Shanaia Aira's Point of View
INABALA ko ang sarili ko sa panonood sa shooting nila Gelo. Sa kasalukuyan ay kaeksena nya si Gwyneth at heavy drama ang eksena nila. Kahit nakatutok sa panonood ay patuloy pa rin na sumasagi sa isip ko yung mga nakalap ko na impormasyon kanina. At aaminin ko, medyo may takot ako na nararamdaman para dun sa kung ano man ang plano ni Gwyneth kay Gelo.
Ang mahirap pa, hindi namin alam kung kailan nya yon isasakatuparan. Kung ano man yung balak nya, dapat on guard kami ni Gelo at all times.
Gabi na at nakakaramdam na ako ng antok. Kaya nung mag-break ulit sila Gelo nung matapos yung eksena nila, mabilis itong lumapit sa akin. Binigyan nya ako ng pagkain at tubig na iinumin.
" Sandali na lang kami yaya, isang scene na lang matapos itong break. Iuuwi na kita." turan nya sa akin na may kasamang sign language. Nasa malapit lang kasi si Gwyneth at yung isang female actress .Sila na lang tatlo ang artistang naiwan dahil na pack up na yung ibang cast.
Tumango lang ako at sinimulan ng kainin yung pagkaing dala nya. Umalis sya sandali dahil tinawag siya ni direk Joy para ipakita yung kinunang eksena niya kanina.
Nung matapos siyang kausapin ni direk Joy, bumalik din agad siya at si Gwyneth naman at yung female actress ang tinawag.
" Pagkatapos mong kumain, doon ka na sa kotse. I-drive mo hanggang dun sa may convenience store. Makikipag-unahan ako kay Gwyneth sa pag-alis, may feeling kasi ako na mangungulit siya na sumama sa paghatid sayo. Hintayin mo ako dun at huwag kang lalabas ng kotse. " pabulong na turan nya. Nakaharap sya sa akin na kunwari nakikisalo sa pagkain ko. Nakatalikod naman sya sa kinaroroonan nila Gwyneth.
" Galingan mo ang pagtakas sa kanya, baka sundan na naman tayo nyan. Marami akong nakuhang impormasyon kanina.Ipaparinig ko sayo mamaya sa bahay, na-record ko yung usapan nila." pabulong din yung pagsasalita ko. Mabuti na lang wala ng tao sa kinalulugaran namin at nakatingin naman sila Gwyneth dun sa monitor sa harap ni direk.
Nang matapos akong kumain ay saktong nakabalik na sila Gwyneth dun sa pwesto nila malapit sa amin ni Gelo.
Sumigaw naman si direk na mag-ready na sila. After 5 minutes ay ite-take na nila yung huling eksena.
Pagkakataon ko naman yon para magpaalam na kay Gelo.
" Hijo, magbabanyo lang ako hane, maiwan na muna kita." paalam ko kay Gelo sa boses na matanda.
" Sige po yaya, sandali na lang kami at ihahatid na kita pagkatapos." sagot nya with matching sign language.
Lumakad na ako palayo. Medyo mabagal ang hakbang ko na parang nirarayuma. Nang makarating ako sa pinto ng banyo ay eksaktong tinawag sila ni direk. Sa labas kinunan ang eksena kaya makakalabas ako ng banyo na walang makakapansin sa akin dahil hindi na kita yung public CR mula dun sa location nila.
Wala ng tao sa paligid dahil abala silang lahat dun sa shooting. Naging maingat ang naging kilos ko pagkalabas ng banyo para marating yung sasakyan namin ni Gelo ng walang makakapansin sa akin.
