Shanaia Aira's Point of View
I WAS dumbfounded when Gwyneth appeared in front of me.
" Aira? Sabi ko na nga ba ikaw yan eh. Who are you with?" tanong nya. Hindi ako agad nakasagot, iniisip ko pa kung ano ang sasabihin ko.
" Uhm, I'm with my cousin, Neiel." sagot ko. Sorry Nei.
" Oh I see. Where is he? Siya ba yung long haired guy kanina? I thought it was Gelo. " napipilan ako sa tanong nya. Sana hindi nya nahalata na si Gelo yun.
" No. Hindi si Gelo yun. Si Neiel yun,my cousin. Nauna na sa room nya. " I lied. Sorry Lord.
" Ah okay. Si Gelo ba tumatawag sayo? " bigla nyang tanong.
" Hindi naman. Why?"
" Kasi kanina pa ako tumatawag sa kanya but he didn't answer. Kailangan kasi ng artist para sa commercial. " sagot nya. Palihim kong tiningnan ang cellphone ko. May 10 missed calls nga siya. Sa akin kasi bumabagsak ang mga calls and text nya dahil number ko yung binigay ni Gelo sa kanya.
" Ah wala kasi si Gelo ngayon, nasa bakasyon.Tsaka naiwan nya yata yung cellphone nya sa condo nya kaya hindi sya sumasagot sayo. " I told her.
" Alam mo ba kung saan sya nagbakasyon?" pangungulit pa nya.
" Ang sabi nya pupunta sya sa Jerusalem, magmimisyon." I lied again. Sorry Lord ulit. I just want to protect Gelo.
" Oh ang layo naman. Hanggang kailan sya dun? " isa pang tanong nya. Jusko, kelan ba titigil to, ayoko ng nagsisinungaling ako.
" I don't know. " yun na lang ang sinagot ko. She just shrugged.
" Alright. Nice meeting you here Aira. If there's any chance Gelo will contact you, please tell him, I miss him so much. " I want to roll my eyes for what she said pero pinigilan ko ang sarili ko. Feeling ko hindi naman talaga naghahanap ng artist para sa commercial.Patapos na kaya sila. Maybe, she just misses him.
" Okay. I'll go ahead. " paalam ko at tinalikuran ko na sya at sumakay naman sya sa elevator.
Pagpasok ko ng room namin ay nasa bathroom na si Gelo. Naglabas naman ako ng pantulog para sa bihisan nya.
" Hey, what happened outside with Gwyneth ?" tanong agad nya pagkalabas nya ng bathroom.
" Hayun, mabuti na lang magaling kang mag ninja moves at hindi ka nya namukhaan. Grabe ang dami nyang tanong. Parang hinuhuli nya ako. Pakiramdam ko itatakwil na ako ni Lord bilang anak Niya dahil nagsinungaling na naman ako." I sighed.
" Baby, white lies lang yun." pagkonsola nya.
" Bhi ke white lies pa yun, a lie is still a lie, kasalanan din yun."
" I'm sorry baby, you have to go through that kind of situation because of me. "
" It's okay bhi. I lied just to protect you, us, our relationship. Hindi lang kasi ako talaga fan ng pagsisinungaling kasi nagi-guilty ako. " he heaved a sigh and pulled me closer to him for a hug.
" Baby, matatapos din ang lahat ng pagtatago natin. What matters most is that we're together. "
Ilang araw pa ang lumipas, wala kaming ginawa kundi ang gumala sa buong Ilocos.I must say, we did enjoy this vacation. Mabuti naman at natapos na yung shooting ni Gwyneth ng commercial kaya malaya na kami ni Gelo na nakakalabas na walang iniintinding Gwyneth na maaring makakita sa amin.
Time flies fast when you're having fun. After a week of fun and adventure , nakakalungkot man pero pabalik na ulit kami ng Metro. Habang nasa biyahe ay walang may gustong magsalita sa amin. Marahil sa pagod na rin at pare-pareho siguro kaming may sepanx sa Ilocos.
___________________
Another couple of weeks passed. We are off now to Batangas for Kevin and Charlotte's beach wedding. Sa private resort nila Kevin sa Calatagan gaganapin ang kasal nila. Mga piling relatives at friends lang nila ang invited. Si Gelo ang best man ni Kevin at ako ang maid of honor ni Lot. Syempre si Clyde at Venice ay mga abay din.
