Shanaia Aira's Point of View
I WAS stunned upon hearing ate Shane's words for a few moments.
I am trying to figure out what she just said. Nang mapagtanto ko ang lahat, parang may dumagan na mabigat sa dibdib ko. She stared at me with a pity look in her eyes. Matiyaga rin syang naghihintay sa kung ano man ang sasabihin ko.
" They are officially dating? Kailan pa? Bakit hindi ko alam? Ako yung asawa pero ako lang yung hindi nakakaalam.Kaya ba parang umiiwas sya na makausap ako? " sunod - sunod na tanong ko.
"Baby hindi naman sa ganon...sasabihin din naman namin sayo. Baka kasi makasama sa kalagayan mo ngayon. Nag-iingat lang kami bunso.Ayaw namin na masaktan ka." nagpapaunawang tugon naman niya.
" Masaktan? Ano ako bata? O babasaging kristal na iniingatan na baka mabasag? Bakit, hindi ba ako nasasaktan sa lagay na ito? Ako lang yung hindi nakakaalam dito sa bahay. Anong klaseng sakit pa ba ang hindi ko kakayanin? Nawalan ako ng anak, pero kinakaya ko, yan pa kayang itinago nyo sa akin ang hindi ko makaya? Ang masakit dito ginawa nyo akong parang tanga. Wala akong kaalam-alam na yung asawa ko nakikipag-date na pala sa taong naging dahilan ng lahat ng kapighatian ko. " mabilis na nangilid ang mga luha ko.I felt betrayed. Gusto kong makita ni ate Shane na nasasaktan ako sa ginawa nilang pagtatago sa akin.
" Bunso, wala kaming intensyon na saktan ka. Ginagawa lang naman ni Gelo ang inaakala nyang solusyon para hindi na ilabas ni Gwyneth ang mga lewd photos ninyo. Kumukuha lang kami ng tamang pagkakataon para sabihin sayo, ayaw namin na maragdagan pa yang mga masasakit na pinagdadaanan mo." marahang wika ni ate Shane.
" Sa tingin mo ba ate hindi ako nasasaktan ngayon? Okay lang naman kung sinabi nyo sa akin na yun yung naisip na solusyon, mas matatanggap ko yun kaysa yung ganito na wala akong kaalam-alam sa nangyayari. Paano kung may nagsabi sa aking iba? Ano sa palagay ninyo ang mararamdaman ko? I'm sorry ate, but I think I need to be alone for a while, yun rin naman ang ipinaparamdam ninyo sa akin ngayon, nag-iisa. " tinalikuran ko na siya nang hindi siya nakahuma sa mga sinabi ko. Ang sakit lang na ang sarili mong pamilya ay pinaglihiman ka. Na itinuring kang bata na kailangang protektahan.
" Baby! " tawag nya pero hindi ko na siya pinansin. Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglakad papunta sa room ko.
Nagkulong ako sa room ko ng buong araw. Hindi ako sumabay sa kanila sa pagkain sa hapag. Dinadalhan lang ako ni yaya Didang ng pagkain sa room ko. Kahit naman nagtatampo ako, hindi ko sinasali ang pagkain sa tampo ko.
Gelo went home early than the usual. Hindi ko tuloy napaghandaan. Ang sabi ko kanina sa sarili ko, kailangan pag dumating sya tulog na ako dahil hindi ko sya gustong makita at makausap. Pero inabutan nya ako sa harap ng vanity mirror ko, pinapatuyo at sinusuklayan ang mahaba kong buhok. Nakikita ko sya sa salamin na nakatayo sa likuran ko. Nakatingin lang sa akin.Alam kong sinabi na ni ate Shane sa kanya kaya ganyan sya makatingin sa akin ngayon. Hindi ko sya pinansin at ipinagpatuloy lang ang ginagawa ko.
Nang matapos ako ay tumayo na ako at lumakad papunta sa kama. Nang akma na akong hihiga ay bigla nya akong hinawakan sa braso. Tiningnan ko lang yung kamay nya at marahang inalis sa braso ko tsaka na ako humiga ng tuluyan sa kama.
Naramdaman kong lumundo ang kama sa gilid at ang pagyakap nya sa akin mula sa likuran. Isinubsob nya ang mukha nya sa buhok ko.
" Baby, I'm sorry. I didn't mean to keep it to you. I know you're still mourning for our lost child. Ayokong makadagdag pa yun sa alalahanin mo kaya kila daddy Adrian ko muna sinabi at sinang-ayunan naman nila." paliwanag nya.
" Okay. Matulog ka na. Alam kong pagod ka mula sa date ninyo nung Gwyneth na yon. " kaswal ko lang na wika pero alam ko na mahihinuha nyang may sarcasm sa tono ko.
" Baby... " he softly said. Alam ko na kahit hindi ako nakaharap sa kanya, makikitang nahihirapan ang kalooban niya.
"What? I want to sleep. Kaya matulog ka na rin."
" Please baby, let's talk." may pagsusumamo sa tinig nya.
