Chapter 306 - Chapter 18

"Boring naman ng buhay ninyo, Ma'am. Walang love life. Walang ka-date. Walang manliligaw. Paano kayo nabubuhay no'n?" tanong ni Maricon kay Yoanna habang mag-a-out na sila sa trabaho.

"Kung meron lang ba, bakit hindi?"

Naiinggit din naman siya sa mga taong may love life tulad ni Alastair. Masaya na ito sa boyfriend nitong si Burke. Balita niya ay nag-lunch ito kasama ang nobyo para ipakilala sa mga Mondragon. Di siguro madaling tanggapin ng mga ito sa una pero ang importante ay di na kailangan pang magtago ni Alastair.

"Meron naman diyan. Di lang ninyo pinapansin, Ma'am."

Nagsalubong ang kilay n iya. "Kung si Rupert lang naman, huwag na. Wala akong planong maging asawa ng trapong pulitiko. Please lang!"

"Mukha bang si Rupert ang kanina pa naghihintay sa iyo? Hindi ba si Doc Kester 'yon?" anito at inginuso si Kester na nakatayo sa lobby.

"Hindi ako ang hinihintay niyan. Baka may pasyente lang iyan." Manaka-naka ay may nagpapatihulog pa rin na babae sa kabayo para dito.

Kinawayan naman ito ni Maricon. "Doc Kester! Doc Kester! Nandito na si Ma'am Yoanna. Out na siya."

Nakangiting lumingon sa kanila si Kester. "Hi!" bati nito.

Mahigpit siyang humawak sa braso ni Maricon habang palapit ito. Ayaw na nga niyang magpakita dito. Pahamak talaga si Maricon! "Hello, Doc! Pasensiya na kung natagalang lumabas si Ma'am Yoanna. Nainip ka sa paghihintay."

"Hindi," sagot ni Kester subalit sa kanya nakatingin.

"May pasyente ka ba dito sa guesthouse?" tanong niya.

"Wala. Yayayain lang sana kitang mag-dinner."

"Wala ako sa mood, eh!" nasabi na lang niya. After he admitted that he was attracted to her and after they argued, she was not comfortable to be alone with him. Saka ano naman ang pumasok sa utak nito para yayain siyang mag-dinner?

"Si Ma'am Yoanna, masyadong killjoy!" angal ni Maricon. "Samantalang kanina lang sinabi na makikipag-date daw siya kung may magyayaya sa kanya."

Malapit na niyang batukan si Maricon. Nakangiti lang siyang bumaling kay Kester. "Sige. Dinner lang naman, di ba? Saka sandali lang tayo."

"No problem," wika nito at inalalayan siya sa braso.

Nagulat siya nang matuklasang ipina-reserve nito ang paborito niyang pwesto sa Lakeside Café. "Sabi nila sa akin, dito ka daw lagi umuupo kapag nandito. Gusto mo daw kasing pagmasdan ang lake."

Parang ayaw niyang umupo sa mesang ipina-reserve nito. It was romantically arranged. May flower arrangement at may scented candle pa. "Hindi naman ito date, hindi ba?" paniniyak niya.

"Bakit? Gusto mo ba ng date?"

Umingos siya. "Of course not." But deep inside her, she would have loved to have a date with him. Kahit minsan lang. Di naman niya aaminin iyon.

"Then it would be a plain dinner." Nang I-serve sa kanila ang dinner, puro paborito rin nito ang tanong. "I also took the liberty of asking your favorite. You don't mind, do you?"

"Not at all." Parang ngang date. But she won't tell him that. "Ano nga pala ang okasyon at niyaya mo akong mag-dinner? May problema pa ba kay Alastair? Did your parents freak out after meeting his boyfriend?"

Bahagya itong natawa. "Shock pa rin si Papa. Pero wala naman siyang sinabi. Tahimik lang siya habang nagla-lunch. Nag-usap sila ni Mama na kung wala siyang magandang sasabihin, mabuting tumahimik na lang siya."

"At least di niya naisip na ipa-deport si Burke."

"Maybe he is starting to accept things. And I just want to thank you in my own way. Kung di ka naging matapang na harapin si Papa, baka hanggang ngayon nasasaktan pa rin ang kapatid ko. I can see that he is happy now."

"Tama ka naman. Both of us would be miserable if I agreed with the wedding. Ako rin ang hindi matatahimik."

He touched her hand. "Sorry sa sinabi ko dati. Nang I-offer ko ang sarili ko na pakasalan ka, it was a desperate act."

Tinapik niya ang kamay nito. She tried to make it as impersonal as possible. She wanted to ignore the sensation that the touch of his hand evoked. "You did it out of your love for your brother. Kanya-kanya lang tayo ng paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa kanya."

Lumungkot ang mga mata nito. "Yoanna, nasaktan kita. Pakiramdam mo siguro ilang beses ko nang tinapakan ang pagkatao mo. Wala akong excuse sa ginawa ko. And I want to apologize."

Binawi niya ang kamay dito. "Forget about it. It is in all the past after all."

Ano naman ang mapapala niya kung magagalit siya dito? Boring na nga ang buhay niya, magagalit pa siya.

Inilahad nito ang kamay. "Can we start all over again?"

"Sure!" aniya at ginagap ang kamay nito.

She inhaled sharply when his lips touched the back of her hand. "Hindi ko kayang pantayan ang lugar ni Alastair. But I want to be the man who will be there for you. Iyong hindi ka iiwan."

"Why?" she asked. "Don't you think that it is wiser if you stay away from me?" Hindi niya alam kung paano ito iha-handle ngayon. Kung anu-anong romantic notion ang pumapasok sa utak niya.

"I don't have any reason to stay away from you. All I want is to be with you."

Natulala na lang siya dito. "Ha? Ano ulit?"

Nagulat ito at parang nadismaya. "Hindi mo naintindihan ang sinabi ko?"

Alanganin siyang ngumiti, "Masyado kasing malalim. Pwede mong ulitin ulit? Baka sakaling ma-analyze at maintindihan ko." Gusto niyang malinawan kung ano ang gusto nitong mangyari. Manliligaw ba ito sa kanya? O ang gusto nito ay magtitigan na lang sila maghapon at magdamag.

"Uulitin ko lang ang sinabi ko kapag pumayag kang makipag-date sa akin bukas. Same time. Same place. Hihintayin kita."

Tumingala siya at pinagmasdan ang milyon-milyong bituin na nakasabog sa langit. A smile curved her lips. "Maganda ang panahon bukas. Marami kasing bituin ngayon." Tumingin siya dito. "I think tomorrow is a nice time for a date."