Chereads / **That Girl** / Chapter 2 - PAPARATING

Chapter 2 - PAPARATING

Umaga na naman hindi pa nagsisimula ang araw ko pero ramdam ko na ang pagod. Pero kailangan kong kumilos kaya kaagad din akong bumnagon para maghanda sa pagpasok.

"Buti naman at gising ka na" sabi ng pinsan ko.

"Iha gising ka na pala halika dito kumain ka muna bago ka pumasok" sabi ng tita ko.

"Salamat po pero busog pa po ako" kahit na kagabi pa ako hindi kumakain dahil hindi ako tinirhan ng pagkain ng pinsan ko. Saka ayaw niyan naman akong nakakasabay ng pinsan kong babae.

"Ay Mabuti naman edi umalis ka na" bulong na sabi ng pinsan niya pero narinig pa din niya.

"Tita pasok na po ako" may sasabihin pa sana ang tita niya pero agad itong tumalikod at naghanda para umalis.

Ngayon ang poproblemahin ko na lang ang agahan ko para sa araw na to. Sa kalagayan ng pera ko hindi na akong pwede kumain kung gusto ko pang makapanghangalian saka umuwi medyo malayo layo din kasi ang school na pinapasukan ko. Kaya hanggang maari gusto ko magtipid hindi naman kasi ganun kalaki ung sinasahod ko sa library. Pinagkakasya ko na ang kinikita ko dun sa buong linggo buti na nga lang linggohan ang bigay sa library kaya nabubudget ko naman ung pera ko hindi naman na kasi ako humihingi pa kay tita dahil siya na ang nagbabayad sa school ko gusto ko naman makatulong dahil hindi na niya ako masyadong pinapatulong sa bahay. Kaya sa ganitong paraan ay makatulong man lang ako sa kanila.

"Omg ewww" sabi ng isang sikat sa school na pinapasukan ko.

Ganyan naman sila kapag nakikita nila ako hindi nila alam na may pinsan ako dito dahil yun din ang bilin ng pinsan ko. Kapag daw may nakaalam na magpinsan kami papalayasin niya daw ako sa bahay nila.

Sinunod ko na lang ang gusto niya kaya kapag nasa school kami at kasama niya ang mga kaibigan niya hindi ko na siya pinapansin katulad ng gusto niya. Minsan ko na din siyang narinig na sinabihan ako ng masasakit na salita.

Pero kapag walang nakakakita samin at may kailangan siya sakin dun lang niya ako kakausapin. Pero sinisiguro niyang nasa tagong lugar kami na wala talagang makakakita samin.

Umaga naman ang duty ko sa library habang sa hapon naman ang mga class ko mas okay yun sa totoo lang kasi konti na lang ung tao hindi katulad sa umaga madami. Minsan madaming tao sa library minsan din hindi depende katulad ngayon hindi gaanong madami.

"Iha pwede bang pakibalik na ang mga libro na yan sa mga shelves nila" utos ng head librarian.

Tatlo lang kaming assistant dito sa library ung dalawa sila ung nasa reception ako taga ayos ng libro mas gusto ko naman to kesa nasa reception.

Kaagad ko naman sinunod ang utos ng head librarian.

"Hi" sabay palo sa pwet ko.

Napatingin ako sa humawak ng pwet ko nakangisi lang siya saka kinindatan pa ako.

"Bakit mo ko hinawakan?" kinakabahan kong sabi.

"Ganda kasi saying naman kung hindi ma-aapreciate" dahan dahan lumapit ung lalaki. Umaatras naman ako habang papalapit siya.

"Hindi yun tama nambabastos ka umalis ka na bago ako sumigaw" ngumisi lang ung lalaki. Tumama ang likod ko sa matigas na bagay.

Nasa dulo na pala ako ng library lalong lumaki ang ngisi ng lalaki.

"Sa tingin mo may tutulong sa'yo?" tanong nung lalaki.

Hindi ako nakasagot dahil possible talagang walang tumulong sakin dahil walang ngang gustong lumapit sakin na kahit sino.

"Mukha ka naman masarap" tiningnan niya ako mula ulo ang hanngang paa. Na may pananabik.

"TU----" agad niyang tinakpan ang bibig ko. At dinikit ang katawan niya sakin.

"Tangina sisigaw ka pa eh" galit niyang sabi bigla naman lumabas ung iba pang mga lalaki.

"Brad bilisan mo baka may pumunta dito" sabi ng kaibigan ng lalaking tumatapik ng bibig ko

"Penge ng akong panyo saka ung iba tulungan niyo ako" dali dali naman kumilos ung iba niyang kaibigan.

Isa lang ang look out niya iniharang nila ung cart ko na puno ng libro. May nakahawak sa kamay ko at paa habang ung lalaking pumao sa pwet ko ay nasa pagitan na ng hita ko pilit tinatanggal ang damit ko habang nagpupumiglas ako.

"Puta naman ang likot nito!" sabi ng lalaking pumalo ng pwet ko.

"Sirain mo na kasi" sinunod naman nung lalaki. Pinunit niya ang damit ko pati na din ang bra ko. Pilit akong sumigaw pero dinidiinan ng lalaking tumatakip sa bibig ko ang kamay niya.

