Chereads / Save The Best Dance For Me / Chapter 1 - Chapter One Crazy Man

Save The Best Dance For Me

chie26
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 4.3k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter One Crazy Man

"He's crazy." Nanlalaki ang mga mata ni Joaquin Pelaez sa pagkakatingin sa kontratang hawak niya. "Ano'ng kalokohan ba ito?"

Natatawa si Patrick Rival sa reaksiyon ng kaibigan. "Bakit? Nakakachallenge nga eh."

"And what do you mean by that, pare?"

"Well, he just got you. Nakorner ka niya ,pare. Si Don Manuel Razon ay hindi pipirma sa kontrata hanggat hindi nakukuha ang gusto niya.

"And, what is it he wants?" Joaquin's eyes widened in disgust. "This crazy man wants me to dance the tango or am I mistaken reading the details in the contract?"

"Kahit paulit-ulitin mo pa, tama ang basa mo sa kontrata." "The man wants you to dance and his favorite is the tango." Patrick emphasized it more made Joaquin squints his eyes.

"Then, he shouldn't include me in his craziness!"

"Hey,dude, take it easy. Sayaw lang 'yan."

"Pare, business deal ito at hindi biruan, " nagngingitngit si Joaquin na hinagis ang kontrata sa lamesa.

"Nag- oooffer ako sa kanya ng excellent price para sa property na iyon tapos babalewalain niya lang iyon, huh!"

"Hmm...well, on the other hand, tama ka diyan."

Nakuha ng umupo ni Joaquin sa kanyang swivel chair mula kaninang napatayo sya ng mabasa ang nilalaman ng kontrata.

"By the way, pare, 'nong umalis ako ng Cebu last Wednesday , akala ko ba ayos na ang lahat?"

"Di ba ,final details na lang ang aayusin ninyong dalawa? Bakit ngayon marami na siyang kondisyon? Ano bang nangyari?" nagtatakang tanong ni Joaquin.

"Ah, 'yun ba? Noong nandoon tayo, hindi kasi nagustuhan ni Don Manuel ang inasal mo. Ni hindi ka raw nakipagsosyalan. Hinanap ka pa nga niya at nalaman niya na you went to your suite at nagbasa ng mga papeles kahit di pa tapos 'yung party."

"At ayaw niya ng ganon?"

"Sa palagay niya raw hindi ka magiging isang mabuting leader if you don't know how to socialize, mag mingle. Worried siya na 'yung mga plano natin for the land ay hindi magiging angkop sa kagandahan ng Cebu."

"Ang sabi niya pa mas mahalaga raw sa kanya ang bayan niya kaysa sa kikitain niya."

Napatingin sa may bintana ng opisina niya si Joaquin. Ang opisina niyang iyon ay nasa penthouse ng Rennaisance Tower sa may Ortigas.

Mataman niyang pinag-isipan ang sinasabi ng kaibigan. Ang pagiging true blooded businessman niya ang nakapagpalimot sa kanya sa isang bahagi ng kanyang buhay.

Ang kanyang pagiging seryoso , hindi palakibo at hindi palakaibigan ang naglalayo sa kaniya sa mga bagay-bagay na dapat ay nararanasan ng isang binatang tulad niya.

Sa kanyang pag-iisip, naalala niya ang mga binabalak sa lupa sa Cebu na gustong- gusto niyang bilhin. Isa ito sa mga plano niya at noon pa niya minimithi.

Ang lupang iyon ni Don Manuel Razon ay tamang-tama sa kaniyang mga plano. Gusto niyang magtayo ng isang five star hotel resort sa Cebu at sa lupang iyon nababagay. Kaya't kalokohan ang mga kondisyon na hinihingi sa kanya. Bumalik siya sa kamalayan at hinarap ang kaibigan.

"Ilang beses na tayong gumawa ng mga resorts. Limang beses na at sa apat na mga bansa these last nine years, at lahat ng iyon ay na design to fit the setting. Alam iyan ni Don Manuel," Nakakunot na ang noo ni Joaquin. "Lahat ng mga plano ay ipinakita ko sa kanya pati na ang plano kong resort and he agreed with me."

"Pero , itong resort, pareng Joaquin ay mas malaki kaysa mga nauna nating natapos at least twice the size," si Patrick, napapakamot ng ulo habang nagpapaliwanag.

"Bigger , yes, and pagdating sa quality, better," madali niyang pagsang-ayon sa kaibigan.

