Chereads / Private Eyes / Chapter 2 - Chapter 2 - "Ignotum Per Ignotius"

Chapter 2 - Chapter 2 - "Ignotum Per Ignotius"

Unknown by Unknown

I felt my body as light as a feather while floating in a place without anything, I could only hear a loud silence of darkness, I couldn't see a single thing, but not until, a yellow flower is getting closer and closer to my sight seemingly going through my eyes.

It is a familiar flower, it looks like the woman in Gardenia Flower Shop gave me. Daffodil ata ito. Itinaas ko ang aking kamay at inintay itong bumagsak sa palad ko, nang tingnan ko ang bulaklak ay unti-unti itong nagiging abo at nililipad ng hangin hanggang sa mawala na nang tuluyan.

Pagkawala ng bulaklak ay siyang pagkaalis nang pagkakalutang ko, bumigat na ulit ang aking pakiramdam, nanlaki ang mata ko nang maramdam ko ang mabilis kong pagbagsak sa kawalan.

I yelled as I continue to fell and then woke up surprisingly.

I breathe heavily as I removed the sweat in my forehead.

"What was that?" I said to myself, I roamed my sight in the place I woke up, I frowned because I am at my room and it is already morning. "What the hell happe一" napatigil ako dahil naalala ko kung anong nangyari kagabi.

Hinawakan ko ang aking leeg para pakiramdaman kung masakit ngunit wala akong naramdamang kahit ano, sinunod ko naman ang paghawak sa aking ulo at tingin sa aking kamay kung may dugo ngunit wala ring kahit ni isang patak ng dugo, I also looked at both of my wrist but there is no black ribbon.

It's impossible to be a dream because everything felt so real and I also felt how he hammered me.

I don't understand what is happening today. I don't understand why I woke up without any injuries or even pain.

This is absurd. Was it really a dream? Or I am just dreaming right now?

I flinched when the door of my room opened. It is my mom wearing her favorite apron.

"Kanina pa kita ginigising bata ka! Napaka tulog mantika mo talaga," she said, ang nangyayari ngayon ay parang makatotohanan din. "Tumayo ka na, Saniya, tara na at baka malate ka pa sa school," hinigit ako ni Mama at itinayo.

Napatigil ako sa paghigit niya sa akin dahil sa narinig kong school. "Anong school, Ma?" tanong ko. Tama ba ang nadinig ko o hallucination lang?

"Okay ka lang, Saniya? Pati School hindi mo na rin alam ngayon?" binatukan niya ako, napa-aray ako doon. "Napasok ka sa school araw-araw pero hindi mo alam ang school, susumbong kitang bata ka sa Papa mo," lumabas si Mama at iniwan ako.

Susumbong kitang bata ka sa Papa mo.

What the hell is happening? Did my mother just say she will talk to my father and whine about me not knowing the meaning of a school? But my father is already dead.

To leave all the doubts in my mind, I left my room and looked for my mother.

Nakita ko si Shiloh na nakain ng cereal and he looked a lot like his past self, the time when he is only 17 years old.

I don't know what is happening, bakit parang dejavu ang nangyayari ngayon?

Tiningnan ko ang aming kitchen at doon nakita ko ang likod ni Mama at likod ng isang pamilyar na lalaki, naka-longsleaves siyang kulay itim habang naka-apron, magka-usap sila ni Mama.

"Papa," nasambit ko. It's my father, alive. A tear fell in my eyes.

Tiningnan nila akong dalawa.

"Ayan pagsabihan mo iyang si Saniya, Sancho, pati school hindi一" natigil si Mama sa kaniyang pagsasalita. "Bakit umiiyak ka? Anong nangyari sayo?" tanong niya sa akin pero hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin ang ama ko.

Siyam na taon ko na siyang hindi nayayakap at kung panaginip man itong nangyayari ngayon yayakapin ko ang tatay ko habang may pag-asa pa ako.

"Saniya, para namang ilang taon tayong hindi nagkita ka?" pabirong sambit ni Papa.

Mas tumindi ang pag-iyak ko. "I miss you so much, Papa," I said as my voice crack.

I really missed him so much.

"Kahapon lamang Enero 21, 2010, natagpuan ang Animal Activist na si Louie Villarama sa kaniyang bahay sa South East Subdivision," napatingin ako sa radyong nakabukas.

Umalis ako sa pagkakayakap kay Papa.

"Pa, Ma anong date po ngayon?" tanong ko.

"Enero 22, 2010," sabay nilang sagot.

I was puzzled. I remember it is 2019 but why am I at 2010? Panaginip ba talaga ito? Anong ibig sabihin nito?

Nothing makes sense. I am certain I am murdered and supposedly already roaming around like a dead soul, but what is happening right now? And why does this dream feels so real?

Parang totoo ang panaginip kong ito kaya mas naguguluhan ako, nang malaman ko rin ang araw ay nagulat ako dahil nakakapagtakang nasa past ako, exactly nine years and five months before June 22, 2019.

We are now in front of the dining table, they are eating for breakfast while I don't, I couldn't dare to touch my food, it is not that I don't have an appetite to eat but because I am in a befogging situation.

"Anak, bakit hindi mo ginagalaw pagkain mo?" I looked at my father, his forehead in frowning.

"Okay ka lang ba?" sunod na tanong ni Mama, worried din ang itsura niya. I tried to smile at them, just to make them think I am fine一even though I don't.

