Shanaia Aira's Point of View
NAGDADALAWANG isip ako kung pupunta ba ako sa hotel na tinutuluyan nila lolo Franz. Natatakot ako sa anumang sasabihin niya. At kapag inutusan niya ako na umuwi na, hindi ko pwedeng suwayin yon. Sa pamilya Guererro, si lolo ang batas. Kahit na noong panahon na buhay pa si lolo Fabian, ang nag-iisa niyang kapatid na ama ni mommy at tita Jellyn, si lolo Franz pa rin ang sinusunod.
Nasa kanya ang full control sa lahat ng kayamanan at ari-arian ng mga Guererro dahil siya naman ang nagtatag non simula nung mamatay ang kanilang mga magulang. Siya ang tumayong ama sa kanyang kapatid, nagpaaral at nagbigay ng magandang buhay. Kaya naman nung sabay mamatay sila lolo Fabian at lola Elena, kay lolo Franz na lumaki si mommy at tita Jellyn. Siya na ang nakilala naming lolo at mahal na mahal niya kami gaya ng pagmamahal niya sa mga apo niya sa mga anak niya.
Kaya ngayon kahit na tutol ang kalooban ko na makipagkita sa kanila, hindi naman ako pwedeng sumuway dahil sa respeto ko kay lolo.
"Ang mabuti pa cuz, isama na natin si Jaytee at ang kambal. Para kung galit man si lolo, madaling mapapawi ng kambal. What do you think?" suhestiyon ni Feliche.
" Oo pwede rin. Basta huwag kang aalis sa tabi ko, baka hambalusin ako ni lolo ng tungkod nya eh. " natawa ang pinsan ko.
" Ano ka bata? " sabi nya.
" Basta cuz, kapag nagagalit na si lolo, to the rescue ka dapat. " sabi ko sa kanya.
" Oo na Shanaia Aira, nasa likod mo lang kami. Kung ano man ang maging desisyon mo, kasama mo pa rin kami. Hindi ka namin iiwan. Di ba hon?" sabi niya tapos tumingin kay Jaytee.
" Yeah. You can count on us. Sabihin mo lang kaagad kung ano magiging desisyon ng lolo ninyo para maayos ko na kaagad yung iiwan natin dito. " sagot ni Jaytee.
" Dada! " parang bata akong nagmamarakulyo sa paraan ko ng pagtawag sa kanya.
" What? " natatawa na siya sa akin.
" Parang natatakot akong umuwi. Alam mo na, baka galit sila sa akin. " turan ko. Hindi naman malayong magalit sila sa akin dahil hindi naman nila alam yung iba pang dahilan ko kaya ako umalis ng walang paalam.
" Paano pala kung hindi? Hindi mo naman malalaman kung hindi ka magpapakita. Kaya kung ako sayo, don't delay the inevitable, just get it over and done with. It's about time, four years is long enough. Kung hindi ka nila tatanggapin eh di bumalik tayo dito. Pero I'm sure hindi nila magagawa yun sayo. Maaaring magalit sila sa una but eventually it will pass. Let's go, baka naghihintay na sila lolo Franz sayo. " tumayo na siya para ihanda na ang sasakyan namin. Kaya wala na akong nagawa kundi sumunod na sa kanila. Yung kambal kasama nung yaya nila ay kanina pa nasa kotse naghihintay. Kung gaano ako katakot magpakita kay lolo Franz ay ganoon naman sila ka-excited na makita ang lolo nila sa tuhod.
Tiningnan ko ang mga anak ko na nasa backseat na naghaharutan. Kung sakaling pauwiin na kami ni lolo Franz sa Pilipinas na mukhang hindi malayong mangyari, magkikita kaya kami ni Gelo kaagad? Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya ang mga bata? Kahit naman sabihin kong anak namin sila ni Jaytee, walang maniniwala dahil kamukha sila ni Gelo, lalo na si Shan. Walang iniwan sa ama, ultimong kuko niya, nakuha. Sa pangalan pa nga lang nila, halata na. Ariella Shaira at Angelo Shaniel. Pinaghalong pangalan naming dalawa.
" Mom are we going to meet our great grandfather today?" tanong ni Yella.
" Yes baby, you'll meet him later." ngumiti siya sa akin. Ang cute ni Yella pag ngumingiti. Girl version siya ni Gelo, at may dimples din. Puro siya ang kamukha ng mga anak namin. Palibhasa siya yung laging ganado sa exercise namin kaya hayan siya pareho ang kamukha. Ang unfair lang.