"He had second thoughts, pare." Nakatingin sa kanya si Patrick. " Noong andon pa ako, marami siyang kinuwento tungkol sa mga bagay-bagay na masyadong nagpapagulo sa kanyang kalooban. Nagiging emosyonal siya.Kung hindi nya nga lang daw talagang kelangan ng pera ay hindi nya ibebenta ang lupang iyon dahil napakasentimental sa kanya.

Bumuntung-hininga si Joaquin.

"Pero, kailangan niya ng pera, that's the fact, kaya nga ibebenta niya sa atin 'yun at hindi na siya dapat magpatumpik-tumpik pa."

Napailing si Patrick at napangiti.

"Pare, you still have to dance, 'yun ang nakalagay sa kontrata."

Napasimangot na si Joaquin.

"Ayokong magsayaw at hindi niya magagawang pasayawin ako."

"Bakit hindi mo subukan? Wala namang masama kung mag-aaral ka. Mayroon akong alam na nagtuturo ng ballroom dancing malapit dito sa lugar natin."

"No."..

"'Yun ang dapat mong puntahan. Tiyak madali mong makukuha ang mga ituturo sa iyo. Siyangapala, magaling ang mga instructors/instructress doon at specialized nila ang sayaw na tango."

"Bakit hindi na lang tayo mag-offer ng mas malaking amount para mawala na ang emosyonal na damdamin?"

"Pare, hindi lang pera iyon. What he wants now eh, 'yung pagkakaunawaan ng mga isip , puso at kaluluwa."

"What do you mean?" Napakunot ng noo si Joaquin sa sinabi ng kaibigan.

"Ang hinahanap niya rito ay ang damdamin in which na wala sa iyo."

"Hindi kailangan maging madamdamin in terms of business. Kailangan mong maging matatag kung gusto mong umunlad kaagad."

Mabilis siyang sinagot ng kaibigan.

"Nandoon ka na, pare. Nasa itaas ka na. Maybe, you need to slow down. Mag-isip ng ibang bagay maliban sa negosyo. Mga bagay na hindi mo nabibigyang-pansin noon."

Sandaling nanahimik si Joaquin sa sinabi ni Patrick. Marami nga siyang pinalagpas noon. Pakiramdam niya nga ang bilis niyang tumanda sa pagiging laging abala. Walang-wala sa hinagap niya na napakabilis ng panahon. Kung noong araw ay hindi siya nag-aksaya ng oras mas lalo na ngayon. Hindi niya alam kung may humahabol sa kanya at siya'y nagmamadali. Sa ngayon, wala na siyang dapat patunayan, tama nga si Patrick, nandoon na siya, wala na dapat habulin pa.

Pero, may gusto pa siyang maabot at si Don Manuel lang ang makakatugon nito.

Ayaw niyang magdahan-dahan katulad ng payo ng kaibigan. Sa palagay niya ay mahuhuli siya pag ganoon ang ginawa niya. Marami siyang pinagdaanang hirap bago makatungtong sa kalagayan niya ngayon. Gusto niya ng mas matatag na pundasyon

at ang ninanais ay kanyang makamit.

"Kapag nagbagal ako, marami ang mawawala sa akin. Kasama na ang mga magagandang pagkakataon."

"So, ready ka na to do the tango? One month lang ang binibigay na panahon sa atin." pag-iiba ni Patrick ng usapan. "Imbitado tayo sa kanyang tahanan sa Cebu para doon ganapin ang pirmahan pagkatapos ng iyong performance."

"At sino'ng nagsabi na may performance akong gagawin?"

"Bakit hindi? 'Yun ang nakasulat sa kontrata."

"Ang lakas mo talagang mang-inis ,pare. Ayoko ngang magsayaw." Naiinis na nang tinuran ni Joaquin ang sinabi.

"Wala nga tayong magagawa dahil isa iyong kahilingan."

"Baka meron pa. Mag-iisip ako."

"Pare, ano bang masama kung magsasayaw ka? Hindi naman krimen 'yung gagawin mo." Natatawa si Patrick sa inaasal ng kaibigan.

"At saka , di ba 'pag magsasayaw ng tango, kailangang may partner. Saan naman ako kukuha ng makakapareha?"

"Joaqui, pwede bang easy ka lang...Si Don Manuel na ang bahala don."

"Naplano na nya pala ang lahat..."

"Ayaw mo 'yan hindi ka na mamumrublema. He will take care of everything. Mas masahol pa dito ang gagawin mo to get what you want. Bakit parang naduduwag ka?"

"Dahil ayoko ngang magsayaw."

"Tuturuan ka naman, ah."

"Ayokong matuto. I will think of other way to get him sign the papers. Not like this one."

