahan nila ako.

Walang awa nilang ginahasa si Sona at sinunog ang katawan.Tulungan niyo ko.Tulungan niyo akong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Sona",-Venova.

Umiyak agad si Venova.

Kaya naawa ang mga tao.

"Patawad Venova kung wala man kaming nagawa"."Patawad kung pinaniwalaan namin ang mga kasinungalingan ng pamilyang yun".

Humingi ng tawad ang taga- San del Ignacio kay Venova.

"Kailangan mapukasa ang kasamaan ng pamilyang Martinus"-Venova.

Pinuntahan ng taong bayan ang bahay ng pamilya Martinus. Nagdala sila ng sibat at apoy para sunugin ang bahay nito.

"Anong kaguluhang ito"-don Sebastian.

"Mga demonyo kayo.Mga walang puso.Mga mamamatay tao",galit na sigaw ni Venova.

Nagulat ang pamilya Martinus sa paglitaw ni Venova.

"Siya ba ang papaniwalaan ninyo",sigaw ni don Sebastian.

"Kitang kita ng taga- San del Ignacio ang ginawa ng dalawa mong anak sa isang musmos na bata.Kinain nila ito

.Panuurin niyo mga taga- San del Ignacio ang pagbabagong anyo ng pamilya Martinus"-Venova.

Umalis ang araw at pumalit ang buwan.

Nakita ng mga taga- San del Ignacio ang pagbabago ng anyo ng pamilya Martinus.Naging isang pangit at mabangis na nilalang. Nagulat at natakot silang lahat.

"Wag kayong matakot.Dapat wag tayong magpadaig.Sunugin...Sunugin…

sila..",sigaw ni Venova.

"Mga aswang..Aswang sila..Mga salot kayo.Salot kayo.Salot na nilalang",sigaw ni Venova.

Pati ang pamilya Martinus nagulat sa nangyari sa kanila.

"Mama,ano to?"-Luisita.

"Hindi ko alam"-senyora Rosita.

"Siguradong papatayin nila tayo"-Efren at Dinor.

"Umalis na kayo,ako na bahala dto",sigaw ni don Sebastian.

Sinugod ni Don Sebastian ang mga tao ngunit hindi ito nakalapit dahil may sibat at apoy.

Sinunog ng Taong bayan ang bahay nila.Napatay si Don Sebastian.

Sabi ng iba nasunog ang pamilya Martinus.

Ang iba naman,sabi nila hindi,dahil may isang dalaga sa bayan ng San Pablo at mag-ina sa bayan ng San Isidro ang nabalitaang pinatay.Gutay gutay ang katawan.Nawawala ang puso at ibang parte nito at ubos ang dugo.

Masayang masaya naman si Venova dahil higit na hustisya ang nakuha niya.