"Tin, I am getting married! Michelangelo proposed and I said yes!" balita sa kanya ng kapatid na si Evita nang tawagan siya sa cellphone. Nasa wooden dock siya sa tabi ng lake at nagmi-mirienda bago pumasok sa trabaho nang matanggap niya ang tawag nito.
"Well, that is good news." Matagal nang pangarap ng kapatid niya na may mag-aalok dito ng kasal. Di pansamantalang relasyon lang. She was happy for her sister. "Saan ninyo balak magpakasal?"
"Gusto sana ni Mic diyan sa Pilipinas. I don't know yet. Kahit saan naman niya gusto. Dito sa Italy. Diyan sa Manila. Basta magkasama lang kaming dalawa. Uuwi kami next week para magpaalam kina Nanay at Tatay. Gusto kong ikaw ang maging maid of honor ko. Please?" pakiusap nito.
"How can I say no? Nag-iisa lang naman kitang kapatid. Sa palagay ko matutuwa si Zanti oras na malaman niyang magkakaroon siya ng daddy." Magkakaroon na rin ng buong pamilya ang pamangkin niya.
Ilang sandaling natahimik si Evita sa kabilang linya. "Tin, iyon nga ang gusto kong I-discuss sa iyo. Hindi alam ni Mic na may anak na ako."
"What? Hindi mo sinabi sa kanya ang tungkol kay Zanti? Pero mahal ka niya, di ba? Sa palagay ko tatanggapin niya si Zanti."
"No! Hindi ko pwedeng sabihin ang tungkol kay Zanti. Ayaw niya sa bata. At oras na malaman niyang may anak ako, di niya ako pakakasalan."
"What?" bulalas niya at nahampas ang railing ng dock. "At pumayag ka naman? Anong plano mong gawin sa anak mo?"
"Ikaw ang ipapakilala kong nanay niya. Kung pwede ikaw muna ang magsabi kay Nanay at Tatay tungkol dito. Baka kasi hindi nila ako maintindihan."
"Hindi ako pumapayag sa plano mo. You are denying your own son?" Mariin siyang pumikit. Kung kaharap lang niya ang kapatid niya ay baka nasampal na niya ito. "Ate, huwag ka namang ganyan kay Zanti."
"Buo na ang plano ko. I want to be happy, Celestine," mariin nitong sabi.
Naramdaman niyang pumapatak ang luha niya dahil sa ginawa ng kapatid. It was unforgivable! Akala niya ay baliw lang ito sa pag-ibig. Pero paano nito nagawang sarili nitong anak ay idamay nito sa kahangalan nito?
"Celestine, sabay na tayong mag-dinner," yaya sa kanya ni Philippe na patakbong lumapit sa kanya. "Tinapos ko agad ang meeting para…" Natigilan ito nang makita siyang umiiyak. "Hey, what's wrong?"
Umiling siya at pinahid ang luha. "Wala. Nagtalo lang kami ng kapatid ko. It is just a petty quarrel."
"I don't think it is petty. Di ka iiyak kung simpleng away lang iyon. Come on. Tell me about it. Baka makatulong ako."
She forced a smile. "Hindi. Kaya ko na ito."
Kinabig nito ang ulo niya at ihinilig sa balikat nito. Niyakap siya nito nang mahigpit. Di na niya magawang magkaila sa nararamdaman niya nang maramdaman ang init ng katawan nito. She just cried and cried. Di na niya mapigilan ang emosyon niya. It was simply too much.
Hinaplos nito ang likod niya. "Feel free to tell me everything. I will listen."
"Ikakasal na ang kapatid ko pero di niya masabi na may anak na siya. Ayaw daw kasi ng pakakasalan niya sa bata. And she wants me to claim Zanti instead. How could she do that? Napaka-selfish, hindi ba?"
"It sounds cruel, I know. May ganoon talagang tao. May isasakripisyo silang ibang tao o bagay para lang sa sarili nilang kaligayahan."
"Pero paano naman si Zanti? Isn't it bad enough that he grew up without her? Ni halos di na nga sila nagkikita. Ano ang mararamdaman ng pamangkin ko kapag sinabi ni Ate sa pakakasalan niya na magtiya lang sila at ako ang nanay? Hindi naman tanga ang pamangkin ko. Matalino siya. He would feel rejected."
"Ano ang gusto mong mangyari?"
"Ayokong balewalain niya ang pamangkin ko. Gusto ko rin namang sumaya siya. Pero ang problema kay Ate, nakakalimutan niyang may anak siya at handa siyang kalimutan ang anak niya para lang sa lalaki sa buhay niya. Gusto kong makita niya na mas importante si Zanti sa kahit sinong lalaki. Na makakahanap siya ng kahit ilang lalaki pero nag-iisa lang si Zanti."
Ayaw niyang saktan si Zanti. Bata pa ito para makaranas nang ganoong klaseng sakit. Lumaki na itong walang ama. Pati ba ang sariling ina ay pagkakaitan ito? Ayaw niyang mamuhay ito sa matinding galit. She didn't want him to feel unwanted. Kahit pa mahal niya ito, iba pa rin ang pagmamahal ng tunay na ina.
"Gusto kong makatulong, Celestine."
She shook her head. "Family problem ito. Ayokong madamay ka pa."
"Ayaw mo bang marinig ang suggestion ko?"
