Chapter 135 - Chapter 24

"WHAT? Si Sir Yuan ang crush mo. As in si Yue Anthony Zheng na chinito, matangkad, guwapo at nuknukan ng suplado?" di-makapaniwalang usal ni Miles nang magkuwentuhan sila bago matulog.

"Yes. The one and only," sabi niya habang naglalagay ng petroleum jelly sa mukha. Closing pa sila sa restaurant kinabukasan kaya puwede silang magpuyat.

"Siya ang fiancé na madalas mong banggitin dati na hindi ka mahal."

"Yes. And I came here to spy on him." Ipinaliwanag niya rito kung ano ang naging kasunduan ng mga pamilya nila at paanong hindi siya nakilala ni Yuan.

"Nagalit ba siya sa iyo nang malaman niya na niloko mo siya?"

Umiling siya. "It is so weird. Nakangiti pa siya nang kinakausap ako. Kung galit man siya, it doesn't show. Napilitan akong pumayag na bigyan siya ng isa pang chance. Sa tingin ko naman kasi, `di rin naman niya ako magugustuhan. Ang gusto niya, iyong Celine na mabait, sweet at sunud-sunuran sa kanya. It is not me."

"Paano naman si Sir Yuan? Gusto mo ba siya?"

Dumapa siya sa kama. "Aaminin ko, ha? In love na in love ako sa kanya noong bata pa ako. Ang kaso, parang malayo naman sa bokabularyo ni Yuan na ma-in love. Tingin lang yata niya sa akin, investment. And Yuan is the domineering type. Ayoko sa lalaking sasakalin ako."

"He is not a bad guy. Ang totoo, marami sa mga members sa club ang rumerespeto sa kanya kahit bata pa lang siya. Wala kasi siyang bad record. Saka respected businessman naman siya. I think he has a nice side."

"Paano mo naman nasabi iyon?"

"Ikinuwento ni Ma'am Jhunnica na siya pala ang sumagot sa pagpapagamot ng asawa ng street sweeper na si Aling Luming. Nakita raw kasi niya dati na umiiyak si Aling Luming sa tapat ng bahay niya. Ikinuwento mismo ni Aling Luming kay Ma'am Jhunnica. Ayaw nga lang daw na ipagsabi pa ni Sir Yuan. Baka nga marami na rin siyang natulungang ganoon. Saka `di ba, ikaw ang tinulungan niya noong masugatan ang kamay mo? Ni wala nga siyang pakialam sa ka-date niyang eskandalosa."

"So that is his story regarding other people. Pero kailangan ko pa ring tingnan kung papasa siya sa akin." Hindi niya mapigilang ngumiti nang maalala ang magandang nagawa ni Yuan. Bakit hindi nito palaging ipinapakita ang magandang side nito?

"You know what? People aren't always what they seem. Tulad ni Gino. Akala ko, playboy siya. At masasama ang mga playboy. But you know what he told me? Gusto lang naman daw niya na mahalin ka niya. Baka ganoon din si Sir Yuan. Gusto lang din niya na mahalin siya. So give him a chance, will you?"

"PAGANDA ka nang paganda, Quincy," komento ni Reichen, ang kapatid ng may-ari ng Stallion Riding Club na si Reid. Isa itong celebrity dahil isa itong world-class equestrian. "Isang ngiti ka riyan para makompleto ang araw ko."

"Thank you sa pambobola, Sir Reichen," nakangiting pasasalamat niya. "Bakit wala kayong ka-date? Para hindi ako ang lagi mong binobola."

"Ikaw kasi ang gusto kong ka-date," sabi ni Reichen saka nangalumbaba habang nakatingin sa kanya.

"Teka, sa akin ba, hindi ka makikipag-date?" tanong ni Rolf na kaibigan nito.

Inabot niya ang menu. "Um-order na lang kayo, Sir."

Balik na uli siya sa trabaho. At gaya ng dati, nakatuwaan na naman siyang kulitin ng ibang mga members. Likas na makulit ang ilan sa mga ito. At ang iba naman ay gusto lang magpa-cute. Sinasakyan na lang niya ang mga ito kaya naman marami siyang nakakasundong members ng club.

"Kanino ka ba kasi makikipag-date sa amin?" tanong pa rin ni Rolf.

Magkukunwari na lang sana siyang walang narinig nang may magsalita sa likuran niya. "Wala siyang ide-date sa inyo, kasi magpapakasal na kami," sabi ni Yuan at inakbayan pa siya.

Nahigit niya ang hininga at napatitig na lang siya sa bagong dating na animo ay estatwa. Tama ba ang sinabi nito sa mga kaibigan nito na pakakasalan siya nito? Ilang araw nga siyang hindi nagpakita sa akin. Pulos tawag lang siya. Sabi niya, hindi siya pupunta rito. Akala ko, ikinakahiya niya ako dahil pinili ko na maging service crew lang. Pagkatapos ngayon, sasabihin niya na magpapakasal na kami.

"Talaga? Magpapakasal na kayong dalawa?" nakatigagal na tanong ni Rolf.

"Wow, pare! Congratulations!" sabi ni Reichen nang makabawi sa pagkagulat.

Tinanggal niya ang pagkakaakbay ni Yuan sa kanya. "Hindi. Joke lang iyon. Alam naman ninyo si Sir Yuan, corny ang mga jokes."

Inakbayan uli siya ni Yuan. "Corny ang mga jokes ko, ha?" anitong inilapit pa ang mukha sa kanya. Kulang na lang ay halikan siya nito sa harap ng maraming tao. Oh, please, Yuan! Huwag mong gagawin iyon. Baka makalimutan kong pahihirapan muna kita bago mo ako makuha.

"Pare, wala namang ganyang joke," sabi ni Rolf. "Corny nga."

Seryosong binalingan ito ni Yuan. "Totoo iyon. Tanungin mo pa ang lolo ko."

"Matagal nang wala ang lolo mo, pare," paalala ni Rolf saka pilit ang ngiti na bumaling sa kanya. "I-cancel na lang natin ang date natin. Mahirap na baka multuhin pa ako ng lolo ni Yuan." Pinagsalikop nito ang mga kamay. "Sumalangit nawa."

"Next lifetime na lang uli kita yayayain ng date," sabi naman ni Reichen. "O kaya, si Yuan na lang ang ide-date namin next lifetime kapag babae siya."

Pagkatapos ay saka nagtawanan ang tatlo. Napatitig siya kay Yuan. It was a laughter of victory. Hindi naman takot sa multo sina Reichen at Rolf. Takot ang mga ito kay Yuan. May patakaran ang members pagdating sa babae. Kapag official girlfriend o fiancé na ng isang member ang isang babae, walang puwedeng makipag-flirt dito.

"Bakit sinabi mo iyon?" tanong niya nang sumunod siya sa mesa ni Yuan.

"You were flirting with two of the most notorious playboys in the club. I just saved you from them."

"They are customers here. Sanay na ako sa kanila. Saka hindi tayo magpapakasal, baka nakakalimutan mo."

"Hindi pa," paglilinaw nito. "But I don't really care about that." His gaze held hers. At kahit nakaupo ito sa table at nakatayo siya, pakiramdam niya ay magkalapit lang sila sa isa't isa. "You are mine, Criselda Celine. And they shouldn't mess up with what is mine."

She was astounded by his possessiveness. Inirapan niya ito. "Yabang mo!"

Sa halip na mairita sa pagiging possessive nito, hindi niya maiwasang ngumiti. Parang masarap kasi na pakinggan. Na kahit hindi nito sabihin na maganda siya, parang magandang-maganda pa rin siya.

Related Books

Popular novel hashtag