Kinuha ko ang kubyetos na nasa magkabilang gilid ng aking plato. "Kakain na po ako," sambit ko sabay tusok ng tinidor sa hotdog.

This really feels like a dejávù to me. 9 years ago, every morning, I used to eat with my family before going to my school, parang tulad ng nangyayari ngayon, kung nasaan ang pwesto ni Mama, Papa, at Shiloh ay siyang pwesto rin nila noon sa tuwing mag-uumagahan kami.

Masyadong makatotohanan para maging panaginip.

Is this really a dream?

Am I just dreaming while my body is getting revived?

Or I am in a coma and what is happening right now is just a delusion of my mind's subconsciousness?

Or worst I am already dead and this is nothing but a flashback momentum of the deities for me?

Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Wala akong ideya sa nangyayari ngayon.

Napatigil ako sa pagkain.

"Ma," I said as I look at my mother.

Tumigil rin siya sa pagkain. "Bakit, anak?"

"Pwede bang batukan mo ako ulit?"

Kumunot siya.

"Anong trip mo, ate?" tanong ni Shiloh habang nakatingin sa akin at mukhang hindi siya makapaniwala sa sinasabi ko. "Lah, masakit mamalo si Mama, ah?" dagdag niya pa.

Hindi ko na siya sinagot bagkus ay ibinaling ko muli ang mata ko kay Mama na ganun pa rin ang itsura, mukhang galit. "Dali na, Ma, masyado kasing mahina yung kanina kaya siguro hindi ako nagising," pagmamakaawa ko.

Nanlaki ang mata niya, tumayo at akmang babatukan sana ako, I almost flinch and she wasn't able to hit me because father stopped her.

"Kalma, mahal," natatawang pinaupo ni Papa si Mama.

"Nang-aasar ata iyang anak mo kaya pagbibigyan ko na, lalakasan ko para magtino."

"I would prefer that, Ma一" I wasn't able to finish my sentence because my father talked.

"Saniya, bakit ang weird mo ngayon? Nag-uumpisa ka na bang magdalaga? Sa wakas?" I could hear teasing from his voice that's why I sighed.

Ayoko pang gumising dahil nandito si Papa pero ayoko ring magstay dahil mararanasan ko na naman iyong sakit na mawalan ng mahal sa buhay一sandali, it's only January 22, 2010 now, right? That means it is still five months away before my father's death.

If this a dream I can't change anything, how I wish I am really in the past to save my father from dying and save myself from getting murdered by that asshole as well.

But nothing is for sure, I am not sure if I am really in the past and I am not even sure if this is actually happening.

I tried to act normal and not babble anything about waking up.

Nang matapos kaming kumain, pinilit ako ni Mama na maligo na dahil may pasok pa raw ako, sinunod ko naman siya at nag-ayos na rin.

As far as I can remember I am a first-year college student in this time, but I don't remember anything that happened, great, am I having amnesia in my dream, delusion, flashback, or whatever this is?

Pumasok na ako sa kwarto ko para magpalit ng damit, pinapatuyo ko ng towel ang aking basang buhok. Napasinghap ako nang makita kong napakagulo ng bedsheet. I forgot to fix it because I am in such a hurry awhile ago.

Kinuha ko ang blanket para tiklupin kaso ay may narinig akong pagbagsak ng bagay sa sahig, parang may metal na bagay na bumagsak.

Hinanap ko kung ano iyon, and I frowned as I saw it.

It is the expensive-looking and glamorous vintage golden clock last time!

Dinampot ko ito at mas kinagulat ko ang nakikita ko ngayon, the clock's hands are moving, I could hear the ticking sound also.

Isn't this broken? And why is it here?

"Ate anong oras na raw 'di ka pa lumalabas sa kwarto mo! Baka malate ka na naman!" dahil sa sigaw ng kapatid ko, kinuha ko na ang bag ko at inilagay ang orasan doon, hindi ko maintindihan pano iyon napunta sa akin, pati dito sa aking panaginip, it's weird.

Lumabas ako nang kwarto na hindi alam ang itsura and I don't mind knowing how I look because I am confidently beautiful with a heart.

And Morgan always tell me I am beautiful no matter what I wear, whether I wear a dress, shirt, leather jacket, and pants or a police uniform, he always compliment me as the most beautiful girl in his eyes, kaya sigurado akong okay lang ang itsura ko ngayon sa suot kong uniform, bigla ko namang namiss suotin ito.

Bumungad sa akin si Shiloh na naka-uniporme din, magkaschoolmate nga pala kami, ang kaso ay third year high school pa lang siya, this time there is no senior high school yet which I think better, ang failure ng K-to-12 based on my opinion.

May iniinom siya na yogurt drink, natakam ako kaya inilahad ko ang kamay ko sa kaniya.

"Gusto ko din niyan," tiningnan niya lamang ang palad ko at pinalo ito. "What the hell, Shiloh!" I galred at him.

"Ma, umeenglish na si ate oh!" sigaw niya at saka takbo papalayo sa akin.

Iginala ko na lang ang paningin ko at hinanap si Papa pero mukhang nakaalis na siya, meron sigurong emergency meeting sa Police Station kaya hindi na siya nakapagpaalam pa.

Napasinghap ako at napatingin sa malaki naming salamin sa sala, nagitla ako sa itsura ko.

Damn, I forgot I had short hair when I was 19 years old.

Another long sigh came out to my mouth.