We arrived at the hotel in no time. Malapit lang naman kasi yung hotel sa tinitirhan namin, mga kulang 10 minutes drive siguro.
Nung makarating kami sa hotel ay pinauna ko si Feliche. Karga niya si Yella at na kay Jaytee naman si Shan. Kami nung yaya ang magkasabay sa likuran nila.
Nung pumasok na sila sa hotel room nila lolo ay nagpaiwan ako sa labas saglit. Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok.
Dinatnan kong nakaupo na yung kambal sa magkabilang hita ni lolo Franz.
Hala! Feeling close kaagad tong mga bubwit na to.
Hindi sila kumikibo na nakatingin lang sa akin nung nasa may pinto ako.
" Lolo." umiiyak na ako nung lumapit sa kanila. Niyakap ako ni lola Paz ng mahigpit.
" Diyos ko kang bata ka, bakit ngayon ka lang nagpakita sa amin. Alam mo ba ang naging kalagayan ng pamilya mo nung umalis ka?"
" Lola, lolo I'm sorry po." umiiyak akong nakayakap kay lola Paz.
" Ipaliwanag mo nga kung bakit kasama mo itong kaibigan mo na ipinakilala mo sa amin nung nasa US tayo?" seryosong tanong ni lolo Franz.
" Lolo siya po yung fiance ko, si Jaytee." singit ni Feliche.
" Oo nga. Pero ang sabi ng mommy mo sa amin, siya din yung pinakasalan ni Aira nung bagong salta siya dito sa Canada. "
" Lo, nagkita po kami ni Jaytee dun sa med school na pinasukan ko. Tinulungan po niya ako. At nagpakasal lang po kami para sa citizenship ko. At para din po may tumayong ama nung manganak ako. Divorced na po kami lolo bago sila na-engaged nitong si Feli. Sorry po sa lahat lolo, lola. " hinging paumanhin ko sa kanila
" Huwag ka sa amin mag sorry, dun sa pamilya mo na hindi tumigil sa paghahanap sayo." sabi naman ni lolo Franz.
" Lo, gusto ko lang naman silang iligtas kaya ako umalis ng Pilipinas. At isa pa po, ayokong maulit yung nangyari na nawala yung unang anak namin dahil dun sa Gwyneth na yon. Hindi ko lang po nasabi kay Gelo na buntis ako at kailangang protektahan ko ang sarili ko. Kung hindi ako umalis baka wala kayong kandong ngayon na makukulit. "
" Kahit na apo, mali pa rin yung ginawa mo. Nandito naman kami ng lola Paz mo, sana doon ka na lang sa Sto. Cristo nagtago. Apat na taon apo, napakarami ng nangyari. Kung hindi sila humingi ng tulong sa akin, makukulong ang daddy mo, si Archie at si Andrew dahil hindi tumupad ang mga Faelnar sa pinag-usapan ninyo nung anak ni senator. " pahayag ni lolo Franz.
" Po? " nanlambot akong bigla sa narinig. Nagsakripisyo ako para hindi na nila ituloy anuman yung binabalak nila sa pamilya ko pero wala pala silang isang salita. Hindi tumupad si Gwyneth sa usapan, niloko lang niya ako. Sabagay ano nga ba ang aasahan mo sa taong ganon? Napakasama talaga ng mag-amang yon.
" Hindi ko sasabihin sayo ang lahat ng nangyari sa kanila nung umalis ka. Ang gusto ko ay umuwi ka na, dala itong mga apo ko at ikaw ang tumuklas sa lahat." pinal na turan ni lolo. Parang utos ng hari na hindi mababali.
" Lolo, hindi pa po ako ready." pag-aalinlangan ko.
" Ready or not, uuwi ka dahil sinabi ko Shanaia Aira. And do it as soon as possible para hindi ka mahuli. " napatingin ako bigla kay lolo Franz.
" Mahuli saan lo? "
" You'll find it on your own. "
Gosh! Si lolo talaga pa suspense. Pero ano kaya yon? Kinakabahan yata ako.
May nangyari kayang masama sa pamilya ko? Kay Gelo?
Handa na ba akong harapin ang lahat?
Handa na ba akong humarap kay Gelo?
Paano kung galit siya sa akin at hindi na niya ako tanggapin?
Masasagot lahat ang tanong ko kung haharapin ko ito. Gaya nga ng sabi ni Jaytee, huwag ko ng i-delay pa.
Aaminin ko natatakot ako sa anuman ang daratnan ko but I'm hopeful.
I've been through a lot of tough times but I've endured it all because I'm hopeful.
With hope, maybe I can do whatever awaits me when I get home.
Que sera, sera....