Chereads / **That Girl** / Chapter 4 - INTENSION

Chapter 4 - INTENSION

"Sigurado ka?" paninigurado ko.

"Oo naman bakit ayaw mo ba?" tinitigan ko muna siya.

"Pero kung hindi ka comfortable okay lang pwede naman wag na lang" malungkot niyang sabi.

"Tara na baka mahirapan tayong humanap ng upuan" bigla naman siyang napangiti dahil sa sinabi ko.

"Sige" nakangiting sabi niya.

Sobrang dami na tao kung dumating kami sa canteen ang haba na din ng pila.

Nilingon ko siya dahil alam kong nasa likod ko lang naman siya. "Wala na tayong mauupuan okay lang ba kahit sa labas lang tayo?"

"Oo naman kahit saan okay lang" sagot niya.

Nang turn na namin nagorder lang ako ng sandwich kasi yun lang naman kasya ung pera ko saka tubig.

"Yan lang ung kakainin mo? Mabubusog ka ba diyan?" pagaalalang tanong niya.

"Oo. Okay na to sakin hindi pa naman ako masyadong gutom" sabi ko saka binigyan siya ng way para magorder.

Kung ako konti lang ung binili siya naman pagkadami dami akala mo mauubusan ng pagkain napatingin tuloy ako sa hawak kong sandwich saka tubig,

"Let's go" sabi niya.

Lumabas kami ng canteen naisip ko na dun na lang sa gilid ng library wala naman tao dun kapag lunch dahil karamihan lumalabas or nasa canteen.

"Okay lang ba sa'yo na dito na lang tayo?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman bakit hindi mas okay nga dito kasi tahimik saka malinis naman" pinagpagan niya ung upuan saka ung lamesa.

Buti na lang may mga upuan at lamesa din dito kahit na wala masyadong taong tumatambay dito.

"Ito para sayo yan. Saka ito pa. Ito pa. Ito pa" sabay abot sakin ng kung anu-anong pagkain.

"Para sakin to?" nagtatakang tanong ko.

"Oo para sa'yo yan" sabi niya habang inaayos ung pagkain niya.

"Wala akong pambayad sa mga yan" prangka kong sabi.

"Hindi ko naman pinapabayaran yan. Kumain ka na" malumanay niyang sabi.

"Salamat sa pagkain sa susunod kapag may sobra ako. Ikaw naman ililibre ko" sabi ko habang nakatingin sa mga pagkain.

"Ngumiti ka lang okay na ako" napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Kumain na tayo" tinunguan ko na lang siya bilang sagot ko sa kanya.

Sobrang gana niya kumain kaya siguro madami din siyang binili habang ako hirap pa ubusin ung mga binigay niya baka ung ibang binigay niya iuuwi ko na lang dahil malapit na akong mabusog. Habang kumain kami may nakita akong mga grupo na papunta samin.

"Capt.?" tawag ng nakablue na lalaki.

Napatigil siya sa pagkain at biglang nagbago ung mukha niya.

"Bakit?" sabay lingon niya sa tumawag sa kanya.

"Ah may itatanong lang po sana kami" kinakabahan na sabi nung lalaki.

"Ano yun? Make it fast kumain kami" seryosong sabi niya.

"Kung may practice po ba kasi exams na next week" magalang na sabi nung lalaking nakablue.

"Ask coach. Hindi ko pa alam wala pa siyang sinasabi sakin baka kasi mag half practice lang dahil malapit na din ung game pero still ask coach baka kasi wala din since exams" masungit niyang sabi.

Agad naman tumango ung mga lalaki at nagpaalam na aalis na at humingi din ng sorry dahil sa pagistorbo samin.

"Sorry about that. Kain ka lang" sabi niya pero mas maamo na ung mukha niya hindi na siya masungit tingnan.

"Bakit biglang nagbago ung mukha mo ng makita mo ung mga kateam mo?" tanong ko hindi ko na kasi mapigilan hindi siya tanungin.

"Well I create that image para matakot sila sakin hindi mawala ung respect nila sakin. Kasi diba mostly people know me as masayahin saka friendly pero when it comes to my team's gusto ko kinakatakutan nila ako kasi para sumunod sila sakin" pagpapaliwanag niya sakin.

"So who is the real you?" tanong ko.

Sa gulat niya sa tanong ko hindi niya agad ito na sagot.

"Hindi ko rin alam" sabi niya habang pinaglalaruan ung pagkain niya.

"What is your real intension? Bakit ka lumalapit sakin?" kuryosong tanong ko.

"Why? Hindi ba dapat ako lumalapit sa'yo?" tanong niya pabalik sakin.

"Siguro…" sagot ko habang nakayuko.

"Why?" tanong niya.

"Cause I'm a slut as they say. I'm not good for your image" sabi ko.

"Really? Is that even true?" nagiba ung boses niya kaya naman napatingin ako sa kanya kita ko ang inis sa mukha niya.