"Nakalimutan kong ganito nga pala ang itsura ko," I said as I look at my reflection. Hindi ganon kalayo sa itsura ko bilang 28-year-old pero ayoko ng itsura ko ngayon.

"Itsura mong pangit?" ekstra ni Shiloh habang may inaabot sa akin yogurt drink, kinuha ko ito ng galit, his face is really annoying.

"I don't need your opinion, Shiloh, so shut up," binuksan ko ang yogurt drink at ininom ito.

Tumawa ang kapatid ko. "Puro ka na ata ingles ngayon, ate? Anong nakain mo? O baka naman nabagok ulo mo kaya ka natutong mag-ingles?" hindi ko na pinansin ang tanong niya.

I coughed as I face my handsome and talented brother. "Anyway, pareho tayo ng school 'diba?" I asked.

He nodded. "Bakit?" nakunot ang noo niya mukhang nagtataka siya bakit ko natanong ang aking tinanong.

Ngumiti ako ng sobrang laki. "Pede sabay na tayo? I suddenly一biglang gusto kong makasabay kapatid ko, e," pero ang totoo ay hindi ko na maalala kung saan ang school ko. Please save me, Shiloh, kahit sa panaginip lang o kung ano man ang nangyayari ngayon.

"Anong kapalit?" napairap ako, nakalimutan ko ganito nga pala ang kapatid sa mga panahong ito, gusto lahat ng utos, request o pabor may kapalit, buti na lang yung 26 years old na siya ay hindi na ganito.

Nag-isip ako kung anong pede kong ipang-suhol sa kaniya. "Digital video game?"

"Weh? Wala ka namang pera, ate, e," halata sa mukha niya ayaw niyang maniwala sa akin kaya kinalkal ko ang bag ko at hinanap ang aking wallet, siguro naman, may pera ako dito.

Nang makita ko ang wallet ko agad ko itong binuksan at nagulat ako sa nakita ko.

Walang laman ang wallet ko.

Napapikit ako, ganun ba ako ka-gastadera sa mga panahong ito? Pero bakit hanggang sa panaginip wala akong pera?

"Kita mo!" tumawa siya ng malakas.

"Ramdam ko sa instinct ko na may pera ako kaya maghintay ka," utos ko sa kaniya at sa loob ng bag ko may nakita akong envelope na may kulay pulang sticker na puso at doon tumambad sa akin ang sandamakmak na kulang violet na pera. "Kita mo? May pera ako!" pagmamayabang ko sa kaniya.

"Bakit ang dami mong pera, ate? Mukhang nasa tatlong libo ito ah?" tanong niya sa akin sabay kuha ng envelope, hindi ko rin alam sa totoo lang.

Kinuha ko pabalik ang envelope at inilagay ito sa bag ko, 3 thousand is not a small amount of money. "Marunong naman kasi akong mag-ipon hindi tulad mo," back-fight ko sa kaniya. "Oh, ano, papasabayin mo na ako? Seryoso ako dun sa bibilhan kitang digital video game."

Nag-akto siyang nag-iisip bago kinuha ang bag ko at sinukbit ito sa kaniyang braso. "Sige na nga, tara na."

Napangiti ako dahil ligtas ako, ligtas ako sa pagiging ligaw ko.

Kami ay naglakad lang papunta sa sakayan ng jeep, malapit lang naman iyon. Malapit lang ito sa Gardenia Flower Shop, hindi ko alam na meron na pala nito ng 2010. I suddenly thought what if this dream is to make me remember everything I forgot?

May lumabas na lalaki sa loob ng shop, tumingala siya sa langit saka bumuntong hininga, nakasuot siya ng brown na coat sa initan, okay, hindi ko kaya yung katapangan niya.

Nagstretch siya ng kaniyang kamay kaya biglang nagtama ang paningin namin, napakunot ako habang siya naman ay binigyan ako ng ngiti. I looked away.

He's weird.

Sumakay kami nang jeep at pinuno muna ito bago umandar, napakasikip at kalahati lang ng pwet ko ang nakahupo, worth it ba ang limang piso dito? Pero higit na mura na kesa sa presyo ng pasahe sa 2019.

Ayaw talagang mawala sa aking isipan bakit parang totoo ang nangyayari ngayon na nasa 2010, pero hindi ko maisip ang dahilan at paano ako napunta dito?

Nakarating akong school at nauuna si Shiloh, kinagulat ko nang pagkaguluhan siya ng mga babae at may mga inaabot sa kaniyang kung ano-ano pero nilalampasan niya lang ito, anong meron?

"Bakit ka pinagkakaguluhan?"

"Ate, tinatanong pa ba yan? Syempre dahil sobrang gwapo ng kapatid mo," muntik na akong mabilaukan sa sinabi niya. Ang lakas din ng batang ito porket maraming umaaligaid sa kaniya ngayon

Pero gwapo naman talaga ang kapatid ko. Hindi ganun kapayat at hindi rin ganun kataba, maputi siya, matangos ang ilong, mahaba ang pilik mata at makapal ang kilay, mapula rin ang labi niya, ayun siguro ang tipo ng mga nagkakagusto kay Shiloh kaya baliw na baliw na baliw sa kaniya.

Ewan ko lang kung masiyahan siya kung sabihin ko sa kaniyang sa hinaharap hindi na siya habulin ng babae, hindi ko rin alam ang dahilan, nag-layas kasi siya pagkatapos mamatay ni Papa at wala na akong balita simula noon hanggang sa malaman ko na lang na nasa Salim na siya doon nagtatago, at never pang nagkagirlfriend, pinilit ko siyang pumunta at least once a year kay Mama para sa death anniversary ni Papa at napilit ko naman siya.