Naka-impake na rin kami ni Gelo dahil pagkatapos ng kasal ay tutuloy na kami sa Palawan. Si Kevin at Lot naman ay after three days pa ang punta dun para sa honeymoon nila dahil mag-sstay muna sila dito sa Batangas. Kakauwi lang kasi ng parents ni Charlotte galing France kaya magba-bonding muna sila bago tumuloy sa kanilang honeymoon.
Their wedding is spectacular. Feeling ko nanonood ako ng romantic movie. Ang ganda ng pagkakaayos ng venue na kita yung asul na dagat. Teary eyed kaming dalawa ni Venice lalo na nung nagsasabihan na sina Kevin at Lot ng vows nila. Nabanggit pa nga ako dahil ako raw ang naging daan para sila magkatagpo. I remember those days nung nanliligaw pa si Kevin sa akin. I turned him down, twice. Mabuti na lang nakilala nya si Lot, at ako pa yung parang naging tulay nila. Love really comes in an unexpected place and time. Who would have thought that this two would end up together.
Matapos ang kaganapan sa wedding at reception ay nagpaalam na kami ni Gelo sa newly weds . Kahit gusto pa naming mag-stay para sa party kinagabihan ay hindi na rin kami nagpapigil dahil sa aming lakad.
When we arrived at the Amanpulo Manila Lounge, the staff there assisted us instantly. They brought us to the lounge together with our things. We took a private jet to Pamalican Island for about 40-50 minutes or so. As soon as the jet landed, may mga club cars na naghihintay sa bawat guest. Tapos may mga staff na mag-aassist sayo, magbibigay ng mga tips na maaari mong gawin sa paligid ng resort and briefed us about the history of the island.
Dinala kami ng staff sa aming Casitas or guest room. Mayroon itong private wooden deck kung saan matatanaw ang kagandahan ng dagat. Komportable at maaliwalas ang Casitas na pinagdalhan sa amin. Mayroon itong sariling toilet and bath with good amenities. The whole ambience of the room was an amazing feels.
We had our early dinner at the Beach Club. The food was superb pero may kamahalan nga lang ng konti. From a luxurious resort, it was expected. But one thing I noticed the moment I set foot on this resort is their excellent service. The staff renders service beyond expectations.
" What can you say bhi?" tanong ko kay Gelo pertaining to the resort. Naglalakad na kami pabalik ng aming Casitas. Lahat ng madaanan namin ay hindi maiwasang hindi kami mamangha.
" A paradise on earth. Thank you baby for bringing me here. Hindi ko inaasahan na may ganitong lugar dito sa bansa natin. Wala akong masabi. Sobrang ganda dito." sagot nya na may kinang sa kanyang mga mata. Nakaka-inlove kasi ang lugar.
" Yeah right. Na love at first sight din ako sa lugar na ito. Kung saan-saang bansa tayo pumupunta, pero dito ko lang pala mararamdaman yung βalam mo yon, parang yung pakiramdam nung natuklasan ko noon na in love pala ako β sayo." pahina na ng pahina yung boses ko. Bakit parang bigla akong nahiya? Napansin ko na nakahinto na kami sa tapat ng pinto ng Casitas. Pasimple ko syang sinulyapan. Tulala syang nakatingin sa akin pero may malaking ngiti sa labi.
" Putcha! Kinilig yata ako. " bulalas nya tapos hinila na nya ako papasok ng casitas.
" Bhi naman!"
" Totoo naman baby. You never fail to amaze me. Everyday there is something new that makes me love you even more. I still fall for you everyday, Aira Gallardo - Montero." he cupped my face and kissed my lips tenderly.
" I love you bhi. With every beat of my heart and every fiber of my being. " anas ko matapos ang makapugtong hiningang halik na pinagsaluhan namin.
" I love you more baby. With every inch of my body and every ounce of my soul. " he kissed me again but this time its full of intensity and passion and love.
Wondering what happened after that torrid kiss we shared?
Well...
An amazing, hot and blazing exercise session.
In this paradise on earth.