Chereads / The Unexpected Connection / Chapter 1 - Chapter 1

The Unexpected Connection

Gladys_Malatamban
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 2.4k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter 1

Ako si Lia Carpio. I grew up almost alone.

Ang lola ko lang lagi kong kasama. Pero madalas, nasa palengke siya para magtinda ng karne ng manok at baboy. Maaga namatay ang nanay ko, 5 years old pa lang, wala na kong mga magulang. Yung tatay ko, hindi na bumalik. Basta ang sabi ni lola, wag ko na lang daw tanungin para sa ikakabuti ko, kapag nalaman ko daw, baka magbago ang takbo ng buhay ko.

Pero gabi-gabi, simula ng magkaisip ako, iniisip ko kung nasaan na siya, alam kong hindi pa siya patay. At kung bakit hindi nila masabi sa akin kung anong nangyari sakanya.

Si Lola, masyado nang matanda. Hindi ko alam kung makakaya kong wala nang makasama, kahit ayoko siyang mawala, alam kong may hangganan ang lahat ng tao. Pero araw-araw gusto kong malaman ang totoo. Nasaan kaya siya? Basta ang alam ko lang, 3 years old ako nung hindi na siya bumalik. Ang sabi ng iba kong kamag-anak, ginawa niya yun para sa akin. Kaya daw buhay pa ako ngayon. Pero bakit? bakit hindi na siya bumalik?

-------------

" Besh, hanap ka ni Prof. Rogelio, hinihintay daw yung soft copy ng presentation mo sa Monday."

Ika ni Lara, ang class secretary namin sa klase, na bestfriend ko din.

4th year college na kami sa St. Therese College, scholar ako dito, wala akong binabayaran bukod sa pamasahe at baon araw-araw. Hindi naman ako makakapasok dahil kapos din kami, pero salamat dahil nasa honor ako nung high school, kaya nakapagexam ako at nabigyan ng scholarship.

"Ah sige, besh, salamat. May gagawin ka ba after ng presentation nyo?" tanong ko.

" Wala naman, bakit? may pupuntahan ka ba?" pag-uusisa niya.

" Tingin mo ba... may chance na mahanap ko tatay ko? Balak ko sana magresearch mamaya sa internet cafe, malay mo, may makita ako."

Napatigil siya sa pagsusulat.

"Lia, sure ka ba? Gusto mo makita ang tatay mo? After, hmmm, 13 years na di mo sya nakita? "

"Oo, gusto ko siya makilala, gusto ko siyang tanungin ng marami kung bakit siya umalis, kung bakit wala man lang siyang paramdam... alam mo yun, natiis niyang hindi ako makita o makasama? at nung namatay yung mama ko, wala rin siya. "

Napahawak si Lara sa kamay ko.

"I know besh, ang hirap niyang sitwasyon mo noh? Kayo na lang dalawa ng lola mo, yung mga kamag-anak nyo ang lalayo tapos di mo pa kilala. Sige, wag kang mag-alala, after nito tutulungan kita. Ano bang pangalan niya?"

Napaisip ako, sa tagal ng panahon, walang nabanggit si Lola tungkol sa kanya, pero kung tatanungin ko siguro yung mga kamag-anak sa side ng tatay ko, masasagot nila ako. Kaso... maski sa side ng tatay ko wala akong kilala. Kaya nga masasabi kong tunay akong lonely person. Hays.

"Ang tanda ko lang, tinatawag siya ng nanay ko dati na Leonardo kapag nag-aaway sila noong bata ako" Sagot ko.

" Hmm, eh di Leonardo Carpio ang tunay niyang pangalan? medyo natatawang tanong ni Lara.

" Mukhang ganun na nga."

____

Alas kwatro ng hapon, hinintay ko matapos ang presentation ng grupo ni Lara, tanging mga professors lang sa College of Business ang pwedeng manuod at iilan lang sila. Powerpoint Presentation tungkol sa Current Status of Philippines Economy in 2019 ang topic nila at kailangan nila itong depensahan.

"Hey babe!" sigaw ng nasa likod.

"Ay butiki!" Napasigaw ako ng bigla na lang may umakbay sa kanang balikat ko. Paglingon ko, akala ko si Lara, pero isang estranghero lang pala, mukhang senior student siya pero mukhang hindi din estudyante dahil sobrang professional ng suot niya.

Nagulat din siya sa naging reaksyon ko at mabilis na tinanggal ang kamay niya sa balikat ko.

"Ay Miss, pasensya na, hindi sinasadya, akala ko yung... yung kaibigan ko." sabay ngiti na may halong pagkapahiya.

Napatitig din ako sa kanya at mabilis na inalis yung tingin ko.

"Ah, sige... okay lang po, sir." Nagdadalawang isip ako kung ano bang itatawag ko sakanya.

In my 20 years of existence... first time lang may tumawag na babe at umakbay sa akin na lalake, kaya hindi ko maipaliwanag yung pakiramdam na yun.

"Pasensya na talaga, akala ko talaga ikaw. Sige Miss, alis na ako." Sabay takbo niya at tila may hinahanap.

"Okay... " pahabol ko. Ewan ko ba, bigla na lang

may kakaibang naramdam ako sa sistema ko, di ko maipalawanag.

Inalis ko na lang sa isip ko at kinalimutan yun.

Siguro ganun talaga ang pakiramdam kapag may di inaasahang pangyayari.

Maya-maya pa, dumating na si Lara. Nakakapagod din manuod ng mga nag-vovolleyball na ibang students ah. Yung pinipigilan kong sumigaw kasi nakakaexcite yung laban pero wala naman akong kasama sa bench para sumigaw.

Tinawanan pa ako ni Lara pagdating niya.

" Nakakaloka. Kanina ka pa ba? may nakita ka bang oppa?" tanong niya habang inaalis ang upuan na may kaonting dahon na kulay brown na sa pagkatuyo.

Pagkasabi nya nun, naisip ko agad yung lalaki kanina. Pero di ko na lang kinwento dahil macucurious nanaman si Lara at mang-aasar.

"Wala nga eh. Tsaka busy ako manuod ng volleyball. Ang gagaling nila oh." sagot ko.

Napatango na lang siya. "Ano tara? Hanapin na natin si daddy mo?"

Bigla na lang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit. Excited ako na natatakot na natutuwa. Di ko mawari. First time ko kasi to gagawin. At alam kong walang kusang nagbabanggit ng tungkol sa tatay ko sa pamilya namin, pero kahit anong pigil nila, gustong gusto ko siya hanapin. Siya na lang ang makakasagot sa malaking puwang sa buhay ko at ng tanong na araw-araw di ko mahanap nag sagot... bakit niya kami iniwan? bakit walang dahilan? o kung bakit tila bawal kong malaman ang dahilan?

Minsan naiisip ko, anak ba ko sa labas? Nakidnap lang ba ako? Nakita lang ba ako sa labas ng simbahan? Or worst, mali ba na nabuhay ako kaya nililihim nila to sakin?

Sana matapos na ang mga tanong.

Sana mahanap ko na.

Sana maging maayos ang lahat.

Pagkatapos kaya nito, mabubuo na ba ako?

Makikita ko na ba ang dahilan ng existence ko?

Sana. Sana talaga.