Iniwan niya na ako at hinagis sa akin ang aking bag, napapikit na naman ako dahil hindi ko natanong kung alam niya ba kung nasaan ang room ko.

Distorted ang memory ko kaya hindi malinaw ang lahat.

Nakita ako ng sign ng female comfort room kaya naglakad ako papunta doon habang kinakalkal ang bag ko para hanapin ang schedule card, nagbabakasakali akong may section o room manlang na nakalagay doon.

Nasa tapat na ako nang CR makita ko ang schedule ko, napangiti ako sa saya. Finally!

I was about to leave the front door of the comfort room, not until, I heard a loud crack voice. Babaeng sumigaw ng, "Aray!", nakarinig din ako ng tawanan at pagsipa sa isang bagay. Because of curiousity, I entered the CR and there I saw 3 girls kicking someone.

Nag-init ang dugo ko dahil sa mga ngiti nila habang sinisipa ang babae.

My right eyebrow raised when a girl removed her black shoes with a 3-inches heel and tries to hit it to the other girl. Hindi ko napigilan kundi ang umeksena, hinawakan ko ang braso ng babaeng may hawak na sapatos at pinigilan siya sa akmang pagpalo sa isa pang estudyante na nanghihina na sa sahig, sa tingin ko ay lahat sila ay high School student lang, katulad kasi ito ng uniform ng kapatid ko.

Kinuha ko ang sapatos niya at ibinagsak ito. "According to Republic Act No. 10627, Section 2, "any unwanted physical contact between the bully and the victim like punching, pushing, shoving, kicking, slapping, tickling, headlocks, inflicting school pranks, teasing, fighting and the use of available objects as weapons is an act of bullying," therefore the three of you can be punished with what you just did, don't you think?" I glared at her, I saw one of the girls gulp with a terror in her eyes but the one in the middle raised her eyebrows, she even crossed her arms.

The nerve of this student is... wow, just wow.

"What is that Republic Activity一whatever you are talking about?" she asked. I don't remember saying activity? Is she making fun of me?

Tiningnan ko ang binully nila at may dugo nang lumalabas sa kaniyang bibig. Mukhang malala ang pagbugbog sa kaniya ng mga ito.

"Hey, ugly, I am asking you! Are you deaf?' tanong niya ulit.

Did she just said ugly? Did she call a detective ugly?

Saniya, don't fight a high student, you are a 28-year-old woman inside a 19-year-old girl, okay? paalala ko sa aking sarili.

I smirked. "It's a law that was signed last 2013一" napatigil ako sa pagsasalita. "Shit," bulong ko sa aking sarili, I forgot today is still 2010.

But why am I being bothered, anyway? This is not even real.

It doesn't even matter if I punish them also, right?

"Just shut up, girls, be ready to be punished today," I said as I clenched my first, simple lang naman ang gagawin ko sa kanila, judo lang naman.

(Republic Act No. 10627 or the Anti-Bullying Act of 2013 was signed into law on September 6, 2013. The law requires all elementary and secondary schools in the country to adopt an anti-bullying policy.)

I am now inside the Student Discipline Office, nahuli kasi akong ini-soto makikomi ang isa sa mga babaeng nambubully kanina sa banyo.

Nakaupo ako sa harapan ng aming Discipline Officer, nakataas ang kilay niya sa akin, she's younger than I expected, mukhang nasa 20s pa lang siya at ilang taon pa lang nagtatrabaho. She is still waiting for my reason for doing such a thing.

I can't help but wonder, bakit ako lang ang nandito ngayon? Bakit wala iyong tatlong mas may ginawang kasalanan?

And I feel like I've seen her before. Saan ko ba siya nakita?

"I was only helping the girl they are bullying, that's it," sagot ko habang nakatingin sa kaniya ng seryoso.

Suminghap siya. "Tama bang itumba mo siya sa sahig?" I also sighed, it is not even that hard!

"Miss..." tiningnan ko ang name plaque niya sa lamesa. "Diponi, wala akong ginawang masama, at iyong judo technique na ginawa ko ay basic lang, hindi naman siguro siya nabalian?" tanong ko, totoo naman ang sinabi ko ang liit lang din ng possibility na magka-injury siya sa throw na ginawa ko, bakit ginagawa nila itong big deal?

Dinuro-duro niya ako. "Beltran, iyang bibig mo, itikom mo, at ano yung sinabi mong Anti-Bullying act sa mga bata? Gumagawa ka ba ng sarili mong batas porket anak ka ng isang lowly employee ng pulisya?"

Nagpantig ang tenga ko sa aking narinig. "Ano pong sabi niyo?"

"Ang laki ng gulong pinasok mo, alam mo ba kung kaninong anak ang batang kinalaban mo?" she asked that made me raised ny eyebrow.

I smirked. "I am asking you, Miss Diponi, anong sinabi mo sa tatay ko?"

"Ah, iyon ba, iyong lowly employee ng pulisya ang tatay mo?"

Napatayo ako sa galit, napahawak siya sa kaniyang dibdib dahil sa gulat.

"Beltran!" suwesyon niya.

