Chereads / **That Girl** / Chapter 7 - COFFEE

Chapter 7 - COFFEE

Nang matapos siyang gamutin ang sugat ko tinulungan niya na ako ibalik ung mga libro sa shelves.

"Sabay tayo maglunch" basag niya sa katahimikan.

"Ayoko" sagot ko.

"Why?" nagtatakang tanong niya.

"Kahapon pinagalitan ka ba?" tanong ko.

"Hindi" sagot niya. Liar. Alam kong nagsisinungaling siya.

"Wag ka na pupunta dito sa library kung wala ka naman kailangan. Wag mo na din ako hahanapin. Wag mong sayangin ung oras mo sakin. Wag kang mag-aksaya sa taong walang kwenta" mapait kong sabi.

"Don't be like that every people have their own worth. Kaya wag mong sasabihin na wala kang kwenta" inis niyang sabi.

"Really? Then why? Bakit lagi na lang sakin yun paulit ulit nangyayari kung totoong every people have their own worth?" malungkot kong sabi.

"There's a purpose in every thing happening to us" sabi niya.

"Oh really? Kung ganun anong purpose ng nanay ko para magpakamatay siya sa harap ko? Anong purpose kung bakit lagi akong sinasaktan nung bata ako? Anong purpose kung bakit laging hinihiling ng nanay ko na sana mamatay na lang ako? Anong purpose kung bakit wala akong tatay? Anong purpose kung bakit ayaw sakin ng mga kamag-anak ko? Anong purpose bakit lagi akong minomolestya? Bakit parang lahat na lang ng lalaking lalapit sakin gusto may gawin sakin? Bakit? Bakit?" galit ng tanong ko kay Cap.

"I-I don't know" maiksi niyang sagot.

"See kahit ikaw hindi mo alam diba kaya please stop wasting your time. Wala kang mapapala sakin" malungkot kong sabi.

"Still I don't care. Ito nga ung mas nage-eager sakin na proteksyunan ka. Kasi you have no one but now you have me" sabi niya.

"No don't. Ayokong mapahamak ka ayokong mawalan ka ng kaibigan dahil sakin" pagtanggi ko sa kanya.

"Please let me" pagmamakaawa niya sakin.

Tiningnan ko siya kita ko sa mukha niya na nagaalala siya para sakin. Gusto niya akong tulungan.

"Hindi ko alam" yun lang ang nasabi ko.

"To be honest matagal na kitang tinitingnan dati pa. Lagi kitang nakikita ewan ko pero bigla mo na lang hinila ung mga mata ko. Tapos everyday gusto ko lagi kang nakikita gusto ko okay ka lang. Dati medyo ngumingiti ka pa unlike ngayon hindi na talaga i know what happen kung bakit hindi ka na ngumingiti. Gusto kitang lapitan kaso baka matakot ka kaya hindi na lang kita nilalapitan I'll just protect you from a far yun ung sinabi ko sa sarili ko pero gusto talaga kitang lapitan kasi alam ko mas maproproteksyunan kita ung kung mas malapit ako sayo. That incident happen to you the guy that tried to molested but he failed I'm the reason why it didn't happen. But I didn't know that guy have some pictures of you at nagawa niyang ipakalat I really try my best para masigurong mapapaalis siya dito sa school and hindi na siya makakapagaral dito sa Pilipinas. I failed you kaya naman mas binantayan kita pero still from a far. But what happened here at library is different I really felt my blood is boiling ng makita ko ang itsura mo sobrang takot ka. Nahuli na naman ako hindi na naman kita na proteksyunan ng maayos. Buti na lang pala pinapahanap talaga ni coach ung mga kateam ko na yun. Buti na lang hindi pa huli ang lahat bago ako nakarating. Then dun ko napag-isip isip na dapat matagal na akong nagpakita sayo. I'm sorry for failing you over and over again" bakas sa boses niya ang pagsisi.

"Thank you for everything. Hindi ko alam kung paano makakabawi sa mga ginagawa mo" sabi ko.

"Just be my friend then we're okay" ngumiti siya pero alam kong sinisisi niya pa din ung sarili niya.

"Wag mong sisihin ung sarili mo. Hindi mo kasalanan ung mga nangyari sakin okay. And fine friends na tayo" sabi ko na siya naman kinasaya niya.

"Thank you promise I'll be a good friend" masayang sabi niya.

"Okay" sabi ko.

"So pwede na tayong sabay maglunch?" tanong niya.

"Yeah" maiksing sagot ko.

"Yes!" masyang sabi niya.

Para siyang bata na binigyan ng laruan napakasaya niya hindi ko na siya pinansin saka pinagpatuloy na lang ang ginagawa ko. Mabilis naman natapos dahil nga tinulungan naman niya ako.

"I'll go na may class pa ako. Ahm bye" paalam niya.

"bye" sabi ko

Umalis na siya. Pinagpatuloy ko na ang iba pang gawin sa library meron pa utos si head librarian.

Saktong lunch ng dumating si Cap sa library hinihingal pa siya halatang tumakbo pa siya para lang makarating na eksaktong oras dito sa library.

"Hoo buti nakaabot ako" hingal niyang sabi.

"Bakit ka kasi tumakbo?" tanong ko.

"Kasi baka umalis ka na eh diba sabi ko sabay tayong maglalunch" sagot niya.

"Fine. Tara na baka madami na tao sa canteen" aya ko sa kanya.

"Can we eat outside the school?" tanong niya.

"Bakit?" nagtatakang tanong ko.

"Kasi nakakasawa na ung food sa canteen saka alam kong nagtitipid ka masyadong pricey ung mga food sa canteen" pagpapaliwanag niya.

"Well tama ka naman. Sige tara" sabi ko.