"Now you want us to talk? Hindi ba ilang araw mo na akong iniiwasan na makausap? Akala mo ba hindi ko napapansin yon? Bhi, hindi ka makakapagtago sa akin ng kahit ano dahil kilala kita. Alam ko kapag nasasaktan ka, kapag may problema ka o nagagalit ka. Alam ko ang lahat ng mga emosyon mo kahit na itago mo pa. " turan ko na pinipigil ang luhang gusto ng lumabas sa mga mata ko.
" Sasabihin ko naman talaga sayo kaya lang hindi pa sa ngayon dahil may pinagdadaanan pa tayo. I know because I heard your sobs every night. I know you're still sulking kaya naman pinili kong huwag muna naming sabihin sayo. I thought it's the best thing to do pero mali rin pala, dapat talaga sinabi ko na sayo para hindi na umabot sa ganito. " sabi nya tapos nagkaroon ng mahabang katahimikan sa pagitan namin. Tanging malalalim na buntung-hininga ang maririnig mula sa aming dalawa.
Siguro pareho kaming may malalim na iniisip. My mind is haywired with so many things. Gusto ko ng sumuko para matapos na ang lahat ng ito pero kapag naiisip ko na parte lang ito ng pagsubok ng Diyos sa amin, nagkakaroon ulit ako ng lakas ng loob na lumaban. Nasasaktan ako pero lumalaban.
" Bhi okay lang naman kung sinabi mo sa akin na yun ang naisip mong solusyon, maiintindihan ko naman. Sabi mo, we're in this together, pero anong nangyari? Pinaglihiman nyo ako dahil ayaw ninyo akong masaktan. Sa tingin mo ba hindi ako nasaktan ngayon na pinagmukha nyo akong tanga? Wala akong kaalam-alam na habang naghihintay ako dito sa pag-uwi mo eh nasa ibang lupalop ka naman, nakikipag-date sa iba. I felt cheated. I felt betrayed kasi hindi ko alam,wala akong alam. "
" Baby, hindi naman sa ganon. Once pa lang yung date na yun, aaminin ko... pero it's a double date. Hindi ako pumayag na hindi kasama si Rico at Vanessa. Ginawa ko lang yun para hindi na nya ituloy yung banta nya na ilalabas niya yung mga photos natin in public. "
" At naniwala ka naman kay Gwyneth ? You know how much of an evil she is. Mag-eenjoy muna sya sa pakikipag-date sayo, tapos kapag nagsawa siya, iba na naman ang ipapagawa nya, at kapag tumutol ka, she'll scare you again for the pictures of us to be released.Hanggang sa dumating na sa punto na nasira na niya tayo. You know bhi, I'm fed up with all of her shits. I'm somewhere between giving up and seeing how much more I can take. I'm tired. I want to rest for a while. I'm tired physically and emotionally. I don't care anymore if she will release our lewd photos in public. Besides ano pa ba ang masasamang salita ang hindi ko narinig mula sa publiko? People talked so many shits about me. They condemned me even without trial. Pagod na ako bhi, pagod na pagod na. " I felt as he approached me more, I did not retreat. I want to feel his skin on my skin. I need this to calm me.
" Are you giving up on me? " he softly whispered.
I was stunned at his question. I couldn't move.
What the.... hell?
" What? No! Of course not." bulalas ko.
" You said you're tired and you want to rest. So, I just thought maybe..."
"Hindi naman ibig sabihin na pagod na ako, susukuan na kita? Kahit gaano pa ako kainis sa nangyayari sa ating dalawa ngayon, kahit pa gusto ko ng magpahinga, hindi ibig sabihin non sumusuko na ako sayo.Nasa punto lang ako na wala na akong pakialam sa kung ano man ang gawin ni Gwyneth, doon ako napapagod kaya doon ako sumusuko. " narinig ko ang malalim nyang paghinga, marahil ay nakaramdam siya ng kaunting relief sa mga sinabi ko.
Dahan-dahan akong pumihit at humarap sa kanya. Magkapantay na ang mukha namin. I cupped his handsome face and trace every part of it with my fingers.
" What do you want me to do? Tell me and I will obliged." masuyong tanong nya.
" Wala naman akong gustong ipagawa sayo, hindi naman kita maaaring pigilan kasi naumpisahan mo na. Totoong nasaktan ako sa paglilihim ninyo sa akin pero ayos na yun, nandyan na yan. Mag-iingat ka na lang kay Gwyneth, alam mo naman kung gaano sya katuso. Ayoko na munang isipin pa si Gwyneth, pagod na ako. I just needed some time to breathe. I needed some space so she would stop hurting me further."
" Breathe baby breathe. You deserve to rest. If you are tired, then let me be our strength now. Hindi pa ako pagod. "
With that, he claimed my lips. And I let him. I responded with the same intensity. I want him to feel the love I am feeling right now, with full intent. Even though I want to shut my world temporarily because I'm tired of all the shits but I'm not going to close it down to the things that makes me happy.