"Bawiin mo ang sinabi mo," I said as I glare at her. I don't care if she is older than me now or has an authority, what she said and did is still something I hate. "At, bakit ako lang ang nandito? Ako ba ang nanulak, nanakit at nanipa ng kapwa ko estudyante? Yes, there is still no Anti-Bullying Act right now but I can sue that girl for assault and I won't hesitate to volunteer and be a witness."

"How dare you glare and blackmail me?" tumayo rin siya at dinuro na naman ako, bakit lahat ng mga may masasamang gawain at nagpapamanipula ang hilig manduro?

"Oh, isasama ko rin pala ang pagiging biased ng school na ito, and you, as a Discipline Officer, you are the first one I will mention as a biased personnel here, sounds good, right?"

Nanlaki ang mata niya. I frowned. Bigla ko siyang namukhaan, shoot, Pola Diponi?

Napangisi naman ako.

"Anong nginingisi-ngisi mo?" tanong niya. "Hindi ko papalampasin ang kagaspangan ng ugali mo Saniya Beltran, mas matanda pa rin ako sayo!"

"You are the Presidential Candi一no, I mean Senatorial Candidate's Rolando Ruiz's mistress, aren't you?" I asked and she suddenly looked startled.

Pola Diponi一wow I didn't know she was a too good to be true Discipline Officer in my previous school, it is because I never been inside this place, I am a nice student back then一she is Rolando Ruiz's mistress at the moment, pero after 9 years siya na ang magiging asawa nito, I know it because she is Alexander's step-mother.

2012 magdidivorce ang mag-asawang Ruiz at eextra si Diponi, pero ayon sa mga paparazzi since 2008 may relasyon na si Rolando at Pola, at totoo iyon. At sa kasalukuyang panahon 2019 kasal na sila at wala ka nang makikitang articles about sa asawa ni Rolando noon, iba talaga nagagawa ng pera.

"Anong pi-nagsasasabi mo?" her voice cracks, she can't hide anything to me, even if this is just a delusion.

"Am I wrong? I am not, right?" I looked directly to her eyes and her pupil is starting to tremble, she is terrified, did I scare her for knowing her dirty little secret?

Someone entered the Guidance Office, ito yung babaeng binigyan ko ng leksyon, at muntik na akong matawa nang makita kong may suot siyang neckbrace, seriously?

Our eyes met and she just rolled her eyes and turned to her back, she yelled. "Daddy! Mommy! Ouch!" maarte niyang sambit.

Napairap ako, sigurado akong nagpapanggap lang siyang masakit ang leeg.

Napalingon ako sa papasok na mag-asawa.

They are wearing formal and expensive clothes, nang dumako ako sa kanilang mukha, I almost pop my eyes.

It is Mr. and Mrs. Ruiz.

That bully girl is their daughter?

Come to think of it, Alexander have a younger sister, so it's her? She is Alexandra Ruiz?

Bakit ang liit ng mundo? Kung mundo man ito.

At bakit parehong offender ang magkapatid na Ruiz?

Napasinghap ako.

I hope what I told Pola would wake up into her senses, I hope.

Umupo kaming lahat habang nasa harapan ni Miss Pola Diponi, tinitingnan ko ang pamilyang Ruiz, nagpagigitnaan si Alexandra.

"Totoo ba ang sinabi ng Discipline Officer ng school mo, Alexa? Nanakit ka ng kapwa mo estudyante?" tanong ni Mrs. Ruiz, she sounded so angry, I guess she is different from her husband, daughter and son.

"Mommy, I didn't, Daddy, look, Mommy is angry na naman sa akin," umirap siya, nakakairita ang batang ito, napaka pabebe!

"Love, keep calm okay?" sambit ni Mr. Ruiz sabay hawi ng buhok ng kaniyang asawa, tiningnan ko si Miss Diponi, she is clenching her fist, mukhang galit siyang nakikitang nakikipagharutan ang tunay na mag-asawa.

"Mr. and Mrs. Ruiz, I am sorry but I can't go against the rules of our school, kailangang masuspend ni Alexandra for a week dahil sa pananakit niya, nasa clinic ngayon si Girly Castro dahil sa ginawa ng anak niyo, I am sorry po."

Nakita kong kumunot ang noo ni Mr. Rolando Ruiz, he is probably confused why she is acting like this, even me is confused too.."Walang ginawang masama ang anak ko at bakit mo paniniwalaan ang babaeng iyan? Mas mabait pa sa Anghel si Alexa kaya imposibleng manakit ito."

"Sir, kung hindi po ang anak niyo一" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita si Miss Diponi.

"Then who assaulted the student in the Clinic, a ghost?" nabigla ako sa sagot niya. "Wala po kayong say sa magiging desisyon ng eskwelahan at huwag po kayong mag-alala mapaparusahan din ang nang-judo sa anak niyo kahit mukha namang hindi siya gaano nainjured. Saniya Beltran will also receive a punishment and it is to do a community service for a week."

Napataas ang kilay ko, gusto kong ngumiti ngayon pero nasa harapan ko sila kaya hindi ko magawa, mukhang naliwanagan ng bahagya si Miss Diponi. O akala niya sasabihin ko ang sikreto niya kung hindi niya paparusahan si Alexandra?

Hinawakan ni Mrs. Ruiz ang kamay ni Miss Diponi.

"I am thankful my daughter is not expelled, thank you Miss Diponi," Mrs. Ruiz smiled at her but she didn't respond a smile, tumango lamang siya.

