"Congratulations Ms. Aven, as new leader we are looking forward for improvements and more self confidence". sabi ni Ms. Joy ang napakabait naming Area manager.
Sobrang tuwa ko sa posisyon ko ngayon ngunit may kahalo itong takot na baka hindi ko ma meet ang expectations ng management. Pero dinaan ko sa dasal ang aking agam agam.
Nang makauwi ay agad akong nagpahinga dahil sa sobrang pagod.Nahiga ako at saglit nagbukas ng cellphone. Nakita ko ang larawan ng aking anak. Siya si Jhamyr, 10 years old na siya ngayon. Muli kong naalala ang lahat ng hirap mula nang iniwan ko siya sa probinsya. Kinailangan kong gawin iyon dahil financially ay wala akong pangsuporta sa kanyang pag aaral at ibang gastusin.
Lagi kong naalala ang usapan naming dalawa nung siya ang 6 years old pa lamang.
Naglalaba ako noon at bigla siyang lumapit.
"Mama, huwag kang mag abroad.Kahit sa Manila ka na lang magtrabaho para makaka uwi ka pa rin paminsan minsan". sabi nya sa akin habang umiiyak.
Ramdam ko ang kanyang takot na baka pag nag trabaho ako sa ibang bansa ay hindi na ako bumalik gaya ng ginawa ng kanyang ama.
Niyakap ko siya sabay sabing "Anak kailangan magtrabaho ni Mama para magkaroon ako ng pang suporta sa iyo lalo na at pasukan na uli, wala ka p ni isang gamit." Di ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko, sadyang mabigat sa loob ko na siya ay maiiwanan ko ng matagal dahil mula nang siya ay ipinanganak ay hindi ito nawalay sa akin.