"Maybe…" pagsisinungaling ko.

"I don't think so?" inis pa din niya sabi.

"Paano mo nasabi?" sabi ko habang nililigpit ung mga pinagkainan namin.

"Cause I know. And I can tell that you are a good person" sabi niya.

"Sana all" sabi ko.

"Sana all?" nagtatakang tanong niya.

"na ganyan ung tingin sakin na I'm a good person" napatitig siya sakin pero agad niya din iniwas ang tingin niya.

"Yeah. Pero you don't need to please people. Hayaan mo sila you have me. I'll protect you. I promise" sincere niyang sabi.

"But promises are meant to be broken" balik ko sa kanya.

"Yeah I just do it and hindi na ako magpapromise" sabi niya.

Nginitian ko na lang siya at nagpatuloy sa pagliligpit malapit na din matapos ang lunch.

"Balik na ako sa library patapos na kasi ung lunch baka may ipapagawa pa sakin. Salamat sa libre ah" tumayo na ako at naghanda na para umalis.

"Anong oras out mo?" biglang tanong niya.

"9 pa matatapos ung klase ko pang gabi ako" paliwanag ko.

"Ah sige sige. See you around" sabi niya tumayo na din siya para umalis.

Nang bumalik ako kakabukas lang din ng library.

Dumiretso ako sa cart meron na naman kasing mga libro at medyo madami dami na din kaya binalik ko na din.

"So anong meron sa inyo ni Capt.?" kilala ko ang boses nay un sa pinsan kong babae.

"Wala sumabay lang siya kumain" sabi ko habang binabalik ung mga libro.

"Oh really? Ung kalandian mo wag mo naman dalhin dito sa school payo lang. Kung sa tingin mo uubra dito ung ginagawa niyo ni kuya pwes hindi" bigla akong nanigas sa sinabi niya.

"H-Hindi ko alam ung sinasabi mo" kinakabahan kong sagot.

"Oh talaga?" malditang tanong sakin ng pinsan ko.

"Wala akong ginagawa. Kuya mo ang may ginagawa sakin" pagdedepensa ko sa sarili ko.

"Hmmmm pwede kong sabihin kay mommy na nilalandi mo si kuya. Panigurado mas papaniwalaan ako ni mommy kasi ako ung anak niya. Ikaw palamunin ka lang saka baka nga talagang nilalandi mo si kuya. Diba malandi ka naman kasi talaga? Kapag pinalayas ka na ni mommy san ka kaya pupulutin?" pananakot niya sakin.

"Kahit kailan wala akong nilandi kahit pa ang kuya mo. Pinsan ko siya ba't ko naman yun gagawin. Hindi ako ganung tao" niligon ko siya at buong diin ko sa kanya sinabi.

"Talaga? Hindi ka ganun eh bakit kalat na kalat sa school na madami ka na naikama na mga lalaki? Saka recently lang may napatanggal daw sa basketball team dahil pinagtangkaan ka daw i-rape" nangaasar niyang sabi. Nanigas ako sa sinabi niya

"Sa tingin mo may maniniwala sayo kapag nalaman nilang ikaw yun?. Siguro ginagamit mo lang si Capt. siya ung bago mong victim" habol niyang sabi.

"Ano bang pinagsasabi mo?" buong pagtataka kong tanong sa kanya.

"Stay away from Capt. He's mine" babala ng pinsan ko sakin.

"Edi sayo na" sabi ko tapos pinagpatuloy na ang ginagawa.

"Good. Kapag narinig ko ulit kayong magkasama. Malalagot ka sakin. Understand?" mataray niyang sabi sabay walkout.

Napatigil ako saglit sa ginagawa napaisip ako sa banta ng pinsan ko. Kahit na alalm kong wala akong ginagawang masama ayokong malaman pa ni tita ang nangyayari dito sa school ayoko din ma-disappoint ko siya. Kaya susundin ko na lang kung ano ang gusto ng pinsan ko para wala na ding gulo.

Nang maaga kong natapos lahat ng kailangan kong Gawain pinayagan na ako umalis ni head librarian dumiretso na din ako sa klase ko wala din naman kasi akong ibang pupuntahan. mabilis lang natapos ang class namin.

Habang naglalakad ako palabas ng school nakita ko si Capt. sa may gate.

"Hey!" masayang bati niya sakin.

"Bakit nandito ka pa?" nagtatakang tanong ko.

"I was waiting for you" sagot niya.

"Hindi mo na dapat ako hinintay. Paano kung maaga pala ako umuwi tapos nagintay ka" seryoso kong sabi.

Napangiti naman siya sa sinabi ko pero wala naman dapat Ika-ngiti sa sinabi ko kaya mas kumunot ang noo ko.

"Edi kung wala ka. Edi uuwi na lang ako kasi wala ka eh" nakangiti pa din niyang sabi.

"Nakakahiya kaya sayo" sabi ko.

"Nope for me it's not. Worth it naman" masayang sabi niya.