"ANO'NG plano mong gawin ngayon?" tanong ni Friza kay Quincy habang kausap ito sa telepono. Nasa Rouen, France ito at dinadalaw ang kamag-anak ng nobyo.
"Gusto kong bumalik sa Pilipinas. Masaya ang buhay ko roon. I can be myself. Nag-enjoy talaga ako sa trabaho ko sa Stallion Riding Club." Bumalik na siya sa apartment niya sa Miami. Plano na niyang tuluyang iwan ang trabaho roon.
"Huwag mong sabihin na magkukunwari ka pa rin pagbalik mo sa Pilipinas? You can only do that if you tell Yuan the truth. Can you?" tanong nito.
Nakagat niya ang ibabang labi at tumanaw sa magandang beach view sa bintana. Doon tumigil ang ikot ng mundo niya. It was as if she couldn't escape Yuan.
"Hindi ko pa siya nakakausap. I don't even know how to tell him everything. I don't know where to start. Hindi naman puwedeng magtago na lang ako rito sa Miami, `di ba? I have to do something. Pero ano ang gagawin ko kapag nagalit na nang tuluyan si Yuan?"
"I told you everything would be complicated. Hindi ka kasi nakikinig. Now your plan has blown up on your face. Mag-ipon ka ng lakas ng loob. You call up Yuan and tell him you will meet him. Not on the phone. Not on e-mail. Do the proper thing. You want your independence, fight for it."
"Parang ganoon lang kadali iyon," bubulung-bulong na sabi niya pagkatapos magpaalam ni Friza. Pinag-iisipan niya kung magpapa-deliver siya ng pagkain para sa dinner o huwag na lang kumain nang mag-ring ang doorbell. "Wait!" sigaw niya saka binuksan ang pinto. Nahigit niya ang hininga nang makitang si Yuan ang naroon.
"Hi!" bati agad nito.
Sa pagkatuliro ay isinara niya ang pinto. Subalit maagap si Yuan dahil naiharang agad nito ang kamay at tuluyang nakapasok. It was as if she saw a monster and there was nothing she could do to stop him. Napaatras na lang siya.
"Nice reception I got there," he said with a sly curve on his lips. "Ganyan ba ang isasalubong mo sa fiancé mo na `di mo nakita sa mahabang panahon?"
Ni hindi man lang ito nakakita ng pagkagulat nang makita siya. It was as if he already knew everything. And that was where she lost the edge. Pakiramdam niya nang mga oras na iyon ay wala siyang kontrol sa sitwasyon. And she hated it.
"How did you know I am here?" she asked then crossed her arms.
"A wild guess," anitong umupo sa sofa. As if he owned the whole place. Samantalang iyon pa lang ang unang beses na tumapak ito roon. Ikinatang nito ang ulo sa sandalan at tiningala siya na nakatayo sa likuran ng sofa. "Ipinatawag ako ni Lolo Loreto. I was in San Francisco fixing some problems with the company and was about to catch my flight to France to see you. Mabuti na lang at nalaman ko bago ako nakaalis. Or else, it would be a waste of time." Nawala ang mapaglarong ngiti sa mga labi nito. Nagsimulang dumilim ang mukha nito. "Sinabi na niya sa akin kung ano ang ginawa mo, including your perfect disguise."
Talagang ito ang kinampihan ng lolo niya. Wala bang tiwala ang lolo niya na kaya niyang ayusin ang sarili niyang problema? Tiniyak pa talaga nito na hindi na siya makakawala pa kay Yuan. Lolo naman! Unfair naman iyon!
"I did it to get to know the real you," aniya at pilit na pinatapang ang boses. Hindi siya puwedeng magpakitang mahina siya o lalamunin siya nito nang buo. "Alam mo na siguro na ayaw kong magpakasal sa iyo. How can I marry someone whom I don't know and who doesn't know me either?"
"So I heard. And I found out I was branded a womanizer. Dating makes me a womanizer?"
"For your information, I didn't date anybody else. I didn't kiss other men either. Kasi, inisip ko pa rin na magiging unfair para sa iyo kahit pa nga hindi naman tayo nagkikita. In that sense, I am taking my responsibility seriously."