"Makakaalis na po kayo, at Saniya, ngayon na ang umpisa ng Community Service mo, maaari ka na ring umalis, pagkatapos mo mamaya, mag-uusap tayo," tumango na lang ako at nginitian siya, alam ko kung ano ang maaari naming pag-usapan mamaya, I am thrilled.

I can't believe I am experiencing something like this, I am mindblown.

Pumunta ako sa room ng mga cleaning supplies room at nagpaalam sa assigned sweeper for today na ako na ang magwawalis ng mga damo sa grounds. Kumuha ako ng walis tingting na mahaba at nagsimula nang maglinis.

Actually what happened today is not a bad idea, I got a chance to do a community service for the first time and also be away from the classroom, pakiramdam ko magiging baduy doon.

May kumalabit sa akin, it's a girl, I don't know her, but she looks familiar, too, bakit lahat pamilyar sa akin? Bakit hindi ko sila maalala?

"You are doing a community service din, Saniya?" tanong niya sa akin habang nagwawalis din. She has a beautiful bright eyes and smile, maputi siya at kulay itim ang buhok, hindi ko idedeny na she is pretty.

"Yup, ikaw din ba..." hindi ko alam ang name niya, tiningnan niya ako na para bang nawiweirduhan sa kinikilos ko, tinitingnan ko kasi ang katawan niya kung may pangalan niya or may suot man siyang I.D. "I am sorry, nakalimutan ko ang pangalan mo, sino ka nga ulit? I am sorry," tumawa siya.

"Okay lang, lagi ka namang ganyan, makakalimutin, kahit nga sa classroom, e," she is my classmate? "Si Diana Valdez ito, your classmate."

Diana Valdez?

It sounds familiar, probably because she is my classmate, right?

But, a profile suddenly popped up into my head.

"Did you look up for his past victims?" tanong ko kay Morgan.

He gave me a pile of papers.

"Yes, at ito na yung hinihingi mong mga profiles ng victims, from Acosta, Norman to Valdez, Diana."

"Diana..." I said as I looked at her profile. It's too bad she died in such a young age.

"Kilala mo siya?" nagtataka niyang tanong.

Tumango ako. "Yes, she's my classmate when I was a first-year college student," I said as I sighed. "Let's continue, help me do profiling in order to find some clues and what could be the reason he killed Alexander Ruiz."

Isa siya sa mga biktima ni Grim Reaper and by this time she's probably next.

I hate this dream, I keep seeing dead people alive and well, it's painful. First my father and now my classmate.

"Saniya?" gising ni Diana sa lumilipad kong utak.

Napabuntong-hininga ako dahil sa pagiging uneasy. "Why?" sagot ko habang nakatingin sa kaniya.

"I said are you busy tomorrow? I will be going to a party after dismissal and I am wondering if you would like to come with me."

A party? I've never been in a party before, is it worth a try now?

Naalala ko biglang hindi ako bright student noong freshman ako pero hindi rin ako troublemaker, sabihin na nating normal na estudyante lang ako na ayaw bumagsak pero hindi ganoon kaganda ang nailuluwal na marka, what's the word for that? Petiks petiks lang? I don't know, to be honest, all I do in this time is一 dating.

Shit.

My phone suddenly rang, someone's calling, kinuha ko ito sa bulsa ko and it is from a caller named Babe.

Babe?!

"Babe! Andito ka lang pala!" that voice, that damn voice!

Nilingon ko ang lalaking sumigaw at binati niya ako ng ngiti saka ako niyakap, I tried to getaway but his hug is too tight.

"L-Let go一let go of me!" sigaw ko saka tulak sa kaniya ng malakas.

Ivan Florence Reyes, my cheater ex boyfriend.

"Anong problema, babe?" he asked as he tries to hold my hand but I pushed him away beforehand.

I hate hearing that word, nakakadiring babe!

"May problema ba kayo ni Ivan, Saniya?" tanong ni Diana.

Yes, we have a problem, and I now realized why I don't remember a single thing when I was a first-year college student, it is because of this asshole, Ivan. I want to shout that but I couldn't, I can't tell them I already know he is a cheater.

Ngayon naalala ko na kung bakit nilimot ko ang ilang bagay sa panahong ito, pati iyong school, classroom at mga taong nakasalamuha ko.

9 years ago, or should I say exactly 15 days from now, February 6, 2010, malalaman kong hindi lang ako ang girlfriend ni Ivan, dalawa kami, at ang babaeng iyon ay ang kaibigan kong hindi ko pa nakikita sa ngayon na si Clio, at mabuti na lang hindi ko pa siya nakikita dahil wala akong ideya kung ano ang maaari kong gawin sa kaniya.

And I now understand why I have a three-thousand peso in that envelope with a red heart sticker, it is for this guy, pambili ng monthsary gift ko sa kaniya.

"Babe, anong prob一" I didn't let him open his filthy mouth more.

"Diana, uuna na ako ha? Sabihin ko sayo if pede ako bukas," tiningnan ko si Diana, tumango siya. "Una na ako," I said as I walked away.

"Babe! Saniya!" sigaw ni Ivan, pero hindi niya na ako sinundan pa. He is really an asshole, bakit ko ba sinagot ang mokong na iyon?

I can't believe I had a boyfriend like him, I can't believe it!

He is my first boyfriend and last, not because I couldn't move on but because I have no time for love. Actually I forgot him as soon as my father died, even the memories we had I forgotten all of it because it is not important to remember, that's the main reason.

