Chereads / Messed Up Love: A Husband's Regret / Chapter 1 - The Marriage

Messed Up Love: A Husband's Regret

🇵🇭CutieQuinn
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 4.9k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - The Marriage

"Mom! What are you talking about?! Na kailangan ko na umuwi ng Pilipinas para sa kasal ko?!" Nagulat si Max sa sinabi ng kanyang ina sa videocall nila na kailangan na nyang umuwi sa Pilipinas upang ikasal sya sa anak ng isang businessman.

"Hijo, matanda na kami. Gusto ko naman na makahawak ng apo. Isa pa, sya ang tumulong sa kumpanya natin na makabangon muli. Maganda, matalino at mabait na bata si Krista. At saka nakakasigurado kami ni Daddy mo na magiging masaya ka sa kanya."

"And how sure you can be? You're not the one who will get married! I am! And I have a girlfriend!"

"For a month." Seryosong sagot ng kanyang ama. "You always change your woman kaya wag mong ipagmalaki sa akin na may girlfriend ka. Be man enough, Maximo. We already set the date with her mom and if you cannot make it in time, we'll fly to US just to make it happen."

"If you wanna know everything about her, I already sent you the Letterbook account. There, you will find everything that you want to know. Max, she's a fine woman. You'll learn to love her. I'm sure."

"Why did you do this to me? You're my parents. You should be the one to support me. The one to help me fulfill my dreams and goals in life. I am a doctor now. And I'm trying to help you in any way I can!"

"She likes you, Max. She already know almost everything about you. Just give yourself some time to know her and soon you will learn to love her too. We do love her already." Nakangiting sambit ng Mommy nya.

The videocall ended after a few minutes of debate about his soon to be wedding.

Maximo Javier Rivera is a neurosurgeon. He is also a pediatrician. Kumuha sya noon sa Pilipinas ng kursong medisina dahil sa pamangkin nyang si Marrah na may cerebral palsy. Graduating na sya nung mamatay ito. He's so heartbroken kaya nang makatapos sya ng pag-aaral ay nagtungo sya sa US para ipagpatuloy naman ang pag-aaral at maging isang neurosurgeon.

Tatlo silang magkakapatid. Namatay sa aksidente ang kanyang ate Mariah at ang asawa nitong si Raymond. Kasama nila noon ang kanilang anak na si Marrah na 4 months old palang noon. Nadiagnose ito na may shaken baby syndrome dahil sa aksidente. Nagkaroon ng komplikasyon ang bata at nadiagnose na may cerebral palsy at permanent vision loss.

Excited na si Krista sa kasal nila ni Max. Hindi man nya ito nakikita pa ng personal, ramdam pa din nya ang pagmamahal nito dahil sa araw-araw nilang chat sa letterbook. Masaya ito dahil pumayag sya sa kasal kahit na 3 months palang ang communication nila. Never pa silang nagvideocall o tumawag man lang sa isa't isa. No, she tried to call twice. Pero hindi nito sinasagot dahil busy daw sa trabaho. Naintindihan naman nya dahil alam nyang mahirap maging isang doctor. Bestfriend nya si Tintin na isa ding doctor. Kung pagbibigyan sya, si Tin ang gusto nyang maging maid of honor nya pero dahil busy ito sa trabaho, napalitan ito ng pinsan niya na si Irish.

Sa palitan nila ng mga pictures at araw-araw na mga ginagawa nila, parang daig pa nila ang magkakilala na ng ilang taon. Lahat ng hobbies nila ay alam na ng isa't isa. Ang favorite food pati na din ang mga pagkain at mga bagay na may allergy sila ay alam na din nila.

Few days bago ang kasal nila, she made a book to remind herself kung ano ang dapat at di nya dapat gawin kapag mag-asawa na sila ni Max. Nag-enroll na din sya noon sa cullinary school at ilang araw nalang ay graduation na nya. Ginawa nya iyon para mailuto nya ang mga paborito nitong pagkain. Sabi nga nila, the best way to show how you feel to a person you love is by cooking their most favorite food. Max is a busy person, kaya alam nya na wala na itong time na magluto para sa kanyang sarili.

Few days bago ang kasal nila, nakipagmeet si Krista sa mga kaibigan nya sa paborito nilang coffee shop. Nagkwentuhan lang sila tungkol sa career nila at nag-share ang mga may asawa na tungkol sa married life nila- kung ano ang advantage at disadvantage at kung ano yung mga bagay na nabago sa kanila.

"Si Migz ang nagluluto ng pagkain namin. You know, he's a chef and I'm a professor. We're planning to have a child pero hirap pa kami dahil lagi kaming stressed at pagod sa trabaho." sabi ni Trina habang humihigop ng espresso.

"Yeah, why don't you and your husband go on a vacation? When you're planning to have a baby kailangan pareho kayong healthy." suggest ni Tintin habang kumakain ng chocolate cake.

"Having a baby is a big responsibility. But it will make a family complete. It will bring joy to everyone. When Zandra came to my life, yung madalas naming pagtatalo ni Chris, nawala. Nagkaroon kami ng strong bond pati na din yung selosan nawala. Mas naging sweet din sya sakin lalo na kay Zandra." kwento din ni Jannah.

"Oh, wait! I almost forgot... I brought you guys some lasagna. I baked it kanina. I want you to try it guys kasi Marco wants me to know how to cook para daw kapag mag-asawa na kami makatipid kami sa gastos dahil pareho kaming hindi marunong magluto." inilabas ni Bettina ang isang container na may lamang lasagna.

Isa-isa nilang tinikman ang luto ni Bettina.

"Hmmm... Bett, medyo maalat sya pero masarap naman. Konti nalang, mapeperfect mo na." sabi ni Jannah habang ngumunguya.

"Thanks!" masayang sabi ni Bettina. "I'm trying my best para magwork yung relationship namin ni Marco. And at least, kahit papaano nalaman ko na nag-iimprove yung skills ko." nakangiti syang pinagmamasdan ang mga kaibigan nya habang kumakain.

"Krista, you should know how to cook din kasi I heard lagi daw busy ang fiance mo sa trabaho." sabi ni Trina

"Kapag mag-asawa na kami, I'll make sure na makakakain sya ng pagkain na luto ko. I'll make sure na masarap yun at paborito nya. And I'll never make him hungry kapag nasa work na sya."