Chapter 275 - Chapter 10

"Huh? Pardon?"

Nanunukso itong ngumiti. "Is Crawford Oreña good in bed? Iyon kasi ang bali-balita. Masyado ka naman kasing tahimik. Baka nagalit ka sa kanya dahil inilihim niya ang relasyon ninyo o kaya nakipag-break siya sa iyo."

Umiling siya. "No. It's not really like that. You see…"

"Kahit naman ako magagalit kung iniwan niya ako. Mag-eeskandalo rin ako. Hay! Maswerte ka pa rin dahil nakasama mo kasing guwapo ni Crawford."

"Mamaya na lang tayo mag-usap!" nausal na lang niya at tinalikuran ito. kahit naman anong sabihin niya, mukhang di rin ito maniniwala.

Nakangiting bumungad sa kanya si Boss Arman. Ito ang general manager ng kompanya at parang anak na ang turing nito sa mga empleyado nito. "Come in, hija." Nakangiti ito. Ibig sabihin ay malayo kay Crawford ang pag-uusapan nila.

Pagpasok niya ay muntik na siyang magtatakbo palayo nang makita si Crawford na nakaupo sa conference table. Nakahalukipkip ito at direktang nakatingin sa kanya. It was intimidating. Lalo na't wala itong kangiti-ngiti. Malayo ito sa Crawford na laging nakangiti. He looked dangerous at the moment.

"Good afternoon," walang kangiti-ngiti rin niyang bati. Pilit niyang nilalabanan ang panginginig ng boses niya. Tumango si Crawford sa kanya.

She was used to considering him as her enemy. Ngayong nagdeklara na siya ng giyera, kaaway na rin ang turing nito sa kanya. At hindi pa niya alam kung gaano ito kalupit bilang isang kaaway. Ngunit handa na siya.

"Miss Tesorio, I am Attorney Manuel Gatpuno," pakilala ng kasama ni Crawford. Mukha itong tisiko. Payat ito at naka-salamin pa na mukhang mataas ang grado. And he looked like a hawk. Hindi niya ito napansin kaninang pumasok siya dahil natuon lang ang buo niyang atensiyon kay Crawford. He still had that effect on her. Naglalaho ang lahat sa paligid niya kapag nakikita niya ito.

Kinamayan niya ang abogado. "It is a pleasure to meet you, Attorney."

"I am representing Mr. Oreña on this case."

Saglit siyang natigilan. "C-Case?"

Tumango ang abogado. "Yes. We are planning to file a case against you."

"Ano? Idedemanda ninyo ako?"

She didn't expect that things would go that far. Na makakaladkad pa siya sa korte dahil lang sa simpleng pagkakamali niya. Mabubulok ba siya sa bilangguan? Gusto niyang manlumo pero hindi niya iyon gagawin sa harap ng kaaway niya.

"That is the most appropriate thing to do. My client's reputation is damaged with all the malicious issues triggered by your action, Miss Tesorio. Among the charges we will file against you are public scandal, physical injury and we might come up with more in the coming days," pag-iisa-isa ng abogado ni Crawford.

Hindi siya makaimik dahil patindi na nang patindi ang bangungot niya. Ano na lang ang mangyayari sa kanya kapag napatunayang nagkasala siya? Masisira ang career at buhay niya. Paano na ang mommy niya?

"Oh, please, Attorney. Don't do that!" pakiusap ng boss niya. "Mabait na bata si Nicola. At kung huhulihin man siya ng mga pulis, huwag dito sa opisina ko. Ayoko nang madagdagan pa ang eskandalong dinadanas namin."

"Ang importante para sa akin ay makuha ang katarungan para sa kliyente ko!" mariing wika ng abogado na parang nasa loob na ito ng korte.

Itinaas ni Crawford ang kamay nito at natahimik ang abogado. "Attorney, we didn't come here to discuss that." His tone was calm. So masculine. And there was authority in his voice that made the formidable lawyer shut up. Crawford had always been like that. Kahit na nagkakagulo ang mga kaklase nila, basta nagsalita ito ay tumatahimik ang lahat, nakikinig at sumusunod.

"I am just explaining our action to them," katwiran ng abogado sa mas malumanay na boses.

"Mr. Sorella, Attorney, could you please do me a favor?" anang si Crawford. "I want some time alone with Nicola."

Gusto niyang umiling subalit parang ayaw gumalaw ng ulo niya. Iyon ang huling bagay na gusto niyang mangyari. Ang mapag-isa kasama si Crawford. Malay ba niya kung ano ang gagawin nito kapag silang dalawa na lang? Mas gusto niyang may ibang saksi anumang mangyari sa pagitan nila.

"Mr.Oreña, as your lawyer, I strongly advice that you won't do this. Mas mabuti na kasama mo ako kapag nag-usap kayo," tutol ng abogado.

Humalukipkip si Crawford. "Nicola and I are old friends and we want to discuss things that way. Can you grant my request?"

Old friends. Parang natatakot siya sa salitang ginamit nito. Naging magkaibigan ba talaga sila? O iyon ang terminong ginagamit nito sa mga kaaway?

Akmang makikipagtalo pa ang abogado. "Just call me if…"

"I will call you if you are needed," anang si Crawford at tumango. Hindi na nagawa pang makipagtalo ng abogado.

"Nicola, ikaw na ang bahala kay Mr. Oreña. Kung may kailangan siya, huwag siyang mahihiya," anang boss niya. Na parang bisita nila si Crawford at hindi isang banta sa kanya. Palibhasa ay sikat. "Attorney, how about some coffee?"

Related Books

Popular novel hashtag