"Tsk..Talagang magmamatigas ka, pare. Pwes , mag-isip ka muna and if you have ways ,call me..I need to go at mayroon pa akong pupuntahan. " habang sinasabi ito at kumuha ng pen at paper si Patrick at may sinulat doon. "Ito ang address at pangalan ng dance school na sinasabi ko. Malapit lang 'yun dito."

"Ayoko sabing mag-aral at hindi ako pupunta kahit saang eskwelahan na nagtuturo ng sayaw."

"Basta, kunin mo ito at hanapin mo si Eleonora. Ang alam ko siya ang pinakamagaling magsayaw at magturo ng tango kahit kanino," iniwan pa rin nito ang sinulatang papel sa ibabaw ng mesa ni Joaquin sabay tayo palabas ng opisina.

Naiwang nakatingin si Joaquin sa papel , nag-iisip ng gagawin.

Sa loob ng isang dance studio ay pumapailanlang ang tugtog na boogie.

"Okay. Move your body gracefully. Kahit mabilis ang paggalaw, andon pa rin ang grace," nakamasid si Eleonora sa mga tinuturuan niya.

Palakad-lakad siya habang sabay-sabay na nagsasayaw ang tatlong pareha ng isang choreographed boogie.

Habang pinagmamasdan niya ang magkakapareha ay natawag ang pansin niya ni Georgia, ang isang alanganing kasa-kasama niya sa pagmamanage ng dance studio na ito.

"Boss, matatapos ka na ba riyan? dumungaw ang binabae sa may pintuan.

"Bakit?"

"Eh..kasi may naghahanap sa iyo," nakapamaywang si Georgia na noo'y nakalapit na kay Eleonora.

"Sino? Baka kung sino lang iyan at maaabala pa kami rito."

Nakakunot ang noo ng dalaga dahil iniisip niya kung sino ang taong nagahahanap sa kanya. Alam niya hindi ito estudyante sapagkat alam niya ang mga schedules ng mga ito. Sa palagay niya ,hindi naman inquiries kasi may time ang pag entertain nila ng mga ganoon.

"Importante raw. At ikaw mismo ang gustong makausap. Biro mo, ayaw sa beauty ko," nakaarko ang kilay ni Georgia habang sinasabi ito.

"Wala naman akong kilalang tao na pupunta ngayon dito," saglit na nag-isip si Eleonora. "Sigurado ka wala siyang appointment?"

"Wala nga... At di ko siya kilala 'no. Puntahan mo na kasi...guwapo at mukhang may sinasabi," kinilig pa si Georgia.

"O , sige, sige. Guys, tutal nakukuha na ninyo. Bumalik na lang kayo bukas para makita ko ang buong sayaw na wala ng mali. Final na tomorrow. I'll see you then," nakangiting sinabi ni Eleonora sa mga tinuturuan .

"Okay, thanks! " sabay -sabay na nagpaalam ang grupo.

"Bye ," Eleonora."

"Bye!"

Pagkasabi ay pumunta siya sa mesa niya at may inayos sandali pagkatapos humarap siya sa malaking salamin upang bistahan ang sarili."

Naisip niya kung ganito na lamang siya. Nakasuot siya ng leotards at ang buhok ay nakatali sa likod. Pawisan siya dahil mahaba-haba rin ang sessions na binigay niya kanina sa kanyang mga estudyanteng nagpapaturo ng boogie na isasayaw sa program sa office ng mga ito. They chose Eleonora because of her credibility. Marami na ang nagsasabing magaling itong magturo ng iba't ibang sayaw at a reasonable price.

Hindi na nagpalit si Eleonora dahil sabi niya ay nasa dance studio naman siya, siyempre posible siyang nakasuot ng mga ganitong klaseng damit. Bukod sa mga ballroom dances ay nagtuturo rin siya ng zumba.

Matagal na niyang trabaho ang pagtuturo ng sayaw.

Kanila ang dance studio na ito which she inherited from her mom who was also a ballerina during her time. Hindi na naasikaso ng ina ang negosyo nilang ito, that's why at an early age , she took all the responsibilities.

Mahirap sa umpisa pero nasanay na rin siya lalo na at nakilala niya si Georgia na marunong din sa larangan ng pagsayaw at naging katu-katulong niya sa pag-aasikaso ng business.

Sa tagal nilang pagsasama ni Georgia ay nahawa na siya sa pagiging mabiro,prangka at masayahin nito.

Nailing na napapangiti siya sa sarili.

Nagdesisyon na siyang puntahan ang kanina pang naghihintay sa kanyang bisita.