NAKIPAGKITA si Celestine sa cafeteria ng hotel kung saan tumutuloy ang Ate Evita niya at ang boyfriend nito. Sa halip na sa bahay ay mas pinili pa nitong sa hotel mah-check in. Kinabukasan pa ang plano nitong pakikipagkita sa pamilya niya.
"Sis, excited ka talagang makita ako," sabi nito at humalik sa pisngi niya. "Bukas pa tayo magkikita, hindi ba?"
"Ikaw na ang nagsabi na excited akong makita ka. Where is your fiancé?"
"Natutulog pa. Jet lag. Magpapahinga daw siya para okay na siya bukas. And who is that gorgeous guy with you?"
"Philippe Jacobs, my boyfriend," pagpapakilala niya. Kasama iyon sa plano nila ni Philippe. Nagkamay ito at si Philippe.
Natutop ni Evita ang dibdib. "I am sorry. I am so excited to tell Celestine about my wedding. Hindi agad kita napansin." Tinitigan nitong mabuti si Philippe. "You are that popular actor, right?"
"Yes," sagot lang ni Philippe.
Ginagap ni Evita ang kamay niya. "I am happy for you, Tin. Look at us. Pareho na tayong masaya sa lovelife natin. Samantalang dati akala ko wala kang balak na magka-boyfriend. Sa Stallion Riding Club ba kayo nagkakilala?"
"I didn't come here to discuss that," she said in a formal voice. "I came here because I want to discuss Zanti with you."
"Why? What's with Zanti?" tanong ni Evita.
"Plano na naming magpakasal ni Celestine," sabi ni Philippe at hinawakan ang kamay niya. "And we want to adopt Zanti."
Namutla si Evita. "B-But why? I am his mother."
"Ate, ikakasal ka na at ako ang ipapakilala mong nanay niya," sabi niya sa kontroladong boses. Ayaw kasi niyang sumambulat na lang ang galit niya dito. "Ibig sabihin hindi ka na interesadong maging nanay niya."
"I am still his mother. Susustentuhan ko pa rin siya…"
Tumaas ang isang kilay niya. "Is that the best you can do? Kung nanay ka nga niya, dapat isama mo siya sa bago mong pamilya."
"You know that I can't!" she said in a hiss.
"That's exactly my point. Wala akong nakikitang masama kung ako na ang magiging legal niyang ina. Iyon naman ang sinabi mo sa magiging asawa mo, di ba?"
"Hindi ko siya ipinamimigay," mariing wika ni Evita.
"Hindi mo nga siya ipinamimigay. You are just pushing him away."
Mariin itong pumikit. "Why are you so impossible, Celestine? Hindi ba malinaw sa iyo ang lahat? I have to do this…"
"For your happiness?" she added. "Kaya ko rin ginagawa ito dahil gusto kong sumaya ka. Di mo na kailangang intindihin si Zanti. You can focus to your new family. While we will provide Zanti a perfect family atmosphere. May mga magulang siya na magkakaroon ng panahon sa kanya at magmamahal sa kanya."
"We will love him like our own," sabi ni Philippe. "Magkasundo na kami ni Zanti dahil magkaklase sila ng pamangkin ko. At kapatid mo rin si Celestine. Magkakaroon siya ng buong pamilya. Wala na tayong problema."
Hinampas ni Evita ang mesa. The cutleries thudded. "No! Zanti is my son."
"Hindi naman namin sinasabi na di mo siya anak," sabi niya. "But if you want to insist that he is really yours, tell to your fiancé that he is yours."
She stopped. "But Michaelangelo…"
Taas-noo niyang tiningnan ang kapatid at di na nito naituloy pa ang sasabihin. "Kung hindi mo siya ire-recognize, ibigay mo na lang siya sa mga tao na mas magmamahal sa kanya. Iyong hindi siya itatago. Iyong maa-appreciate siya. You let me play the role of a mother to him for years. Let's make it legal."
"Mahal ko ang anak ko at hindi ko siya ibibigay sa iyo kahit anong sabihin mo," mangiyak-ngiyak na sabi ni Evita. "Ipaglalaban ko siya."
"Then do it! Sabihin mo sa Michaelangelo na iyon na anak mo siya."
"Oo! Gagawin ko iyon!" matapang nitong sabi. "Basta sa akin si Zanti. Walang ibang pwedeng maglayo sa kanya sa akin."
"At paano kung di siya matanggap ng pakakasalan mo?" tanong niya.
"Kung mahal niya ako, tatanggapin niya ang anak ko. At kung di niya matatanggap si Zanti, mabuti pang maghiwalay na lang kami." Now, Evita looked like a mother tiger. Handang sumugod at manakit ng kahit sinong maglalayo dito sa anak nito. "Forget about your plans. I won't give my son away."
Gumuhit ang ngiti sa labi niya nang talikuran sila ni Evita. Naramdaman niya ang pagguhit ng luha sa pisngi niya. Di niya pinahid iyon dahil luha iyon ng kaligayahan. "Na-realize na niyang mahal na niya si Zanti, hindi ba? Hindi na niya ide-deny ang pamangkin ko."
"Yes," sang-ayon ni Philippe. "She had been neglecting his own son. Pero nang makaramdam siya ng threat, saka lumabas ang pagiging ina niya."
"It is about time that she becomes a mother to him."
Kinabig nito ang ulo niya pahilig sa dibdib nito. "Don't worry. Everything will be okay from now on."