Lalong lumaki ang ngisi ng lalaking nakapatong sakin agad niyang hinalikan ang leeg ko pababa sa dibdib ko pinaglaruan niya na parang isang laruan.

"Brad may parating!" sabing look out nila.

"Paalisin mo hindi pa ako tapos" sabi ng lalaking nakapatong sakin.

"Gago si captain!" takot na sabi ng lalaking look out.

"Shit!" agad akong binitawan ng mga lalaki.

Bakas ang takot sa mga mukha nila kaya agad nilang inayos ang mga sarili nila. Umalis sila ng sabay sabay kaso huli na dahil naabutan sila ng Captain na sinasabi nila.

"Anong ginawa niyo dito? Dapat nasa practice kayo?" ma-awtoridad na sabi ng lalaking tinatawag nilang captian.

"May hinahanap po kasi kaming libro sana" sabi ng lalaking pumalo ng pwet ko.

Tumayo na ako mula pagkakahiga inayos ang damit ko mula sa pagkakapunit hindi ko alam kung paano ako papasok sa class ko ng ganito ang itsura. Nakita kong dinungaw ako ng lalaki tinatawag nilang captain.

"Pumunta na kayo sa practice hindi pa ako tapos sa niyo" agad naman nagtanguan ung mga lalaki at umalis na.

"Anong ginawa nila sa'yo?" tanong niya habang hinuhubad ang jacket na suot niya.

"Attempted rape" sabi ko.

"Here suotin mo to. Lalo kang pagpipiyestahan sa labas kung yan ang itsura mo" seryoso niyang sabi.

Tinanggap ko ang jacket na inooffer niya dahil alam kong wala naman akong ibang mahihiraman ng damit.

"I'm sorry. I will assure you that they will face the consequence of what they did" galit na sabi ng lalaki.

"ikaw bahala. Pero baka walang maniwala sa'yo baka sabihin pa nila na baka ako ng may kasalanan kasi na nilandi ko daw sila. Na buti nga sakin kasi malandi naman ako. Baka magmukha kang katawa-tawa kaya ikaw bahala saka hindi naman sila titigil paniguradong babalikan nila ako lalo na sinabi ko sa'yo na attemped rape ung nangyare" sabi ko habang sinusuot ung jacket niya.

"I will sure na hindi ka nila babalikan and mapapatalsik sila sa school na to" tiningnan ko na lang siya at hindi na ako muling nagsalita.

Bigla na lang siyang umalis habang ako pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko. I need to move forward kahit na may hindi magandang nangyare sakin.

Dahil wala naman akong magagawa walang maniniwala sakin.

Pagkatapos ng nangyari kaninang umaga wala naman na nangyari pang iba gusto ko na lang matapos tong araw na to para makauwi na din ako dahil pagod na ako.

"Thank you iha bukas ulit" sabi ng head librarian.

"Salamat din po mauna na po ako dahil may pasok pa po ako" paalam ko sa head librarian.

"Iha ito pinapabigay sa'yo. Siya daw ang may-ari ng jacket na suot mo" tinanggap ko na lang ung binigay ni head librarian ayoko naman kasing isipin niyang maarte ako siya na nga lang ung mabait sakin eh.

"Salamat po" nginitian ko muna si head librarian bago ako umalis pero sinilip ko muna ung laman ng paperbag.

Damit ang laman ng paperbag mukhang bumili pa siya sana hindi na siya nagabala pang bumili. Mukha pa naman mamahalin ung damit wala akong pambayad.

Dumiretso na ako sa banyo para magpalit lahat ng size ng bra binili niya pati na din ang damit. Maingat kong tinupi ang mga damit kong napunit tatahiin ko na lang sa bahay mamaya pwede pa naman to.

Agad na siyang nagpunta sa kanyang class ayaw naman niyang mahuli sa unang subject niya. Konti pa lang kami pumunta na ako sa upuan ko sa may likod kasi mas okay dun hindi masyadong pansin.

Unti unti na dumadating ung mga tao katulad ng dati nakayuko lang ako hanggang sa pumasok na ung prof namin.

"Narinig niyo ba?" sabik na sabi ng classmate ko.

"Ang alin?" sabi ng kaibigan niya.

"May muntik daw may marape sa lib kanina" napaangat ako ng ulo.

"Weh? Grabe totoo ba yan?" kuryosong tanong ng kaibigan niya.

"Sabi pero hindi ko alam kung totoo. At kung sino. Kaya nga tinatanong ko kung narinig niyo ba" umupo na ung classmate kong nagkukuwento.

Hindi ko na masyadong narinig ung usapan nila dahil dumating na ung prof namin.

Hindi ko akalain na kakalat kaagad ung nangyare dahil kadalasan hindi naman nagiging usap-usapan lalo na kapag ako ang involve maaring sabihin nila na tama lang na nangyari yun sakin dahil masama ako pero ngayon walang nabanggit kung sino kaya ba naging usap usapan?

Sana mawala na ang usapan makalimutan na kaagad katulad ng dati.