Maraming lalaking dumaan at nagbalak pero si Morgan lang ang pinapasok ko at nagtagal pero hindi ko pa rin siya kayang sagutin kahit dalawang taon niya na akong nililigawan. I am too busy but he understands it.

Napadaan ako sa clinic and a lot of people are there, para silang may pinapanood na show na hindi ko alam kung palabas ba talaga iyon.

Nakiosyoso ako, I frowned as soon as I saw a woman kneeling in front of a man in Police uniform.

I saw an ambulance leaving also, kakalis lang nito.

What is happening?

"Mrs. Ruiz?" sambit ko nang makita ko ang identity ng babaeng nakaluhod, ito pa rin ang suot niya.

Nag-dadaldalan ang mga tao at dinig na dinig ko ang kanilang mga pinag-uusapan.

"Hindi ba't asawa ni Senatorial Candidate Rolando Ruiz iyan? Si Mrs. Aurora Ruiz?" tanong ng isang babae sa isa pa, they are both students.

Tumango ang kausap niya. "Oo."

"Pero bakit siya lumuluhod?"

"Binully kasi ni Alexandra Ruiz si Girly Castro tapos suka siya nang suka ng dugo at ayon sa nurse sa infirmary baka may internal hemorrhage siya kaya nga may ambulansya dahil itatakbo na sa pinakamalapit na Ospital," sagot nito.

Nagpantig ang tenga ko sa narinig ko, internal hemorrhage? That makes sense, she looked unwell and she even vomitted blood, it is possible she has an internal bleeding.

Dapat ata pinarusahan ko ng mas matindi si Alexandra, wala pa sa kalingkingan ng ginawa ang ginawa nya kay Girly. Nag-iinit talaga ang dugo ko sa mga tulad niya.

"Tatay yan ni Girly 'diba?"

Tiningnan ko ang lalaking nasa police uniform at hindi ako makapaniwala nang maaninag ko ang mukha niya.

Si Detective Sergeant Hermes Castro.

Girly Castro一Hermes Castro, how can I not think they might be related? Pero maraming Castro sa mundo kaya paano ko iyon maiisip agad. I still can't believe this.

Wait... ang nangyayari ngayon ay pamilyar sa akin pero hindi ko alam bakit parang may mali.

"Kahapon, Hunyo 22, 2010, maraming litratong kumalat kung saan ang isang lalaki ay nakaluhod sa isa pang lalaki, napag-alamang ang lalaking nakaluhod ay si Mr. Rolando Ruiz, isa sa mga nominadong Senator at ang dahilan nang kaniyang pagluhod ay wala pa ring nakakaalam, subaybayan一" pinatay ni Papa ang TV, umupo siya sa hapagkainan at nagpatuloy ay pagbabasa ng dyaryo.

"Bakit mo naman pinatay ang TV, Love?" my mother asked, inaayos na niya ang kakainin namin ngayong umaga. "Malakas ang kutob kong mananalo bilang Senator iyang si Ruiz at baka nga rin tumakbo bilang Presidente iyan sa hinaharap, anong sa tingin mo? Mukha namang maayos na indibidwal si Rolando Ruiz kaya," tanong pa niya.

Nag-kibit balikat si Papa. "Hindi tayo makakasiguro dyan, Love, hindi lahat nang nakikita ng mata ay ayun na."

I gulped with the sudden flashback. It was Mr. Ruiz, but why it is now Mrs. Ruiz? I don't get it.

Bigla akong may naramdamang paggalaw sa aking bag na dala. Binuksan ko ito ngunit wala naman kahinahinalang maaaring gumalaw, ang pocket watch lang naman ang nandito pero imposible naman itong kumilos, hindi ba?

Umabot ako hanggang alas-sais sa campus dahil na rin sa conversation namin ni Miss Diponi, she numerously asked how did I know her secret, I didn't tell her truth because if I do she certainly won't believe me.

Nandito ako ngayon sa waiting shed sa may Bus Stop. Wala pa ring tumitigil na bus kaya hindi ko alam kung makakauwi ba ako ng maaga, 6:20PM na rin, sigurado akong kapag lumagpas na ng alas siete mag-aalala na si Mama at Papa.

Nakaupo ako ngayon sa specialized chairs dito. Kinuha ko ang orasan na nasa loob ng bag ko para mas matingnan ito nang mabuti.

I am certain something moved in my bag awhile ago.

Sigurado akong ang orasan na ito iyon, pero bakit?

Nakaharap ko si Grim Reaper sa taong 2019, napatay niya ako, napunta ako sa madilim na lugar na walang kahit ano pagkatapos ay nagising ako na nasa 2010 na.

Habang nasa 2010 maraming bagay na naranasan ko na pero mayroong mga pangyayari rin na hindi nangyari noon, na naiba.

As a detective, I always look for a possible reasons and I thought of a three possible hypotheses

Una baka nakakagawa ang orasan ng hallucination na parang totoo, pangalawa, baka naman makakatravel ka sa subconcious mind mo.

And lastly. "Timetravel, what if I really travelled back in time because of this vintage golden pocket watch?" I ask as I looked at the watch thoroughly.

"Nakuha mo一" hindi ko na hinayaang magsalita pa ang lalaking bigla na lang sumulpot sa tabi ko, kinuha ko kaagad ang wrist niya at inilagay ito sa kaniyang likod, tayo atsaka siya indinapa sa sahig. I know I overreacted but being advanced is better than late.