Tumangu-tango ito. Hindi man lang natitinag sa pagpaparinig niya. "That is good to hear then. Mabuti naman at faithful ka pa rin. I value that in a woman." Tiningnan nito ang pictures na nasa side table. Mukhang hindi nito nagustuhan ang mga bagong pictures niya na nandoon. Pagkatapos ay nakakunot ang noo na tiningnan siya nito. "Nice disguise you got back there, Sweet Celine." "Sweet Celine" ang endearment nito sa kanya noong eighteen pa lang siya. "Or shall I call you 'Quincy' now?"
Taas-noong tiningnan niya ito. "I am Quincy now. I am not your Sweet Celine anymore. She's gone. I won't wear the clothes you buy. I won't pin my hair up the way you want me to. Hindi mo na ako mapapaikot sa palad mo."
Tumayo ito sa tapat niya at tinitigan siya sa mga mata. Gusto niyang umurong pero parang nanigas ang mga paa niya. Hindi siya makagalaw. "That's why your eyes are the same but still different. From Celine's doe-like eyes to Quincy's defiant and fiery ones. The transformation is pretty amazing." Tumawa pa ito.
Her heart skipped a beat. Hindi siya sanay na makikitang nakangiti si Yuan. Even at the Stallion Riding Club, all he could offer was a thrift smile. Kahit sa mga kaibigan nito o kahit pa nagdyo-joke ito ay hindi ito tumatawa tulad ngayon.
And he was handsome when he smiled. The devil! He was showing his hidden ammunitions, kung kailan kainitan ng laban. And simple smile warmed her heart.
"Ano ba'ng itinatawa-tawa mo riyan? Wala kang dahilan para tumawa dahil hinding-hindi ako magpapakasal sa iyo," mariing sabi niya. At least, that was clear. Hindi dapat mawala ang focus niya kay Yuan kahit pa anong pagpapaguwapo ang gawin nito sa harap niya. She wanted him out of her life!
"I know, I know. You've told me several times." Pinisil nito ang baba niya. "But I am sorry, Quincy. I don't have plans of backing out."
Pumikit siya nang mariin at napaungol. That was very bad news. "Come on, Yuan! Ano pa ba ang kailangan mo sa akin? I am a sinner. I deceived you just to outwit you. Pakakasalan mo pa rin ako?"
"I don't really see it as a sin," he said in a light tone. "And even if it is a sin, I am willing to forgive you."
Ibig na niyang sabunutan ang sarili. This man was making her nuts. Napu-frustrate na siya rito. "Look at me, Yuan! Hindi na ako ang Celine na gusto mong pakasalan. Wala na akong salamin. I don't look like a nerd anymore. Matagal ko nang naipa-correct sa laser ang mga mata ko. Iyong salamin na nakikita ng mga kakilala natin na suot ko, walang grado iyon."
"Bagay nga sa iyo na walang salamin," kaswal na komento nito.
Nairita siya sa pamumuri nito. Pero simula pa lang iyon. "Ayoko ng mga damit na isinusuot mo sa akin. Napipilitan lang ako na isuot iyon dati dahil ayokong sumama ang loob mo. But I hate every minute of it. At simula ngayon, magsusuot ako ng damit na gusto ko. Even my hair, I won't pin it up for you."
Isinuklay nito ang daliri sa buhok niya. "You have beautiful hair. And I don't mind if you want to dress up on your own."
Pumikit siya nang mariin. Pakiramdam niya ay umaakyat na ang dugo niya sa utak niya. "Yuan, listen! I am not the perfect wife for you. I won't always say, 'Yes, Yuan, dear.' I have my own mind. I am my own woman. I can live without you."
"I see," anito at tumangu-tango.
She took it as a negative response. Napangiti siya. "We won't get along. I want to be free and you want a girl who is docile and obedient. Iyon ang perfect wife para sa iyo. So you're changing your mind about marrying me? We'll call it off?"
Hinawakan nito ang sariling baba. "Yes, I change my mind."
"Yes!" usal niya at napatalon sa tuwa. "Thank you, Yuan! Thank you!" Niyakap niya ito. "You did the right thing."
Inilapit nito ang mga labi sa tainga niya. "I want to marry you more than ever."