Kinuha ko ang susi sa hand bag na dala ko at binuksan ang pinto sa drivers seat. Nagpalinga-linga muna ako, tiningnan ko kung may mga CCTV ba sa paligid at ng matiyak na wala ay sumakay na ako ng kotse. Namataan ko ang kotse ni Gwyneth na naka-park sa may side walk. Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong nakapagitna sya sa dalawang kotse. Isa sa unahan nya at isa sa likuran. Mahihirapan syang ilabas ang kotse nya kung hindi mauunang umalis sa kanya ang alin man sa dalawang kotse. Malabong makasunod sya sa amin ni Gelo.
Pinatakbo ko na ang kotse namin at dinala dun sa may convenience store gaya ng utos ni Gelo. Malapit lang naman ito sa location at matatanaw kung sino ang paparating mula rito. Nanatili lang ako sa loob ng kotse.
After 20 minutes ay biglang may nag text sa akin. Si Gelo pala.
Bhi : Baby mag ready ka na. Palihim akong nagpaalam kay direk. Sasamantalahin ko ng tumakas habang kausap pa niya si Gwyneth.
Hindi pa ako nakapagtipa ng reply ay natanaw ko na sya sa side mirror na tumatakbo papunta sa akin. Walang tao sa likuran nya kaya nakahinga ako ng maluwag.
Saktong nakakaupo pa lang siya ng paandarin ko ang kotse namin. Medyo nataranta pa nga siya ng isara nya ang pinto.
" Sure ka na walang nakasunod sayo bhi?" tanong ko.
" Wala baby. Hindi rin agad makakaalis yon dahil naka-sandwich yung kotse nya dun sa dalawang naka-park dun." sagot nya habang ipinupwesto yung dala nyang bag sa back seat.
" Napansin ko nga rin kanina. Buti pinayagan ka ni direk na umalis kaagad?"
" Tapos na rin naman kami. Tsaka sabi ko naghihintay na si yaya sa kotse. " sagot nya sabay ngisi sa akin.
" Grabe bhi, hindi ko akalain na makakakuha agad ako ng impormasyon sa unang beses na imbestigasyon ko. Kinabahan din ako dun ah. " kwento ko.
" So anong nalaman mo? " tanong nya.
" You wanna hear it? Ni-record ko. " sabi ko.
" Uhuh."
" Pero sa bahay na. "
" Sige. Baby dun tayo sa likod ng village nyo dumaan. Malapit na tayo. " turo nya sa dinadaanan namin.
Kaunti na lang ang mga sasakyan sa kalsada kaya mabilis lang kaming nakarating sa bahay.
Tulog na sila daddy ayon sa kasambahay. Si ate Shane lang ang nasa labas pa dahil may shooting ito ngayon sa Laguna.
Nang makaligo na kami at makapagbihis na ng pantulog ay saka ko pinarinig kay Gelo yung usapan nila Gwyneth at nung babae.
[ Ano napapayag mo?]
[ Hindi nga eh. Ihahatid pa daw kasi nya tong matandang to sa Batangas.]
[ Huy marinig ka!]
[Bingi yan noh. Kahit lakasan mo hindi ka maririnig.]
[ Mabuti naman. Yung video pala nung haliparot na bestfriend ni Gelo, may nagpatanggal yata. Wala na dun eh.]
[Mabuti naman. Wala namang kwenta dahil hindi mo napalabas na maldita yung Aira na yun. Mas nakakuha pa ng simpatiya sa mga tao dahil ikaw yung nagmaldita at hindi sya.Hindi mo napalabas yung sungay nya. Sayang tuloy yung effort ko na pagsunod kay Gelo dahil biglang dumating yung babaing yon. Akala ko masosolo ko na sya sa condo nya, hindi ko tuloy nagawa yung plano ko. Kainis ka kasi.]
[So tama pala na dun nakatira si Gelo?]
[ Syempre sinundan ko sya minsan nung pauwi na sya.]
[ Mabuti natiyempuhan mo yung haliparot na nandun sa supermarket. At tila umaayon naman yung pagkakataon na pauwi naman si Gelo kaya nasundan ko sya. Nakita ko nga sila sa parking lot na magkasama, siguro namili nga yung babaeng yon para kay Gelo.]
