Gabi na nang maka uwi si Serene galing sa part time job niya maaga siyang nakauwi ngayon dahil nagkaroon ng emergency sa store na pinagtatrabahuhan niya kaya maaga din itong nag sarado.
Mag isa na sa buhay si Serene tanging ang Auntie niya na umampon sakanya na lang ang mayroon siya ngayon. Hindi naman naging malungkot ang buhay niya dahil inaalagaan naman siya ng kanyang Auntie na parang tunay na anak nito. Hindi kasi nag asawa ang Auntie niya kaya ng mamatay ang mga magulang ni Serene ay nagpasya itong siya na ang mag alaga sakanya, ang kaso hindi naman sila katulad noong iba na may kaya sa buhay. Kailangan pa nilang magbanat ng buti para may makain lang sa buong araw.
Hindi kayang pag aralin ng kanyang Auntie si Serene kaya wala siya ng nagawa kundi ang maghanap ng trabaho para supportahan ang pag aaral niya. Ganun na lang ang tuwa ni Serene ng may mabait na tumanggap sakanya sa trabaho kahit part time lamang ito.
"Hi Miss, ang ganda mo naman" sabi ng isang kalalakihan nang mapadaan siya sa isang bahagi ng lugar nila na hindi ganoong matao.
Agad na umahon ang kaba kay Serene,pakiramdam niya ay may mangyayaring masama sakanya. Nakailang dasal na siya sa isip niya na sana huwag na siyang lapitan ng mga ito pero nagkamali siya.
Natagpuan na lang niya ang sarili niyang nagmamakaawa sa mga ito pero walang away siyang binaboy ng mga lalaking iyon. Hindi lamang iyon, dahil hindi pa nakuntento ang mga ito at sinaksak pa siya sa tagiliran bago siya iwan.
Isa lang ang nasa isip ni Serene ng mga oras na iyon. Hindi siya maaring mamatay, hinihintay pa ng kanyang Auntie ang pag uwi niya.
Gusto niyang sumigaw para humingi ng tulong pero kahit ang imulat ang kanyang mga mata ay hindi niya kaya. Siguro ay ito na nga ang oras niya, ngayon nga ay nakikita na niya si kamatayan sa harap niya. Nakasuot ng kapa'ng nakahood dala ang kalawit niya.
Gusto niyang makiusap dito na huwag muna, huwag muna siyang kukunin pero huli na dahil natagpuan na lang niya ang sarili na buhat ni Kamatayan at hindi malaman kung saan dadalhin.
Hindi na ito nakabalot sa itim niyang tela, mula sa tayo niya ay kitang kita niya ang hitsura nito.
'Gwapo' iyan ang unang pumasok sa isip niya ng makita niya ito.
Hindi siya makapaniwala na si kamatayan ang may buhat sakanya ngayon. Kung hindi niya lang nakikita ang kalawit na nakasabit sa likod nito ay baka isipin niyang ito na ang Prince Charming niya.