"Sino ka一" namukhaan ko ang lalaki dahil sa suot nitong coat. "Aren't you the guy at Gardenia Flower Shop? I remember you, why are you following me?" I said as I roam my eyes around to shout for help but I noticed something weird.

The traffic light is still in red and the people on the pedestrian lane aren't waking, or moving to be exact, mukha silang manikin na walang buhay.

"Bakit hindi gumagalaw yung mga tao," bulong ko sa aking sarili.

Anong nangyayari?

"Dahil pinatigil ng Time Deity ang oras para sayo," aniya. Anong pinagsasabi nito? "Kaya pede pakawalan mo na ako, ang sakit kaya... sandali, nakakaramdam na ako ng sakit?" tanong niya sa sarili.

Is this guy crazy?

Also how can someone stop the time? Though it makes sense because right now, everything is stopped, I can't see any single thing moving, I can't feel the wind too, but it's still absurd no matter what. And did he just said deity?

"Are you crazy? And, pardon, a Time Deity you are talking about stopped the time? What a nonsense!" sigaw ko sa kaniya. 

I don't know what is happening but I better run away from this crazy madman.

Pinakawalan ko na siya.

I was about to take a step but he grabs my arm and stopped me.

"Sandali, Saniya," he said that made me look at him.

Hinawakan ko ng aking isang kamay ang kwelyo ng kaniyang coat. "How did you know my name?" I don't remember mentioning it.

"Maaari bang pakinggan mo muna akong mabuti?"

Nang tingnan ko ang mga mata niya nanlambot ako kaya naalis niya ang pagkakahawak ko sa kwelyo niya.

Inayos niya ang coat niya. "Alam kong maraming katanungan sa isip mo ngayon kaya nandito ako para sagutin ang lahat ng 'yon. Nandito ka sa taong dalawampu't libo at sampu para baguhin ang kapalaran mo," tama ba ang narinig ko?

Biglang nanlaki ang mata ko nang makita ko ang pagsulpot ng vintage golden pocket watch sa palad niya, wala na ito sa isa kong kamay.

"H-How did that一" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita siya.

"Alam mo ba kung ano ito?" tanong niya sabay pakita sa akin ng orasan, ano akala niya sa akin bulag?

Itinaas ko ang kilay ko. "That's a vintage golden pocket watch, at paano yan napunta sa kamay mo? Don't tell me nanakawin mo 'yan?"

He sighed bago umiling. "Wala akong balak nakawin ito, at mali ka, Time ito."

"Time is a numeric term for the numbers in the watch, that's called a watch not a time," pagtatama ko sa kaniya.

He facepalmed.

"Binibining Krona, ang hirap kausap nito!" sigaw niya habang nakatingin sa langit, napatingin din ako, wala namang kahit ano.

Baliw ata talaga 'to, pati kanina noong nagtama ang paningin namin habang nasa tapat siya ng Flower Shop bigla na lang niya akong nginitian, kinikilabutan na ako sa kaniya.

Suminghap siya. "Wooooh! Makinig ka, ang tawag namin dito sa Heavenly Realm ay Time, akala mo orasan lang ito ngunit hindi ito basta orasan lang, ito ang dahilan kung bakit ka bumalik sa nakaraan. Binigyan ka ni Binibining Krona, ang deity ng oras, ng pangalawang pagkakataon para mabuhay muli, naiintindihan mo?"

Seryoso ba siya? Baka isa na naman ito sa delusyon ko.

"Nonsense. Bakit ko ba inuubos ang oras ko sayo, akina na iyan," I grabbed the watch from him.

"Paano mauubos ang oras mo kung hindi tumatakbo ang oras ngayon?" tanong niya sa akin, napakunot ako sa sinabi niya. "Tingnan mo ang oras kung gumagalaw," when he said that I looked at the watch and it's not ticking or moving, dahil sa trust issues kinuha ko ang folding phone ko sa bag para manigurado dahil baka sira na naman ang orasan na hawak ko, tiningnan ko kung anong oras na ngunit nakastuck lang ang digital clock sa oras na 6:24PM.

Anong kahiwagaan ito?

"Pinatigil ni Time Deity ang oras dahil alam niyang hindi ka maniniwala kung basta na lang akong susulpot sa harapan mo, pero kahit ata nagawa niyang patigilin ang oras para sayo wala pa ring kasiguraduhang maniwala ka sa mga sinabi ko."

Tiningnan ko siya. "Sino ka ba? Anong kailangan mo sa akin? How can I trust someone with a suspicious looking face like yours?"

"Ang sakit mo namang magsalita, mukha ba akong kahina-hinala? Sa mukha kong ito?" aniya sabay taas ng dalawang kilay.

I glared at him. "I asked, who the hell are you?!" I yelled.

He clenched his jaw, he is probably irritated but I don't give a damn. "Ewan," sagot niya, nalaglag ang panga ko sa sagot niya, my nerves are starting to explode!

I faked a laugh. "Nagtatanong ako ng maayos tapos sasabihin mong ewan?"

"Anak ng..." bulong niya, did he almost curse? Infront of me? "Osige, osige, kung ito ang gusto mo magpapakilala na ako ng maayos," aniya saka bumuntong hininga.

I crossed my arms and directly looked at his eyes.

"Ako ang magiging timekeeper mo," timekeeper? "At ang pangalan ko ay Ewan Ko, ikinagagalak kong makilala ka, Saniya," inilahad niya ang kamay niya sa akin saka ako binigyan ng ngiti.