[ Yung bagger kasi sa supermarket kapitbahay ko, naitawag agad nya sa akin na namimili nga daw yung Aira na yon. Mabuti nasa kabilang boutique lang ako nung mall kaya nakapunta kaagad ako. Siya rin yung kumuha nung video.]
[ Sige na alis ka na. Baka parating na si Gelo at makita ka pa. Tawagan na lang kita kapag may ipapagawa ako sayo.]
[ Kailan kaya matutuloy yang plano mo sa kanya, hindi na ako makapag-hintay na makuha mo yang mailap na gwapong yan.]
[ Maghintay ka lang at kumukuha pa ako ng magandang tiyempo. Ngayon na sana kaya lang naudlot pa dahil sa matandang yan.]
Nung matapos mag-play yung recording sa cellphone ko, pinagmasdan ko kung ano ang reaksyon ni Gelo.
Halos magtagis ang kanyang mga bagang ng marinig nya ang lahat. Kakikitaan ng galit ang kanyang mga mata.
Hinawakan ko ang kanyang mga kamay at hinaplos-haplos ng aking thumb ang kanyang mga palad upang kahit paano ay kumalma sya.
" Tama talaga yung hinala ko na kasabwat si Gwyneth nung babaeng yun sa supermarket. Naghinala na ako nung tinanong ko yung mga Gelonatics tungkol sa babaeng yan. Nakakagalit lang na pati ikaw dinadamay pa at gustong sirain sa publiko. At si Gwyneth, ano ang palagay nya sa akin ha? Isang challenge na kapag nakuha nya ay magiging throphy nya? Mabuti na lang baby nag-imbestiga ka, nalaman mo ang mga kasamaang si Gwyneth pala ang may pakana at mayroon pa pala siyang binabalak sa akin. Kailangan on guard tayo ngayon para mapaghandaan ang kung ano man ang plano nya sa akin. Iiwasan ko na talaga sya sa paraang hindi nya mahahalata na umiiwas ako. Matapos ang movie na ito, tatanggihan ko na ang mga offer sa akin kapag siya ang kapareha ko. " determinadong turan nya, kakikitaan talaga ng galit at pagka-dismaya ang mukha nya kahit pa pinipilit nyang magsalita ng mahinahon.
" Paano bhi kung hindi sila pumayag? " tanong ko na ang tinutukoy ay yung pagtanggi sa mga magiging offer sa kanya.
" Kung hindi sila pumayag, hindi ako magdadalawang isip na iwanan na ang showbusiness. Kahit magbayad pa ako ng malaki at kasuhan nila ako, I don't care. Hindi ko isasakripisyo ang relasyon natin para dito. Mas mahalaga ka baby kaysa sa kinang ng industriyang ito, kaya kong gawin ang lahat para sayo, tandaan mo yan. " niyakap nya ako at hinalikan sa ulo.
Parang binaha naman ang puso ko sa saya sa narinig ko. Ngunit tila may masakit din akong nararamdaman. Posible pala na maramdaman ang dalawang emosyong ito ng sabay. Na sa sobrang saya mo ay parang ang sakit-sakit na.
Then he sang a few lines from one of my favorite songs.
I will cross the ocean for you
I will go and bring you the moon
I will be your hero, your strength, anything you need
I will be the sun in your sky
I will light your way for all time, promise you
For you I will, yes yeah, yeah
For you I will lay my life on the line, for you I will fight, oh
For you I will die, with every breath, with all my soul
I'll give my word, I'll give it all
Put your faith in me, put your faith in me
And I'll do anything oh. πΆπΆ
Wala na, nalunod na ako ng tuluyan sa saya dahil sa ganda ng boses nya at sa mga pangakong nakapaloob sa awit nya.
Sa isip ko umusal din ako ng pangako.
Yes Gelo, I promise to put my faith in you. And for you, I will do anything just to keep you and our love safe.