Habang naglalakad kami palabas ng school nakita ko ung lalaking nagiintay sa may clinic nung nakaraan.

"Pre" tawag niya kay Capt.

"Oh ikaw pala. Gusto mo sumama kakain kami sa labas ng school" alok niya dun sa lalaki.

"Baka hindi okay sa kanya" sabay tingin sakin.

"Ahm okay lang" sagot ko.

Naglakad lang kami papunta dun sa kakainan namin tahimik lang ako habang silang dalawa ay naguusap tungkol sa games nila nung isang araw. Nang makarating kami hindi inakalang kumakain siya sa ganitong lugar.

"Anong gusto mong kainin?" tanong niya sakin.

"Ahm...kahit ano" sagot ko.

"Is that the other term for bahala na ako?" tanong niya ulit.

"Hindi naman kasi ako maarte sa pagkain kahit ano okay lang sakin" sagot ko.

"Okay saglit lang oorder lang ako. Ikaw pre?" sabi niya sabay baling sa kaibigan niya.

"Sama na lang ako" tumayo na siya saka sumama kay Capt.

Habang umorder ung dalawa napatingin ako sa paligid. Malinis siya at maayos ang paligid para nga siyang hindi karinderya dahil sa atmosphere.

Meron kakapasok lang na grupo ng mga babae agad napunta ang tingin ng isang babae sakin pero iniisip ko na baka sa likuran ko kaya ibinaling ko na lang sa iba ung tingin ko.

"May problema ka ba sakin?" mataray na tanong ng babae. Napatingin naman siya dito.

"Wala" sabi ko.

"Then bakit ganun ka makatingin?" mataray niya pa ding tanong.

"Hindi ko alam ung sinasabi mo. Pero kung may nagawa ako pasensya na" paghingi ko ng paumanhin.

"Apology not accepted" sabay buhos niya ng liquid na bagay sa ulo ko. Coffee.

Sabay sabay na tumawa ung kasama ng babaeng nagtapon ng kape sakin.

"Oops sorry nadulas sa kamay ko" mataray niya pa ding sabi.

"Gaill!" may halong galit ung pagbigkas ng pangalan.

"K-Kuya" takot na sabi ng babaeng nagtapon sa kanya ng kape.

"What happen? Okay ka lang?" nagaalalang tanong ni Cap.

"Okay lang kasalanan ko naman" sabi ko na lang para hindi na humaba pa.

"Gaill tell me what happen" masungit na sabi ng kaibigan ni Cap.

"It's her fault kasi kung makatingin siya" paninisi sakin nung babae.

"Say sorry to her" utos ng kaibigan ni Cap.

"No way!" angal naman ng babae.

"Isusumbong kita" pagbabanta ng lalaki.

"Fine. Sorry" napilitang sabi ng babae.

"Again do it properly" utos ng lalaki.

"I'm sorry" medyo sincere na sabi ng babae.

"Okay lang" sabi ko para matapos lang masyado na nakakaattract ng attention kami. Walang sabi sabi umalis ung babae at mga kasama niya.

"May extra shirt ako sa kotse ko kukunin ko mamaya" magaalalang sabi ni Capt.

"Okay lang malapit lang naman ung tinitirhan ko sa school magpapalit na lang ako sa bahay. Kumain na kayo mauuna na ako" sabi ko saka umalis at naglakad papuntang sakayan.

Naligo ako ulit. Medyo madami din kasing kape ang tinapon sa ulo ko. Pagkatapos ay bumalik na ako sa school dumiretso na ako sa library dahil patapos ung lunch break. Nakita kong nagiintay si Capt. sa labas ng library.

"Here kumain ka muna meron pa naman oras" sabi ni Capt. may inabot siyang sandwich.

"Thanks" sabi ko saka inumpisahan na ang pagkain.

"Pasensya ka na kay Gaill medyo spoiled brat kasi siya" paliwanag niya.

"Okay lang may pagkaganun din kasi ung pinsan ko sakin kaya medyo sanay na ako" sabi ko.

"Dapat nga hindi ka masanay" medyo inis niyang sabi.

"Kumain ka na lang baka gutom ka pa" inalok ko siya ng sandwich ko.

"Buti alam mo nag-aalala kasi ako" sabi niya bago kumagat sa sandwich ko.

"Thank you" nakangiting sabi ko.

"Beautiful" manghang sabi niya.

Sumubo na lang ako ng sandwich saka binilisan dahil malapit na matapos ung lunch break.

"Salamat ulit. Una na ako sa loob" paalam ko.

"Sige mamaya na lang antayin kita ulit" sagot niya.

"Okay. Bye" sabi ko.

Pumasok na ako sa loob ng library kakabukas lang din ni Head librarian.

Pagkatapos ng duty ko pumunta na ako sa klase ko.

"What's your secret?" tanong ng isang classmate pero hindi pamilyar mukhang niya.

"Secret? Saan?" nagtatakang tanong ko.

Bahagyang tumawa muna siyang bago magsalita. "Are you stupid or what?". Tanong niya.

"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo kaya ako nagtatanong. Be specific" sagot ko sa kanya. Habang inaayos ang gamit ko dahil oras na umuwi.

"I don't even think of any thing para magkagusto siya sayo?" nagtataka niyang tanong.

"I don't even know kasi hindi ko alam kung sino ba yang sinasabi mo. Pasensya na pero kailangan ko na umalis. Mauna na ako." paalam ko sa babae pero bago pa ako makaalis hinawakan niya ung kamay ko.

"I'm not done. Wag kang bastos" sabi niya.

"Sino ba kasi ung tinutukoy mo?" naiinis ko na sabi.

"Wow! Sa sobrang dami ba ng lalaki mo hindi mo na alam kung sino sa kanila?" mapagakusa niyang tanong.